Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 55

SIPI

NG MGA

AKDANG

PAMPANITIKA

N SA

FILIPINO 11

1
TALAAN NG NILALAMAN

Book 2 Modyul 69 Mitolohiya


Mitolohiya # 1 Mga Mirakulo Sa Bundok Ng

Parnasus

(Griyego)

Mitolohiya # 2 Ang Diyos Ng Araw At Ang

Walang

Kamatayan (Romano)

Mitolohiya # 3 Si Dagda, Ang Mabuti (Ireland/

Scotland)

Mitolohiya # 4 Manco Capac at Mama Ocllo Huaco:

Mga Anak ng Araw (Peru)

Mitolohiya # 5 Sagbata At Sogbo: Magkapatid O

Magkatunggali (Persia)

Book 2 Modyul 70 Epiko/Maikling Kwento


Epiko # 1 Awit ni Rolando (mula sa

espanya)

Epiko # 2 Kamusmusan ni Hiawatha

(Amerika)

Maikling Kwento # 1 Eveline (Amerika)

2
Book 3 Modyul 71 Parabula
Parabula # 1 Ang Asarol (Buddha)

Parabula # 2 Ang Damo at Ang Trigo (Mat. 13:24-

30)

Parabula # 3 Ang Gutom na Aso (Buddha)

Parabula # 4 Ang mga Bulag at Ang Elepante

(Buddha)

BOOK 3 Modyul 72 – Tula


Tula # 1 The Touch of the Master's Hand

ni Myra B. Welch

Tula # 2 Soneto 64 ni William Shakespeare

Tula # 3 Elehiya Para sa Dambuhalang

Pawikan

(Elegy For The Giant Tortoises)

Tula # 4 Hele ng Ina sa Kanyang Panganay

salin sa Ingles ni Jack H. Driberg at

isinalin naman sa Filipino ni Mary

Grace A. Tabora

BOOK 3 Modyul 73 – Sanaysay

Sanaysay # 1 Kay Estella Zeechandelaar

3
Sanaysay # 2 Ang Daigdig ng Akon i Keaboka

Nyumbu (Massachesets)

Sanaysay # 3 Home Sweet Home ni Ellen White

(Amerika)

Sanaysay # 4 Gabi ng Taglagas ni Viggo

Stuckenberg (Denmark)

BOOK 4 Modyul 74 - Dula

Dula # 1 Ang Trahedya ni Hamlet, Prinsipe

ng

Dinamarka (Denmark)

Dula # 2 Anim na Tauhang Naghahanap ng

Isang

Mangangatha mula sa Italya

BOOK 4 Modyul 75 - Nobela

Nobela # 1 Mga Talulot na Dugo (mula sa

Africa)

Nobela # 2 Don Quixote (mula sa Espanya)

4
Modyul 70 Epiko
Epiko # 1

Awit ni Rolando (Espanya)


mula sa aklat na Hiyas ng Lahi 10

Ang labanan ay kahindik-hindik at puno ng lumbay

Nakikidigma nang buong kagitingan si Oliver at Rolando

Ang Arsobispo, sandamakmak na dagok ang sa kalaban ay alay

At ang Labindalawang Marangal na hindi umuurong, ay lumulusob din

Ang mga Pranses kapit ang isa’t isa sa pakikidigma

Daan-daan, libo-libo ang sa mga pagano ay nagagapi

Ang sinumang di tumakas ay di maililigtas ng kamatayan

Sa ayaw at sa gusto nila doo’y lilipas ang araw

Sa lugar ding yaon mauubos mapupuksa nang walang duda ang Hukbo ng

Pranses

At hindi na muling makikita ang mga ama’t kamag-anak

O di kaya’y si Charlemagne na pumupuntirya sa kanila

Karima-rimarin na dusa ang mapapasa-Pranses

Nagngangalit ang paligid, karimlan at kidlat

Matinding pag-ulan, pagbagsak ng nyebe’y di matutularan

5
Tila matinding guhit ng kidlat, pabulusok, nakakayanig

Ngunit sa katotohana’y pagdagundong ng lupa

Mula sa San Miguel ng Perils patungo sa mga Santo

Sa Besancon hanggang sa pantalan ng Wissant

Walang buhay ang nakaligtas sa hagupit ng digmaan

Sinaklot ng kadiliman ang buong kapuluan

Kung liwanag ma’y sisila’y mula sa kalangitan

Walang sinuman ang makakatunghay nito na hindi mahihintakutan

At marami ang magwiwika: “Ito na ang araw ng paghuhukom.

Katapusan! Ang araw ng paghuhukom ay parating nasa atin!”

Hindi nila alam, di sinasambit ang katotohanan:

Magluluksa ang sambayanan sa napipintong kamatayan ni Rolando

At winika ni Rolando: “Madugo ang labanang ito. Gagamitin ko na ang

tambuli. Maririnig ito ni Charles.”

Sambot ni Oliver: “Walang marangal na mandirigma ang gagawin niyan.”

Nang sabihan kita kaibigan na gamitin ito, hindi mo naisip na ito ang tamang

gawin.

Kung nandito si Charles, magtatagumpay tayo.

Ang mga sundalong nagapi ay hindi sisisihin.”

Nasabi pa ni Oliver: “Ngayo’y nakikita ko na ang marangal na kapatid ni

Aude.

Hindi mo na siya makakapiling muli.”

Ang tugon ni Rolando: “Bakit ka nagagalit sa akin?”

Wika ni Oliver: “Kaibigan, kasalanan mo ito. Pakinggan mo

6
Ang mabuting sundalo ay nakikilala sa matalinong paghuhusga at hindi sa

kahangalan ang pag-iwas ay higit pa sa pagiging baliw”

Mga sundalong Pranses ay nasawi sanhi ng iyong kahangalan kaya’t wala

nang magagawa pa para sa atin si Charles

Kung nagtitiwala ka sa akin, disin sana’y narito ang panginoon

Napagtagumpayan sana natin ito hanggang kamatayan

Ang katunggaling si Marsolin ay mamamatay o di kaya’y bihag natin.”

Rolando – ang kagalingan mo’y hindi naipamalas

At ngayon magbunying kaibigan, nasaksihan natin ang kinahantungan

Wala nang dudulog pa sa atin sa ngalan ni Charlemagne

Na makahihigit pa hanggang sa Araw ng Paghuhukom

Makikitil ang buhay mo at ang kamatayan mo’y kahihiyan sa Pransya

Pinanghawakan natin ang pananalig sa isa’t isa

At ang lahat ng ito’y magwawakas sa araw na ito”.

Bago dumilim ay maghihiwalay tayo, hindi ito magiging madali.”

Naulinigan ng Arsobispong si Turpin ang salitaan

Dala ang kabayo at sandatang may gintong taglay

Nagtungo sa kanilang kinaroroonan: upang itama ang lahat.

“Ikaw, kamahalang Rolando at kamahalang Oliver.”

Ipinakikiusap kong huwag nang magtalo

Totoong hindi na makatutulong ang paggamit sa tambuli

Ngunit, mainam pa rin naming gawin kaysa hindi

Hayaang dumating ang Hari – at ipagtanggol tayo

Di dapat umuwing nagdiriwang ang mga tao ng Espanya!”


7
Mga kapanalig na Pranses ay sasaklolo

Matatagpuan tayong wala nang buhay, pira-piraso

Ilalagak tayo sa ating kabaong dala ng mga kabayo

Sila’y mananangis, magngangalit sa labis na sama ng loob at kalungkutan

At tayo’y malilibing sa bakuran ng simbahan.

Hindi tayo makakain ng lobo, baboy o aso.”

Tugon ni Rolando: “Napakahusay ng iyong tinuran aking kamahalan.”

At inilagay ni Rolando sa kanyang nguso ang tambuli

Inayos, pinagbuti at hinipan nang ubos lakas

Mataas ang mga burol kaya’t tiyak na tinig malayo ang mararating

Narinig ang alingangaw na may tatlumpong legwas ang layo.

Narinig ni Haring Charles at ng kanyang mga tauhan

Nasabi ng Hari: “Ang ating mga manidirigma’y nasa labanan.”

Ngunit, pinasubalian ito ni Ganelon at nagwika:

“Kung ito’y sinambit ng iba, ituturing ko siyang sinungaling!”

At ngayon, ang pagsisikap ng kamahalang si Rolando:

Matindi man ang sakit na nararamdaman, hinipan niya ang tambuli

Mula sa kanyang bibig ay sumilay ang dugo

Mga ugat sa noo’y nangag-alsahan

Ang tambuli na nasa kamay ni Rolando, ay may kakila-kilabot na tunog

Narinig ni Haring Charles ang tunog ng tambuli

Narinig din ni Haimon, nakinig ang mga Pranses

At ang wika muli ng Hari: “Naririnig ko ang tambuli ng kamahalang si

Rolando

Di niya ito hinihipan kung wala siya sa digmaan.”


