Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Si Bb.

de la Rosa ay nagtuturo ng animnapung


estudyante ngunit may isang batang may
kaitiman, sarat na ilong at makapal na labi ang
nakaagaw ng kanyang pansin. Leoncio Santos
ang pangalan ng batang ito. Si Leoncio ay hindi
kagaya ng kanyang mga kaklase, mag-isa siya
palagi at hindi siya masyadong nakikipaglaro
sa kanila. Magaling siya sa klase ngunit siya’y
hindi nangunguna sa kadahilanang may mga
panahong ang atensyon nito ay wala sa
paaralan. Isang araw, lumiban si Leoncio dahil
siya ay nahilo. Sa sumunod na araw, kinumusta
siya ng kanyang guro at pinagsabihang kumain
ng maraming gulay at itlog. Sa isang
pagkakataong nakita ni Bb. de la Rosa na sa
panahon ng pananghalian ay walang kinakain
si Leoncio at tila tinitingnan lamang nito ang
pagkain ng iba ay napag – alaman niyang
palaging walang baon ang isa sa kanyang mga
estudyante. Pagkalipas ng ilang buwan, wala
pa ring pagbabago kay Leoncio. Nang lumiban
sa pasok ang bata ng halos limang araw ay
binisita siya ng kanyang guro sa kanilang
tahanan. Nakilala ni Bb. de la Rosa ang ina ni
Leoncio at nakita niya rin ang tunay na
kalagayan ng bata.

You might also like