Professional Documents
Culture Documents
3rd Periodical Test in Filipino 6
3rd Periodical Test in Filipino 6
3rd Periodical Test in Filipino 6
Basahin at unawain ang tekstong pang-impormasyon. Pagkatapos sagutan ang mga sumusunod na
tanong.
Ang Moriones ay hindi sa entablado ginaganap kundi sa mga lansangan sa buong bayan. Ito’y
idinaraos taon-taon, ilang araw pagkaraan ng Biyernes Santo o Mahal na Araw.
“Hindi yan mananalo dahil gusto ng mga kabataan ngayon ay mga kandidatong gawapo’t
magaganda!” narinig kong komento ng aking ama sa isang kandidato habang nanunood ng telebisyon. Sa
katunayan, hindi ko rin gusto ang kandidato, ngunit hindi katulad ng dahilan ng aking ama. Ang nakapukaw
sa akin ng pansin at agad naman nagpakulo ng aking dugo ay sa mismong komento nito sa mga kabataan.
“‘Di rin!” pabulong na sagot ko. Aaminin ko, gusto kong makipagtalo, ngunit dahil sa respeto, ‘wag na lang!
Facebook, Twitter, Youtube, Instagram, tumblr pati na rin Blogger. Ito lamang ang iilan sa mga
social media sites na tinatangkilik ng mga kabataan. Isa ako sa kanila. Adik ako sa internet, pero di sa
paraang masama. Gusto ko sanang idahilan ito sa aking ama at ipakita na mas mulat na ang mga
kabataan ngayon. “Baka sa henerasyon n’yo lang ‘yun, iba na ang mga kabataan ngayon!” kung wala sana
akong respeto’t di makapagtimpi ay ganitung-ganito ang aking isasagot. Iba na nga ang mga kabataan
ngayon. Pihikan na sila sa pagpili at proud akong kabilang ako sa henerasyong ito. Marami akong nila-like
sa Facebook at pina-follow sa Twitter. Sa mga nakikita ko, kritikal nang mag-isip ang mga kabataan sa
tulong ng social media at internet sites. Isang magandang balita para sa ating bayan. Napansin ko rin na
hindi lang sila bastang pumipili ng kandidatong popular dahil sa endorser at commercials. Pati mga
independent candidates ay sinusuri na rin nila. May pakialam na ang kabataan ngayon. Sa pamamagitan
ng camera ay ini-ispatan na nila ang mga loko-lokong kandidato at ipinapadala sa medya. Marami rin
akong nababasang mga artikulo galing sa blog sites ng mga kabataan at natutuwa naman akong basahin
ang mga ito. Isa pang ikinaka-proud ko ay ang liberal na isip ng kasalukuyang kabataan. Sariwa ang
kanilang ideya di tulad ng mga nakatatandang tradisyunal na kung mag-isip. Dahil sa teknolohiya,
napapalawak ang mga ito. Ilan rito’y paggawa ng short videos ukol sa eleksyon o panghihikayat sa kapwa
kabata na maging matalino sa pagpili. Karamihan ng mga botante ay may edad na 18-25 mga kabataan.
Kaya naman, kampante ako sa resulta ng botohan (kung walang mangyayaring pandadaya). Maituturing ko
na magiging progresibo at matagumpay ang eleksyon na ito sa tulong ng matalino at mapanuring pagiisip
ng mga kabataan. Totoo nga ang sinabi ng ating bayani, at sana naman ay mapagtanto ng mga kabataan
at ng susunod na henerasyon na, Kabataan ang pag-asa ng bayan.
ng, na, g
10. Mayaman ang bansa___ Pilipinas sa mga likas na yaman.
11. Isang maunlad ____pamayanan ang isang lugar kung may pagtutulungang maganap.
12. Nakita ko ang ibon__dumapo sa punongkahoy ng mahogany.
13. Pabago- bago____ klima ang naranasan sa ating bansa.
14. Malusog_______malakas ang katawan ni Bryan.
a. ngunit b. at c. pagkat d. dahil
15. Kailangan ang regular na ehersisyo _________manatili sa kondisyon ang katawan.
a. at b. upang c. dahil d. subalit
16. ____________kumakain siya ng wastong uri at dami ng pagkain, siya’y laging
nasa kondisyon.
a. Dahil b. palibhasa c.kaya’t d. kasi
Maraming siyentipiko ang naniniwala na may 250,000 taon na ang nakaraan, bumaba ang
tubig sa dagat at lumitaw ang malalaking bahagi ng kalupaan. Ang mga lupaing ito ang naging tulay na
nag-ugnay sa Pilipinas sa kontinente ng Asya. Sa paglipas ng maraming taon, nagbago ang klima sa
buong mundo. Natunaw ang yelo sa matataas na bundok at ang mabababang lupain ay napuno ng tubig.
