Format Sa Tesis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

1

PANIMULA

(Ito ay isang halimbawa lang tatlong (3) talata will do )

Bawat galaw sa mundo ay may hatid na mensahe. Napakahalagang talakayin ng

bawat tao ang kakayahang umunawa at magpaunawa ng mensahe sapagkat dito

nakasalalay ang isang matatag at maunlad na pagkatuto. Ang kasanayang ito ay

dapat taglayin ng tao upang umunlad sa buhay at nang maunawaan ng iba. Ang

kakayahan sa pagkatuto ang isa sa mga pinakamahalagang mithiin ng bawat isa.

Layunin ng Pag- aaral

Sa kabuuan, ang layunin ng pag-aaral nito ay nagnanais na matugunan

ang mga Salik na Nakaaapekto sa Pagkatuto ng mga mag-aaral sa Asignaturang

Filipino. Ang sumusunod ay magsisilbing gabay sa pag-aaral na ito na

naglalayong masagutan ang sumusunod na katanungan:

1. Matukoy ang mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral

sa Asignaturang Filipino ayon sa mga salik na sumusunod:

1.1 Salik sa Guro

1.2 Kagamitang Pampagtuturo

1.3 Salik sa Sosyal

1.4 Salik sa Sarili

2. Malaman kung anong salik ang higit na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga

mag-aaral sa Asignaturang Filipino.


2

Kahalagahan ng Pag- aaral

Sa mga mananaliksik, ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay

makatutulong sa kanilang pag-aaral kung saan makakukuha ng mga bagong

ideya tungkol sa mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto sa asignaturang

Filipino. Ang wikang Filipino ay mahalaga at kinakailangan sa

pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan na dapat

pag-aralan.

Kaya, ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa

sumusunod:

Sa pamamagitan ng resulta ng pag-aaral na ito ay maitataguyod ng

tagapamahala ang mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino na kung saan matutugunan ang matinding

pangangailangan ng mga mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang kanilang

malaman ang mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa

wikang Filipino at ang mga tamang paraan o salita na kanilang kailangang

gamitin na makatutulong din sa pagtatagumpay ng kanilang pag-aaral.

Para sa susunod na mga mananaliksik, ang kinalabasan ng pananaliksik

na ito ay maaaring gawing batayan o sandigan ng iba’t ibang pag-aaral tungkol

sa mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto sa asignaturang Filipino sa larangan

ng edukasyon.

Nakatutulong din ang pag- aaral na ito sa mga guro upang gumawa ng

paraan at hakbang sa pagpapanatili at pagpapaunlad sa asignaturang Filipino at


3

sa wikang Filipino bilang isa sa mga kasangkapan sa pakikipagkomunikasyon

maging ito man ay pasulat o pasalita gamit ang mga makabagong teknolohiya at

estratehiya sa pagtuturo.

Sa mga Pilipino lalong-lalo na sa mga kabataan, ang pag- aaral na ito ay

sadyang makatutulong upang mamulat ang bawat isa sa katotohanan na hindi

lamang nakatuon ang pagkatuto ng mag-aaral sa guro gayundin ay dapat

isaalang-alang ang sarili.

Para sa komunidad at pamahalaan, mahalaga ang pananaliksik na ito

upang masolusyonan ang problema sa mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto

sa asignaturang Filipino dahilan sa unti-unting pagkasira at pagkawala ng

asignaturang Filipino.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag- aaral

Ang pag- aaral na ito ay nakatuon lamang sa pag-alam at pagsuri sa

(PAMAGAT) Limitado lamang ang pag- aaral na ito sa isandaang (100)

respondente. Ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral na kumukuha ng

(RESPONDENTE) sa unang taon sa antas tersarya taong panuruan 2015-2016.


4
5

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG- AARAL

Sa bahaging ito inilalahad ang ilang pag-aaral at literaturang may

kaugnayan sa isinagawang pag-aaral. Malaki ang naitulong ng mga nakalap na

datos sa pakakaroon ng direksyon ng pag-aaral na ito.

