Professional Documents
Culture Documents
Lagumang Pagtataya 3 5
Lagumang Pagtataya 3 5
_____1. Anong solusyon ang ibinigay na Ben Zayb upang maayos ang paliko-likong ilog Pasig?
A. sapat na karanasan B. mag-alaga ng mga pato
C. gamit ang siyentista D. gamitin ang mga bilanggo at kalalakihan
_____2. Saan patungo ang bapor tabo?
A. Ilog Pasig B. Maynila C. Laguna D. Santa Cruz
_____3. Paano inilarawan ni Rizal ang sitwasyon ng mga pasahero sa ilalim ng kubyerta?
A. maingay, amoy langis, siksikan, presko, at maraming kagamitan
B. siksikan, maaliwalas ang paligid, maingay, magulo, at maraming kagamitan
C. mainit, mausok, siksikan, maraming kagamitan, at malinis
D. magulo, maingay, mainit, mausok, siksikan at maraming kagamitan
_____4. Bakit inuutusan ni Kapitan Tiago si Basilio na bisitahin ang kanyang bahay sa San Diego?
A. upang makagala B. upang may maglinis ng bahay niya.
C. upang makahithit ng apayan D. upang walang mag-aalaga sa kanya
_____5. Tungkol saan ang pinag-uusapan nina Kapitan Basilio, Basilio, at Isagani?
A. Kapitan Tiago B.Akademya ng Wikang Kastila C. A at B D. Lahat ng nabanggit
_____6. Ano ang ibinigay ng mga estudyante kay Padre Irene bilang kapalit ng tulong na paghingi ng
pahintulot sa Kapitan Heneral hinggil sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila?
A. 2 Pilak B. 2 Alahas C. 2 Kabayo D. 2 Aso
_____7. Ayon kay Kapitan Basilio, sino raw ang sasalungat sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila?
A. Padre Camorra B. Padre Sibyla C.Padre Irene D. Padre Salvi
_____8. Siya ang nagsabing kaya tamad ang mga Pilipino sapagkat hindi umiinom ng serbesa.
A. Padre Camorra B. Padre Sibyla C.Padre Irene D. Padre Salvi
_____9. Siya ang estudyate naghandog ng isang bahay para gawing paaralan?
A. Isagani B. Basilio C. Sandoval D. Macaraig
_____10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI wastong paghahambing sa bapor tabo at pamahalaan noon?
A. Ang bapor tabo ay malakas sumipol na parang isang hari na makapangyarihan at niyuyukuan.
B. Ang bapor tabo ay hugis bilog na katulad ng pamahalaan noon na walang magandang plano sa pamamalakad para sa
Pilipinas.
C. Ang bapor tabo ay nagpapanggap na malinis at marangal ngunit makikita ang mga dumi sa likod ng pinta tulad ng walang
katarungang pagpatay at pagbilanggo, kabulukan at katiwalian ng pamahalaan at simbahan.
D. wala sa nabanggit
II. PAGTUTUKOY:
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat sa sagutang papel ang tinutukoy ng mga pahayag.
(Wrong spelling means WRONG)
____________________11. Ano ang ibinabayad sa mga pari noon bilang bayad sa pagbibinyag, kasal, at libing ng patay?
____________________12. Ano ang pangalan ng babaeng nag-anyong lalaki at nagtungo sa Maynila upang hingin ang katuparan ng
pangako sa kanya?
____________________13. Ito ay alamat tungkol sa espirito ng mga patay na nananahan sa isang lugar.
____________________14. Ito ay tungkol sa demonyong nag-aanyong buwaya na nagtataob ng mga bangka ng manlalayag at naging
bato pagkatapos banggitin ang pangalan ng isang santo.
____________________15.Saan nalulong si Kapitan Tiyago?
____________________16. Siya ang nagbibigay ng limitasyon kung hanggang magkano lang ang maaaring hingiing bayad sa kasal,
binyag, misa at iba pa.
III. PAGTATAPAT-TAPAT:
Panuto: Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salita sa Hanay B. Isulat lamang ang letra ng sagot.
HANAY A HANAY B
_____17. Akademya A. Katutubong Pilipino
B. palapag
_____18. Nag-alsa
C. kalokohan
_____19. masasabalikat D. hampas
E. papayagan
_____20. Hambalos
F. kokontrahin
_____21. bapor tabo G. mahihirap na tao
H. pabilog na bapor
_____22. indio
I. paaralan
_____23. sasalungatin J. lumaban
K. magagampanan
_____24. katunggakan
IV. ENUMERASYON:
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod: (In any order)
LAGUMANG PAGTATAYA IV
IKAAPAT NA MARKAHAN
KABANATA 4-9
I. MARAMIHANG PAGPIPILI:
Panuto: Basahin nang mabuti at sagutin ang mga sumusunod na katanungan o pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
_____1. Tauhan na nilunok ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at ng mga guro.
A. Basilio B. Isagani C. Kapitan Tiago D. Makaraig
_____2. Tauhan sa nobela na nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan
Tiago.