Lumubog ang mga tulay na lupa at napahiwalay namuli ang Pilipinas sa kontinente ng Asya.
27. Anong nangyari sa malaking bahagi ng kalupaan noong 250,000 taon na ang nakaraan?
A. lumitaw C. nawala
B. naging malawak D. naging maliit
28. Ito ay mga pangyayari sa ating mundo paglipas ng maraming taon. Maliban sa isa.
A. Nagbago ang klima sa buong mundo.
B. Natunaw ang yelo sa matataas na bundok at ang mabababang lupain ay napuno ng tubig.
C. Lumubog ang mga tulay na lupa at napahiwalay namuli ang Pilipinas sa kontinente ng Asya.
D. Nawala ang bansang Pilipinas.
29. Ikaw ay inutusan ng iyong ina na bumili ng pagkain sa tindahan. Pag-uwi mo kulang ang isinukli
ng tindera sa iyo. Ano ang iyong gagawin?
A. Bumalik sa tindahan at sasabihin sa tindera na kulang ang kanyang isinukli.
B. Hindi sa sabihin ni nanay ang nangyari.
C. Itatago na lamang ang sukli.
D. Dadagdagan mo nalang ang sukli para hindi mapagalitan ng Nanay.
30. May isang matandang lalaki na humihingi sa iyo ng pagkain sa daan. Ano ang iyong gagawin?
A. Bibigyan ko siya ng pagkain.
B. Ibalewala ko siya.
C. Sasabihin ko sa kanya na magtrabaho para may makain.
D. Wala sa binanggit
31. Naglalakad ka sa isang daan. May nakita kang isang batang may kapansanan na tumatawid sa
daan. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko siya papansinin kasi nagmamadali ako.
B. Maghahanap ako ang tutulong sa kanya.
C. Tutulungan ko ang bata na makatawid sa daan.
D. Wala sa binanggit
32. Ang _________ na pagbasa (scanning) ay mabilisang pagbasa tulad ng skimming ngunit
nakatuon ito sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina.
A. pahapyaw b. Pagbasa c. pagsalita d. pagsulat
Maraming dahilan ang pagkakalbo ng buhok. Halimbawa ay ang mga taong may kanser na
sumailalim sa chemotheraphy. Ang gamot na ito sa mga may kanser ay nakakakalbo ng buhok.
Mayroon ding mga kaso ng “pansamantalang pagkakalbo’ na maaaring dulot ng ilang sakit,
mga gamut, malnutrisyon o sobrang tensiyon, pisikal man o emosyonal. At dahil nga pansamantala
lamang, muling tumutubo at kumakapal ang buhok sa loob ng ilang buwan matapos na magamot
ang pangunahing sanhi ng pagkakalbo. Baka ito ang kaso mo, kaya mabuting sabihin mo sa mga
magulang mong patingnan ka sa doktor upang malaman ang sanhi ng sobrang nipis ng buhok mo.
Masama ring ugali ang laging pagbe-braid o pagsasalabid ng buhok o paggamit ng
ponytails o curlers dahil nababanat nang husto ang buhok at pwedeng magdulot nang pagkalagas
ng buhok na maaaring mauwi sa pagkakalbo.
Para maiwasan ang sobrang pagkalagas ng buhok, dapat nating matutuhan ang wastong
pangangalaga nito. Kailangang nasuklay natin ito ng 25 pasada o higit pa. Bakit kailangan ang pag
ba-brush ng buhok? Sapagkat ang “brushing” ay mahusay sa pag-alis ng dumi sa buhok at
tumutulong na ikalat ang natural na langis na nasa anit sa mga puno at katawan ng buhok.
Nagpapalambot at nagpapakintab ng buhok ang natural na langis. Kapag kumapit ang dumi, usok
ng mga sasakyan at alikabok, nawawala ang kintab ng buhok at naninigas ito.
Ang madalas na paggamit ng hair dye, hair spray net na usong-uso sa kababaihan, losyon
at mga produkto sa pagkukulay ng buhok; pagkukulot o pag-uunat ng buhok ay nakakaapekto rin
sa kintab ng buhok. Nagpapatuyo rin ito dahil sa nawawala ang natural oil o likas na langis ng
buhok.
Hindi rin maganda ang madalas na pagsashampoo o paghuhugas ng buhok lalo na kung
may kapinuhan at kanipisan ang buhok. Tuklasin ang tamang shampoo na hiyang sa buhok mo.
Gamitin ang suklay at hindi brush kung basa pa ang buhok.
Kung gagamit ka naman ng hair dryer, timplahin lamang sa tamang init at huwag masyadong
ilalapit ito sa buhok. Alalahanin mong ang sobrang init ay maaaring magdulot ng pagkatuyo at
pagiging marupok ng buhok.
Hanggang dito na lamang at salamat sa pagtangkilik mo sa aking kolum.
Sumasainyo,
Ate Lydia