Pagpili NG Track o Kursong Akademik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MGA PANSARILING SALIK SA PAGPILI NG

TRACK O KURSONG AKADEMIK,


TEKNIKAL-BOKASYONAL, SINING AT
DISENSYO AT ISPORTS
Modyul 12

EsP Learner, kumusta ka na pagkatapos mong magsagot ng mga paunang gawain sa


Modyul na ito? Naisip mo na ba kung anong trabaho ang papasukin mo pag natapos ka na
ng iyong pag-aaral?

Ngayong ikaw ay nasa Ikasiyam na Baitang na ay mas nalinang na ang kakayahan mo na


mag-isip, bukod pa sa may malayang kilos-loob ka na gabay mo sa paghahangad mo ng
mabuti. Batid mo na ang iyong isip ay may kakayahang alamin at suriin ang anumang bagay
na naisin. Dahil dito, sa mga pagkakataon na ikaw ay magpapasiya sa pagpili ng anumang
bagay o solusyon ay nararapat lamang na iwasan ang mabilisan at di pinag-iisipang kilos.
Lalong-lalo na kung ang gagawing pasya ay magdudulot ng malaking epekto sa iyong
kinabukasan.

Ang tamang pagpili ng kukuning kurso na magdadala sa iyo sa akmang propesyon o karera
ay isang desisyong nangangailangan ng pagsusuri at matalinong pagpili. Kaya’t kahit may
isang taon pa naman bago ka tumuntong ng Senior High School at tatlong taon pa bago ka
magkolehiyo ay mahalagang simulan mo na ngayon pa lamang ang paghahanda sa pagpili
ng pinakamainam na kursong kukunin mo. Sa modyul na ito, inaasahan na
mapagtitimbang- timbang mo ang mga iba’t ibang salik na dapat mong bigyang pansin
upang makagawa ka ng pasya na masasabi mong mahusay at talagang pinag-isipan.

May mga Pansariling Salik na dapat mong bigyang pansin. Ang mga salik na ito ay ang
mga katangiang tinataglay ng iyong mismong sarili bilang isang indibidwal. Ang mga ito ay ang
iyong:
1. Talento
2. Kasanayan
3. Hilig
4. Pagpapahalaga
5. Mithiin

TALENTO

Ang talento ay tumutukoy sa mga LIKAS na galing mo na kaloob sa iyo ng Diyos. Ito ay
ang mga espesyal na husay mo sa isang partikular na larangan. Kadalasan, kahit sa murang
edad mo pa lamang ay nakikita na sa iyo ang mga palatandaan na may angking galing ka sa
mga ito.
Sa kanyang nabuong Theory of Multiple Intelligences, ang Amerikanong sikolohista na si Dr.
Howard Gardner ay nagsabi na may iba’t ibang klase ng talino o talento ng tao. Ito ay ang
mga sumusunod:
a. Visual/Spatial – tumutukoy sa likas na galing sa pagtukoy ng magagandang
kombinasyon ng mga hugis, kulay, linya, espasyo, mga sukat, at iba pang elemento
na may kaugnayan sa disenyo.
b. Verbal/Linguistic – tumutukoy sa likas na galing sa pagpapahayag ng mga saloobin
o ideya gamit ang klaro at mahusay na pagpili ng mga salita sa paraang pasalita man
o pasulat.
c. Mathematical – likas na galing sa mga numero, sa pagkwenta, sa pagkaklasipika.
d. Bodily/Kinesthetic – angking galing sa mahusay, mabilis, malikhain o epektibong
koordinasyon ng isip at katawan.
e. Musical/Rhythmic – likas na husay sa pagtukoy sa kaaya-ayang tunog, tono,
tyempo o kumpas.
f. Intrapersonal – natural na talino sa pagkaunawa sa sarili, sa mga personal na
nararamdaman at naisin.
g. Interpersonal – likas na galing sa pagkaramdam sa damdamin o katayuan ng ibang
tao.
h. Existential – talino sa pagbibigay kahulugan sa pagkakaugnay-ugnay ng mga bagay
na nangyayari sa kanyang paligid.

