Liham Patnugot - Talatanungan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Universidad ng Nueva Caceres

Departamento ng Senior High School


Lungsod ng Naga

Ika-31 ng Abril, 2024

Ginoong Arvin,

Magandang umaga po!

Kami ay mga mag-aaral mula sa STEM-Q na humihingi sa inyo ng


pahintulot upang magsagawa ng sarbey tungkol sa aming
pananaliksik na may pamagat na “Epekto ng Pagsulong ng Dulog
Konstraktibismo sa Pagtuturo sa mga Mag-aaral ng Senior High
School Student sa Universidad ng Nueva Caceres”. Ito ay
magtatagal lamang ng 3 hanggang 5 minuto. Inaasahan po namin ang
iyong pagtugon at kooperasyon.

Maraming salamat po!

Mga mananaliksik,

Aspe, Auldrey Chez A.

Balisnomo, Rica Jane B.

Barcenas, Ydann Mae L.

San Lorenzo, Maureen SJ.

Pinagtibay ni:

Mariel C. Sandoval
Guro sa Filipino II
Universidad ng Nueva Caceres
Departamento ng Senior High School
Lungsod ng Naga

Ang sarbey na ito ay isinasagawa ng mga mag-aaral ng Senior High


School ng Unibersidad ng Nueva Caceres bilang parte ng
pananaliksik sa Filipino. Ang talatanungan na ito ay tungkol sa
“Epekto ng Pagsulong ng Dulog Konstraktibismo sa Pagtuturo sa
mga Mag-aaral ng Senior High School sa Universidad ng Nueva
Caceres”. Ito ay magtatagal lamang ng 3 hanggang 5 minuto.
Inaasahan po namin ang iyong pagtugon at kooperasyon.

Panuto: Bilugan ang iyong napiling sagot.

1. Alam mo ba kung ano ang dulog konstraktibismo?


A. Oo
B. hindi
2.Kung hindi ang sagot mo sa unang bilang. Sa iyong
palagay,ano ang dulog konstraktibismo?
A. Ito ay ang paraan ng pagtuturo mayroon ang
Unibersidad ng Nueva Caceres.
B. Ito ay isang talakayin na itinuturo sa Unibersidad ng
Nueva Caceres.
C. Ito ay paraan na ginagamit ng mga mag-aaral sa paggawa
ng pananaliksik.
3. Sa paanong paraan ka mas madaling matuto?
A. Mag-isa
B. May kasama
C. May nagtuturo
Iba pa
4. Sa paanong paraan ka mas ginaganahan mag-aral?
A. Sa pamamagitan ng paggamit ng chromebook at internet
B. Sa pakikinig sa leksyon at pagbabasa
C. Sa pakikipag-usap sa iba tungkol sa mga aralin
5. Mas natututo ka ba at nahahasa kapag ang mga gawain ay
indibidwal at hindi panggrupo?
A. Oo
B. Hindi
6. Sang-ayon ka ba sa dulog konstraktibismo (paraan ng
pagtuturo) mayroon ang Departamento ng Senior High?
A. Oo
B. Hindi
7. Naaapektuhan ba ng dulog konstraktibismo(paraan ng
pagtuturo)ang iyong paraan ng pagkatuto at paraan ng
pag-iisip ng mga bagay-bagay?
A. Oo
B. Hindi
8. Ano ang naidudulot ng dulog konstraktibismo sa iyong
pag-aaral?
A. Mas nahahasa ang iyong kakayahan sapagkat nalalaman mo
ang mga bagay-bagay ng mag-isa.
B. Kaunting kaalaman lamang ang iyong nakukuha sapagkat
hindi ka sanay na matuto mag-isa.
C. Mas nahihirapan ka sapagkat iba ang nakasanayan mong
paraan ng pagtuturo.
D. Hindi ka sigurado sa mga kaalamang nakukuha mong
mag-isa.
E. Nahihirapan kang mangalap ng mga impormasyon ng
mag-isa.
F. Nasisiyahan ka sapagkat natututo ka at nakakahanap ng
sagot sa mga bagay bagay nang hindi kumukonsulta sa
iyong LF
9. Sang-ayon ka bang mas pagbutihin pa ang dulog
konstraktibismo(paraan ng pagtuturo)mayroon ang Unibersidad
ng Nueva Caceres?
A. Sang-ayon
B. Di sang-ayon
10. Sa iyong palagay, ano-ano ang bagay na maaaring
makatulong sa pagpapabuti ng dulog konstraktibismo?
Bilugan ang mga nais mong sagot.
A. Talakayin ng LF ang nakapaloob sa WIKI upang mas higit
na maunawaan ng mag-aaral ang nilalaman nito.
B. Mas dagdagan ang chromebook o kaya’y magkaroon ng
libro para mas maraming mapagkukunan na impormasyon.
C. Magkaroon ng “Learning Outside” na asignatura kung
saan ang mga mag-aaral ay mailalantad sa mga
karunungan na maaari nilang makuha sa labas ng
silid-aralan.
D. Paigtingin ang wifi connection upang mas maging
mabilis ang paghanap ng impormasyon at paggawa ng mga
milestones at final outputs ng mga mag-aaral.
E. Magbigay ng mga karagdagang halimbawa na maaaring
pagbasehan ng mga mag-aaral sa paggawa ng milestones
at final output.

You might also like