8
Wika ni Ganelon: “Tigilan ang usapan tungkol sa digmaan!”

“May edad ka na, kulay pilak ang buhok

Ang mga sinasambit mo’y tila nanggagaling sa isang batang paslit

Kilala mo si Rolando at ang kanyang hangal na prinsipyo –

Nakapagtatakang hinahayaan lamang ito ng Panginoon!

Naalala mo ba? Nang kinubkob niya ang Noples na walang utos galing sa

iyo?”

“Ang mga Saracena’y nakipagmook upang pigilan ang pananakop

Nakipagtunggali sila sa mandirigmang si Rolando

Matapos ang laba’y naghugas ng kamay sa batisan

Mula sa tagong lugar nang di mamalayan ng sinuman

Maghapon niyang hinipan ang tambuli upang manghuli lamang ng kuneho”

Ngayo’y nagyayabang siyang muli sa harap ng kanyang mga kapanalig

At naghahamon kung sino ang nais na humarap sa kanya sa labanan?

Kaya’t ngayon, sakay na! “Ano ang pumipigil sa iyo na gawin ito?”

Ang lupain ng ating kanunu-nunuan ay malayo pa rito

Ramdam na ni Rolando ang kanyang kamatayan

Sa dalawang tenga’y tila lalabas na ang kanyang utak

Nanalangin sa Diyos para sa mga kasamahan: sana’y tangkilikin sila

At para sa sarili, ang anghel na si Gabriel.

Kinuha muli ang tambuli: wala nang urungan! Sa kabilang kamay, pwesto ng

sandatang Durendal

9
Higit sa pinakamalayong alpas ng palaso

Tinungo niya ang lupain ng Espanya, sa inararong lupa

Inakyat ang burol at sa ilalim ng dalawang punong pino

May makikitang apat na naglalakihang bato, lahat tila marmol

At tumimbuwang siya sa lupa, sa luntiang damuhan

Nawalan ng malay tao sapagkat nalalapit na ang kamatayan

Mataas ang mga burol, matatayog ang mga puno

Doo’y nakatirik ang apat na naglalakihang bato, kumikinang ang

pagkamarmol

Ang kamahalang si Rolando ay hinimatay sa luntiang damuhan

At sa lahat ng oras na ito’y nakatunghay ang isang Sarasena

Na naligtasan ang kamatayan at nakahimlay kasama ng iba pa

May bahid ng dugo sa kanyang mukha at katawan

At simbilis ng kidlat – tumayo at tumakbo

Makisig na lalaki, matapang, matipuno at baliw sa karangalan

Na gagawa ng kahangalan at mamamatay para dito

Hinawakan si Rolando at sa mga bisig ni Rolando

Ay nagsumigaw: “Nagapi na ang pamangkin ni Charles!”

Dadalhin ko ang sandatang ito pauwi sa Arabia!”

Nang tangkain na kunin ang kanyang sandata, ang kamahalan ay bumalikwas

Naramdaman niyang may kumukuha sa kanyang sandata.

10
Nagmulat ng mata at nagwika:

“Hindi kita kilala, hindi kita kakampi.”

Hinawakan ang tambuli na lagi niyang dala

At pinuntirya ang kalaban sa sandatang may ukit ng ginto

Nadurog ang bakal, ulo pati na ang buto

Lumuwa ang mata mula sa kanyang mukha

At itinapon ang nakahandusay na bangkay

Wika ni Rolando: “Sino ka man! Tampalasang naglakas ng loob

Na kantiin ako – tama man o mali: paano?

Ang sinumang makinig ay di makapipigil na tawagin kang baliw?

Nawasak ang nguso ng tambuli

Nalagas ang taglay na Kristal na hiyas at ginto

Ngayo’y nagdidilim na ang paningin ni Rolando

Lumuhod at humugot ng natitirang lakas

Tinakasan na ng kulay ang kanyang mukha

Sa harapan niya’y may makikitang bato, isang maitim na bato

Sa galit at ngitngit sa pagkabigo ay hinagupit ng sampung beses

Gumiyagis ang talim ng sandata, ngunit di nawasak, nanatiling walang

gasgas

“Ah!” ang namutawi kay Rolando: “Nawa’y tulungan ako ng Birheng Maria!

“Ay Durendal, matapat na sandata: hindi mapalad ang araw na ito”

Nagapi ako at hindi na kita mapapangalagaan

Ang mga labanang napagtagumpayan ay dahil sa tulong mo

Ang mga lupaing kinubkob mo at kinaroroonan sa kasalukuyan


11
Na si Charles ang namumuno, ang ating Hari, na kulay pilak ang balbas

Ngayo’y mapapasakamay ng iba na dapat ay hindi

Hindi ito dapat mapunta sa isang mandirigmang tatakas kapag tinutugis na

Sa napakahabang panahon, isang magiting na mandirigma ang nagmay-ari sa

iyo

Wala itong makakapara sa banal na lupain ng Pransya.”

Ang kamahalang si Rolando ay humagupit muli ng isang malaking bato

At nagkalasug-lasog ang bato at di ko inaasahan

Gumiyagis ang talim ngunit di nawasak ang Durendal

Tumilapon ang sandata patungo sa kalangitan

Nang makita ni Rolando na hindi mawawasak ang Durendal

Sa mahina at nakapanlulumong boses ay nagwika:

“Ah, aking Durendal, kaaya-aya at banal

Ang mga relikong banal nasa iyong puluhan!

Ngipin ni San Pedro at dugo ni San Basile

Ilang hibla ng buhok ni San Denis

At piraso ng roba ng Mahal na Birhen

Nawa’y di mapasakamay ng mga pagano ang inyong kapangyarihan

Dapat kang paglingkuran ng mga mandirigmang Kristiyano”

Wala sanang duwag na hahawak sa iyo

Sapagkat sa piling mo napasakamay ko ang naglalawakang lupain

Na ngayo’y nasa pamamahala ni Charles na kulay pilak ang balbas

Ang mga lupain ng Emperador ang nagpapayaman at nagpapalakas sa Kanya

Ngayo’y dama na ni Rolando ang pagsundo ng kamatayan


12
Kamatayang nararamdaman nang mahinang puso

Nagtatakbo siya sa ilalim ng punong pino

At doon, napalugmok, napadapa sa luntiang damo.

Sa ilalim niya ang kanyang tambuli at sandata

At tumunghay muli sa Sarasena

At dahil dito, hiling ng puso niya na sana’y

Lahat ng kanyang magigiting na tauhan at si Haring Charles ay magwika:

Siya’y namatay na isang mandirigmang maraming nasakop!

Nangungumpisal, kinakapa ang dibdib habang nanghihina

Inialay ang guwantes sa Panginoon

Ang kamahalang si Rolando’y nanatiling nakahandusay sa ilalim ng punong

pino

Idinako ang ulo sa gawi ng Espanya at nasok sa alaala ang maraming bagay

Maraming lupain at matatapang na mandirigmang kanyang

napagtagumpayan

At naalalala niya rin ang Pransya, ang kanyang mga kawal

Naalala ni Charles ang taong tumangkilik sa kanya

Hindi mahiwalay ang pag-alaala sa pagtangis at pagbubuntong-hininga

Ngunit hindi ang sarahin ang sarili

Ikinukumpisal ang kanyang kasalanan, nagdasal sa Panginoon at

nagmakaawa

“Ikaw na matapat na Ama na kailanma’y hindi kami iniwan.

13
Ikaw na bumuhay muli kay San Lazaro mula sa pagkamatay

At iniligtas ang katiwalang si Daniel sa bangis ng mga leon

Ngayo’y iligtas mo ang aking kaluluwa sa pagkabulok

Para sa mga kasalanang ginawa ko habang ako’y nabubuhay

At saka niya inabot sa Panginoon ang kanyang guwantes

Kinuha ni San Gabriel mula sa kanyang kamay ang guwantes

Nanatiling nakayuko at nagpakumbaba

Pumanaw na siya, magkadaop ang palad hanggang sa huling hininga

At pagkatapos ay ipinadala ng Panginoon ang kanyang anghel na si

Cherubim

At si San Miguel, anghel ng karagatang Peril

At sa dalawang ito ay dumating si San Gabriel

Inihatid ang kaluluwa ng magiting na Rolando sa Paraiso.

14
Epiko # 2

Kamusmusan ni Hiawatha
(Amerika)

Ikatlong bahagi ng epikong “Ang Awit ni Hiawatha” ni Henry Wadsworth

Longfellow at salin ni Jessie S. Setubal

Noong dapithapon, malapit nang magdilim,

Noong mga araw na nakalimutan na,

Noong mga panahong hindi na maalala,

Nalaglag mula sa bilog na buwan si Nokomis,

Nalaglag ang marilag na si Nokomis,

Siya ay asawa, subalit hindi ina.

