Aralin 4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Aralin 4.

Mga Barayti ng Wika

Nagkakaroon ng mga pagbabago sa wika batay sa iba‟t ibang


kaparaanan at sitwasyon gaya ng propesyon o pinagkadalubhasaan, lipunan
o kapaligirang kinaaaniban at ginagalawan, pinag-aralan, paniniwala at
maging kultura.

a. Diyalektong Istandard. Ang wikang ginagamit na katanggap-


tanggap sa lahat ng antas ng lipunan lalo na sa mga pormal na
pagdiriwang at usapan, maging sa wikang pampaaralan,
pamantasan, sa tri-media (telebisyon, radio at dyaryo) at sa mga
pagpupulong.

b. Idyolek. Ang ginagamit sa pagpapakilala ng isang tagapagsalita


ayon sa kaniyang kaalaman, karanasan, uri ng wikang ginagamit,
indayog, timbre at katatasan sa pagsasalita kasama na ang mga
naitalagang sariling ekspresyon sa pagsasalita. Kahit hindi mo
nakikita o napapanood nang aktwal ang nagsasalita, makikilala mo
siya ayon sa kaniyang mga binitiwang salita.

c. Diyalektong Pampook. Mga salitang nagkakaiba-iba dahil sa


pook na pinagmulan at gumagamit.

Halimbawa: Amorgoso ang tawag ng Batangueňo sa ampalaya ng Bulacan.

d. Diyalektong Pamanahon. Wikang nagbabago dahil na rin sa pag-


unlad ng tao kasabay ng kanyang panahon. Sa ating kasalukuyang
pakikiniig sa panahon ng makina at robot, ang kahulugang salita
ay nagbabago batay na rin sa pangangailangan ng tao.

Halimbawa:
Noon Ngayon
pinaparaluman minamahal
iniirog iniibig
Kay rikit maganda
minindal meryenda

e. Diyalektong Sosyal o Panlipunan. Ginagamit ayon sa antas ng buhay.

Halimbawa:
Sasakyan ang tawag ng isang pangkaraniwang tao sa kotse.,
Wheels naman ang sambit ng mga sosyal o angat sa buhay.

Galis ang tawag kapag pangkaraniwang tao ang


may sugat-sugat sa balat, Skin asthma
naman kapag naka-aangat sa buhay.

Basahin: Epistemolohiyang Filipino sa Karunungang Filipino.


Ni B. S. Abadilla (Para sa talakayan)

You might also like