AP 10 - Dynasty Report

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Ampatuan Dynasty

Full Report + Script

PANIMULA.

Erica: Isang mapagpalang araw sa inyong lahat! Ako po si Erica Eunice R. Domingo
kasama ang aking mga kagrupo na sina Althea Louise D. Trinidad at James Patrick
A. Gaetos. Narito kami sa inyong harapan upang talakayin ang Politikal na
Dinastiya ng mga Ampatuan.

Althea: Batid naming matunog ang kanilang mga pangalan at nakapukaw ng


atensyon kung paano sila nanilbihan sa ating bansa. Tama ba? Kaya naman, atin
nang simulan ang pagtatalakay.

PAMILYANG AMPATUAN.

JP: Pagpapakilala sa pamilyang Ampatuan.

JP: Ang mga Ampatuan ay namamalagi sa Maguindanao nang maraming siglo, at


sinakop ang karamihan ng mga sangay ng politika sa lugar. Maaaring subaybayan
ang pinagmulan ng kanilang angkan sa isang mangangaral ng Muslim na si Shariff
Aguak, na isa sa mga unang tao na nagdala ng paniniwala ng Islam sa lugar.

JP: Auman ang bigkasin ng mga Ampatuan, hinggil sa kagustuhan ng nakararami,


ito ang batas sa lalawigan na nararapat sundin ng nasasakupan. Ang buhay ng
bawat mamamayan ay nakasalalay alinman sa dalawa; ang pagtugon ng “oo” sa
kanilang mga inilalahad, o ang matapang na pagbigkas ng “hindi” na magdudulot
ng labis na pagkamatay.

PAGKAKAKILANLAN.

Erica: Kailan at paano nga ba naging isang politikal na dinastiya ang mga
Ampatuan? Kayo ba ay may mangilan-ngilan na ideya? (if sasagot ok, if walang
sagot, move on.)

Erica: Nagsimula ang pagkilala sa pamilyang Ampatuan ng nahalal ang noo'y


officer-in-charge ng Maganoy na ngayo'y kilala bilang Shariff Aguak, Maguindanao
na si Andal Ampatuan Sr. bilang mayor ng nasabing siyudad noong 1988 sa
panahon ng dating Pangulong Corazon Aquino.

Erica: Pinagtibay ng angkan ng Ampatuan ang kanilang kapangyarihan sa


pamamagitan ng matalik na pakikipagkaibigan sa dating Pangulong Gloria
Macapagal Arroyo nang manungkulan siya sa pagka-pangulo pagkatapos ng EDSA
People Power II.

Erica: Ang gobyerno sa panahon ni Gloria Macapagal Arroyo ay disente makitungo


sa mga Ampatuan, kung saan sila ay nagbibigay ng pondo para sa rehiyon, at sa
proseso na hinihimok si Andal Sr. na “undreamed heights of power”.

Erica: Ang pamilya at ang pribadong hukbo nito, na sinasabing binubuo ng


hanggang sa 5,000 militiamen, pulisya, at tauhan ng militar, ay nauugnay sa
pagpatay, pagpapahirap, sekswal na pag-atake, pagdukot, at iba pang mga kaso
ng pang-aabuso sa karapatang pantao, ayon sa isang pagsisiyasat ng
internasyonal na pangkat ng adbokasiya ng Human Rights Watch.

MGA KASAPI AT PANUNUNGKULAN.

Althea: Ngayong naman, ay dumako tayo sa pagkilala ng mga kasapi ng kanilang


angkan at panunungkulan ng mga ito upang tuluyang mabatid ang kani-kanilang
mga naging kontribusyon sa bansa, mabuti man o masama ang naging epekto nito.
Inilalahad namin sa iyong harapan ang mga pangunahing miyembro ng pamilyang
Ampatuan na tumatak sa buhay ng nakararami. (read name of Andal, report Andal
Sr.)

Andal “Andy” Ampatuan Sr.

- Miyembro ng politika ng Pilipinas, at sinasabing pangunahing salarin sa


naganap na Maguindanao Massacre. Siya ay kilala bilang patriyarka ng
pamilyang Ampatuan.

Taong 1986:
Kasalukuyang vice-mayor ng siyudad bago pa man hirangin ng dating Pangulong
Ferdinand Marcos Sr. bilang officer-in-charge ng Maganoy o kilala ngayon bilang
Shariff Aguak.

