Kabanata 19, 21, 22

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kabanata 19 - Paglisan

I. Tauhan
 Placido Penitente
 Kebesang Andang
 Kapitan Simona
 Anak ni Kapitan Simona
 Simoun
 Kaibigan ni Simoun
 Prokurador ng mga Agustino - nabanggit
 Kabesang Tales - nabanggit

II. Buod/Mahahalagang Pangyayari


 Umalis si Placido Penitente sa kanyang paaralan dahil siya’y kinukutya ng
kanyang mga guro at kaklase. Dahil doon, naisipan niyang maghiganti sapagkat
hindi siya binibigyang parangal bilang isang batangueño. Umuwi siya ng kanyang
bahay na may bahid ng galit at tinanong siya ng kanyang ina kung ayos lang siya
at sinabi niya ang dahilan ngunit hindi siya sineryoso ng kanyang ina at
pinayuhan siya tungkol sa paghihirap niya. Ang anak ni Kapitana Simona ay
umasta bilang obispo dahil naimpluwensyahan siya ng kanyang ina na parang
dyosa. Napagtanto ng Kabesang Andang na totoo ang sinasabi ni Placido at
nadismaya ito dahil pinalaki niyang matatag at hindi nagpapadala sa mga
paghihirap ang kanyang anak. Sinumbatan niya ang kanyang anak tungkol sa
kanyang mga paghihirap. Sinabi niya na pinagsisilbihan niya San Sebastian na
kahit labag sa kanyang loob ay ginagawa niya pa rin. Nagdalamhati si Kabesang
Andang sapagkat parang nabalewala ang kanyang mga paghihirap at titigil
lamang si Placido sa pag-aaral. Naglayas si Placido dahil sa kanyang sama ng
loob, nang maramdaman niya ang gutom ay bumalik na siya sa kanyang bahay.
Sa pag-uwi niya, hindi niya inaasahan na andoon ang kanyang ina dahil ito’y
kadalasan nagbabaraha sa kapitbahay. Nang makita ni Placido ang bapor ay
nagkaroon siya ng balak, siya ay lalayas at pupunta sa Hongkong upang
humanap ng ikabubuhay at pagkatapos ay maghiganti sa mga prayle. Noong
siya’y pauwi na galing San Fernando ay nakita si Simoun na nakikipagusap sa
dayuhan ingles kaya’t naisip ni Placido na maaari siyang ipakilala ni Simoun dito
upang magamit ito sa paghihiganti. Tinawag ni Placido si Simoun at isinasama
siya nito sa kanyang karwahe. Sa kanilang paglalakbay ay napansin niya ang
mga kalsada at naisip niya na ayaw na niyang umalis ng Pilipinas. Nakasalubong
nila sila Isagani at Paulita. Noong papalapit na sila sa sila ay napansin ni Placido
ang mga putol-putol na kawayan kaya’t napaghinalaan ni Placido na ito’y
pagawaan ng pulbura. TInanong ni Simoun sa kanyang kaibigan kung mayroon
na bang pulbura at bomba ang mga ito at sinabi na kanyang kaibigan na handa
na ang lahat. Sinabi ni Simoun sa kaibigang lalaki na magtungo siya sa mga
tinyente at kabo at makikita niya roon si Kabesang Tales at sabihin sa kanya ang
“cabesa”. Sinabi niya sa kanyang kaibigan na kailangan maisagawa na ang
kanilang plano sa isang linggo para makuha na niya si Maria Clara. Noong pauwi
na sila, napagtanto ni Placido na ayaw na niyang maghiganti at maging
mapagpatawad na lamang. Nagpakumbaba at nakinig na lamang si Placido sa
kanyang ina.
III. Isyu/Sakit/Suliranin/Kanser sa Lipunan
 Ang isyu sa kabanatang ito ay ang diskriminasyon na nararanasan ni Placido
Penitente. Siya’y nakararanas ng pangungutya galing sa kanyang mga guro at
mga kaklase na naging dahilan kung bakit gusto na niyang umalis sa kanyang
paaralan. Ipinapakita rito na nakakaapekto ang diskriminasyon sa mga mag-
aaral kung saan nawawalan sila ng motibasyon sa pumasok at mag-aral.
Naipapakita rin dito na ang diskriminasyon ay maaaring magbunga ng
paghihiganti.