A. Basilio B. Isagani C. Kapitan Tiago D. Makaraig
_____3. Tauhan na napakamayamang mag-aalahas, kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan Heneral.
A. Basilio B. Isagani C. Kapitan Tiago D. Simoun
_____4. Tauhan na tumulong kay Basilio na makapag-aral.
A. Basilio B. Isagani C. Kapitan Tiago D. Simoun
_____5. Paano natulungan ni Kapitan Tiago si Basilio na makapagsimula ng bagong buhay?
A. Inampon niya si Basilio. B. Kinupkop niya si Basilio. C. Pinag-aral niya si Basilio. D. Pinakain niya si Basilio.
_____6. Ano ang naging pakikitungo kay Basilio ng kanyang mga kaklase at guro sa paaralan?
A. Kasundo niya ang lahat. B. Parati siyang nilalait. C. Tinutulungan siya sa klase. D. Walang pakialam sa kanya.
_____7. Anong kasawian ang naranasan ni Basilio?
A. Kawalan ng hanap-buhay. B. Kawalan ng tahanan. C. Ulila sa kaibigan. D. Ulila sa pamilya.
_____8. Paano natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun?
A. Sa pamamagitan ng kaibigan. B. Sa pamamagitan ng pag-iimbestiga.
C. Sa pamamagitan ng bulong-bulungan sa bayan. D. Sa pamamagitan ng di sinasadyang pagtatagpo sa gubat.
_____9. Bakit kinulata ng mga guwardiya sibil ang kutsero?
A. Dahil nakalimutan nito ang kanyang sedula. B. Dahil mabilis ang patakbo nito sa kalesa.
C. Dahil namatay ang ilaw ng kaniyang kalesa. D. Dahil sa dalawang paglabag nito, ito ay ang A at B.
_____10. Ano ang ibig sabihin ng "Walang manlulupig kung walang magpapaalipin."?
A. Walang sino man ang dapat na lupigin. B. Walang karapatan ang tao na mabuhay.
C. Walang mayaman o mahirap sa lipunan. D. Walang mang-aapi kung walang magpapaapi.
_____11. Bakit hindi itinuloy ni Simoun ang nakaambang pagbaril kay Basilio?
A. Dahil may dumaan na guwardiya sibil. B. Dahil nakaramdam siya ng awa kay Basilio.
C. Dahil mayroon siyang ibang balak kay Basilio. D. Dahil nabatid niyang hindi siya ipapahamak nito.
_____12. Bakit hindi nagising ni Simoun ang damdaming makabayan ni Basilio?
A. Dahil ayaw lang talaga ni Basilio. B. Dahil hindi siya mahilig sa politika.
C. Dahil wala siyang pagmamahal sa bayan. D. Dahil hindi niya gusto ang ugali ni Simoun.
_____13. Ano ang palagay ni Basilio kay Simoun noong nagkita sila sa gubat?
A. Isang mamamatay tao. B. Isang tulisan na dumating sa bayan.
C. Isang bagong salta sa kanilang bayan. D. Isang taong ipinalalagay niyang napakadakila.
_____14. Hindi pinapansin si Basilio sa paaralan sapagkat siya ay_________.
A. mahina B. mahirap C. marungis D. matapang
_____15. Siya ang pinuno ng mga guwardiya sibil at may balak bumili ng isang kadena ng relo.?
A. Basilio B. Padre Salvi C. Alperes D. Simoun
_____16. Ang magbubukid na inagawan ng karapatan sa kanyang lupain.
A.kabesang Tales B. Simoun C.Tandang Selo D. Tano
_____17. Ang nagpaalipin upang matubos ang kanyang ama.
A. Lucia B. Juli C.Sinang D.Sisa
_____18. Si Kabesang Tales ay naging isang_________
A.Cabeza de barangay B.Mayor C.Sundalo D.Tanod
_____19. Bakit hindi pinatay ni Simoun si Basilio?
A.Alam ni Basilio ang lihim at tunay na pagkatao ni Simoun
B.Dahil mabait at matalinong estudyante si Basilio
C.Walang alam si Basilio sa mga nangyayari kay Simoun
D.Walang ginawang masama si Basilio kay Simoun
_____20. Dahil sa sama ng loob napipi si Tandang Selo.Anong ibig sabihin ng salitang sinasalungguhitan?
A.Hindi makalakad B.Hindi makakain C.Hindi makapagsalita D.Hindi makarinig
_____21. Alin sa mga sumusunod ang higit na pinakahulugan ni kabesang Tales sa katagang “magiging lupa rin tayo at hubad taying
talaga nang ipinanganak”?
