Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Araling Panlipunan - Grade 6

Alternative Delivery Mode


Quarter 3 Modyul 3: Reaksiyon ng Pilipino sa Epekto ng Pagsasarili ng Bansa
Unang Edisyon 2020
Isinasaad ng Batas Pambansa Bilang 8293, seksiyon 176 na: Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ito ginawa kung may hangarin na ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga hiram na materyal (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula
atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay pag-aari ng sinumang nagtataglay ng naturang
karapatang-ari. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram
at ginamit dito. Hindi inaangkin ng tagapaglathala (publisher) at ng mga may-akda
ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte


Tagapamanihala ng mga Paaralan Edilberto L. Oplenaria
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 6
Mga Manunulat : Rhodora M. Alde, Ruby Rosa O. Deloso,
Eve Luz V. Elicarte, May Ann R. Eslet
Illustrator and Layout Artist: Christine Melody Maramara
Proofreader, In-House Content and Language Editor: Antonieta B. Epe Ph.D

Management Team

Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V


Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Rosemarie T. Macesar, Ph. D.
Assistant Schools Division Superintendent
Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief
Angelito D. Barazona, Ed.D., EPSvr –ArPan
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Ricardo S. Abalo, Principal I
Antonieta B. Epe, Ph.D. Principal II
Ma. Fe L. Mesias – Principal I
Ellen O. De Guzman, Ed.D. Principal II
Aida M. Alquilita, - Principal I
Ashlima L. Racmat – MT- II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com
6
Araling Panlipunan
Kwarter 3 Modyul 3:
Reaksiyon ng Pilipino sa Epekto ng
Pagsasarili ng Bansa

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


guro, punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid ng programang
pang-edukasyon ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng Lanao del Norte.
Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na
mag - email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon- Sangay ng Lanao del Norte sa lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this module are owned by their respective copyright holders. The publisher and authors
do not represent nor claim ownership over them. Sincerest appreciation to those who have made
significant contributions to this module.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahina

PABALAT
PAHINANG KARAPATANG SIPI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN

Aralin 1 –Reaksiyon ng Pilipino sa mga Epekto ng Philippine


Rehabilitation Act, Parity Rights, Kasunduang Base Militar
Alamin ……………………………………………………………….……….....1
Subukin…………………………………………………………………….….....2
Balikan…………………………………………………………………….….…..2
Tuklasin…………………………………………………………………….….....3
Suriin………………………………………………………………….…………..3
Pagyamanin…………………………………………….…………………........ 6
Isaisip………………………………………………………….………………....6
Isagawa ..……………………………………………………….…....…………7
Tayahin……………………………………………………….……………….… 7
Karagdagang Gawain…………………………………….………….…….…...8
Aralin Reaksiyon ng mga Pilipino sa mga Epekto sa
Pagsasarili ng Bansa na ipinapahayag ng ilang

1 Di-pantay na Kasunduan tulad ng Philippine


Rehabilitation Act, Parity Rights at Kasunduang
Base Militar.

Alamin

Panimula
Magandang buhay sa inyong lahat. Ipakita ang ngiti sa inyong pisngi dahil sa araw
na ito pagkatapos ng aralin 1, ikaw ay inaasahang:

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa
pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at
hamon ng kasarinlan.

Pamantayan sa Pagpaganap:

Nakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribusyon ng mga nagpunyaging mga


Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan.

Pamantayan sa Pagkatuto:
• Nasusuri ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga epekto sa
pagsasarili ng bansa na ipinapahayag ng ilang di-pantay na kasunduan tulad
ng Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights at Kasunduang Base Militar.
• Napapahalagahan ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga epekto
sa pagsasarili ng bansa na ipinapahayag ng ilang di-pantay na kasunduan
tulad ng Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights at Kasunduang Base
Militar.

1
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Lagyan ng R ang patlang kung ang pahayag
ay tumutukoy sa reaksiyon ng mga Pilipino at E kung epekto ng pagkakaroon ng Philippine
Rehabilitation Act, Parity Rights at Kasunduang Base Militar. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.
_____ 1. Ang batas ay nagdulot ng milyun-milyong dolyar na US para sa rehabilitasyon ng bansa.

_____ 2 .Pagbabayad sa mga pinsala sa bansa.


_____ 3. Maraming mga Pilipino ang tumutol.
_____ 4. Dumagsa ng mas maraming bilang ng mga produktong Amerikano sa pamilihan ng
Pilipinas.

