Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Jnm 76COLEGA

COLEGA- means friend, kaibigan, kasama


UN-United Nations- samahan ng mga bansa nagkakaisa
HR- Human Rights- Karapatang Pantao
UDHR-Universal Declaration of Human Rights

-ang mga karapatang ng bata ay batas upang protektahan tayo at hayaan tayong gawin ang bagay at
maging masaya
- karapatang mabuhay, mamuhay ng malaya at maging ligtas
-pagrespeto o pagtrato sa mga tao nang may kabutihan at paggalang
-lahat tayo ay ipinanganak na may dignidad at mga karapatan
-lahat tayo ay may sariling saloobin at kaisipan
-may karapatan tayong magpasya, isipin ang gusting isipin at ibahagi an gating ideya sa iba

KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY
ARTIKULO 1- Lahat tayo ay ipinanganak nang malaya at may pantay-pantay na dignidad at mga
karapatan.Lahat tayo ay may iniisip at mga ideya. Dapat pare-pareho ang pagtrato sa atin
SA ATING LAHAT ANG MGA KARAPATANG PANTAO
ARTIKULO 2- Para sa lahat ang mga karapatang ito, anuman ang pagkakaiba-iba natin
KARAPATANG SA BUHAY, KALAYAAN AT KALIGTASAN
ARTIKULO 3- Lahat tayo ay may karapatang mabuhay, at karapatang mamuhay nang malaya at ligtas
PROTEKSYON LABAN SA DISCRIMINASYON
ARTIKULO 2- Mayroon kang karapatang maprotektahan laban sa diskriminasyon, hindi tayo
puwedeng tratuhin nang masama ng iba dahil sa kulay ng balat, kasarian o relihiyon o kung nagsasalita kayo ng
ibang wika o kung may kapansanan kayo o dahil mayaman o mahirap kayo.
ARTIKULO 23- Kung mayroon kang kapansanan sa isip man o sa katawan, mayroon kang karapatang makatanggap
ng espesyal na pangangalaga at edukasyon para tulungan kang lumaki at magkaroon ng kompletong buhay
ANG KARAPATANG MAPABILANG SA PAMILYA
ARTIKULO 16- Mayroon kang karapatang magpakasal at magsimula ng pamilya. Hindi ka puwedeng puwersahin ng
kahit sino na magpakasal. Ang pamilya ay ang saligan bahagi ng lipunan at dapat itong protektahan ng pamahalaan
ARTIKULO 9- Ikaw ay may karapatang palakihin ng iyong mga magulang maliban kung hindi ito ligtas o kung hindi
ito posible
ARTIKULO 20- Mayroon kang karapatan sa espesyal na proteksyon at tulong kung hindi puwedeng kasama mo sa
bahay ang iyong mga magulang
KALAYAAN SA RELIHIYON O PANANAMPALATAYA
ARTIKULO 18- Ang lahat ng tao ay ,may karapatang paniwalaan ang kahit anong gusto natin. Lahat tayo ay may
karapatang magkaroon nh relihiyon at baguhin itop kung gusto natin
ARTIKULO 14- Ang mga bata ay may karapatang mag-isip at maniwala sa kung ano ang gusto nila, at isabuhay ang
kanilang relihiyon hanggat hindi nila pinipigilan ang iba pang tao sa pagsasabuhay ng kanilang mga karapatan. Dapat
gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa usaping ito.
KALAYAANG MAGPAHAYAG
ARTIKULO 13- Mayroon kang karapatang tumuklas ng mga bagay at ibahagi sa iba ang mga naiisip mo, sa
pamamagitan ng pagsasalita, pagdrawing, pagsusulat, o sa anumang paraan-maliban kung sinisira nito ang mga karapatan
ng ibang tao o ang reputasyon nila
ARTIKULO 19- Lahat tayo ay may karapatang magpasya, isipin ang gusto nating isipin, sabihin ang naiisip na at
ibahagi sa anumang paraan an gating mga ideya sa ibang tao, kabilang ang mga nasa ibang bansa
ANG KARAPATANG TANGGAPIN BILANG TAO
ARTIKULO 6- Mayroon kang karapatang matanggap kahit saan bilang tao ayon sa batas
ANG KARAPATAN SA PANGALAN AT REHISTRASYON
ARTIKULO 7- May karapatan kang maitala ang iyong kapanganakan ayon sa batas
ANG KARAPATAN SA PANGALAN AT NASYONALIDAD AT PAMILYA
ARTIKULO 8- Dapat igalang ng pamahalaan ang iyong karapatan sa pangalan, nasyonalidad at ,mga ugnayan
sa pamilya
PROTEKSYON LABAN SA CHILD LABOR
ARTIKULO 32- Dapat kang proteksyunan ng pamahalaan sa pagsasagawa ng trabahong mapanganib sa iyong
kalusugan o paglaki, nakasagabal sa iyong pag-aaral o baka magbibigay –daan sa mga taong
samantalahin ka
KARAPATAN SA MAGANDANG TRABAHO
ARTIKULO 23- May karapatan kang magtrabaho, pumili ng trabaho at magtrabaho sa magagandang kondisyon
KARAPATANG MAKAPAG-ARAL
ARTIKULO 26-Mayroon kang karapatang pumasok sa paaralan. Dapat malaya kang makapag-aral ng
propesyon omaipagpatuloy ang iyong pag-aaral sa abot ng iyong kakayahan
ARTIKULO 28- May karapatang makapag-aral ang mga bata
ARTIKULO 29-Dapat kang ihanda ng edukasyon para sa buhay

You might also like