Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Aldrin Miguel Endaya

BSIT 2-1

BALANGKAS NG PAGSUSURI
DULA
BALANGKAS SA PAGSUSURI NG ISANG DULA
PAMAGAT: SA PULA, SA PUTI (DULA)
NI: FRANCISCO “SOC” RODRIGO

I. May-akda - FRANCISCO “SOC” RODRIGO

Si Francisco “Soc” Rodrigo ay ipinanganak sa bulacan nooong Enero


29, 1914. Nag-aaral sa
pamantasang Ateneo de manila at namatay noong Enero 4, 1998
dahil sa kaser. Siya ay isa ring
nanalong senador mg dalawang termino sa magkaibang
administrasyon. Isa ring columnista sa
pahayagang Malaya Philippine star. Naging mamamahayag sa
telebisyo sa ABS-CBN para sa “mga kuro-
kuro ni soc Rodrigo” kilala din na isang kritiko ng politika at isyu ng
sosyo- ekonomikal

a. Dyanra
Ang “Sa Pula, Sa Puti” ay isang sikat na dulang pang komedya

b. Teorya
Teoryang realismo- masasabing itoy kinapapalooban ng realism dahil
ang mga pangyayari sa
kwentong ito ay nangyayari na sa totoong buahay. Katulad na lamang ng
mga lalaking nalululong sa pagsasabong na gumagamit ng daya, gaya ni
Castor at kulas, na kung saan ang ganitong mga
Gawain ay Walang magandang maidudulot sa pamilya, lipunan at sarili.

II. Layunin ng May-Akda


Layunin ng dulang ito na "Sa Pula, Sa Puti" ni Francisco "Soc" Rodriguez ay
isang mapangahas na obra na tumatalakay sa mga isyu ng lipunan,
katulad ng kahirapan, kaapihan, at kawalan ng hustisya. Layunin nito na
magbigay-liwanag sa mga hamon at suliranin na kinakaharap ng mga
Pilipino sa iba't ibang panahon, at itampok ang kahalagahan ng pagkakaisa
at pakikipagtulungan sa pagtahak ng landas tungo sa pagbabago at pag-
unlad.
III. Nilalaman
a. Tauhan
Kulas – ang pangunahing tauhan sa kuwento, isang sabongero na hindi
nawawalan ng pag-asang
swertehin sa pagsasabong .
Celing –maybahay ni kulas, lagging nagpapaalala kay kulas na tigilan na
nito ang pagsasabong.
Pumupusta siya ng Palihim sa manok ng kalaban dahil manalo man o
matalo ang kaniyang asawang si
kulad ay hindi mababawasan ang kanilang salapi.
Teban- isang engot na kasambahay nila kulas at celing . Siya ang
inuutusan ni celing upang pumusta ng
palihim sa manok ng manok na kalaban ni kulas .
Castor – isang bihasa sa pagsasabong na nagtulak pa lalo kay kulas
para huwag mawalan ng pag-asa sa
pagsasabong . Pinapayuhan niya si kulas sa mga nararapat umano
nitong gawin upang manalo sa
sabong .
Sioning – kaibigang matalik ni celing. Tanging napagsasabihan ni celing
ng kaniayng mga saloobin
patungkol sa patuloy na pagsasabong ni kulas.
Aling kikay- kapitnahay ng mag-asawang sina kulas at celing

b. Tagpuan
ang tagpuan ng nasabing kwento ay sa tahanan ng mag-asawang sina
celing at kulas na malapit sa sabungan

IV. Pagsusuri
a. Tema o Paksa
Ang "Pula" ay maaaring sumimbolo ng pakikibaka, ng kagitingan, at ng
pag-asa, samantalang ang "Puti" ay maaaring simbolo ng kaayusan,
karangalan, at katatagan. Sa pamamagitan ng pagkukuwento ng dula,
maaaring masuri at bigyang-diin ang mga konsepto ng hustisya,
kahirapan, karapatan, at kalayaan.
b. Taglay na Bisa
Bisang pangkaisipan
sa pagbabasa ng akdang ito, naisip ko na ang mga Pilipino ay likas na
naniniwala saswerte na kanilang nakukuha sa pagsusugal. Kahit saang
bandang tingnan kung susumahin ang pagsusugal ay masama maging
maliit o malaki man ang taya at kahit na katuwiran ng iba ay libangan
lamang ito subalit sa paningin ng diyos itoy isang makasalanang gawain .
Bisang pandamdamin
Sa dulang ito ay naghatid ng kasiyahan sa pagkat sa huling bahagi
ng dula, makikita na
dahil sa pagkatalo ni kulas ay ito ang naging hudyat upang siya ay
magbago at tuluyan ng talikuran ang pagsusugal. Kung kayat maituturing
itong masaya dahil naghatid ito ng mensaheng maari pang magbago ang
isang Tao sa gawaing kaniyang kinakasadlakan kung siyay magpursigi at
maging tapat lamang sakaniyang salitang “pagbabago”.