IV. Matatalinhagang Pahayag

“Tingnan natin kung ano ang kanilang sasabihin 'pag tinamaan silá ng kidlat!”
 Ang pahayag na ito ay maaaring nangangahulugan ng labis na galit ni Placido
Penitente. Ang kidlat na sinasabi sa pahayag ay sumisimbolo sa kanyang galit
na kapag tinamaan ang tao ay lubos na magdudulot ng kapahamakan.
Ipinapalabas sa pahayag ang maaaring magawa ng galit na mayroon si Placido
sa mga taong kinagagalitan niya.

V. Aral
 Ang aral na ating makukuha sa kabanatang ito ay ang pagiging mabuti sa
kapwa. Dapat nating iwaksi ang diskriminasyon at pangungutya sapagkat maaari
itong makaapekto sa taong nakararanas nito kung saan maaari siyang mawalan
ng ganang mabuhay o gumawa ng mga bagay. Kalakip nito ay huwag dapat
tayong magpaapekto sa mga pangungutya at manatiling nakatuon sa ating sarili
at kakayahan, kung alam natin ang tunay na tayo, hindi tayo magpapaapekto sa
mga pangungutya. Matututuhan din sa akda ang pagpapatawad, kung saan si
Placido ay naisipang hindi na ituloy ang kanyang balak na maghimagsik at
magpatawad na lamang. Ang paghihimagsik ay magdudulot lamang ng mas
maraming problema at hindi ito ang sagot sa lahat kaya’t dapat ay matuto tayong
magpatawad.

Kabanata 21 - Mga Ayos ng Maynila

I. Tauhan
 Camaroncocido
 Don Custodio
 Donya Victorina
 Kapitan Heneral
 Padre Irene
 Padre Salvi
 Paulita Gomez
 Tadeo
 Tiyo Kiko
 Baguhan na kasama ni Tadeo
II. Buod/Mahahalagang Pangyayari
 Nang gabing iyon ay may malaking palabas sa Teatro de Variedades. Ang
samahan ng Operetang Pranses ay magtatanghal ng Les Cloches de Corneville.
Naubos agad ang mga tiket na ibinenta para sa operetang ito, ni Si Padre Salvi
ay hindi na mabilhan. Marahil dahil ito sa sinasabing ang ilan daw sa artista na
babae ay may magagandang tinig at lalong lalo na ng katawan. Ngunit sa lahat
ng pagtatalo may isang lalaki na wala ang bakas ng pananabik. Si
Camaroncocido. Kilala siya bilang lalaking europeo, ngunit namumuhay na
parang isang hampaslupa. Lumapit sa kanya ang isang lalaking tulad niya,
ngunit kabaliktaran sa itsura, siya si Tiyo Kiko. Siya ay nabubuhay rin sa
paglalathala at padidikit ng mga kartelon sa mga dulaan. Kumita si Tiyo Kiko ng
anim na piso sa pag dikit niya ng mga dulaan. Bago pa man maitanghal ang
opera, nagtalo-talo ang iba’t ibang hukuman. Nahati ang Maynila sa dalawang
panig. May mga sang ayon, may mga hindi. Ang panig ng mga hindi sumang
ayon ay sinasabing, tila ang palabas ay tutol sa kanilang moral at malaswa,
ngunit sa huli nanalo ang panig na sumang-ayon. Dahil dito marami ang nanabik
sa pagtatanghal ng opera, ang kalahati ng mga taong manonood ay dahil sinabi
ng mga prayle na huwag raw ito panoorin, naniniwalang mabuti ang palabas
pagkat ito’y pinahintulutan. Nang makaalis si Tiyo Kiko, napansin ni
Camaroncocido ang pangkat ng mga tao na mistulang ang layunin ay hindi para
mapanood ang tatanghaling opera. Pinasawalang bahala pa rin ito ni
Camaroncocido. Sa dulaan makikita si Tadeo kasama ang baguhang
kababayan. Tinuran sa kanya ni Tadeo ang pangalan ng mga dumarating, kung
hindi niya ito kilala, binibigyan niya ng ibang pangalan, nagsasalay ng kataka-
taka, at marami pang bagay. Marami siyang na kwento sa bagong kababayan,
mula sa Mahistro at Koronel, Ben zayb, Paulita Gomez, Donya Victorina at
Juanito Pelaez, Ang tatlong Parkas, at kay Don Custodio. Sa wakas nakita ni
Tadeo sina Pecson, Sandoval, Makaraig, at Isagani, at niyaya ang mga ito.