Kaugnay na Literatura

Lokal

Ayon kay Lariza, (2012) ang pananalikdsik papel ang siyang nag bibigay
ng mga bagay sa mundo,

Nasyonal

Internasyonal
6

METODOLOHIYA

Sa bahaging ito ay iprinisinta ang mga pamaraang ginamit sa

pananaliksik, sasaklawin dito ang disenyong ginamit, mga pokus ng pag-aaral,

mga instrumentong ginamit sa paglikom ng mga datos, pamaraan sa paglikom

ng mga datos, at istatistikang ginamit sa pag-aanalisa ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

HAL.
Sa pag-aaral na ito ang mananaliksik ay gumamit ng Deskriptibong

pagsusuri. Gumamit ng survey questionnaire o talatanungan sa pagkuha ng iba’t

ibang datos. Para sa mananaliksik, ang disenyong ito ang pinakaangkop na

gamitin sa pag-aaral sa paksa dahil mas maraming datos ang makukuha mula sa

mga respondente. Tatangkaing suriin sa pag-aaral na ito ang mga salik na

nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral na kumukuha ng Bachelor of

Secondary Education (BSE) sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao, Lungsod

ng Kidapawan (USM-KCC) na pinag-aaralan ang asignaturang Filipino. Gumamit

ng talatanungan bilang instrumento sa pagkuha ng mga datos.

Mga Respondente

HAL.
Ang kasangkot sa pag-aaral na ito ay mga piling mag-aaral sa

Pamantasang ng Katimugang Mindanao (USM-KCC) na kumukuha ng Bachelor

of Secondary Education (BSE) na nasa unang taon na may bilang na isandaan

(100). Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng sarbey. Ang mananaliksik ay


7

naghanda ng sarbey kwenstyuner na naglalayong makahanap ng mga datos

upang malaman ang mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral

sa asignaturang Filipino. (Apendiks B).

Instrumentong Ginamit

Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa pamamagitan ng sarbey. Ang

mananaliksik ay naghanda ng sarbey kwestyuner upang maipakita ang mga

datos na kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga katanungan ay ipasasagot sa

mga mag-aaral ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao, Lungsod ng

Kidapawan (USM-KCC) na kumukuha ng Bachelor of Secondary Education

(BSE) na may asignaturang Filipino. Ito ay sumasaklaw sa salik na nakaaapekto

sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.

Ang tanong ay ginawa gamit ang “Likert Format”. Sa ganitong uri ng

sarbey, apat na mga pagpipilian ay ibinigay para sa bawat katanungan o

pahayag. Ang mga pagpipilian ay kumakatawan sa antas ng kasunduan sa

bawat katanungan na ibinigay. Ang palatandaan ay ginamit upang bigyang

kahulugan ang kabuuang tugon ng lahat ng mga sumagot sa bawat tanong ng

sarbey sa pamamagitan ng “Weighted Mean”

Pamamaraan sa Pagpili ng Sampol

Ang mananaliksik ay gumamit simple random sampling kung saan ang

mga piling mag-aaral sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao na kumukuha ng


8

Bachelor of Secondary Education (BSE) na may asignaturang Filipino sa unang

taon sa panuruan 2015-2016 ang siyang napili sa pag-aaral.

Paraan ng Pagkuha ng Datos

Sa pag- aaral na ito, ang mananaliksik ay gumawa ng liham na

inaprobahan ng Tagapayo at Dekana ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao

Ang mananaliksik ay may inihandang katanungan at ang mga mag- aaral ay

nakipagtulungan sa paggugol ng kanilang oras at pagsisikap upang maisagawa

ang pag-aaral na ito. Nabigyang kasagutan naman ng mga respondente ang

lahat na mga katanungan ukol sa salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga

mag-aaral sa asignaturang Filipino na inihanda ng mananaliksik.

Pag- aanalisa ng mga Datos

Ang lahat ng datos na nalikom ay maingat na itinala, inihanay at isa- isang

sinuri at binigyan ng interpretasyon. Gumamit ng istatikal na kasangkapan ang

mananaliksik na nilangkapan ng angkop at mabisang interpretasyon ng mga

kinalap na datos.
9

PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang bahaging ito ay naglalahad ng resulta ng ginawang pagsusuri na

nilikom at binigyang-kahulugan. Tiniyak na ang mga datos ng bawat kaantasan

ay malaman nang lubusan at makamtan ang mga salik na nakaaapekto sa

pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Dito rin malalaman kung

gaano kahalaga ang mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral,

dagdag pa nito ay makikita rin ang kahalagahan at epekto ng mga salik sa

pagkatuto sa asignaturang Filipino.


