Batang Tinubuan Sandaang Mata

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Namnamin ang

Panitikan
Ang Batang
Tinubuan ng
Sandaang
Mata
Laki sa layaw ang batang si Pina. Lahat ng gustuhin niya
ay nasusunod. Bagong bestida man, o tsokolate, o
mamahaling manyika. Ang lahat ay ibinibigay sa kaniya
ng kaniyang ina. Lumaking maganda si Pina. Pero
nasanay siyang laging umaasa sa magulang. Naging
tamad si Pina. Masungit. Makasarili. Maramot.
Mataray.“Hindi bale, bata pa si Pina. Magbabago pa
siya,” bulong sa sarili ng kaniyang ina. Isang araw,
nagkasakit ang ina ni Pina. Panay ang bahing at ubo niya.
Gustuhin man niyang bumangon ay hindi niya magawa.
Nanlalambot siya. Nanghihina.
“Pina, Pina,” tawag ng nakaratay niyang ina. “Lumapit ka
rito. May ipapakisuyo ako sa iyo.”“Ano po iyon?”

“Malubha ang aking lagnat. Kailangan kong kumain


upang gumaling agad. Maaari mo ba akong ipagluto ng
lugaw?”

Nanlaki ang mga mata ni Pina. Buong buhay niya ay


walang sinumang nagtangkang mag-utos sa kaniya.
Magwalis nga ay hindi niya magawa. Magluto pa kaya?
“Huwag kang mag-alala, madali lang magluto ng lugaw,”
sabi ng kaniyang ina. “Kumuha ka lang ng kaldero.
Lagyan mo ng bigas at kaunting tubig. Dagdagan mo pa
ng isang kutsaritang asukal. Halu-haluin mo at
pakuluan.”

“Ang hirap naman! Ayoko po, Inay!” pagalit na sabi ni


Pina.“Kailangan mong sumunod, Pina!” tumaas ang
boses ng kaniyang ina. “Gusto mo bang mamatay ako
nang dahil lang sa lagnat?” “Hindi po,” bulong ni Pina.
Kaya’t labag man sa kalooban ay nagtungo siya sa
kusina.
Tumindig si Pina sa gitna ng kusina. Hindi niya makita
ang kaldero. “Inaaaaay, nasaan ang kaldero? Paano ako
magluluto ng lugaw kung walang kaldero?” “Nand’yan
lang ‘yan sa may patungan. Hanapin mo!” sigaw ng
kaniyang ina. Nakita ni Pina ang kaldero. Pero hindi niya
naman makita ang iba pang gagamitin sa pagluluto.
“Inaaaaay! Nasaan ba ang bigas? Wala ring asukal! ‘Di ko
makita ang sandok! Ang lutuan, nasaan?” sunod-sunod
na tanong ni Pina. “Ay, Pina! Nand’yan lang ‘yan lahat sa
kusina. Mata ang gamitin mo, hindi ang bibig!” “Pakituro
na lang po!”
“Napakatamad mo talagang bata ka! Ni hindi mo pa nga
sinusubukang maghanap! Sana’y magkaroon ka ng
sandaang mata para makita mo ang lahat ng hinahanap
mo!”

Biglang-bigla, tumahimik sa loob ng bahay. Napanatag


ang ina ni Pina. Sa wakas, tumigil na sa pagtatanong ang
kaniyang anak. Marahil ay nagluluto na ito ng lugaw.
Pero lumipas ang buong maghapon, hindi pa rin
bumabalik si Pina. Gabi na ngunit wala pa rin ang lugaw.
Hirap man ay sinubukang tumayo ng ina ni Pina.

Laking gulat niya nang wala ang kaniyang anak sa


kusina! Sa kaniyang kuwarto ay wala rin. Sa bakuran ay
wala rin. Nagtanong-tanong siya sa mga kapitbahay
subalit ni isa ma’y walang nakakita kay Pina. “Baka
naman naglakwatsa lang.”
“Baka naglaro sa kung saan.”

“Baka nakitira muna sa malayo ninyong kamag-anak.


Alam mo naman iyon, likas na tamad at ayaw sa
responsabilidad.”

Pero isang buwan na ang nagdaan. Hindi pa rin


bumabalik si Pina.“Pina, Pina, nasaan ka?” hikbi ng ina.
Dumating ang tag-araw.

Minsan, habang nagwawalis sa bakuran ang ina, may


nakita siyang isang naiibang prutas. Dilaw ito. Kasinlaki
ng ulo ng isang bata. Pinitas niya ito’t sinuring mabuti.
Maya-maya pa’y bigla siyang napaatras. May sandaang
mata ang prutas! Sandaang nakapikit na mata.
Sandaang mata na walang makita. Bigla niyang naalala
ang sumpang minsan niyang sinambit sa anak.
Napahagulhol siya.“Pina, Pina, mahal kong Pina!” Bilang
pag-alaala kay Pina ay pinarami ng ina ang prutas.
Ipinamahagi niya ito sa buong bayan. Ibinigay sa
mahihirap at walang tirahan. Aliw na aliw naman ang
lahat dahil sa sarap ng naiibang prutas. Sa isang banda,
nagbago na si Pina. Si Pina na dati’y makasarili’t
maramot ay natuto nang ibahagi ang sarili sa iba. Sa
paglipas ng panahon ay tinawag na pinya ang prutas na
may sandaang mata.

You might also like