Tapat siya sa kanyang pagkababae,

Sa mga baging ng ubas ay nagduduyan,

Nang ang masama niyang karibal, Batbat ng panibugho at poot,

Inutas ang baging sa dalawang bahagi,

Inutas ang pilipit na baging ng ubas,

At nahintakutang nalaglag si Nokomis,

Pabulusok noong dapithapon,

Doon sa Muskoday, ang parang,

Doon sa kapatagang hitik sa bulaklak,

“Tingnan! Nahuhulog ang bituin!” Sigaw ng mga tao.

“Mula sa ulap ang bituin ay nalalaglag!”

15
Doon kasama ang mga halaman,

Doon kasama ang mga lily sa kaparangan,

Doon sa Muskoday, ang parang,

Sa sinag ng araw at sinag ng bituin.

Ang mabait na si Nokomis ay nagdalantao sa isang babae.

At siya ay pinangalanan niyang Wenonah,

Bilang panganay ng kanyang mga anak na babae,

At ang anak ni Nokomis

Lumaking katulad ng lily sa kapatagan.

Lumaking matangkad at mayuming dalaga,

Taglay ang kariktan ng sinag ng buwan, Taglay ang kagandahan ng sinag ng

bituin

At palagi siyang pinagsasabihan nang paulit-ulit,

“Mag-ingat ka kay Mudjekeewis,”

Sa Hanging Kanluran na si Mudjekeewis;

Huwag mong dinggin ang sinasabi niya sa iyo;

Huwag kang humiga sa parang,

Huwag kang yumuko sa mga lily

Dahil darating ang Hanging Kanluran na magpapahamak sa’yo!”

Subalit hindi niya pinahalagahan ang paalala,

Hindi pinahahalagahan ang mga habilin,

At kinagabihan dumating ang Hanging Kanluran,

Marahang naglakad sa ibabaw ng parang,

Bumubulong sa mga dahon at bulaklak,

Yumuyuko sa mga bulaklak at damo,

Nakita niya ang magandang si Wenonah, Nakahiga sa mga lily,

Inakit niya ng matatamis na salita,


16
Inakit niya ng kanyang lambing

Hanggang si Wenonah ay nagdalantao ng isang anak na lalaki,

Nagdalantao ng anak ng pagmamahal at kalungkutan

Kaya ipinanganak si Hiawatha,

Kaya ipinanganak ang batang kagilas-gilalas;

Malambing na ina ni Hiawatha,

Sa kanyang pagtitiis ay namatay nang nag-iisa

Dahil sa kamalian at pagtataksil ng Hanging Kanluran,

ng walang pusong si Mudjekeewis.

Dahil sa kinahantungan ng anak,

Isang mahabang tagulalay ang hikbi ni Nokomis; “Para na rin akong pinatay!”

“Para na rin akong pinatay!”

Wala nang magawa, at wala nang pagtangis, Wahonowin! Wahonowin!”

Sa pampang ng Gitche Gumee,

Malapit sa makinang na tubig-dagat

Nakatirik ang kubo ni Nokomis, Anak ng buwan, si Nokomis.

Sa madilim na likuran nito’y nariyan ang kagubatan,

Nariyan ang maitim at malungkot na puno ng pino,

Ang puno nito’y kinakapitan ng ligaw na halaman;

Dating maliwanag, dinaig ang tubig,

Dinaig ang malinaw na tubig,

Dinaig ang makinang at malawak na tubig-dagat.

Doon ang mga pelegas nang si Nokomis

Inaaruga ang musmos na si Hiawatha,

Inuugoy sa kanyang duyan.

Bahagyang nakayuko sa mga damo at halaman,

Matibay na kawangki ng lakas ng usa,


17
Mahinahong nagwika,

“Hush! Maririnig ka ng Hubad na Oso!”

Pinayapa siya ng kanyang malamyos na awit,

“Ewa-yea! Munti kong kuwago!

Sino itong nag-ilaw ng kubo?

Sa pamamagitan ng kanyang mata nailawan ang kubo?

Awa-yea! Munti kong kuwago!”

Tinuruan siya ni Nokomis ng maraming bagay

Ng mga bituing kumikislap sa langit;

Ipinakita sa kanya ang Ishkoodah, isang kometa,

Ang Ishkoodah na may umaapoy na buntot,

Ipinakita ang Sayaw-Paglisan ng mga espiritu,

Mga kawal at ang kanilang sandata

Humahagibis patungong Hilaga

Sa nagyeyelong gabi ng Taglamig;

Ipinakita ang malawak at puting daan ng langit,

Daanan ng mga kaluluwa, mga anino,

Tumatawid patungong langit,

Nagsisiksikan ang mga kaluluwa, mga anino.

Sa pinto ng gabing Tagtuyo

Nakaupo ang musmos na si Hiawatha;

Narinig ang bulong ng mga puno ng pino,

Narinig ang salpok ng tubig,

Tunog ng musika, wikang kagila-gilalas,

“Minne-wawa!” Sabi ng puno ng pino,

“Mudway-aushka!” Sabi ng tubig.


18
Nakita ang alitaptap, Wah-wah-taaysee,

Lumilipad sa pusikit na gabi,

Sa pamamagitan ng kutitap ng kanyang kandila

Iniilawan ang mga halaman,

At inawit niya ang awiting pambata,

Inawit ang awiting itinuro sa kanya ni Nokomis:

“Wah-wah-taysee,munting alitaptap,

Munti, lumulutang, insektong puti-apoy,

Munti, sumasayaw, nilalang na puti-apoy,

Ilawan mo ako ng iyong munting kandila,

Habang ako’y nasa papag nakahiga’

Habang ako’y natutulog at pinid ang talukap ng mata!”

Nakita ang buwang umaakyat mula sa tubig,

Lumulutang, gumagalaw mula sa tubig.

Makita ang pekas at anino nito bumulong, “Ano iyon, Nokomis?”

At sumagot ang mabait na si Nokomis:

“Minsan may isang mandirigmang galit na galit,

Dinaluhong ang kanyang lola at binalibag

Sa ulap ng gabing pusikit;

Doon mismo binalibag sa harap ng buwan

Makikita mo ang kanyang katawan doon.”

Namasdan ang bahaghari sa langit.

Sa silanganing ulap, ang bahaghari,

Bumulong, “Ano yaon, Nokomis?”

At sumagot ang mabuting si Nokomis:

“Makikita mo roon ang langit ng mga bulaklak;


19
Sampu ng mga ligaw na bulaklak sa gubat,

Sampu ng mga lily sa parang,

Sa panahong maglaho’t mawala sila sa lupa,

Mamumulaklak sa langit na nasa itaas.”

Nang maulinig niya ang mga kuwago sa gabing pusikit,

Humuhuni, tumatawa sa gubat,

“Ano yaon?” Nahintakutan niyang palahaw,

“Ano yaon,” sabi niya, “Nokomis?”

At ang mabuting si Nokomis ay sumagot:

“Yaon ay walang iba kundi kuwago at inakay nito,

Nagsasalita sa kanilang katutubong wika,

Nagsasalitaan, naghihiyawan sa isa’t isa.”

At ang musmos na si Hiawatha

Natutuhan niya ang mga wika ng bawat ibon

Natutuhan niya ang mga pangalan nito,

Maging ang kanilang lihim,

Kung paano nila binubuo ang kanilang pugad sa Tag-init,

Kung saan sila nakukubli sa Taglamig,

Nakipag-usap sa kanila sa tuwing magkikita sila,

Tinawag silang “Mga manok ni Hiawatha.”

Natutuhan niya ang wika ng mga kapre,

Natutuhan niya ang kanilang pangalan maging ang kanilang wika,

Kung paano tinatayo ng beaver ang kanilang bahay

Kung saan ikinukubli ng mga squirrel ang kanilang mga acorns,

Kung paano tumatakbo ng mabilis ang mga usa,

Kung paanong labis na mahiyain ang mga kuneho,


20
Kinakausap sila sa tuwing makasalubong Tinawag silang

“Mga Kapatid ni Hiawatha.”

At si Lagoo, may malaking bibig,

Siya ay mahusay na kuwentista,

Siya ang manlalakbay at matabil,

Siya ang kaibigan ng matandang si Nokomis.

Gumawa ng busog para kay Hiawatha:

Mula sa sanga ng isang kahoy ay gumawa siya,

Mula sa puno ng oak ay gumawa siya ng mga palaso,

Binaluktot sa pamamagitan ng bato at nilagyan ng balahibong buntot

At gumawa siya ng sintas mula sa balat ng usa.

At sinabi niya kay Hiawatha: “Anak, pumaroon ka sa gubat,

Kung nasaan naroon ang kawan ng mga usa,

Patayin mo’t ibigay sa amin ang bantog na lalaking usa,

Patayin at ibigay sa amin ang using may sungay na sanga-sanga!”