A.Lahat ng tao ay nagmula sa lupa.
B.Hubad tayong ipinanganak at mamamatay ring hubad.
C.Habang may buhay may pag-asa.
D.Hindi dapat matakot sa kamatayan dahil tayo namang lahat ay mamamatay.
_____22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pagkaantala ng biyahe ni Basilio patungong San Diego?
A. Dahil sa mahabang prusisyon. B. Dahil naiwan ng kutsero ang sedula.
C. Dahil sa kuwento ng kutsero D. Dahil hinuli ng mga guwardiya sibil ang kutsero.
_____23. Pinatubos si kabesang Tales ng mga tulisan sa halagang________
A.300 B.400 C.500 D.600
_____24. Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Huli
A.Basilio B.Isagani C.Simoun D.Tano
_____25. Ang taong hindi makapagsalita, tanging ungol lamang ang lumabas sa kaniyang bibig at tuluyang napipi sa araw ng Pasko.
A.Kabesang Tales B.Juli C.Tandang Selo D.Tano
_____26. Ang alahas na hindi isinanla ni Juli na bigay ng kasintahan sa kanya na noon ay pagmamay-ari ni Maria Clara.
A.Damit B.Laket C.Singsing D.Relo
_____27. Ano ang nais bilhin ni Alperes kay Simoun?
A. Isang pares ng hikaw B. kuwintas C.Kadena ng relo D. Agnos
_____28. Ano ang pamagat ng aklat ni ipinababasa ng amo ni Juli sa kaniya?
A. Tandang Basyu Macunat B. Tandang Basyo Macunat
C. Tandang Basio Macunat D. Tandang Basio Makunat
_____29. Sino sa mga anak ni Kabesang Tales ang namatay?
A. Juli B.Carolino C.Lucia D. Wala sa nabanggit
_____30. Matapos matiyak ni Basilio na walang nakakikita sa kanya, mabilis siyang ________.
A. nagtungo sa bahay nina Tales. B. tumakas sa bahay ni Kapitan Tiyago.
C. nagtungo sa tahanan nina Kapitan Basilio. D. nagtungo sa gubat na dating pag-aari ng mga Ibarra.
IV. ENUMERASYON:
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod: (In any order)
44 – 45: Ano ang dalawang larong naipanalo ni Basilio sa ikaapat na taon niya ng pag-aaral sa San Juan de Letran?
PANGALAN: ______________________________________________SEKSYON: ____________________ ISKOR: ________
LAGUMANG PAGTATAYA V
IKAAPAT NA MARKAHAN
KABANATA 10-23
I. MARAMIHANG PAGPIPILI:
Panuto: Basahin nang mabuti at sagutin ang mga sumusunod na katanungan o pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
II. PAGTUTUKOY:
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat sa sagutang papel ang tinutukoy ng mga pahayag.
(Wrong spelling means WRONG)
_________________21. Ang mahiwagang ulo sa palabas sa Perya sa Quiapo.
_________________22. Siya ang estudyanteng nawalang ng ganang mag-aral dahil sa kaniyang mga propesor.
_________________23. Siya ang paring sinasadyang magpatisod upang makapanghipo sa mga magagandang dalaga.
_________________24. kanino inihalintulad ang buhay ng mahiwagang ulo sa tanghalan ng magikerong Amerikano?
_________________25. Siya ang ina ni Placido Penitente.
_________________26. Siya kilala sa tawag na “buena tinta”.
_________________27. Siya ay may negatibong pag-iisip.
_________________28. Ang mapanghusgang pari at mapanginsulto kay Placido Penitente sa klase.
_________________29. Ito ay isang lalaking may piring ang mata, nakagapaos ang mga kamay ng abaka at may guwardiya
sibil sa magkabilang gilid.
_________________30. Siya ay mula sa kilalang angkan at may dugong bughaw ngunit nag-aanyong pulubi kaya kinakahiya
ng mga kastila.
_________________31. Ano ang nais bilhin ni Hermana Penchang at ipangreregalo sa Birhen ng Antipolo?
_________________32. Kastilang naging kapanaling ng mga estudyante na dating nagtrabaho sa pamahalaan at
ipinagpatuloy lamang ang pag-aaral.
_________________33. Siya ay isang mestisong mayaman at paboritong estudyante ng mga propesor dahil mahilig itong
magpatawa.
_________________34. Siya ay nahimatay pagkatapos maibunyag ng mahiwagang ulo ang kanyang nagawa sa nakaraan.
III. ENUMERASYON:
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod: (In any order)
35 – 37: Ano-anong mga isyu ang tinalakay nina Kapitan Heneral sa kanyang tanggapan?
38 – 40: Sino-sino ang mga pinatay ni Kabesang Tales sa Kabanata 10?