_____ 5. Nagalit ang maraming Pilipino.

Balikan

Sa nakaraang aralin, napag-aralan mo na ang epekto ng Colonial Mentality pagkatapos


ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Naaalala mo pa ba ang mga kaalaman tungkol sa kahalagahan ng epekto ng Colonial
Mentality pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig?

A. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tumutukoy sa epekto ng Colonial Mentality ng
ikalawang digmaang pandaigdig at isulat naman ang MALI kung hindi. Isulat ang
sagot sa iyong kwaderno.

_____1. Naiiba ang pakikitungo ng mga anak sa mga magulang.


_____2. Pagbati gamit ang “Hi”.
_____3. Hindi nagbago ang mga pagkaing Pilipino.
_____4. Hindi nasanay ang mga Pilipino noon sa paggamit ng mga bagay na yari sa
United States.
_____5.Sumulat ng wikang Ingles ang maraming Pilipino.

2
Tuklasin

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at isulat sa inyong kuwaderno ang iyong
sagot.

1. Anong bansa ang sinandalan ng bansang Pilipinas sa Pamumuno ni Pangulong Roxas?


2. Bakit pinirmahan ng Pangulo ang mga Kasunduan?
3. Sa inyong palagay, ano kaya ang maging reaksiyon ng mga Pilipino sa pagsasandal sa
bansang Amerika?

Suriin

1. Anong mga batas ang hinimok ni Pangulong Roxas na ginawa ng Kongreso ng Amerika?
A. Rehabilitation Finance Corporation
B. Republic Act No. 34 o Agrarian Reform
C. Report of the Philippine-United States Agricultural Mission 1947
D. Tydings Act( Philippine Rehabilitation Law) at Bell Act( Philippine Trade Law)

2. Anong batas/kasunduan ang nagsasaad tungkol sa paglinang ng likas na yaman?


A. Batas Militar C. Base Militar
B. Parity Rights D. Philippine Rehabilitation Act

3. Paano nakaapekto sa ating bansa ang Philippine Rehabilitation Act sa larangan ng


impraestruktura?
A. Maraming gusali ang hindi naisaayos.
B. Nagkaroon ng trabaho ang maraming Pilipino.
C. Gumanda ang hanapbuhay ng mga mamamayan.
D. Naisaayos ang mga nasirang tulay, kalsada at gusali.

4. Ano ang nakasaad sa kasunduan ng Pilipinas at United States tungkol sa Base Militar na
pinirmahan noong Mayo 14, 1947?
A. nakasaad na bibigyan ang United States ng karapatan upahan ang mga base military sa
loob ng 99 na taon.
B. nakasaad na bibigyan ng tulong ang mga military( Military Assistance Agreement)
C. pagtatanggol sa isa’t isa ( US-RP Mutual Defense Treaty)
D. bawat Pilipino ay bibigyang parusa kung sino ang lalabag sa batas military.

5. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang reaksyon sa kasunduang base militar ng
Pilipino at Amerikano?
A. Sila ay nagwelga habang nambabato sa embahada ng US.
B. Silay ay nagsayawan at nagkantahan dahil sila ay nasiyahan sa kasunduan.
C. Sila ay nagkaroon ng malaking handaan.
D. Sila ay umalis sa ating bansa at doon naninirahan sa ibang bansa.

3
Hinimok ni Manuel A. Roxas ang Kongreso na tanggapin ang dalawang batas na ginawa
ng kongreso ng Amerika-Tyding Act (Philippine Rehabilitation Law) at Bell Trade Act (Philippine
Trade Law).
Mga suliraning kinahaharap ni Pangulong Roxas
1. Pagsasaayos muli ng ekonomiya ng bansa.
2. Panunumbalik ng kaayusan at kapayapaan ng bansa.
3. Pagsasaayos ng kultura ng bansa.
4. Kakulangan sa pagkain, kagamitan at gamot.
5. Krisis pinansyal.

Ano ang Philippine Rehabilitation Act?


Ang Philippine Rehabilitation Act of 1946 ay kilala rin bilang “War Damage Act”. Ito ay batas
na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga tao o negosyo na naapektuhan ng digmaan
ngunit may kasamang kondisyon. Ang mga kondisyong nakapaloob dito ay:
1. Pagtatag ng Philippine War Damage Commission.
2. Pag-ootorisa sa pamahalaan ng Amerika na ibigay ang surplus military equipment at
property sa pamahalaan ng Pilipinas.
3. Pagbibigay ng karapatan sa mga Amerikano na gamitin ang likas na yaman ng bansa,
kapalit ng tulong pinansyal.