Kaya dagling tumungo sa gubat,

Si Hiawatha ay nag-iisang lumakad,

Ipinagmamalaki ang kanyang busog na pana;

lahat ng mga ibong nakapaligid ay nag-aawitan,

“Huwag mo kaming tudlain, Hiawatha!”

Awit ng ibong robin na si Opechee,

Awit ng ibong bluebird na si Owaissa,

“Huwag mo kaming tudlain, Hiawatha!”

Sa itaas ng punong oak na nasa tabi niya,

Lumukso ang squirrel na si Ajidaumo,

Pakubli-kubli sa mga sanga,

Umubo at bumulong mula sa puno ng oak,


21
Nagsalita sa pagitan ng mga tawa,

“Huwag mo akong tudlain, Hiawatha!”

At ang kuneho mula sa kanyang dinaraanan,

Lumundag sa gilid at mula sa malayo

Umupo nang matuwid,

Magkahalong takot at panginginig,

Nakikiusap sa munting mangangaso

“Huwag mo akong tudlain, Hiawatha!”

Subalit nagpatuloy siya, Sa kanila’y hindi nakinig

Sapagkat ang pulang usa ang nasa kanyang isip,

Nakapako ang kanyang mata sa kanilang bakas

Pababa sa ilog patungong kabilang ilog

At tumigil siya sa paglalakad, nagkubli sa mga sukal,

Doo’y naghintay siya hanggang sa pagdating ng usa

Hanggang sa makita niya ang sungay na sanga-sanga,

Mula sa sukal nakatitig ang dalawang mata,

Nakita ang dalawang butas ng ilong

At ang usa’y lumakad,

Ang kanyang anino ay nalantad

At ang kanyang puso’y mabilis na tumibok

Katulad ng dahong pumipitlag,

Pumipitlag na tulad ng dahon ng punong birch

Samantalang ang usa’y naglalakad,

Umasinta kaagad,

Kinuha ni Hiawatha ang pana;

Ang kakaibang patpat ay humagibis,


22
Ang kakaibang dahon ay gumalaw

Subalit ang maingat na usa ay nagsimulang

Ipadyak nang sabay ang kanyang paa,

Nakinig habang nakataas ang isang paa,

Tumalon na waring sumalubong sa pana.

Ah! Ang umaawit, nakamamatay na pana,

Tulad ng humuhugong na wasp siya ay tinusok!

Siya ay namatay, bumulagta sa gubat,

Mula sa kabilang ilog;

Hindi na tumitibok ang kanyang natatakot na puso,

Subalit ang puso ni Hiawatha,

Mabilis na tumitibok, at sumisigaw, at nagdiwang,

Kinakaladkad niya ang pulang usa pauwi,

At si Iagoo at si Nokomis,

Pumapalakpak ng papuri sa kanyang pagdating

Mula sa balat ng usa si Nokomis ay gumawa

Ng balabal para kay Hiawatha,

Mula sa karne ng pulang usa,

Si Nokomis ay nagpapiging para sa karangalan ng anak.

Lahat ng kanayon ay dumating at nagsipagdiwang,

Lahat ng panauhin ay pinuri si Hiawatha

Tinagurian siyang may matatag na puso,

Soan-ge-taha!

Tinagurian siyang matibay na puso,

Mahn-go-taysee!

23
Maikling Kwento # 1

Eveline (Amerika)
sinipi sa aklat ng Hiyas ng Lahi 10

Mary Alacoque. Siya ay isang kaibigan ng kanyang ama sa paaralan.

Kapag ipinakita niya ang larawan sa panauhin, ang kanyang ama ay

nagwiwika sa karaniwang pahayag. “Siya ay nasa Melbourne sa

kasalukuyan.” Siya ay sumang-ayon na lisanin ang kanyang bahay sa

kanilang pook. Siya ay gumawa ng pagsubok upang suriin ang tinalakay. Siya

ay nagkaroon ng kanlungan at pagkain sa kanyang bahay. Natuklasan ng

lahat ng tao ang tungkol sa kanyang buhay.

Siya ay nagkaroon ng hanapbuhay. May negosyo siya at inilathala ang

anunsiyo ng tindahan. Si Bb. Gavan ay masaya. Siya ay nagkaroon ng isang

bahagi kapag may mga taong nakikinig. “Bb. Hill, hindi mo makita ang mga

dalagang naghihintay?” “Tumingin nang buhay na buhay, Bb. Hill.” Hindi

niya nais umiyak sa paglisan sa tindahan. Sa kanyang bagong tahanan na

nasa isang malayo ngunit hindi kilalang bansa. Siya ay may asawa na ang

pangalan ay Eveline. May paggalang na makikita sa kanya. Hindi niya

ituturing bilang kanyang ina. Siya ay higit sa labinsiyam at nadama niya ang

kanyang sarili sa panganib ng karahasan kanyang ama. Alam niya ito at

ibinigay sa kanya. Ito ay may pangamba. Sila ay lumaki at hindi kailanman

siya ay nawala at pumunta para kina Harry at Ernest, dahil siya ay isang

batang babae.

24
Nagbanta sa kanya at ipahayag ang nais niyang isagawa sa kapakanan

kanyang inang yumao na. Si Ernest ay namatay. Si Harry ay nasa

pangangalakal sa simbahan ng palamuti. Nagkaroon ng pagtatalo sa salapi

nang Sabado ng gabi. Siya ay nagbigay ng kanyang buong sahod at si Harry

ay nais makakuha ng pera mula sa kanyang ama. Siya ay ginamit upang mag-

aksaya ng salapi. Siya ay magbibigay ng kanyang pinagtrabahuhang sahod.

Siya ay binigyan ng pera at hilingin sa kanya nagkaroon siya ng anumang

mga intensyon ng mga pagbili ng hapunan kapag Linggo.

Pagkatapos siya ay nagkaroon ng pagkakataon upang sumugod ng

mabilis hanggat maaari siya ay gagawa ng kanyang pamamalengke, na may

hawak na itim na pitaka at mahigpit na hawak sa kanyang mga kamay.

Bumalik siya sa bahay na malalim na ang gabi. Matapang siyang nagtrabaho

upang panatilihin ang bahay na maayos at magkakasama lahat upang makita

na ang dalawang bata na naiwan sa kanyang pangangalaga ay nagpunta sa

paaralan nang regular at nakuha ang kanilang pagkain. Iyon ay matapang na

trabaho niya at tunay na isang mahirap na buhay ngunit ngayon na siya ay

handang iwanan ito. Hindi siya nakahanap ng isang hindi kanais-nais na

buhay.

Siya ay maghahanap ng ibang buhay kasama si Frank. Si Frank ay

napakamapagbigay, tunay na lalaki at bukas-puso. Siya ay pumunta nang

malayo kasama si Frank noong gabing nakasakay sa bangka upang maging

kanyang asawa at upang manirahan kasama niya sa BuenosAyres. Dito siya

nagkaroon ng isang bahay. Nagbalik sa kanyang gunita ang unang

pagkakataon nang siya ay makipagkita sa isang bahay sa pangunahing kalye.

Ito ay ilang linggo na ang nakakaraan. Siya ay nakatayo sa bakuran, ang

kanyang sombrero na nasa likod ng kanyang ulo.

25
Pagkatapos, sila ay nagkakilanlan sa isa’t isa. Siya ay katagpo ni Frank

sa labas ng tindahan tuwing gabi at makita ang kanyang tahanan. Siya ay

kinuha ni Frank para manood ng “Bohemian Girl” at si Frank ay tuwang tuwa

sa tanghalan na kasama niya si Eveline. Siya ay mahilig sa musika at kumanta

ng kaunti. Ang alam ng mga tao na sila nga ay nagliligawan. Tuwing siya ay

kumakanta tungkol sa dalaga na nagnanais ng isang mandaragat, siya ay

masaya. Si Eveline ay tinatawag ni Frank na Poppens na katuwaan lamang

pero masaya sila. Isang katuwaan para sa kanya upang magkaroon ng isang

kaibigan. Siya ay nagsimulang magustuhan ni Frank. Si Frank ay nagsimula

bilang isang batang lalaki na nagtatrabaho ng isang buwan sa isang barko ng

Allan Linya ng pagpunta sa Canada.

Sinabi niya ang mga pangalan ng mga barko. Binanggit ang mga

pangalan ng mga iba’t ibang mga serbisyo. Siya ay naglakbay sa pamamagitan

ng Straits ng Magellan at sinabi niya sa kanyang kwento ang mga kakila-

hilakbot na Patagonians. Napadpad si Eveline sa Buenos Ayres at paglipas ng

panahon nagtungo sa lumang bansa lamang para sa isang bakasyon. Nalaman

ng ama ni Eveline ang pag-iibigan nila ni Frank at ipinagbabawal sa kanya

ang pakikipag-ugnayan kay Frank.

