Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ALAMAT NG MANGGA

Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin
si Ben. Nagmana siya sa kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw,
isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay,
ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalang nangangahoy, isang
matandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyan ng
damit.

Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng


mag-asawa na pagalingin ang anak, lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na
lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak,
dumating ang isang diwata. Hiningi nito ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata ang puso
sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-puso. Marami
ang nakikinabang ngayon sa bungang ito.

1. Tauhan:

Ben- anak ni Aling Maria at Mang Juan


Aling Maria- nanay ni Ben
Mang Juan- tatay ni Ben

2. Tagpuan:
Sa tahanan nina Aling Maria at Mang Juan

3. Tunggalian:
Si Ben ay isang mabati at matulungin na bata. Isang araw ay mayroon
siyang tinulungan na isang matandang pulubi, ipinagluto at pinakain niya ito sa
kanilang bahay. At sa sumunod na araw ay may tinulungan siya ulit na isang matanda,
binigyan niya ito ng damit at pinakain.

4. Kasukdulan
Nagkaroon ng sakit si Ben. Ginawa lahat ng kanyang mga magulang ang
kanilang makakaya pero lumubha pa din ang kanyang sakit hanggang siya ay
mamatay.

5. Wakas o Katapusan
Dumating ang isang diwata sa burol ni Ben. Hiningi ng diwata ang
puso ni Ben at ibinaon ito sa bundok. Namunga ang punong-kahoy ng hugis-puso.

6. Sariling Wakas:
Nang mamatay si Ben, napagdesisyonan ng mag-asawa na iburol ito sa
likod ng kanilang bahay. Tinaniman nila ito at araw-araw na dinidilagan. Araw-araw
na iniiyakan ng mag-asawa ang pagkawala ng kanilang anak dahil alam ng karamihan
kung gaano kabait at may mabuting puso si Ben. Isang araw, habang nililinis nina
Aling Maria at Mang Ben ang kanilang bakuran, napansin nila na may tumubong
punong-kahoy malapit sa pinagburolan kay Ben. Inalaagan nila ito hanggang sa
mamulaklak at mamunga ito ng hugis-puso. Naniniwala ang mag-asawa na ito ang
puso ni Ben.

You might also like