10

BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang nilalaman ng bahaging ito ay isang maikling pagbubuod, konklusyon

at rekomendasyon batay sa nagging resulta ng isinagawang pag-aaral ng

mananaliksik.

BUOD

Ang pag-aaral na ito ay nagnanais na matugunan ang mga Salik na

Nakaaapekto sa Pagkatuto ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino. Ang

sumusunod ay magsisilbing gabay sa pag-aaral na ito at naglalayong masagutan

ang sumusunod na mga katanungan:

1. Matukoy ang mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral

sa Asignaturang Filipino ayon sa:

1.1 Salik sa Guro

1.2 Salik sa Kagamitang Pampagtuturo

1.3 Salik kaligirang Sosyal

1.4 Salik sa Sarili

2. Malaman kung anong salik ang higit na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga

mag-aaral sa Asignaturang Filipino.

Ang ginamit ng mananaliksik sa pagkuha ng mga datos sa pamamagitan

ng pagsasarbey , ginamitan ng simple random sampling. Ang mga katanungan

ay sinagotan ng mga mag-aaral ng nasa unang taon na kumukuha ng kursong

Bachelor of Secondary Education sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao.


11

Batay sa resulta, ang higit na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-

aaral sa asignaturang Filipino ay ang Salik sa Guro na may kabuuang mean na

3.52 na may deskripsyong lubos na sumasang-ayon. Ang unang pahayag ay

may mean na 3.54 na kung saan ang deskripsyon ay lubos na sumasang- ayon,

pangalawang pahayag ay may 3.44 mean na may deskripsyong lubos na

sumasang- ayon, pangatlong pahayag ay may 3.51 mean na may deskripsyong

lubos na sumasang- ayon, pang-apat na pahayag ay may 3.68 mean na kung

saan ang dekpripsyon ay lubos na di sumasang- ayon, Sa panglimang pahayag

ay may 3.44 mean na may deskripsyong lubos na sumasang-ayon. Sa kabuuan,

ang limang pahayag sa salik sa guro ay may kabuuang resulta na lubos na

sumasang-ayon. Ayon sa pahayag ni Aquino (1988), ang guro ay isa sa mga tao

na may malaking gampanin o papel sa paghubog at pagkatuto sa larangan ng

edukasyon.

KONKLUSYON

Batay sa resulta ng pag- aaral, nabuo ang sumusunod na konklusyon;

1. Ayon sa datos na nakalap, ang mga salik na nabanggit ay lubhang

nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.

2. Ang salik sa guro ay isa sa mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng

mag-aaral sa asignaturang Filipino na may kabuuang mean na 3.522

at may deskripsyong lubos na sumasang-ayon. Dahil ang guro ang

siyang pinakasentro sa pagkatuto sa loob ng klase na nagbibigay


12

kaalaman, naghahatid ng tamang impormasyon sa mga mag-aaral,

pag-uugali at asal na ipinapakita sa loob ng klase, may malawak na

kaalaman sa paksang itinuturo, kasanayan sa pakikipagtalastasan,

nagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa paksa at may wastong

saloobin sa kanyang propesyon.

REKOMENDASYON

Gayunpaman, iminungkahi ng mananaliksik ang sumusunod;

1. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, inererekomenda ng mananaliksik

ang sumusunod; para sa mga susunod pang mananaliksik,

iminumungkahi na gumawa ng pananaliksik na may kaugnayan sa

pag- aaral na ito.

2. Para sa mga guro, iminumungkahi ng mananaliksik na gumawa ng

paraan at hakbang sa pagpapanatili ng pag-aaral at pagkatuto ng

wikang Filipino sa asignaturang Filipino bilang isang kasangkapan sa

pakikipagkomunikasyon maging ito man ay pasulat o pasalita gamit

ang makabagong teknolohiya.

3. Para sa mga Pilipino at lalong-lalo na sa ga kabataan, iminumungkahi

ng mananaliksik na imulat ang kanilang sarili sa katotohanan na hindi

lamang nakatuon ang pagkatuto ng mag-aaral sa guro gayundin ang

ay isaalang-alang ang sarili.

