Elfilibusterismo Characters

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1.

Simoun
- Siya ang nagbabalik na si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere,
nagbalatkayo bilang mayamang mag-aalahas upang isakatuparan ang kagustuhan.
2. Basilio
- Kasintahan ni Juli at isang binatang nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling sikap
3. Juli
- Katipan ni Basilio, anak ni Kabesang Tales, nagpaalila upang matubos ang ama
4. Isagani
- Isang binatang may matayog na isipan, makata at katipan ni Paulita Gomez
5. Paulita
- Katipan ni Isagani, mayaman at magandang pamangkin ni Donya Victorina
6. Padre Camorra
- Isang kurang mainitin ang ulo , mahilig sa babae at siyang nanghamak kay Juli
7. Padre Salvi
- May payat at maputlang pangangatawan ngunit isang tuso at mapanlinlang na prayle ng San
Diego
8. Padre Sibyla
- kinilala bilang ang bise-rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas. tumutol sa pagkakaroon ng
Akademiya ng Wikang Kastila.
9. Padre Irene
- Kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago, namamahala sa pagpapatayo ng Wikang Kastila
10. Padre Fernandez
- Siya ay kilalang bukod-tanging kura na modelo sa mabuting pag-uugali.
11. Padre Florentino
- Amain ni Isagani. Nagmula sa mayamang angkan, isang tahimik at mapagkumbabang pari.
12. Kabesang Tales
- Naging Cabeza de Barangay, dati’y isang tahimik na tao, ngunit nang angkinin ng
korporasyon ng mga prayle ang lupa ay sumama sa mga tulisan.
13. Don Custodio
-Pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay, kilala rin sa tawag na Buena Tinta
14. Ginoong Pasta
- Isang abogadong sanggunian ng mga prayle kung may suliranin, pinagsanggunian din ng mga
estudyante tungkol sa pagpapatayo ng akademya
15. Ben Zayb
- Isang mapanlinlang at oportunistang manunulat at mamamahayag
16. Donya Victorina
- Pilipinang kumikilos at umaasal na tulad ng isang tunay na espanyola at itinuturing na
mapait na dalandan ng kanyang asawa
17. Quiroga
- Kaibigan ng mga prayle, naghahangad na magkaroon ng konsulado ng mga Intsik
18. Don Timoteo
- Isang negosyante,masuwerteng nakabili ng bahay ni kapitan Tiyago, ama ni Juanito
19. Mataas na kawani
- Ang nagmamalasakit sa mga Pilipino na kawani ng pamahalaang Kastila; katunggali ng
Kapitan Heneral sa pagpapalaya kay Basilio
20. Kapitan Heneral
- Ang pinakamataas na pinuno ng bayan, sugo ng Espanya, malapit na kaibigan ni Simoun
21. Hermana Penchang
- Ang manang na umampon kay Juli na ginawang katulong ang dalaga; mahilig sa
pagpaparami ng indulgencia.
22. Placido Penitente
- Nag-aaral ng pagka-abogasya. Magaling sa Latin, pinakamatalino sa bayan ng Batangas, hindi
nagiliwan ng mga propesor kaya binalak huminto sa pag-aaral
23. Macaraig
- Mayamang mag-aaral at isa sa pinakamasigasis na nakipaglaban upang magkaroon ng
Akademya ng Wikang Kastila.
24. Juanito Pelaez
- Kinagigiliwan ng mga propesor, mapanukso, kuba, at umaasa sa katalinuhan ng iba.
25. Sandoval
- Isang kastilang kawani na salungat sa mga ginagawa ng kaniyang mga kababayan, siya ay
nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas
26. Pecson
- Isang mag-aaral na palaisip subalit pesimistiko o laging may kabiguang natatanaw sa
hinaharap na kawani ng pamahalaang Kastila.

You might also like