Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 9

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Masusing Banghay Aralin sa

I. Layunin Filipino 9
• Natutukoy nang maayos ang buod ng nabasang akda sa pamamagitan ng pagbuo ng story
ladder;
• Napagtitibay ang katangian ng mga pangunahing tauhan sa pamamagitan ng pagpuno ng isang
graphic organizer;
• Naisasaisip at naisasaloob ang kahalagahan ng mga tinalakay.
II. Paksang Aralin
Paksa: Uhaw ang tigang na lupa ni Liwayway A. Arceo
Sanggunian: Magracia, Emma B. et al 2008. Mabisang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Valenzuela City. Mutya Publishing House
Kagamitan: Visual Aids, Powepoint Presentation
III. Pamaraan
• Panalangin
• Pagbati
• Pagtala ng Lumiban
Gawain ng Guro Gawain ng Estudyante
Tumayo tayong lahat at iyuko ang (mananalangin)
ating mga ulo tayo’y mananalangin

Magandang umaga sa inyong lahat Magandang umaga din po Bb. Dulce


Maaari na kayong maupo. Maraming Salamat po.
Pag binanggit ko ang inyong pangkat
sabihin ninyo kung sino ang lumiban Wala pong lumiban sa aming pangkat
sa araw na ito.
Ikinagagalak kong marinig sainyo na
walang lumiban sa ating talakayan
ngayon.
B. Balik Aral
Bago tayo dumako sa ating susunod
na aralin ay nais ko muna kayong
tanungin kung ano ang ating paksang
pinag-aralan kahapon.
Ano nga ba ang ating tinalakay Ang paksang ating tinalakay kahapon ay patungol sa
kahapon? maikling kuwento.
Mahusay!
Ano ang kahulugan ng maikling Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay
kuwento? isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may
iisang kakintalan o impresyon lamang.
Magaling!

Anu-ano naman ang mga elemento ng


Mga Elemento ng Maikling kwento:
maikling kuwento at ibigay ang
Panimula-Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga
kahulugan nito?
mambabasa.
Saglit na Kasiglahan- Nagpapakita ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa problema.
Suliranin-Problemang haharapin ng tauhan.
Tunggalian- May apat na uri: tao vs. tao, tao vs. sarili, tao vs.
lipunan, tao vs. kapaligiran o kalikasan.
Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan-Tulay sa wakas.
Wakas-Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga
aksyon o mga insidente, gayundin angpanahon kung kailan
aganap ang kuwento.
Mahusay! Paksang Diwa- Mensaheng inilalahad ng maikling kwento
Ngayon naman ay dadako tayo sa
ating susunod na aralin pero bago yun
ay mayroon muna akong ipapakitang
mga larawan sa inyo.
C. Pagganyak
Ipinaskil ng guro ang mga larawan sa
pisara.

Ano ang nakikita ninyo sa mga


larawan? Larawan ng isang pamilya po.
Tama! Ang unang larawan ay isang
pamilya.
Maliban sa pamilya ano pa?
Mahusay! Ito ay isang malungkot na Larawan ng isang malungkot na bata.
bata.
Ano naman ang nakikita ninyo sa
pinakahuling larawan? Larawan ng isang orasan.
Magaling! Ito ay isang orasan.
Kahapon ay binigyan ko kayo ng
takdang-aralin at ito ay ang basahin
ang kuwentong Uhaw ang tigang na
Lupa ni Liwayway A. Arceo. Klas binasa
niyo ba? Opo mam!
Magaling! Ngayong araw ay
tatalakayin natin ang binasa ninyong
teksto ngunit bago tayo dumako sa
kuwento ay papalawakin muna natin
ang ating mga talasalitaan upang higit
nating maintindihan ang kuwento.
Nagkakaintindihan ba tayo?
(ipiprisinta ng guro ang mga salita na
siyang bibigyan ng kahulugan.)
D. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Piliin sa hanay B ang
kahulugan ng salitang may salungguhit
sa hanay A. Isulat ang titik at buong
salita ng tamang sagot sa patlang.
A. Tamang sagot
1.Di ko namalas ang pagkagat niya sa e.nasisilayan
kanyang labi.
2. Ang bata kong puso ay tigang na a.tuyo
lupang uhaw na uhaw.
3. Sapat na ang panakaw na sulyap ni b.tingin
ama.
4. Hinihilamusan siya ni ina ng c.maligamgam
malahiningang tsaa.
5. Nakuha niya sa isang lukbutan ng d.bulsa
Amerikana ni Ama.
B.
a. tuyo
b. tingin
c.maligamgam
d.bulsa
e.nasisilayan
( tatawag ang guro ng mga mag-aaral
na sasagot ng gawain)
Naintindihan naba ninyo ngayon ang Opo aming guro
mga salita?
Magaling! Ang mga salitang ito ay may
malaking maitutulong upang higit
nating maunawaan ang kuwento.
E. Paglalahad
Ang kuwento na ating tatalakayin
ngayon ay ang Uhaw ang Tigang na
Lupa ni Liwayway A. Arceo. Ang
pinakaunang maikling kuwento na
naisulat ni LA na nanalo ng ikalawang
gantimpala sa Pinakamabuting
Maikling Likha noong 1943. Ito ay
napapatungkol sa isang pamilyang
uhaw sa pagmamahal.
Ngayon ay dumako na tayo sa
pagtalakay sa kuwento, gamit ang mga
larawan sa pisara ay nais kong isaayos
ninyo ito sa pinakasimula na
pangyayari hanggang sa wakas.
Nagkakaintindihan naba tayo?
Opo aming guro.
(Tatawag ang guro ng mga mag-aaral
upang simulan ang pagsasaayos ng
mga pangyayari batay sa mga larawan)
Mahusay! Ang mga larawang iyan ay
may kinalaman sa mga talatang
nakapaloob sa tekstong ating
babasahin ngayon.
Pakibasa ang unang talata. Ilang gabi nangako ang kapiling niya sa higaan.
Tila musmos akong dumara sa init ng kanyang
puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa
malalim na paghinga niya, sa kanyang
malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay
paghikbi.