III. Isyu/Sakit/Suliranin/Kanser sa Lipunan


 Ang isyung makikita sa kabanatang ito ay ang pagwawalang bahala sa mga
masasamang kutob at pangyayari. Katulad ni Camaroncocido na may napansin
na kakaibang plano ng mga tao ngunit hindi pinansin at isinawalang bahala
lamang. Ang mga ganitong pangyayari ay maaaring magdulot ng kapahamakan
sa bayan kaya nararapat lamang na bigyang pansin.

IV. Matatalinhagang Pahayag

V. Aral
 Ang aral na makukuha sa kabanatang ito ay ang pagkakaroon ng limitasyon at
pakikinig sa mga panukala. Hindi maling maging mausisa ngunit dapat ay may
limitasyon dahil maaaring may mangyaring kapahamakan sa atin. Katulad na
lamang ng mga tao sa kabanata na gustong manood ng palabas kahit pa
ipinagbabawal ito.
Kabanata 22 - Ang Palabas

I. Tauhan
 Simoun
 Kapitan Heneral
 Don Primitivo
 Pepay
 Don Custodio
 Makaraig
 Ben Zayb
 Mga mag-aaral
 Isagani
 Paulita
 Palaez
 Gertude at Serpolette
 Padre Irene
 Padre Salvi
 Babae