4. Para sa komunidad at pamahalaan, iminumungkahi na gumawa ng

solusyon sa mga problema tungkol sa mga salik na nakaaapekto sa


13

pagkatuto sa asignaturang Filipino dahilan sa unti-unting pagkasira at

pagkawala ng asignaturang Filipino. Iminumungkahi din ng

mananaliksik na pahalagahan ang asignaturang ito upang mapaunlad,

tangkilikin ang wikang Filipino at gamitin nang wasto bilang isang

tunay na Pilipino.
14

TALASANGGUNIAN

Internet

http://www.slideshare.net/izelapuno/atityud-ng-guro-salik-sa-matagumpay-na-
pagkatuto-ng-wika

Edward L. Deci at Richard M. RyanM. Ryan 2005 Teoryang Pansariling


Determinasyon

http://www.slideshare.net/jaypee-kaycee/pangganyak-na-istratehiya-sa-
pagtuturo-ng-filipino?related=1

http://www.slideshare.net/jaypee-kaycee/pangganyak-na-istratehiya-sa-
pagtuturo-ng-filipino?related=1

Guiritan, M. (February 2008). Wikang Filipino At Ang Paghabi Nito Sa Kamalayan Ng


Mga Pilipino ( http://www.scribd.com/doc/2167073/Wikang-Filipino-At-Ang-
Paghabi-Nito-Sa-Kamalayan-Ng-Mga-Pilipino) (Mayo 2015)

KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO (http://www.symbianize.com/showthread.php?


t=68947) (Mayo 2015)

Wikang Filipino, may halaga pa ba you?


(http://waitingforagodgivenprince.tumblr.com/post/41350992592/wikang-filipino-
may-halaga-pa-ba-you) (Mayo 2015)

Wikang register
(http://smhat116.blogspot.com/) (Mayo 2015)
15

Liham Pahintulot

Davao Central College


Rasay Street, Toril Davao City

Hulyo 01, 2015


JODISON A. TANUTAN RN.
SHS Department Head
Davao Central College
Rasay Street Campus

Sir,

Magandang araw po!

Kami po ay isang mag-aaral na nasa Labin isang taon (Grade 11) at


kasalukuyang nag-aaral na nasa strand na HUMSS sa Davao Central College.
Kailangan po naming kumuha ng mga datos mula sa mga mag-aaral na nasa
unang taon na nasa ibat ibang strand gaya ng STEM, HUMSS, ABM, TVL, para
gamitin sa aming pananaliksik.

Kaugnay po nito, hinihingi po namin ang inyong pahintulot na magpapasagot ako


sa kanila ng isang tseklist sarbey kwestyuner/ Pakikipanayam bilang bahagi ng
aming pananaliksik sa asignaturang Filipino (Pagbasa at Pagsusuri ng ibat ibang
teksto tungo sa pananaliksik na may pamagat na “PERSEPSYON NG MGA
MAG-AARAL SA PALIPAT LIPAT NG PAARALAN."

Inaasahan ko po ang inyong positibong tugon sa bagay na ito.


Maraming salamat at patnubayan nawa kayo ng Poong Maykapal.
Lubos na gumagalang,

ANALIE C. BEJEC
Mananaliksik

Pinagtibay ni:

REYNALD P. LARIZA
Tagapayo

JODISON A. TANUTAN RN.


SHS Department Head
16

Pangalan: Petsa:

Talatanungan: Salik na Nakaaapekto sa Pagkatuto sa mga Mag-aaral sa


Asignaturang Filipino
Panuto: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga sumusunod na
mga katanungan, at lagyan ng tsek ang kahon na tumutugma sa inyong
kasagutan.

Mga Tanong:

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
.

Pangalan:
Lagda

CURRICULUM VITAE
17

PERSONAL NA DATOS

Pangalan: Lariza, Reynald P.

Petsa ng Kapanganakan: Agosto 6, 1993

Lugar ng Kapanganakan: Kisante, Makilala North Cotabato

Kasarian: Lalaki

Tirahan: Kisante, Makilala North Cotabato

Ama: G. Ananias G. Lariza

Ina: Gng. Irene P. Lariza

EDUKASYONG NAKAMIT
Halimbawa lang ito:

Elementarya: Dolo Elementary School


SY 2007-2008

Sekondarya: Kisante National High School


SY 2011-2012

Senior High School: Pamantasan ng Katimugang


Mindanao
Kolehiyo ng Industriya at Teknolohiya
Lungsod ng Kidapawan Kampus
SY 2015-2016

Kurso: Bachelor of Secondary Education


Major in Filipino

You might also like