Taong 1988 - 1998:


Umupo bilang mayor sa lalawigan ng Maguindanao sa termino ni Gloria Macapagal
Arroyo sa loob ng sampung taon.
Taong 2001:
Siya ay tumakbo at nanalo bilang bagong gobernador ng nasasakupan laban sa
kasalukuyang nanunungkulan na si Zacaria Candao.

- Makalipas ang panahon ng kanyang pagsisilbi, pinangalanan niya ang limang


bayan ng Maguindanao nalalapit pagkatapos sa mga miyembro ng pamilya.

Sa loob ng halos dalawang buwang pagrereklamo sa hindi magandang kalagayan


ng kanyang tiyan, habang kasalukuyang namamalagi sa kulungan at may mahigpit
na seguridad na nakapaligid rito, si Andal Ampatuan Sr. ay idinala sa ospital.

Pagkatapos ng pagsusuri, napag-alamang mayroon itong karamdamang kanser sa


atay. Gayundin, sinabi ng kanyang abogado na si Salvador Panelo kay Agence
France-Presse na ang dating gobernador ng Maguindanao ayon sa doktor ay
mayroon na lamang 3 hanggang 6 na buwan upang mabuhay.

Si Andal Ampatuan Sr. ay pumanaw noong July 17, 2015, sa kadahilanang atake sa
puso sa kasagsagan ng patuloy na imbestigasyon at paglilitis bilang punong
inakusahan sa nangyaring Maguindanao Massacre noong 2009 na sumira at kumitil
sa buhay ng nakararami.

Ang hindi inaasahang pangyayari ay nagdulot ng muling pagkasawi sa mga


naapektuhan kung saan ang boses ng bayan ay tila ba’y tuluyang tinatalikuran
dahil sa labis na pag-bagal ng pagtatalaga ng hustisya sa mga nararapat na
makamtan ito.

JP: Ngayon naman, ating kilalanin ang mga anak ni Andal Ampatuan Sr. na sina
Zaldy Uy Ampatuan at Andal “Datu Unsay” Ampatuan Jr. (read Zaldy name, report
Zaldy. read Andal Jr. name, report Andal)

Zaldy Uy Ampatuan

- Bilang isa sa mga anak ni Andal Ampatuan Sr., siya ay bahagi ng isang malakas
at maimpluwensyang dinastiya sa politika na nakabase sa Maguindanao.

- Kinondena ng batas at pinatawan si Zaldy bilang Pilipinong may salang mass


murder at isa sa mga pangunahing kasapi ng karumal dumal na pagpaslang sa
mamamayan kasama ang kanyang ama, mga kapatid, at mga pamangkin.

- Siya ay isang miyembro ng ARMM Legislative Assembly mula 1993 hanggang


1998.
- Nagsilbi rin siyang gobernador ng Autonomous Region sa Muslim Mindanao
(ARMM) mula 2005 hanggang sa kanyang tuluyang pag-suspinde sa posisyon
noong 2009 dahil sa malaking papel sa nasabing Maguindanao Massacre.

Andal “Datu Unsay” Uy Ampatuan Jr.

- Katulad ng kapatid na si Zaldy, siya rin ay kinondena at pinatawan ng batas sa


salang mass murder bilang isa sa mga pangunahing kasapi sa Maguindanao
Massacre kasama ang kanyang kinabibilangan na pamilya.

Taong 2009:

- Sa oras ng trahedya, siya ang kasalukuyang nakaupo bilang alkalde ng Datu


Unsay, Maguindanao at pinaplano na tumakbo para sa gobernador ng
lalawigan, ang posisyon ng kanyang ama na si Andal Ampatuan Sr., dahil ito ay
nakatakda nang mabakante.

Erica: Ang huling pangunahing kasapi ng kanilang politikal na dinastiya at isa rin sa
mga anak ni Andal Sr., ating talakayin ang bahagi ng buhay at kilalanin kung sino
nga ba si Datu Sajid Islam Ampatuan?

Sajid Islam Ampatuan

- Siya at ang kanyang mga kapatid na sina Zaldy, Anwar at Andal Jr., at bayaw
na si Akmad ay sangkot sa Maguindanao Massacre at ikinulong.

- Si Sajid ay pinakawalan sa piyansa noong Marso 2015 at pinalaya noong 2019.

Taong 2004:
Si Sajid Ampatuan ay nahalal bilang bise gobernador ng Maguindanao noong
eleksyon habang ang kanyang amang si Andal Ampatuan Sr. ay nagsilbi bilang
gobernador ng lalawigan.

