Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan:____________________________________________________

Baitang at Seksyon: ____________________________ Asignatura: EsP 1


Guro:___________________________________________________________
Aralin : Markahan 4, Linggo 2, LAS 1
Pamagat ng Gawain : Ang Pagsunod ay Mabuting Gawain.
Layunin : Naipapakita ang tamang kagawian sa pagsunod sa
mga utos ng mga magulang at nakakatanda.
Sanggunian : EsP Gr1 LM, MELC (EsP1PD-IVa-c-1)
Manunulat : Janine Carbon Taule

Likas sa ating kultura bilang Pilipino, ang sumunod sa ating mga magulang at
sa iba pang nakakatanda na kabilang sa ating pamilya tulad na lamang sa ating mga
kuya, ate, lolo, lola, tito at tita.
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang
letra ng tamang sagot.

1. Nakiusap ang iyong ate na tulungan mo siyang maglinis ng bahay upang mabilis
matapos ang gawain. Ano ang gagawin mo?
a. Magkunwaring may sakit upang hindi makapagtrabaho.
b. Tutulungan ang ate dahil sya ay pagod na.
c. Magdadabog ako.
2. Sinabihan si Ken ng kanyang Lola na itigil na ang panonood ng tv at siya ay
gagawa pa ng kanyang takdang aralin para bukas. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Susundin nya si Lola dahil iyon ang tama.
b. Hindi nya susundin ang utos ng kanyang Lola dahil ayaw niyang mag-
aral.
c. Magkunwaring walang narinig.

3. Dumating sa bahay nina Meme ang kanyang Tita Nenet na may dalang mga
pasalubong galing sa probinsya. Nakiusap ito na tulungan siyang dalhin sa loob ng
bahay ang kanyang mga bitbit. Ano ang gagawin ni Meme?
a. Magtatago sa kwarto dahil siya ay nahihiya.
b. Hindi nya ito tutulungan.
c. Tutulungan niya ang kanyang tita Nenet upang hindi ito mahirapan sa
kanyang mga bitbit.
4. Abala ang kuya ni Jun sa pagbibiyak ng mga kahoy na gagamitin nilang
panggatong. Inutusan niya si Jun na tulungan siyang maghakot ng mga nabiyak
niyang kahoy. Ano ang gagawin ni Jun?
a. Sasabihin ni Jun na masakit ang kanyang katawan.
b. Tutulungan ni Jun ang kanyang kuya dahil ito ay pagod na.
c. Hahayaan niya ang kanyang kuya na magtrabahong mag-isa
5. Bagong dating ang iyong Tatay galing sa pagsasaka sa bukid. Inutusan ka ng
iyong Tatay na maghain ng pagkain dahil siya ay nagugutom na. Ano ang iyong
gagawin?
a. Agad kong gagawin ang utos ni Tatay.
b. Magkukunwaring walang narinig.
c. Magdadabog.

Insert QR
Code here

You might also like