“Alam ko ang mga tungkol sa mandaragat,” sinabi niya.

Isang araw, ang ama ni Eveline ay nakipag-away kay Frank. Matapos

maganap ito ay lihim na silang nagkita.

Malalim na ang gabi. Ang kaputian ng dalawang liham ay hindi na

maaninag nang lubusan. Ang isa ay para kay Harry at ang isa pa ay para sa

kanyang ama. Si Ernest ay naging kanyang paborito ngunit nagustuhan niya

si Harry. Ang kanyang ama ay nagiging matanda na. Hindi na pansin si

26
Eveline ng matanda at siya ay nakaligtaan niya. Kung minsan ang kanyang

ama ay napakabuti. Isang araw, siya ay nagbasa ng isang kwento ng multo.

Isa pang araw, noong buhay pa ang kanilang ina sila ay namamasyal sa Hill

ng Howth. Naalala niya ang kanyang ama ng naglalagay ng bonet sa kanyang

ina upang ang mga bata ay tumawa.

Ang kanyang oras ay tumatakbo nang mabilis ngunit si Eveline ay

patuloy na umupo sa may bintana, nakahilig ang kanyang ulo laban sa tabing

bintana, ang amoy ay nalalanghap at ang maalikabok na kreton ay

nakapupuwing. Pababa na sa malayong kalye at narinig niya sa isang kalye

ang tumutugtog na organ. Alam niya ang mga pangako sa kanyang ina ay

pangako ng kanyang ina upang panatilihin ang pagsasama-sama sa bahay.

Naaalala niya ang huling gabi noong may sakit ang kanyang ina. Siya ay nasa

madilim na kuwarto. Sa labas narinig niya ang isang mapanglaw na hangin

ng Italya. Ang organ ay nakaayos upang dalhin sa layo. Naalala niya ang

kanyang ama pabalik sa silid ng maysakit na asawa at sinabi:

“Sinumpang Italyano! Darating dito!”

Nahahabag siya sa naging buhay ng kanyang ina. Ang buhay niya ay

ang mga karaniwang sakripisyong ginagawa. Siya ay nanginig noong narinig

muli ang boses kanyang ina sinasabi:

“Derevaun Seraun! Derevaun Seraun!”

27
Siya ay nakatayo nang biglaan sa malaking takot. Takas! Siya ay

dapat makatakas! Si Frank ang magliligtas sa akin. Gusto niyang ibigay ang

kanyang buhay dahil sa tunay na pag-ibig. Gusto niyang mabuhay. Siya ay

may karapatang lumigaya. Si Frank ay nais kumuha sa kanya. Siya ay ililigtas.

Siya ay nakatayo sa pagitan ng mga karamihan ng tao sa istasyon sa

North Wall. Hinawakan niya ang mga kamay ni Eveline. Siya ay

nakipaghuntahan sa kanya. Ang istasyon ay puno ng mga sundalo na may

bagahe na kulay kake. Maraming pinto ang nagsilbing bintana upang

masulyapan ang mga itim na masa ng mga Bangka. Nadama niya ang

kanyang maputlang pisngi na malamig. Siya ay nagdasal sa Diyos upang

ituro sa kanya, upang ipakita sa kanyang kung ano ang kanyang mga

gagawin. Ang bangka ay lumayag sa isang mahabang mapanglaw na pook.

Bukas gusto niyang makasama sa dagat si Frank patungo sa Buenos Ayres.

Ang kanilang mga sipi ay nakatala na. siya ay maaaring bumalik pagkatapos

ang lahat ng kanyang ginawa para sa kanya. Ang kanyang pagkabalisa ay

gumising sa kapaligiran. Iningatan niyang gumagalaw ang kanyang mga labi

sa tahimik at taimtim na panalangin sa Diyos.

Ang pamilya ay nasa kanyang puso. Nadama niya sa kanya sakupin

ang kanyang kamay. “Halika!”

Hindi! Hindi! Hindi! Ito ay imposible. Ang kanyang mga kamay ay

naka-tanikala. Umiyak siya!

Eveline!

Tumakbo si Frank upang sumagip kay Eveline. Lumitaw ang

maputing mukha ni Eveline. Ito ay tahimik na parang hayop na hindi

tinulungan. Ang mga mata ni Eveline ay walang simbolo ng pag-ibig o

pamamaalam.

28
BOOK 3 MODYUL 71 – PARABULA
Parabula # 1

Ang Asarol
(Buddha)

Isang magsasaka ang nag-araro ng kaniyang bukid araw-araw nang

mga nagdaang taon. Mahirap na trabaho pero sagana naman siya. Isang araw

ay tinanong niya ang kanyang sarili kung bakit nagpapakahirap siya.

May isang monghe na kumatok sa kanyang bahay at humihingi ng

limos. Naisip niya na maganda ang buhay ng monghe, walang masyadong

responsibilidad.

Kaya, nagpasya siyang iwanan ang kaniyang mga ari-arian at

magmonghe na rin.

Pagkatapos niyang umalis sa bahay, naramdaman niyang walang

kalaman-laman ang kaniyang mga kamay. Nahirati kasi siyang laging hawak

ang asarol sa araw-araw at ngayon ay para siyang nanibago.

Bumalik siya sa kanyang bahay, kinuha niya ang asarol at nag-isip siya

kung ano ang gagawin niya roon. Nanghihinayang siya na itapon iyon

sapagkat iyon ay matalim at makintab dahil sa dalas ng gamit niya.

Binalot niya ito at itinago sa loob ng bahay. Pagkatapos ay umalis ulit

siya.

Ang magsasaka ay nagpumilit matupad ang mga kinakailangan para

maging mabuting monghe. Pero hindi niya napigilan ang pagbabalik-alaala sa

29
kaniya ng asarol tuwing mapaparaan sila sa isang taniman. Umuwi siya at

hinihimas ang asarol pagkatapos ay bumalik ulit siya sa templo.

Dumaan ang pito hanggang walong taon, naramdaman niyang tila

hindi siya masaya at malayang monghe pagkatapos niyang magpakabanal.

Mayroong sagwil at iyon ang nagpabigat sa kaniyang kalooban. Umuwi siya

sa bahay, kinuha niya ang asarol at itinapon ito sa lawa.

Pagkatapos lumubog ang asarol. Tuwang-tuwang nagsisigaw ang

magsasaka.

“Nanalo ako! Nagwagi ako!”

Nang oras na iyon ay dumaraan ang hari at ang batalyon nito mula sa

matagumpay na pakikidigma. Narinig niya ang monghe at tinanong,

“Ano ang iyong napalanunan? Bakit ka napakasaya?”

“Natalo ko ang masasamang damdamin na nanahan sa aking puso.”

Pinalaya ko na ang aking sarili sa mga materyal na bagay na siyang

nagpapabigat sa aking nais na maging isang nilalang.

Namasdan ng hari na masaya talaga ang monghe dahil sa siya ay

malaya na sa mga pagnanasa sa mga bagay na materyal.

Nag-isip din siya. “Nanalo nga ako pero ako ba ay masaya? Kinamkam

ko ang mga lupang hindi sa akin. hindi ito ang tunay na tagumpay.”

Napag-isip din ang hari na ang tunay na matagumpay ay ang mga

karaniwang tao na napalaya ang sarili sa pag-iimbot ng mga bagay na

materyal.

WAKAS

30
Parabula # 2

Ang Damo at Trigo


(Mat. 13: 24-30)

Inilahad din ni Hesus ang talinghagang ito sa kanila. “Ang paghahari

ng Diyos ay katulad nito: may isang taong naghasik ng mabuting binhi sa

kanyang bukid. Isang gabi, samantalang natutulog ang mga tao, dumating

ang kanyang kaaway at naghasik ng masasamang damo sa triguhan. Nang

tumubo ang trigo at magkauhay, lumitaw rin ang masamang damo. Kaya’t

lumapit ang mga alipin sa puno ng sambayanan at sinabi rito, “Hindi po ba

mabuting binhi ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo

ngayon?” sumagot siya, “Isang kaaway ang may kagagawan nito.” Tinanong

siya ng utusan, “Bubunutin po ba namin iyon?” “Huwag,” sagot niya “Baka

mabunot pati trigo. Hayaan na ninyong lumago kapwa hanggang sa anihan.

Pag-aani’y sasabihin ko sa mga tagapag-ani: Tipunin muna ninyo ang mga

damo at inyong pagkabikis-bigkisin upang sunugin, at ang trigo’y inyong

tipunin sa aking kamalig.”

WAKAS

31
Parabula # 3

Ang Gutom na Aso


(Buddha)

Mayroong isang hari na mapang-api sa kaniyang sinasakupan. Dahil

doon ay kinasusuklaman siya ng mga tao.