Taong 2009:
Nagdesisyon si Sajid na kusang lisanin ang tanggapang kaniyang
pinagtatrabahuhan kasunod ng masaker sa Maguindanao noong Nobyembre ng
taon.

Taong 2016:
Inatasan ng kanyang ama na pamunuan ang "muling pagsasama" ng lipi
pampulitika ng Ampatuan. Si Sajid Ampatuan ay nagplanong tumakbo para sa
posisyon ng alkalde sa Shariff Aguak noong halalan sa ilalim ng United Nationalist
Alliance. Siya ay nabigo sa kanyang mayoral bid.
Taong 2017:
Maraming mga kasong katiwalian ang isinampa laban kay Sajid Ampatuan.
Konektado ang mga ito sa kanyang panunungkulan bilang namamalaging
gobernador ng Maguindanao mula 2008 hanggang 2009.

Taong 2022:
Noong Oktubre, Si Ampatuan ay sinentensiyahan ng maximum na 170 taong
pagkabilanggo ng Sandiganbayan dahil sa paglabag sa anti-graft and corrupt
practices act at malversation sa pondo ng publiko sa pamamagitan ng
panghuhuwad ng mga pampublikong dokumento.

Mga Isyung Kinasasangkutan

Althea: Dahil lubos na nating nakilala ang mga pangunahing miyembro ng kanilang
pamilya at rason kung bakit sila naging isang politikal na dinastiya, tayo naman
dumako sa isang napakalaking isyu na hinarap ng ating bansa na kanilang
kinasasangkutan.

MAGUINDANAO MASSACRE.

JP: Ang Maguindanao Massacre, o kilala din sa tawag na Ampatuan Massacre, na


pinangalanan sa bayan kung saan natagpuan ang labi ng mga 58 nasawing biktima
ay isang madugong pangyayaring naganap noong umaga ng Nobyembre 23, 2009.

Althea: Ang pinagmulan ng alitan sa dalawang angkan; Ampatuan at


Mangudadatu.

Althea: Mainit na usapin sa Maguindanao at Cotabato City ang nagbabadyang


malalakas na paligsahan sa larangan ng politika sa pagitan ng lipi ng Ampatuan,
ang kasalukuyang makapangyarihang pinuno ng lalawigan at ARMM, laban sa
pangkat ng mga Mangudadatu.

Althea: Nagsimula ang alitan ng malamang hindi na kwalipikadong tumakbo bilang


gobernador ng lalawigan si Andal Ampatuan Sr.

Althea: Ang pinuno at pangunahing handang humamon sa Ampatuan ay ang


nakaupong bise-mayor sa Bayan ng Buluan, si Datu Esmael ‘Toto’ Mangudadatu na
nagmula din sa isang kilala at malakas na pamilyang pampulitika sa Mindanao.
Hinangad niyang wakasan ang 20-taong pamamahala ng pamilyang Ampatuan sa
Maguindanao sa pamamagitan ng pagtakbo sa eleksyon bilang gobernador ng
nasasakupan laban kay Andal Ampatuan Jr.

Althea: Ang pangyayaring ito ay naging isang malaking surpresa sa buong bayan.
Batid nilang mayroong matalik at matibay na koneksyon ang pangkat ng
Ampatuan kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at sa Lakas-Kampi-CMD
Party noong 2004 at 2007 pambansang eleksyon.

Althea: Gayunpaman, hindi ito naging isang balakid at pangamba kay


Mangudadatu at itinuloy pa din niya ang orihinal na plano sa kabila ng mga
pagsubok na maaaring harapin dahil sa ginawang desisyon.

Erica: Sa kabilang dako, hindi ito nagustuhan ng kabilang panig. Nag-organisa si


Datu Andal Ampatuan Sr. ng isang pagpupulong kasama ang kanilang mga
kamag-anak, tagapayo sa politika, at mga kaalyado noong Hulyo 20, 2009 upang
mailabas ang kaniyang hamak na balak. Ito ay ang patayin ang Buluan Bise Mayor,
na si Esmael "Toto" Mangudadatu — sa kadahilanang pagtangging umurong sa
karera at bawiin ang desisyong paglaban sa kanilang kampon.

Erica: Nagtagal ng apat na buwan ang mabusising pagplano ng pangkat ng


Ampatuan, kasama ang mga kasabwat nito upang maisagawang matagumpay ang
kanilang plano.

JP: Nobyembre 23, 2009. Araw ng Maguindanao Massacre.

