Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Iba’t ibang ideolohiya sa mga malawakang kilusang Nasyonalita sa

China.
Sa pagpasok ng ika-20 siglo, dalawang ideolohiya ang nabuo at niyakap ng
China sa pagbabakasakali na ang mga iyon ang magsisilbing susi sa
minimithing kalayaan. Ang mga ito ay ang demokrasya at komunista. Alin
ba sa mga ito ang maaaring ipalit sa namamayaning kapangyarihan ng
dinastiya at emeperador sa mga panahong iyon?
Ideolohiyang Nasyonalismo sa China
Ang pagbagsak ng dinastiyang Manchu, ang kahuli hulihang dinastiya sa
China, ay nagdulot ng matinding kaguluhang pampulitika at kawalan ng
pagkakaisa. Dito nakilala si Sun Yat Sen at tinaguriang Ama ng
Republikang Tsina.

Itinatag ni Sun Yat-Sen ang Partido Kuomintang o Nationalist Party


noong 1912. Naging batayan ng kaniyang pamumuno ang paggamit ng
konsiliasyon (conciliation) at pagkakasundo (compromise) upang maiwasan
ang alitan at maisulong ang kaunlaran ng bansa. Naniniwala din siya na
dapat pagtuunan ng pansin ang regulasyon ng puhunan (regulation of
capital) at pantay-pantay na pag-aari ng lupa (equalization of land
ownership). Higit sa lahat, hindi naniniwala si Sun Yat-Sen na kailangan
ang tunggalian ng mga uri o class struggle upang makamit ang pagkakaisa,
kaayusang panlipunan at kaunlarang pang-ekonomiya. Humalili si Heneral
Chiang Kai Shek bilang pinuno ng Partido Kuomintang nang mamatay si
Sun Yat-Sen noong Marso 12, 1925. Sa ilalim ng pamumuno ni Chiang Kai
Shek ay ipinagpatuloy ng Kuomintang ang pakikipaglaban sa mga warlords
(nagmamay-ari ng lupa na may sariling sandatahang lakas. Matapos magapi
ang mga warlords, hinarap ng Kuomintang ang isa pang kalaban – ang
pagpasok ng katunggaling ideolohiya sa China – ang komunismo na
ipinalaganap ni Mao Zedong sa China.

Ideolohiyang Komunismo sa China


Upang ganap na maisulong ang kanilang ideolohiya, itinatag ni Mao Zedong
kasama ang iba pang komunistang Tsino ang Partido Kunchantang noong
1921. (Partidong Komunista ng China). Lalo pang lumakas ang komunismo
sa China sa pagdating ng Russian advisers sa Canton. Lumaganap ang
ideolohiya hindi lamang sa mga pangkaraniwang mga magsasaka at
manggagawa kundi pati na din sa mga opisyal ng pamahalaan at sa ng mga
edukadong Tsino. Madaming Tsino ang yumakap sa komunismo dahil sa
mga panahong pumasok ang ideolohiyang ito ay unti-unti nang nawawala
ang tiwala nila sa pamumuno ni Chiang Kai Shek dahil sa laganap na
katiwalian sa pamahalaan at malawakang kahirapan na dinaranas sa
bansa.

You might also like