Sa iyong pagsusuri, sa anong mga talino sa itaas ka nabibilang? Nakatitiyak kami na ikaw ay
may talinong taglay. Kailangan mo lamang na maniwala at mas lalo pang paghusayin ang
talino/mga talinong kaloob sa iyo ng Dakilang Lumikha.

KASANAYAN

Ang kasanayan ay tumutukoy sa mga bagay o gawain na kaya o natutuhan mong gawin.
Ang kaibahan nito sa talento ay maaaring hindi mo likas na taglay ang iyong mga kasanayan
ngunit sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasanay ay iyo itong natutuhan. Ang
kasanayan ay iniuugnay sa mga salitang abilidad, kakayahan o kahusayan. Ang mga
kasanayan ay nahahati sa mga kategoryang ito:
a. Kasanayan sa Pakikiharap sa Tao (People Skills) – Kaya mo bang makipag-
ugnayan sa ibang tao sa paraang magiliw, maayos at masasabing may pag-iingat
upang matiyak mo na ang iyong pakikisalamuha ay kakikitaan ng tamang kilos at
paggalang?
b. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills) -Kaya mo bang maglista, mag-organisa at
magingat ng mga datos o impormasyon? Sistematiko ka ba sa iyong mga gawain?
c. Kasanayan sa mga Bagay-Bagay (Things Skills) – Kaya mo bang maging mahusay
sa paggamit ng mga aparato, makina, tools o gadgets, mga materyales at iba pang
mga kagamitan?
d. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills) – Kaya mo bang mag-isip ng
mga epektibo at malikhaing sistema na makapagdudulot ng makabuluhang
pagbabago sa mga nangyayri sa iyong paligid?
HILIG

Tumutukoy ito sa iyong mga interes o mga gawain na mas kinawiwilihan mong gawin kaysa
sa ibang mga gawain. Si Dr. John Holland ay pinagpangkat ang mga interes sa anim na
kategorya. Ito ay ang:
a. REALISTIC

b. INVESTIGATIVE

c. ARTISTIC
d. ENTERPRISING

e. SOCIAL
f. CONVENTIONAL

PAGPAPAHALAGA

Ang pagpapahalaga ay tumutukoy sa mga prayoridad o mga bagay na mahalaga para sa


tao. Ang personal na pagpapahalaga ng isang tao ay ang isa sa mga pangunahing
konsiderasyon sa pagpili ng propesyon. Kailangang magkatugma ang pagpapahalaga ng
isang tao at ang kanyang mga kondisyon at benepisyong naibibigay ng kanyang napiling
propesyon. Magkakaroon ng pagkalungkot o mawawalan ng motibasyon ang isang tao
sa kanyang trabaho kahit pa mataas ang kita mula rito kung kailangan niyang isakripisyo
ang kanyang paniniwala at pagpapahalaga.

MITHIIN

Ang mithiin ay ang mga nais mong mangyari sa iyong buhay sa hinaharap. Mahalaga para sa
isang kabataan na magkaroon ng mithiin sapagkat ito ang magbibigay ng direksiyon at
saysay sa kanyang buhay. Ang mga mithiin rin ang maaring magtakda ng kurso na nais
mong kuhanin upang makamit mo ang iyong pinakaaasam na mithiin.

Ang pagbabalanse at pagsusuri ng mga pansariling salik kasama ang mga panlabas na salik
ay higit na makapagbibigay ng tamang pasiya upang makapamili ka ng kurso o track na
makatutulong sa iyo upang maging produktibong mamamayan. Mahalaga na sa pagpili mo ng
hanapbuhay o negosyo sa hinaharap ay maibabalik mo sa Diyos kung ano ang mayroon ka
bilang tao.

You might also like