Health4 Q4 M6

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

4

HEALTH
Quarter 4- Module 6:
Mga Kalamidad Paghandaan para
Sakuna Maiwasan

1
I. Mga Kalamidad Paghandaan para Sakuna Maiwasan

MELC:

1. recognizes disasters or emergency situations


(H4IS-IVa-28)

2. demonstrates proper response before, during, and after a disaster or an


emergency (H4IS-IVb-d-29)

3. relates disaster preparedness and proper response during emergency


situations in preserving lives (H4IS-IVe-30)

II. CONCEPT NOTES

Sa mga naunang aralin, natutunan mo ang kahalagahan ng ibang paraan


ng paggamit at tamang pagtatabi ng gamot.

Sa araling ito, kilalanin ang mga iba't ibang uri ng kalamidad sa iyong
komunidad at pag-aralan kong ano ang dapat gawin bago, habang at
pagkatapos ng isang kalamidad.

Tingnan ang larawan.

Ilarawan ang larawan.

Anu-ano ang mga uri ng kalamidad ayon sa inyong paglalarawan?


Sa iyong palagay, paano kaya maging ligtas sa panahon ng kalamidad?
Anu-ano ang dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng isang kalamidad?

1
Pag-aralan Natin:

Ano ang kalamidad? Ang kalamidad o sakuna ay tumutukoy sa isang


malaking pinsala. Ito ay aksidente o mga sadyang pangyayari tulad ng bagyo,
baha, landslide o pagguho ng lupa, storm surge, pagputok ng bulkan, lindol at
marami pang iba.

Itinuturing ang mga pangayayring ito ay nagdudulot ng matinding


pinsala sa kapaligiran, ari-arian, kalusugan at ng mga tao sa lipunan.

Mga uri ng kalamidad sa komunidad:


A. Bagyo (typhoon)- ito ay nangangahulugan ng napakasamang lagay ng
panahon na may dalang malakas na hangin at ulan. Tinatawag din itong
“buhawing tropikal” o (tropical cyclone).

B. Baha (flood) - ito ay bunga ng walang tigil o lakas ng pag-ulan. Ito ay


nagdudulot ng malaking pinsala sa tao, hayop at kalikasan.

C. Pagguho ng Lupa (landslide) - ay nangyayari kapag may bagyo, lindol,


pagsabog ng bulkan, at pagbabago o paglipat ng lupa na ginagawa ng tao.

D. Tsunami (Tsunami)- ay mga sunod-sunod na alon na nabuo kapag ang isang


bahagi ng tubig, tulad ng karagatan, ay mabilis nabago ng malakihan.

E. Daluyong ng Bagyo (storm surge) -ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng


tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin. Ito ay sanhi
ng malakas na hangin dahil sa pagbaba ng presyon sa mata ng bagyo na
nagtutulak sa tubig-dagat, dahilan upang ito ay maipon at tumaas kaysa
pangkaraniwang taas ng tubig, patungong baybayin.

F. Pagputok ng Bulkan (volcanic eruption) – ito ay ang pagbuga ng mainit na


magma, lava o mga batong malalaki at maiinit kapag pumuputok.

G. Lindol (earthquake)- ito ay ang pagyanig ng lupa na nagdudulot ng malaking


pinsala.

2
Ang maagap na paghahanda ay nalalayo sa sakuna. Upang maiwasan ang
mga sakuna na dulot ng natural na kalamidad, makinig o alamin lagi ang mga
payahag, babala at maging alerto. Maaaring malaman ang pinakabagong
impormasyon ukol sa sama ng panahon sa radyo, telebisyon o internet. Laging
ipinapahayag sa telebisyon o radyo ang pagdating o paglipat ng isang bagyo at iba.

III. LEARNING TASKS

Learning Task 1

Panuto: Tukuyin ang uri ng kalamidad ayon sa pagsalalarawan. Bilugan ang titik ng

tamang sagot.

1. May dalang malakas na hangin at ulan

A. bagyo B. baha C. daluyong ng bagyo D. lindol

2. Pagyanig ng lupa

A. bagyo B. baha C. daluyong ng bagyo D. lindol

3. Bunga ng walang tigil o lakas ng pag-ulan

A. bagyo B. baha C. daluyong ng bagyo D. lindol

4. Nangyayari kapag may bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan, at pagbabago o

paglipat ng lupa na ginagawa ng tao.

A. daluyong ng bagyo C. pagputok ng bulkan

B. pagguho ng lupa D. wala sa nabanggit

3
5. Ang pagbuga ng mainit na magma,lava o mga batong malalaki at maiinit

A. daluyong ng bagyo C. pagputok ng bulkan

B. pagguho ng lupa D. wala sa nabanggit

Learning Task 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap.
Isulat ang DAPAT o HINDI DAPAT sa patlang.

___________________ 1. Maghanda ng emergency supplies bago paman dumating


ang bagyo.

___________________ 2. Makinig at alamin ang pahayag at babala at maging


alerto.

___________________ 3. Maglagay ng mga bagay na maaaring mahulog at


magdulot ng panganib habang lumilindol.

___________________ 4. Bago pumutok ang bulkan, tukuyin ang ligtas na lugar


para sa paglikas.

___________________ 5. Umiwas sa mga gusaling nasalanta pagkatapos ng lindol.

4
Learning Task 3
Panuto: Bagyo ang kadalasang kalamidad na nararanasan sa ating bansa. Ano ang
dapat gawin upang maiwasan ang malubhang pinsala nito? Kompletuhin ang graphic
organizer na nasa ibaba.

BAGYO

BAGO MAG BAGYO HABANG MAY BAGYO PAGKATAPOS NG BAGYO


BAGYO

IV. REFLECTION

Panuto: Kompletuhin ang pangungusap na nasa ibaba.

Ang natutunan ko sa araling ito ay__________________________


_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________.

V. REFERENCES:

5
https://brainly.ph/question/112832
https://web.facebook.com/PTVph/posts/kaalaman
https://brainly.ph/question/2084375
https://www.pilipinas.bid/2019/07/ano-ang-ibig-sabihin-ng-salitang-
bagyo.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Tsunami
Edukasyong Pangkalusugan, LM.
Marilou E Marta R. Benisano, M.A.P.A et. al. pp. 380-400
https://www.slideshare.net/edithahonradez/health-yunit-iv-aralin1
https://www.pilipinas.bid/2019/07/ano-ang-ibig-sabihin-ng-salitang-
bagyo.html
https://brainly.ph/question/7042963
https://brainly.ph/question/7042963
https://brainly.ph/question/2921220
https://brainly.ph/question/580586
https://www.slideshare.net/AgnesAmaba2/yunit-1-aralin-1-ang-mga-
pinagsibulan-ng-mga-kabihasnan-sa-asya
https://brainly.ph/question/112832
https://brainly.ph/question/5371194
https://tl.unionpedia.org/i/Estados_Unidos
https://tl.wikipedia.org/wiki/Sakuna
https://brainly.ph/question/3549677
https://brainly.ph/question/580586
https://brainly.ph/question/2084375

6
VI. ANSWER KEY

Learning Task 1 Learning Task 2

Learning Task 3

Compiled by:
JENY GRACE C. ABRIA
Teacher I

You might also like