Epekto ng Philippine Rehabilitation Act of 1946


Ang batas ay magdudulot ng milyun-milyong dolyar na US para sa rehabilitasyon at
pagtatayo ng bansa, gayunpaman, bilang kapalit ng tulong pang-ekonomiya ng Estados Unidos,
inilatag ng Estados Unidos ang isang kondisyon. Ito ay ang tinawag na Parity Rights o pantay na
karapatan ng Pilipinas At Estados Unidos na gamitin at pakinabangan ang mga mapagkukunan ng
bansa, at itatayo ang mga mahahalagang pampublikong kagamitan sa Pilipinas.

“Reaksyon ng mga Pilipino sa mga Epekto ng Philippine Rehabilitation Act”

1. Napilitan ang mga Pilipino na sumang-ayon sa kasunduan na ipinapatupad ng


Amerikano.
2. Ang mga Pilipino ay walang pagpipilian ngunit upang baguhin ang konstitusyon upang
bigyan ang mga karapatan ng Parity Rights sa mga mamamayang amerikano biang
kapalit ng pang-ekonomiyang tulong sa U.S.
3. Nagalit ang mga tao sa ginawa ng pamahalaan sa pakikipag-ugnayan ng mga
Amerikano sa ating bansa.
4. Marami ang tumuligsa sa naipasang batas.

Pag-aralan natin ngayon ang reaksyon ng mga Pilipino sa epekto ng Parity Rights.

Parity Rights – ay ang patakarang nagbigay ng karapatan sa pantay na pakinabang sa


likas na yaman ng mga Amerikano at Pilipino sa Pilipinas.

4
Mabuting Epekto ng Parity Rights
1. Madaling napaunlad nito ang pangangalakal at industriyang itinayo ng mga
Amerikano sa Pilipinas.
2. Dumagsa ang mas maraming bilang ng mga produktong Amerikano sa pamilihan ng
Pilipinas.
3. Nagkaroon ng mabuting ugnayan sa dalawang bansa.

Masamang Epekto ng Parity Rights


1. Nauubos ang ating likas na yaman.
2. Pagsasamantala ng Amerikano sa ating likas na yaman.

Mga Naging Reaksyon ng mga Pilipino sa mga Epekto ng Parity Rights


● Maraming mga Pilipino ang tumutol.
● Ang mga pulitikong Pilipino ay suportado ng mga Amerikano.
● Hindi natuwa ang mga Pilipino dahil sa pagkasira ng kalikasan.
● Natuwa din ang ibang mga Pilipino.

Pakikipag-ugnayan ng Militar sa United States

Ang pangunahing suliraning hinarap ni Roxas sa kanyang panunungkulan dahil sa


malaking pinsala dulot ng digmaan ay sa pagsasaka at industriya. Naging malapit ang ating
bansa sa United States noong mga panahong iyon sa paniniwala ni Pangulong Roxas na
ang katatagan ng bansang Pilipinas ay nakasalalay sa pakikipagkaibigan sa Estados
Unidos.
Ipinagpatuloy ang kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos tungkol sa Base Militar
na pirmahan noong Mayo 14,1947 kung saan binigyan ang Estados Unidos ng karapatang
upahan ang mga base militar sa loob ng 99 na taon. Bukod sa Kasunduang Tulong Militar
(Military Assistance Agreement) na unang nilagdaan noong Marso 21, 1947 ay nilagdaan
pa ang isa pang kasunduan noong Agosto 30,1951. Ito ang kasunduan sa Pagtatanggol sa
isa’t isa ( US-RP Mutual Defense Treaty).
Mga Reaksiyon ng mga Pilipino sa Kasunduang Base Militar
1. Umani ng matinding batikos ang administrasyong Roxas.
2. Nagalit ang mga Pilipino.
3. Mas ginusto nilang gamitin at tangkilikin ang mga gawang stateside
4. Nakalimutan ng maraming Pilipino ang pagtangkilik sa mga gawaing local.

5
Pagyamanin

Napag-alaman mo na ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga Epekto ng


Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights, Kasunduang Base Militar .Lagyan ng masayang
mukha  kung ito ay kabilang sa mga reaksiyon ng Pilipino at lagyan naman ng malungkot
na mukha  kung hindi. Iguhit ang sagot sa iyong kwaderno.