Nang mabatid niyang nasa kaniyang kaharian ang isang Banal na Tao,

pinuntahan niya ito at humingi ng aral upang magamit niya ang kanyang

pag-iisip na makakabuti sa kaniya.

Ang Banal na Tao ay nagsabi: ikukwento ko sa iyo ang parabula ng

gutom na aso.

Mayroong isang malupit at mapang-aliping hari kaya ang Diyos na si

Indra ay nagbalatkayo bilang isang mangangaso.

Kasama niya ang demonyong si Matali na nag-anyong napakalaking

aso, sila ay bumaba sa lupa. Pagpasok nila sa palasyo ay umatungal ang aso

nang ubod hapis kung kaya nayanig ang kailaliman ng gusali.

Ang ganid na hari ay nag-utos na dalhin ang mangangaso sa kaniyang

harapan at tinanong ang dahilan ng pag-aalulong ng aso.

Sabi ng mangangaso, “Ang aso ay gutom.”

Kaya dali-daling nag-utos ang hari na kumuha ng pagkain. Pagkatapos

ubusin ang hinandang pagkain, umalulong ulit ang aso. Nag-utos ulit ang

hari na magdala ng pagkain para sa aso hanggang maubos ang kanilang

inimbak na pagkain. Taliwas sa kanyang inaasahan, hindi pa rin huminto ang

aso sa kaaalulong.

32
Naging desperado ang hari. Siya ay nagtanong,

“Walang makakabusog sa asong iyan?”

“Wala?” sagot ng mangangaso. “Maliban siguro kung ipapakain ang

balat ng kaniyang kaaway.”

“At sino ang mga kaaway niya?” urirat ng hari.

“Ang aso ay patuloy sa pag-aalulong hanggat may nagugutom na tao

sa kaharian sapagkat ang kaniyang mga kaaway ay ang mga malulupit na

umaapi sa mahihirap.” sagot ng mangangaso.

Ang hari na tinutukoy ng mangangaso ay naalala ang kaniyang

masasamang gawi at siya ay nagtika at sa unang pagkakataon ay nakinig siya

sa pangaral ng kabutihan.

Nang tapos na ang kuwento, pinagsabihan ng Banal na Tao ang hari na

namutla sa takot.

“Ang talinghaga ay mapapadali ang pandinig ng mga may

kapangyarihan at ikaw dakilang hari kapag naririnig mo ang pagtahol ng aso,

isipin mo ang mga turo ni Buddha at tatahimik ang Aso.”

WAKAS

33
Parabula # 4

Ang mga Bulag at


Ang Elepante
(Buddha)

Si Buddha ay nagkuwento:

Minsan ay may isang raha (hari) na nag-anyaya sa mga taong ipinanganak na

bulag at ipinakilatis sa kanila ang isang elepante.

Sinunod ito ng kaniyang katulong. Sa isang bulag ay pinahawakan niya ang

ulo ng elepante, sa isa naman ay ang tainga, sa isa ay mahabang ilong, ang isa ay sa

mga sungay nito sa nguso; sa isa pa ulit ay ang katawan, habang ang isa ay sa paa, sa

isa pang bulag ay ang buntot at ang dulo ng buntot.

Pagkatapos magkaroon ng pagkakataon ang mga bulag na mahawakan ang

elepante, inusisa ng raha kung ano sa palagay nila ang elepante.

Ang humawak ng ulo ay nagsabing ito ay isang kalderong lutuan.

Ang humawak ng tainga ay nagsabing ito ay isang bilao.

Ang humawak ng sungay ay nagsabing ito raw ay talim sa pang-araro.

Ang humawak sa mahabang ilong nito ay nagsabing ito ay ang pang-araro.

Ang humawak ng katawan ay sinabing ito ay imbakan ng inani.

Ang humawak ng paa ay sinabing ito ay poste.

Ang humawak ng likod ay sinabing ito ay bayuhan.

Ang humawak ng buntot ay sinabing ito ay pambayo.

Ang humawak ng dulo ng buntot ay sinabing ito ay panlinis.

34
Dahil sa ang bawat isa ay iginigiit ang kanilang paniniwala, di kalaunan, sila

ay nag-aaway-away.

WAKAS

35
BOOK 3 Modyul 72 – Tula
Tula # 1

The Touch of the Master's


Hand
ni Myra B. Welch

It was battered and scarred,

and the auctioneer thought it

hardly worth his while

to waste his time on the old violin,

but he held it up with a smile.

"What am I bid, good people", he cried,

"Who starts the bidding for me?"

"One dollar, one dollar, Do I hear two?"

"Two dollars, who makes it three?"

"Three dollars once, three dollars twice, going for three,"

But, No,

from the room far back a gray bearded man

came forward and picked up the bow,

then wiping the dust from the old violin

and tightening up the strings,

He played a melody, pure and sweet

as sweet as the angel sings.

36
The music ceased and the auctioneer

with a voice that was quiet and low,

Said "What now am I bid for this old violin?"

As he held it aloft with its' bow.

"One thousand, one thousand, Do I hear two?"

"Two thousand, who makes it three?"

"Three thousand once, three thousand twice,

Going and gone", said he.

The audience cheered,

But some of them cried,

"We just don't understand."

"What changed its' worth?"

Swift came the reply.

"The Touch of the Masters Hand."

And many a man with life out of tune

All battered with bourbon and gin

is auctioned cheap to a thoughtless crowd

Much like that old violin

A mess of pottage, a glass of wine,

a game and he travels on.

He is going once, he is going twice,

He is going and almost gone.

But the Master comes,

and the foolish crowd never can quite understand,

the worth of a soul and the change that is wrought

by the “Touch of the Masters' Hand.”

37
Tula # 2

Soneto 64
ni William Shakespeare
(salin ni Gaudencio Luis N.
Serrano)

Saksi ako sa nilantang oras sa aking kamay

Sa imbing kayabangan ng mayayaman

Mula sa mga nagtatayugang gusali

Hanggang sa pagkaguho nito

Mula sa pagiging alipin hanggang sa pagbabago nito;

Sa aking pagmamasid sa umaatungal na karagatan

Dahil sa pagtatayo ng mga gusali sa dalampasigan,

Mga buhanging pinalitan ng aspalto

Mga aspaltong kinalaban ang mga alon,

Mga along kinalaban ang aspalto

Sa aking pagmamasid sa mga pagbabagong ito

Mga pagbabagong inaanay nang panahon

Itinuro sa akin ng mga pagbabagong ito na

Magkaroon man ng maraming pagbabago

Hindi man makapipili ng oras

Hindi kailanman maiaalis maging ng kamatayan –

Ang dakila at wagas na pagmamahal

38
Tula # 3

Elehiya Para Sa Dambuhalang


Pawikan
(Elegy For The Giant Tortoises)
ni Margaret Atwood

Hayaan mong ipagdasal ninyo ang mga dumadaang kalapati


Ang ibong dodo, ang umaatungal na makina, ang mga eskimo
Lahat ay ituturing na katangi-tangi

Itatago ko ang aking pagninilay


Hanggang sa mga dambuhalang pawikan
Na nag-iisa sa ilang

Patuloy na hinahagilap sila sa aking mga mata


Mga matang nakatuon sa kawalan
Ngunit simbilis ng isang kisap mata ang kanilang pagkawala

Maging sa huling araw na makakapiling natin sila


Na animo’y piging
Tulad ng mga nagkakasiyahang mga nimfas

Sa kanilang paggapang sa tuyong lupa


Nang dahan-dahan, nang dahan-dahan
Kakaibang pakiramdam sa pagkawala ng tubig

Ang kanilang maliit na ulo na taas, baba


Sa bawat gilid, sa kanilang pagkakahuli nawalan ng saysay ang baluti
Baluti na parang tangke at sintanda ng kasaysayan

39
Ang kanilang paralisadong katawan
Pinaralisa sa kanilang bawat hakbang
Patungo sa malakristal na dambana

Na kung saan ang mga rebulto ng pinapanginoon ay nakalagak


Nakalagak upang bigyan pugay
Ang mga banal sa kahuli-huling simbolo

40
Tula # 4

Hele ng Ina sa Kaniyang


Panganay
salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
salin sa Filipino ni Mary Grace A.
Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.

Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,

Wangis ng mga mata ng bisirong-toro ni Lupeyo

Mangusap ka, aking musmos na supling.

Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.

Na puno ng tibay at tatag bagamat yari’y munsik.

Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.

Kamay na magpapasaya sa iyong ama.

Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:

Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim

Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo igagawad, at mamumuno sa

kalalakihan.

At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apuhan,

Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.

Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa’kin,

Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,

At ang pagsulyap-sulyap sa akin.

Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,

41
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.

Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?

Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.

Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,

Hindi ka rin ingangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y

panganay.

Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.

Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o kapusugan?”

