Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Aralin 3.

Dimensyon ng Pagpapakahulugan ng salita

Narito ang Dimensyon ng Pagpapakahulugan ng Salita.

1. Denotasyon. Ito ang tunay na kahulugan ng salita. Ang karaniwang kahulugan ay


makikita sa diskyunaryo.

Halimbawa:
 Maraming itlog ang mabibili ngayon sa palengke.

Ang salitang itlog ay katumbas ng egg sa Ingles. Ito ay


nanganghulugang lumalabas sa manok o iba pang hayop na nangingitlog.

 Makapal ang aklat na ginamit sa asignaturang ito.

Ang salitang makapal ay katumbas ng thick sa Ingles. Nanganghulugan ito


na lagpas sa pangkaraniwang pahina na dapat taglayin ng isang aklat.

2. Konotasyon. Tumutukoy ito sa sariling pagpapakahulugan batay sa pahiwatig


(implied) ng isang salita. Nagkakaroon dito ng ibang pakahulugan o dagdag na
kahulugan batay na rin sa pagkaunawa ng nakarinig o tumanggap ng mensahe.

Halimbawa:

 Itlog na naman ang nakuha ni Coco sa pagsusulit.

Ang salitang itlog dito ay nangangahulugang bokya, zero ang iskor ni


Coco. Sa madaling salita, wala siyang nakuha o bagsak.

 Makapal ang mukha ng taong iyan. Kahit alam niyang huli na siya sa
klase, pumapasok pa rin nang wala man lang pasintabi.

Ang salitang makapal dito ay nangagahulugang walang kahihiyan o hindi


marunong gumalang.
3. Kontekswal. Ito ang kahulugan ng salita batay sa pagkakagamit ng tao.

Halimbawa:
 Makapal ang bulsa ni Dodong kaya galanteng gumasta.

Ang makapal ang bulsa ay nangangahulugang maraming pera.

 Makapal ang kumot ng mga bata kaya hindi na kailangan ng jacket


kahit narito sila sa Baguio.

Nangangahulugan itong hindi giginawin ang mga bata.

4. Teknikal na Pagpapakahulugan. Sa paggamit ng teknikal, siyentipiko o


bokabularyong talasalitaan, siguradong maiiwasan ang pagkakaiba-iba ng mensahe
sapagkat iisa lamang at tiyak ang interpretasyon ng lahat ng gagamit ng salitang ito
dahil nagtataglay ito ng eksaktong kahulugan.

Saan kadalasang ginagamit ang mga salitang teknikal? Magbigay ng mga


halimbawa ng salitang ito. Isulat sa inyong sagutang papel

You might also like