_____1. Nagalit ang mga Pilipino.


_____2. Ang mga Pilipino ay walang pagpipilian.
_____3. Nakiisa ang mga Pilipino ng buong puso.
_____4. Nagdiwang ang mga Pilipino dahil sa bagong batas.
_____5. Napilitan ang mga Pilipino na sumang-ayon sa kasunduan na ipinapatupad
ng Amerikano.

Isaisip

Tandaan!

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang talata at piliin sa loob ng kahon ang iyong
tamang sagot at isulat sa kwaderno.
1. Alin sa sumusunod ang naging reaksyon ng karamihang mga Pilipino sa epekto ng Parity
Rights?
A.natuwa C. nabigla
B. tumutol D. nabahala
2. Ano ang Parity Rights?
A. Hindi pantay na karapatan ng mga Pilipino at amerikano.
B. Karapatan ng lahat ng Pilipino na makinabang sa likas na yaman.
C. Pantay ang pakinabang ng mga Amerikano at Pilipino sa likas na yaman ng bansang
Pilipinas.
D. Pagbigay karapatan sa mga Amerikano sa pagpapaunlad sa lahat ng lupang
agrikultural at likas na yaman.
3. Paano ipinahayag ng mga mamamayan ang kanilang damdamin tungkol sa di- pantay na
kasunduan ng base militar?
A. pagwewelga
B. pagkakaroon ng malaking handaan
C. pagpupunit ng papel ng kasunduan
D. pagkakaroon ng sayawan,at kantahan
4. Bakit nagkaroon ng kasunduan ang Amerika at ang bansang Pilipinas?
A. Nagkaroon ng malaking suliranin na idinulot ng digmaan.
B. Nagalit ang ibang bansa kaya nakiisa sa bansang Amerika.
C. Nabaon sa utang ang bansang Pilipinas.
D. Nawalan nang pagkakakitaan ang bansang Amerika.
5. Bakit sumang-ayon si Manuel A. Roxas sa kasunduang inilatag ng mga Amerikano?
A natakot siyang patayin ng mga Amerikano
B. masaya siya sa ipinapatupad na kasunduan
C. nais ng mga Amerikano na umunlad ang Pilipinas
D. gusto niyang makabangon ang Pilipinas mula sa digmaan

6
Isagawa

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kwaderno.
1. Sino ang pangulo na naghimok sa kongreso na tanggapin ang dalawang batas ng Amerika?
A. Elpidio Quirino C. Rodrigo R. Duterte
B. Manuel A. Roxas D. Emilio Aguinaldo

2. Ano ang batas na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga tao ngunit
may kasamang kondisyon?
A. Bell Trade Act
B. National Defense Act
C. Republic Act ng 1987
D. Philippine Rehabilitation Act of 1946
3. Ano kaya ang kahalagahan ng likas na yaman ng Pilipinas sa mga dayuhang Amerikano?
A. Mapaunlad ang mga ito.
B. Mapakinabangan ang mga likas na yaman ng bansa.
C. Ninais ng mga Amerikano na makipagkalakalan dahil dito.
D. Gusto nilang maangkin ang mga likas na yaman ng Pilipinas.
4. Anong batas/kasunduan ang nagsasaad tungkol sa paglinang ng likas na yaman?
A. Batas Militar C. Base Militar
B. Parity Rights D. Philippine Rehabilitation Act
5. Anong pangyayari ang isang dahilan ng pagsandal ng bansang Pilipinas sa Amerika?
A. ang mga mamamayang Pilipino ay magkaroon ng trabaho.
B. magkaroon ng maraming pera ang ating bansa.
C. mabigyang lunas ang mga suliraning kinakaharap ng bansang Pilipinas
dahilan ng pagkawasak sa digmaan.
D. makuha ang bansang Amerika.

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat angTAMA kung ito ay nagpapahiwatig
ng reaksiyon ng mga Pilipino sa mga Epekto ng Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights,
Kasunduang Base Militar at isulat ang MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.
_____1. Nagkaisa ang lahat ng Pilipino na sundin ang kasunduan.
_____2. Maraming mga Pilipino ang taos pusong sumuporta sa kasunduan.
_____3. Mas malaki ang kinita ng mga Amerikano kaysa sa mga Pilipino.
_____4. Umunlad ang pangangalakal at industriya.
_____5. Umani ng matinding batikos ang administrasyong Roxas.
7

You might also like