Ikaw ba’y tatawaging waring duming baka na “anak ng kamalasan?”

Ang poo’y di marapat na pagnakawan,

Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.

Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan

Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.

At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay –

Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?

Yaman ni Zeus at Aprodite sa iyo’y kanilang inalay.

At ang katalinuang nangungusap sa iyong mga mata,

Maging sa iyong halakhak.

Paano ka pangangalanan, aking inakay?

Ikaw ba’ lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?

Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumarantay?

Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?

Ikaw ba’y kanlong ng kapayanaan?

Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.

Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.

Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.


42
Ngayon, ako’y ganap na asawa –

Hindi isang nobya, kundi isang ina.

Maging maringal, aking supling na ninanasa.

Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki

Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.

Ika’y irugin kaparis ng pagligaw na aking nadarama.

Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.

Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.

Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,

Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.

Samakatuwid, ako’y minahal

Samakatuwid, ako’y lumigaya

Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.

Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.

Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.

Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,

Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.

Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.

Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.

At ako ang ina ng kaniyang panganay.

Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyonggeza’t nyumba.

Ika’y mahimbing, ako’y wala nang mahihiling.

43
BOOK 3 Modyul 73 – Sanaysay
Sanaysay # 1

Kay Estella Zeechandelaar


Japara, Mayo 25, 1899

Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno” iyong

babaeng malayo, nakapagmamalaki’t nakaakit ng loob. Iyong masaya, may

tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at

sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging

ang kabutihan ng buong sangkatauhan.

Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong

panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga

Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw

sa malayong kanluran.

Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong

ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtatrabaho’t nagsisikap

na bagong kababaihan na Europa; subalit nakatali ako sa mga lumang

tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang araw maaaring lumuwag ang tali

at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko,

maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na

henerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong

ito nang buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at

kumbensyon ng sariling bayan?

44
Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking

mga kababayan ang lahat ng mga institusyon namin. Wala akong naiisip

gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang

tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o

putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa

alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na

inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong

pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong wasakin ang puso ng

mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga

taong nag-alaga sa akin nang buong pagsuyo?

Ngunit hindi lamang tinig ang umaabot sa akin, ang malayo, marikit at

bagong-silang na Europa ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa

kasalukuyang kalagayan. Kahit noon musmos pa ako’y may pang-akit na sa

aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; at may isang naiibang

kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa.

Gumigising ako para sa hangarin: ang pagsasarili at kalayaan – isang

paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga

kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang

mithiin kong magising ang aking bayan.

Patuloy na lumalapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain,

umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa

kalungkutan ng iba, dala nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat,

sumibol hanggang sa lumakas at sumigla.

Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang

magkakilala tayo.

Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may

anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario


45
Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo

noong kapanahunan niya. Siya rin ang kauna-unahang regent ng gitnang Java

na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat - ang

sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong

European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig

o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga

anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga

pinsan ko’t nakakatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger

School, ang pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito

sa India. Ang bunso sa tatlong nakakatandang kapatid kong lalaki’y tatlong

taon na ngayong nag-aaral sa the Netherlands at naglilingkod din naman

doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya

nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng

aming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-

aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para

pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas man

lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man,

liban lamang kung sa paaralan, at ang tanging lugar na pagtuturong

maipagmamalaki ng syudad naman na bukas sa mga babae ay ang libreng

grammar school ng mga European.

Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali

sa bahay - kinailangang “ikahin” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang

makipag-ugnayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko

na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang

estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang

lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong bandang

huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang
46
pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmahal

sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko;

nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa

pagitan ng makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang

mundong nasa labas.

Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging

kaligayahang naiwan sa aki’y pagbabasa ng mga librong Dutch at ang

pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito -

ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip

na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang naging kaawa-awa

ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t

kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas - ang Diwa ng

panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa

paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon.

Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba

nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga

di-inaayayahang panauhin.

Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-

anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang

malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang

sumunod ang mga pangyayaring nagpabalik sa aming mga babae ng mga

nawala naming kalayaan.

Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa pader ng batang

Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng the Netherlands), “opisyal” na

inihandog sa amin ng mga magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna-

unahang pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan

namin at pumunta sa siyudad na pagdarausan ng pagdiriwang para sa


47
okasyong iyon. Anong dakilang tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga

kabataang babaeng tulad namin ang sarili sa batas, na imposibleng mangyari

noon. Nasindak ang “mundo” naging usap-usapan ang “krimeng” iyon na

dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang European,

at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa

ako nasisiyahan. Lagi, o ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala

akong hangaring makapamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng

paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong lumayo upang

makatayo ng mag-isa, mag-aral, hindi para mapailalim sa sinuman, at higit sa

lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.

Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa

ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang

pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang

pamilya.

At ang pag-aasawa para sa amin - mababaw pa ngang ekspresyon ang

sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon kung tila ginawa

lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hind para sa

babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya

lang?

48
Sanaysay # 2

Ang Daigdig ng “Ako”


ni Keaboka Nyumbu
(Massachusetts)

Napakaraming suliranin ang ating lipunan sa kasalukuyan ngunit ang

pangunahing usapin na dapat pagtuunan ng pansin ay ang mentalidad na

“Ako.” Tayo ay namumuhay sa mundo ng “Ako” (sa halip ng “Tayo”). Sa

papel na ito, nais kong ilahad ang pinakamalaking lason sa ating kapaligiran

at lipunan.

Ang “Global Warming” ay isa sa mga suliranin ng makabagong

daigdig na malulutas kung hindi masyadong makasarili ang tao. Ang pinaka-

makasariling ito ay palagi na lamang nakatutok sa pagkamkam ng salapi. Ang

salapi ay naging mahalaga kaysa sa kapaligiran at kapwa tao. Ang personal

na pangangailangan sa halip na pangangailangan ng lahat ang

nangingibabaw sa araw-araw na buhay ng tao. Ang mga tao, mga kompanya,

at mga bansa ay hindi nag-aabalang kumilos kapag hindi magiging sanhi sa

pagtanggap ng pera. Halimbawa, bakit ang mga kompanya ng sasakyan ay

gumagawa ng mga Hybrid na sasakyan? Bakit kailangang gumamit ng mga

plastic kaysa dating basket at bayong? Maraming bakit ang maaari pa nating

itanong gayong alam naman ang mga sagot kung tutuusin.

Sa kabila ng katotohanang ito, may ilang tao sa mundo na sa kanilang

sarili ay nagsusumikap upang mabigyan ng katarungan ang kalikasan. Isa na

rito si Dr. Wangyari Maathi. Sinimulan niya ang “The Green Belt Movement”

49
sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punong-kahoy sa Kenya na sa

paglipas ng maikling panahon ay nakapigil sa tiyak na pagkasira ng mga

kagubatan dito. Sa kabila ng mga balakid sa pulitika at mga ganid sa

gobyerno, itinuloy pa rin niya ang kanyang mithiin na baguhin ang mundo.

Hindi siya natinag sa kanyang determinasyon kaya nakapagpatubo siya ng

mahigit tatlumpung milyong punongkahoy sa kanyang bansa at naging

inspirasyon ng daigdig. Isa lang itong halimbawa kung ano ang maabot

ninoman kapag mag-iisip lampas sa sariling pakinabang lamang, labas sa

kanyang personal na pakinabang.

Kung magkagayon, hindi na magkakaroon ng mga digmaan,

mawawala na ang kahirapan. Malulunasan ang maraming sakit na hadlang sa

kaligayahan at kaunlarang pansarili at kabuhayan. Kumalas sa kadena ng

pagkamapagmataas o egostical.

50
Sanaysay # 3

Home Sweet Home


ni Ellen White (American)

Tunay na Pag-ibig

Ang pag-ibig ay halamang tumubo mula sa langit. Ito ay makatwiran.

Hindi ito bulag. Ito ay dalisay at banal. Ngunit ang silakbo ng damdamin ay

ibang bagay pag pinagsama. Habang ang dalisay na pag-ibig ang

magsasakatuparan sa lahat ng plano ng Panginoon at magiging matiwasay na

pagsasama sa espiritu ng Diyos, ang pagsinta ay magiging mahirap kontrolin,

padalos-dalos, di-makatwiran, pasaway at gawing idolo ang bagay na

mapipili.

Sa lahat ng kilos ng taong nagtataglay ng tunay na pag-ibig, ang biyaya

ng Panginoon ay naipapamalas. Ang pagpapagkumbaba, kapayakan,

katapatan at pananampalataya ay maipakilala sa bawat hakbang patungo sa

isang kasunduan sa kasal.

Ang tahanang kung saan ang pag-ibig ay nananahan at kung saan

nakikita ang pagpapahayag ng damdamin sa tingin, sa salita, sa kilos ay isang

lugar na kung saan kinagagalakang tirhan ng mga anghel.