JP: Ipinaalam ni Mangudadatu sa korte na nagpasya ang kanilang pamilya at


tagapayo na ipadala ang kanyang asawa at iba pang mga babaeng miyembro sa
lipon upang ihain ang kanyang sertipiko ng kandidatura sa araw na iyon, tiwala na
walang pinsala ang darating sa kanila dahil ang Islam ang nangingibabaw na
relihiyon sa rehiyon ng autonomous na Muslim, ay nag-uutos na ang mga
kababaihan ay dapat tratuhin nang buong paggalang.

JP: Pagkarating ng Salman, ang paglalakbay ng mga ito ay nahinto ng daan-daang


armadong grupo na pinaniniwalaang mga CVO (mga organisasyong boluntaryo ng
sibilyan) na kasama ang ilang mga opisyal ng PNP at isang lokal na mayor ng
lalawigan.

Erica: Idinala malapit sa isang malaki at malalim na hukay ang mga kababaihan,
ibang sibilyan, kasama na ang 32 na katao na miyembro ng media. Doon, hindi sila
nagdalawang-isip simulan ang binabalak.

Erica: Si Andal “Datu Unsay” Ampatuan Jr., kasama ang kanyang mga tauhan
gamit ang kanilang mga armas, ay ginawa itong isang libangan at
nakipag-kompetensya sa isa’t isa. Walang-awang pinagmalupitan, pinatay, at
pinahirapan ng mga ito ang mga taong nasa kanilang harapan. Walang ni-isang
nakaligtas ng buhay sa mga taong kabilang dito.
Althea: Ang trahedyang ito ay bumagsak sa kasaysayan bilang pinakabrutal na
karahasang naranasan ng mga mamamahayag at ang pinakamalubhang kaso na
maiuugnay sa kasidhian ng halalan ng Pilipinas.

WAKAS AT KASALUKUYAN.

Althea: Ano nga ba ang naging epekto nito at mga hakbang na ginawa ng
gobyerno upang litisin ito at bigyan ng hustisya ang mga buhay na nasawi? Ating
alamin.

JP: Matapos ang masaker, idineklara ng gobyerno ang batas militar upang
mapadali ang pag-aresto sa mga Ampatuan. Itinaas ito pagkatapos ng isang
linggo, at nananatiling makikita at may bisa kung ang alinman sa mga naaresto ay
talagang lilitisin at nahatulan.

JP: Ang iskandalo ay nagresulta sa pagtatapos ng politikal na dinastiya at


paghawak ng kapangyarihan ng mga Ampatuan sa pamamahala sa lalawigan ng
Maguindanao.

Erica: Pinatawan ng isang hukom sa Maynila si Andal Uy Ampatuan Jr., kasama ang
maraming iba pang mga kamag-anak at pangunahing mga suspek na nagkasala sa
iba’t ibang kasong murder. Sila ay nasentensiyahan ng buhay sa bilangguan.
Matapos ang mas malawak na imbestigasyon at pagsisiyasat, napag-alaman ang
Maguindanao Massacre ay kinasasangkutan ng mga miyembro ng pulisya at hukbo
ng Pilipinas.

Erica: Ang hustisyang kanilang inaasam matapos ang pangyayari ay unti-unting


natahimik at bumagal, dahilan kung bakit umabot ng mahigit na 10 taon ang hatol
para sa mga salarin dahil sa mahirap at hindi maayos na sistema ng Korte Suprema
at mga kaugnay na sangay nito.

Althea: Si Esmael ‘Toto’ Mangudadatu ay naging gobernador noong Mayo 2010,


anim na buwan pagkatapos ng masaker. Naglingkod siya ng tatlong termino bago
matagumpay na tumakbo para sa Kongreso noong 2019.

Althea: Hanggang sa kasalukuyan, ang mga tao ng Maguindanao at Cotabato City


ay patuloy na nagiging isang estado ng kabuuang kawalan ng paniniwala at muling
pagkasawi sa nagdaang kaganapan tuwing naririnig ang mga balita tungkol sa
masaker habang patuloy itong napaguusapan.
Althea: At doon po nagtatapos ang aming pagtatalakay sa mga impormasyon na
dapat nating mabatid at matutunan tungkol sa mga Ampatuan. Hiling namin na
ang lahat ay mayroong pagmumulat na nakamtan sa pamamaraang ito.

Erica: Maraming salamat sa pakikinig at pagpalain nawa kayo ng Panginoon!

You might also like