II. Buod/Mahahalagang Pangyayari


 Magsisimula ang palabas ng ikawalo’t kalahati ng gabi subalit, labinglimang
minuto na lang ang natitira at hindi pa rin ito nagsisimula dahil wala pa ang
Kapitan Heneral. Pagpadyak ng paa at pagpukpok gamit ng baston na hindi
ikinatuwa ng mga tagahanga ni Marte. Pinag-uusapan ang kaguluhan at
pinagtatalunan ang galing ng mga artista na hinahangaan nila. Patuloy ang pag-
akit nila sa mga kababaihan. Habang patuloy ang kaguluhan sa teatro, dalawang
puwang na lamang ang natitira. May isang lalaki na umupo at ayaw umalis sa
upuan na para daw kay Don Primativo. Nagtatalo ang dalawa at ayaw ibigay ng
lalaki ang upuan. Inakala ng lalaki na malaking kahihiyan kung ibibigay niya ang
upuan kaya mahigpit niya itong hinawakan at tumanggi sa mga tagapamahala.
Sumangguni ang mga beterano sa kanilang alagad, kaya nagpalakpakan ang
mga tao sa teatro. Tumugtog na ang Marcha Real dahil dumating na ang Kapitan
Heneral at Gobernador. Nakaupo ang mga estudyante sa harap ng puwang ni
Pepay na isang mananayaw. May kasunduan sila na hikayatin si Don Custodio
sa panig ng mga estudyante. Pinadalhan ni Pepay ng liham ang tagapamagitan
at naghihintay ng kasagutan. Dahil dito, pumunta si Don Custodio sa teatro sa
kabila na tutol siya sa palabas ng operetang Pranses. Sanhi nito ng mga
pasaring sa kanya ni Don Manuel na kalaban niya sa pulong Ayuntamiento.
Tumitiyak si Sandoval na sa kanila ang panig ng rekomendasyon. Pinag-usapan
din at sinang-ayunan ito ng kataas-taasang Lupon. Nagbatian sina Sandoval at
Makaraig. Maliban kay Isagani na tila malamig ang pagtanggap dahil pagpasok
niya, nakita niya ang kaniyang iniibig na si Paulita Gomez at si Juanito Palaez.
Matinding panibugho ang kanyang naramdaman. Binati siya ni Paulita habang
ang mga mata ay humihingi ng tawad at paliwanag. Si Isagani ay nanood muna
ng mag-isa habang nakikita niya si Paulita na may kasamang iba at ang karibal
niya pa nito. Narinig niya na lamang ang pagbabalak ni Makaraig at Sandoval
ngunit para sa kaniya ang mga ito ay alingawngaw lamang na nagbubuhat sa
malayo.
Itinaas na ang Tabing, bumungad ang pag-awit ng mga magsasaka sa Corneville
at sunod na umawit si Gertrude. Habang si Tadeo ay wala nang naririnig kundi
ang salitang cancan. Dumating si Serpolette dahil aawit din ito. Nakakita si
Tadeo ng isang ginoong may pustisong bigote at matangos ang ilong. Ito ay si
Padre Irene, ipinadala ni Padre Salvi sa teatro upang magmasid sa sikretong
pulis ng simbahan. Ngunit, nahirapan ito nang makilala siya ni Serpolette dahil
nagkita na sila noong sila ay nasa Europa. Huli nang dumating ang isang babae
na kasama ang kanyang asawa. Pumasok at umupo sa puwang na walang
laman at sandali pa, nagalit nang makitang walang laman ang kanilang puwang,
inasar siya ng mga tao at tinawag niya naman ang mga ito na "ungas" na
nagdulot ng kaguluhan. Humanga naman si Donya Victorina kay Juanito at balak
pa niyang pakasalan ito pag nawala na si Don Tiburcio. Si Ben Zayb na tagasuri
ng “El Grito de la Integridad” patuloy ang pagbabatikos sa palabas lalo na sa
mga artista dahil ayon sa kanya, hindi naman talaga sila marunong umawit.
Dumating si Makaraig na hawak ang papel at inabot ito kay Sandoval. Ang balita
ni Makaraig ay tungkol sa pagpaplanong buksan na ang paaralan. Sinang-
ayunan ito subalit ilalagay ito sa ilalim ng Unibersidad ng Santo Tomas at ang
mga Dominikano ang maghahawak nito. Ipinamungkahi ni Padre Irene na
ipagdiwang ito sa pamamagitan ng salo-salo kasama ang iba pang mga
estudyante bilang pagpapasalamat. Sinimulan na ang pagtugtog ng orkestra
para sa ikalawang bahagi, habang ang mga estudyante ay tumindig at lumabas
ng teatro na ikinamangha ng lahat

III. Isyu/Sakit/Suliranin/Kanser sa Lipunan


 Masasalamin pa rin sa kabanatang ito ang isyung hindi pantay na pagtingin sa
mga tao dahil sa kanilang antas sa buhay. Hindi nagsisimula ang palabas
hanggat hindi pa dumadating ang mga taong mataas ang antas sa buhay,
walang pakialam sa mga taong kanina pa naghihintay sapagkat hinihintay
dumating ang mga matataas. Makikita rin sa palabas sa kabanata ang katiwalian
at korapsyon ng pamahalaan at simbahan noong panahon.

IV. Matatalinhagang Pahayag

"Libo-libong alaala ang nanunuot sa kanyang isip, katulad ng malalayong alingawngaw


ng tugtuging naririnig sa katahimikan ng gabi, katulad ng himig ng isang kantahing
pampatulog, bumubulong sa mapapangalaw na gubat, madidilim na batisan, mga
gabing ang liwanag ng buwan ay lumalatag sa karagatan na ang lawak ay di masukat ng
kanyang paningin."
 Ang pahayag na ito ay sumisimbolo sa emosyon ni Isagani kung saan naaalala
niya ang kanyang mga alaala kasama ang kasintahan na si Paulita. Ang mga
magagandang alaala nila ni Paulita na tila’y nakalulungkot isipin na mawawala
dahil sa kanyang nakikita.
V. Aral
 Masasalamin sa kabanatang ito ang kahalagahan ng wika. Kailangan nating
igalang at respetuhin ang wika ng iba kahit hindi natin ito lubos na nauunawaan.
Hindi porket hindi natin naiintindihan ang wika ng iba ay hindi na natin ito
igagalang.

You might also like