Sa bawat pamilya kung saan tumahan si Kristo, ang magiliw na

malasakit at pag-ibig ay maipapahayag para sa isa’t isa; hindi pabugso-

bugsong pag-ibig ang naipapahayag lang sa magiliw na paghaplos, kundi ang

pag-ibig na malalim at matibay.

51
Ang isang kasal kung saan ang dalawang tao ay tunay na naging isa ay

bumubuo ng isang masayang tahanan. Ibinabahagi ang iniisip ng bawat isa,

magkasama sa mga pasanin ng bawat isa, magkasalo sa saya ng bawat isa, at

magkasama sa pananampalataya sa Panginoon.

Isang mabigat na desisyon ang nagsasabi na “nakapili na ako”, ngunit

sa katotohanan ang tunay na Gawain ay hindi upang maghanap ng isang tao

na maaaring magbigay-kasiyahan “sa akin: kundi “ako” ang makapagbibigay

ng kasiyahan sa taong napili ko.

Ang mga gawi ng nagmamahal ay bunga ng pag-ibig. “Mahal naming

siya (Panginoon) dahil una niya (tayong) kaming minahal.” 1 John 4: 19. Ang

magbubulaklak na nagsasabing mahal niya ang mga bulaklak pero

nakakalimutan niyang diligan at alagaan ang mga halaman ay hindi

magbubulaklak. Ang nars na nagpapahayag ng pagmamahal para sa kanyang

mga pasyente pero nakakalimutang bigyan lunas ang mga sakit na

nararamdaman, ay marahil hindi karapat-dapat sa kanyang karangalan.

Gayundin ang asawa na nagsasabing mahal niya ang kanyang asawa pero di

ipinakikita sa kanyang mga kilos, walang oras sa pakikidalamhati o

pagpapalakas ng loob, subalit mapagmaramot na tugon ang ibinibigay sa

nangangailangan na pag-ibig parang hindi mapagmahal na asawa.

Ang pagmamahalan ay napapatatag sa pamamagitan ng magkapantay

na pagbibigayan at pagtanggap. Marami ang naghahangad na mahalin kaysa

magmahal o magbigay ng pagmamahal. Ang nagmamahal ay ang pagbibigay

ng lakas at katatagan sa isang minamahal, at pagiging maunawain sa

nagbabahagi ng kaligayahan at kalungkutan. Ang nagmamahal ay

nagbubunga ng katumbas na pagmamahal o pagmamalasakit. Tanging ang

ganap na pagtupad ng mga pangako at buong pagmamahal ang makakabuo

sa relasyon ng tunay na mapagmahal na mag-asawa. Ang nagmamahal ay


52
nagbibikis, ang paglilihim ay ang nag-uudyok ng paghihiwalay. Ang

nagmamahal ay nakapagbubuo, ang alitan ay nakakawasak. Ang

pagmamahal ay nagpapatamis, ang galit ay nagpapadungis.

Ang pag-ibig ng isang lalaki para sa isang babae at ang pag-ibig ng

isang babae para sa isang lalaki ay ang pinakamahalagang halaman na

tanging ang pantas na Panginoon lamang ang maaaring mag-ayos. Ang mga

tao lamang ang pinagkakatiwalaan ng makatwirang kakayahan sa panliligaw.

Sa ganito, ang tao ay may pananagutan sa Panginoon para sa paggamit at sa

pagkakaugnay sa pagmamahal. Ang pag-ibig ang pinakamapagbigay-buhay

na lakas na ipinagkatiwala sa mga tao.

Ang maliliit na pagpapakita ng kagandahang-loob gaya ng katagang –

“salamat sa iyo”, pagsasabi ng “paki” sa paghingi ng pabor, “patawad” sa

paghingi ng paumanhin, “mawalang-galang”, ang pagtanggap ng kamalian –

ay mahahalagang pananalita sa isang tahanan. Hindi ito dapat mawala sa

bokabularyo ng sambayanan.

Ang tunay na pag-ibig sa tahanan ay makikita sa gawa at kilos. Ang

lalaki ay hindi lamang maginhawang nakaupo na nagbabasa o nakikinig ng

musika habang ang kanyang asawa ay nagpapakahirap sa pag-aayos sa

hardin, nagdidilig ng halaman, nagtatanim o nanggapas sa damuhan. Siya

ang gumagawa sa gawaing-bahay – naglilinis, naglalaba, nagluluto, nananahi

habang ang lalaki ay nagtatrabaho malayo sa kanila. Dapat din siyang

tumulong maging sa kusina, sa loob ng bahay o sa hardin. Hindi kahiya-hiya

para sa isang lalaki ang magluto, magwalis o magpunas ng sahig o di kaya’y

maghugas ng pinggan. Ni nakakalait para sa isang babae ang magtabas ng

mga damo o gumawa ng hardin. Ang mga mag-asawa ay dapat na

nagtutulungan sa bawat isa sa ngalan ng pagmamahal at tiyak na

masaganang pamumuhay ng kanilang gantimpala.


53
Sanaysay # 4

Gabi ng Taglagas
ni Viggo Stuckenberg (Denmark)

Nakatirik ang tore sa gilid ng kahuyan, ang luma’t naagnas na tore na

binalot ng lumot at palumpong ang mga silipang butas, na pawang

pinalooban ng mga damo ang mga puwang at singit, at ang tuyong baging ay

nakabitin gaya ng matigas, tuyong buhok na nakalugay sa duguang bato. Sa

itaas sa gawing silangan ay nakatimo ang tanging bintana ng gumuguhong

pader.

Sa likod ng kulimlim na bintana’y nakatindig ang babaeng nakatitig sa

sumasapit na takipsilim. Maliit siya, balingkinitan, at ang kanyang mga

kamay na simputi ng sinag ng buwan ay nakapatong sa pasmano ng bintana

at ang kanyang baba’y maputla at may hubog na gaya ng liryo. Ngunit

kumikislap ang mga itim niyang mata, na waring tumutula mula sa nagliliyab

na sulo. Nakatanaw siya sa kapatagang sinlawak ng laot, habang ang mga

uwak ay nagliliparan sa tuktok ng mga punongkahoy at umiikot-ikot bago

bumulusok sa mga duklay at humihiyaw nang nakaririndi sa kakahuyan. Sa

likod ng babae’y may isang silid ng tore na sinlamig ng bato sa agaw-liwanag,

at umaalunignig nang matinis ang kuliglig sa biyak na bato.

Tanging ang mga kalawanging damo ng taglamig ang naiwan sa

kapatagan, tila ba pinatag ng niyebe, at doon sa damuhan ay namuo ang

mumunting sanaw. Sa tabi ng tore ay sumasalamin ang tubigan sa pulahang

langit ng kanluran, samantalang sa may kalayuan ay nagiging abuhin gaya ng

54
mga ulap. Habang tinatanaw niya ang kapatagan na ang kalangitan ay

dumidilim at pinatatahimik ng mga hamog ng gabi, pinakikinggan niya ang

paligid at hagdanan kung may lagitik ng mga yabag. Matamang inuulinig

niya ang kamay na pipihit ng kandado ng bakal na pinto. Pinakikinggan niya

ang kislot ng isang buhay na lawas sa patay na tore. At wala siyang nasagap

kundi ang sitsit ng kuliglig at atungal ng simoy sa mga hungkag na silid sa

ibaba.

Humilig siya at ipinatong ang mga siko sa pasimano. Malamig ang

pasimano ngunit hindi niya alintana. Hindi niya napansin na ang duguang

langit ay pumusyaw sa sanaw sa damuhan, ni ang kapatagang dating

sinlawak ng laot ay puminid ngayon. At hindi niya napansin ang

pananahimik ng mga uwak.

Dahil iniisip niya ang lalaking dumating isang gabi at itinali ang

kanyang kabayo sa mga pintuan, inakyat ang kanyang silid, at sumiping sa

kaniya sa kama – upang pagkaraan ay maglaho bago lumatag ang liwayway.

Siya ang lalaking dumating sa kanya gaya ng unos, at may pananalitang gaya

ng habagat na humahalihaw sa kahuyan, at ang mga yakap ay sinindihan ang

kanyang mga panaginip at naghatid ng mainit na sinag ng araw sa kanyang

puso. Siya ang lalaking nag-iwan sa kanya ng mga marka, na ang kabayo’y

kinahig ang lupa sa paanan ng tore. Balisa at di makatulog, tumitig ang dilag

sa kawalan.

Tahimik na nakaupo sa tabi ng bintana ang Malungkot na Pananabik,

na ang di-maliparang uwak na kapatagan ng gastadong buhay ay nasa harap

ng babae. Malungkot na Pananabik, nagdurusa sa kanyang gunita, at katulad

ng imortal na kabataang katumbas ng kabaliwan ng Pag-asa.

55

You might also like