Magaling! Ano ang nais ipahiwatig na


awtor sa unang bahagi ng kuwento?
Ipinapakita sa unang bahagi ang naiibang kilos ng kanyang
ina sa kuwento na ipinahihiwatig ang hindi pag-imik at tila
ba may tinatagong kalungkutan na nadarama niya sa
kanyang puso na pilit na kinikimkim at tinatago sa anak.
Nabanggit din ni Liwayway Arceo ang ibig sabihin ng
Mahusay! pamagat.
Ano ang ibig sabihin ng pamagat na
“Uhaw ang Tigang ng Lupa”, ayon sa
unang bahagi ng kuwento? Ito ay pangungulila sa isang minamahal o pagmamahal,
kawalan ng atensyon at komunikasyon bilang mag-anak.
Tama! Inilalarawan ng anak ang
nagyayari sa kanyang mga magulang
na kahit buo sila di naman siya
nabibigyan ng atensyon sapagkat
napapansin niyang may suliranin ang
kanyang mga magulang dahil hindi
nag-iimikan at di nakikitaan ng
pagmamahal sa isat-isa.
Ngayon ano ang sumunod na
pangyayari pakibasa? (tatawag ng Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang
mag-aaral ang guro) idinudulot ng isang amang nagsasalaysay
tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa
magagandang ada at prinsesa ng isang
nagmamasid at nakangiting ina ng isang
pulutang nakikinig na magaganda at
masasayang bata.
Tama!
Ano ang nais ipabatid ng talata? Ipinahihiwatig sa talatang ito ang pagmamahal na hinahanap
ng bata na wala sa kanilang tahanan, kung saan ay hindi
normal ang kinikilos ng kanyang magulang kumpara sa ibang
Magaling! pamilya na gusto niyang maranasan din.

Bakit sinasabing hindi naging normal Dahil hindi po nagpapansinan ang kanyang mga magulang.
ang kinikilos ng kanyang mga
magulang?

Mahusay! Ngayon ano ang sumunod


na pangyayari sa kuwento pakibasa? Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay
(tatawag ng mag-aaral ang guro) nagbigay sa akin ng hindi gaanong pagtataka.
May isang kahitang pelus na rosas at isang
salansan ng mga liham. Maliit at mga bilugang
titik bughaw na tinta sa pangalan ni ama sa
kanyang tanggapan ang mga nasa sobre. Ang
larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang
biglang pagkapoot sa kanya at sa mga
sandaling yaon ay natutuhan ko ang
Mahusay! maghinanakit sa ama.

Ano ang laman ng kahitang pelus na Ang larawan ng kahitang pelus na rosas ni ama ay isang
rosas? larawan ng babae.