Bisang pangkaasalan
Sa akdang ito, natutuhan kong dapat maging madiskarte at dapat
huwag I-asa sa swerteang anumang bagay bagkus magsikap nang mabuti
upang makamit ang mga inaasam-asam sa buhay.

V. Istilo
Ang istilo ng dula ni Francisco "Soc" Rodriguez ay kilala para sa
kanyang pagtutok sa masalimuot na mga isyu ng lipunan, kakaibang
mga karakter, at paggamit ng makabagong estilo ng pagsasalaysay.
Ang "Pula, sa Puti" ay isang makabagong dulang naglalarawan ng
mga paksang tulad ng mga pang-aapi, pag-ibig, at pakikipagkapwa-
tao, na karaniwang may mga elemento ng drama at social realism.
Ginagamit ni Rodriguez ang kanyang dula upang magpahayag ng mga
makabuluhan at makatotohanang mensahe sa kanyang mga
manonood.
VI. Buod
Si kulas at celing ay ang mag-asawang hindi masyadong mayamn o
mahirap, katamtaman
lang ang katayuan nila sa buhay . kaya lamang ang asawa nitong si
kulas ay nalululong sa
bisyo ng pagsasabong ng manok . Namomroblema itong si celing sa
asawa sa pagkat lagi
na lang talo kung umuwi ang asawang si kulas galling sa sabong. Kung
Kaya ay umisip siya
ng paraan para hindi sila tuluyang mabaon sa kahirapan . palihim
niyang pinapupusta ang
kanilang engot na kasambahay na si Teban sa manok ng kalaban upang
kahit manalo man
o matalo si kulas sa sabong ay wala paring talo .
Nagpatuloy ang ganooong gawain hanggang sa isang araw ay para
yatang nawawalan
nang pag-asa itong si kulas sa pagkat hindi naman daw pabor sa kaniya
ang swerte kung
kaya ay nakapag desisyon siyang iwan na ang pagsasabong . ngunit
nagbago na lamang ang
isip ng siya ay mapagpayuhan ni Castro, kasamahan rin niya sa
sabongan , sa mga sandaling
iyon ay tinuruan ni Castor si Kulas sa mga nararapat nitong gawin na
mga estratehiya upang
manalo si Kulas. Sa katagalan ng kanilang pag-uusap , hanggang sa
muli na namang
nabuhayan itong si kulas na mananalo siya sa sabong sa pagkakataong
ito. Muli ay nanghingi
siya ng perang pamusta kay celing sabay nangakong kung matatalo pa
siya sa pagkakataong
iyon ay Malaya na si celing na ihawin ang lahat ng kaniyang tinali at
nangako rin siyang
kakalimutan na niya ang sabong .
Suamapit na nga ang oras ng pagsasabong at pumunta ng palihim si
kulas na pumusta sa
manok ng kalaban gaya ng itinuro ni Castor sa kaniya. Pinapusta rin ni
aling celing si Teban
sa manok ng kalaban . ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ang
manok ni kulas na
sadiyang tinusok ng karayom ang paa upang sadiyang humina at
tuluyang matalo ay siya pa
lang mananalo sa labanan ng mga tinali . sa pagkakataong iyon ay
kapwa natalo sa sugal ang
mag-asawang kulas at celing at wala man lang silang nakuha kahit ni
katiting na kusing. At
natupad an gang kasunduan ng mag-asawa na iihawin ang lahat na
tinali at magbabago na si
kulas sa kaniyang bisyo ng pagsusugal .

You might also like