Tama!
Sino ang babae sa larawan? Siya ang kalunya ni ama at siya rin ang dahilan kung bakit di
magawang maging masaya ni Ina.
Tama! Ang mga salansan ng liham at
larawan sa kahitang pelus ni ama ay
galing sa kanyang kalunya na labis
niyang minamahal kaysa sa kanyang
tunay na asawa.
Ano ang sumunod na pangyayari sa Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang
kuwento pakibasa? kaligayahan ko.
Kinagat ni ina nang mariin ang kanyang labi at
nang siya’y mangusap ay hindi ko maintindihan
Magaling! kay ina ang tinig na yaon maangkin muna mahal
ko.

Bakit nagawa ng ina na magpanggap Kahit na masakit sa kalooban ng ina ang pagpapanggap na
na siya ang kalunya ng kanyang siya ang minamahal ng asawa ay nagawa parin niyang
asawa? dugtungan ng mga salita ang kahilingan ng asawa dahil alam
niyang iyon lamang ang maaring makapagpasaya sa
naghihingalong asawa ng mga oras na iyon.
Mahusay!

Kung ikaw ang nasa katayuan ng ina,


kaya mo bang magsakripisyo para sa
iyong mahal sa buhay kahit alam mong
masasaktan ka? Bakit? Ou, dahil ayoko makita ng aking anak na mahina ako.

Tama !
Ano na ang sumunod na nagyari
pakibasa? Ang init ng mga labi ni ina ang kasabay ng
kapayapaang nanahanan sa mga labi ni ama at
nasa mga mata man niya ang ilaw ng
Magaling! pagkabigo.
Ano ang nais ipahiwatig ng talata?
Pagkatapos marinig ng asawang may malubhang sakit ang
mga katagang binanggit ng ina ng bata ay ilang saglit lang
itoy binawian na nang buhay, bakas man sa mata ng ina ng
batang babae ang sakit na naidulot ng katotohanan na
pagkatapos nang lahat ay may iba paring hinahanap at
Mahusay! Binawian nga ng buhay ang minamahal ang kanyang asawa.
ama dahil di na niya kinaya ang
kanyang sakit. Ngunit namayapa ito ng
may galak sapagkat nakamit na niya
ang Kalayaan nan ais niyang makuha
noon pa.
Ngayon bilang panghuli ano ang
nagging wakas ng kuwento pakibasa?
(tatawag ang guro ng mga mag-aaral) Sa pagdurugtong sa isang buhay na wala nang
luhang dumadaloy sa mga iyon. Natitiyak niya
Tama namayapa ang ama nang ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa.
matiwasay sapagkat siya’y naging
Malaya na.

Ngayon may mga katanungan paba


kayo tungkol sa kuwento?
Okay kung wala na ay dumako na tayo Wala na po.
sa susunod na gawain.

F. Paglalapat
Pangkatang gawain(hahatiin ang klase
sa tatlong pangkat)
Bawat grupo ay pagtitibayin ang
katangian ng pangunahing tauhan sa
kuwento sa pamamagitan ng pagpuno
sa graphic organizer. (Bibigyan lamang
sial ng limang (5) minute para tapusin ina
ang gawain pagkatapos iuulat ng
bawat pangkat ang kanilang ginawa)
Narito ang paraan ng pagtataya ng
kanilang ginawa.
Organisasyon ng mga ideya 35%
Presentasyon 35%
ama Pamilya anak

Pagkakaisa ng bawat grupo 30%

Kabuuan:100%
( Mag-uulat ang bawat pangkat sa
pisara upang ipresenta ang kanilang problema
gawain)

G. Paglalahat
Sa kabuuan, ang uhaw ang tigang na
lupa ni Liwayway A. Arceo ay isang
akdang napapatungkol sa isang
pampamilyang suliranin na kung saan
ang anak na dalagita ay naiipit sa
sitwasyon ng kanyang mga magulang.
Sinasabi sa kuwento na ang relasyon
ng ama’t ina ay nagkalamat bung ana
rin ng pagtataksil ng ama sa kanyang
asawa.
IV. Pagtataya
Kumuha ng isangkapat na pael at sagutin ang katanungang ito.
Para sa iyo ano ang ibig ipabatid ng ama sa kanyang pahayag na “ huwag kang palilinlang sa simbolo ng
iyong kalooban, ang unang tibok ng puso ay hindi pag ibig sa tuwina”?
Ipaliwanag nang maayos.
V. Takdang Aralin
Bilang takdang-aralin, sa isang kalahating papel bumuo ng sanysay na napapatungkol sa relasyon mo sa
iyong pamilya.
Masusing
banghay-
aralin sa
filipino 9
Inihanda ni: rhea a. dulce (lpt)

You might also like