Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

MORERA ELEMENTARY SCHOOL

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT


FILIPINO V

Pangalan:______________________________ Baitang: _____________ Iskor:________

I. Pakikinig

A. Panuto: Makinig ng mabuti sa kuwentong babasahin ng guro. At Sumunod sa panuto.

1-3. Gumuhit ng 2 magkadikit na magkasinlaking bilog sa kahon na nasa ibaba. Sa bilog na nasa
kaliwang bahagi ay isulat ang angkop na pamagat ng kuwento. At sa bilog na nasa kanang bahagi
ay isulat ang paksa ng kuwento. (3puntos)

4. Mahalaga ba ang asin sa inyong pang-araw-araw na gamit sa tahanan? Bakit?


_________________________________________________________________________________

Makinig sa sawikaing babasahin ng guro at sagutin ang sumusunod na tanong.

5. Ano ang kahulugan ng sawikain na binasa ng guro? Bilugan ang titik ng tamang sagot.
A. Mababaw ang kalooban C. Malambot ang puso
B. Malinis ang kalooban D. Masipag

II. Pagsasalita

A. Basahin at unawain ang teksto:

May babalang ipinalabas ang Kagawaran ng Kalusugan tungkol sa pagtaas ng insidente


ng dengue. Sa tulong ng kampanya at programa magkakaroon ng kamalayan angmga tao sa
kalinisan ng kapaligiran. Kailangan ding kumain ng masustamsiyang pagkain at panatilihing
malinis ang katawan upang maiwasan ang ganitong karamdaman.

6-7. Sang-ayon ka ba na dapat panatilihing malinis ang paligid at angating katawan upang makaiwas
sa dengue? Bakit?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

1|P a g e
B. 8-9.Panuto: Suriin ang larawan ng batang nagrereklamo sa kanyang kaklase dahil naputol
ang lapis na hiniram sa kanya at batay dito, gumawa ng angkop na usapan na nagpapakita ng
magalang na pananalita sa pagrereklamo. (2puntos)

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

C. 10-11. Ikaw ay nasa inyong silid-aralan,Gumawa ng 2-3 panuto kung paano ka makakapunta sa
opisina ng inyong punong guro.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
__________________________________________.

D. Gramatika

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Bilkugaqn
ang titik ng tamang sagot.

12. Ang mga mag-aaral ay nagbabasa sa loob ng silid-aralan. Anong uri ng pangngalan ang mag-
aaral?
A. pambalana B. pantangi C. pambabae D. wala

13. Ang mga guro ng San Jose Elementary School ay masipag magturo.Anong uri ng pangngalan
ang nasalungguhitan?
A. pambalana B. panlalaki C. pantangi D. lahat ng nabanggit

14. _____________ bata ay umiiyak. Anong ilalagay sa patlang upang maging marami ang
pangngalang tinutukoy?
A. Ang B. Dalawang C. Isang D. Ang mga

15. Ginagamit ng mga guroang libreng oras para makagawa ng mga kagamitan sa pagtuturo at lesson
plan. Ano ang kasarian ang nasalungguhitang salita?
A. pambabae B. di-tiyak C. panlalaki D. walang kasarian

16. Balat-sibuyas ang batang iyan. Anong kayarian ng pangngalan ang nasalungguhitan?
A. payak B. may lapi C. tambalan D. inuulit

E. . Salungguhitan ang tamang panghalipn sa loob ng panaklong upang mabuo ang usapan.

Lito: Aga, sasama ba si Kathy kina Boyet mamaya?

Aga: Oo, Lito, sasama 17.(siya, sila,kami,kayo) sa kanila.

2|P a g e
Lito: 18.(Si, Sina, Sila, Kami) Kenneth, Ogi at Arlene ay tila gusto ring sumama.

Aga: Talaga bang gusto nilangsumama19. (isa-isa, lahat, dalawahan)?

Lito: Ay, oo, talagang-talagang gusto nilang sumama.Kasi,

maganda raw ang panonoorin 20.(nila, sila, tayo,kami).

Aga:Ok, mabuti naman, masaya pag sama-sama.

II. Pagbasa

A.Panuto Piliin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sa konteksto o gamit nito sa
pangungusap:

21. Nagmamadaling tumakbo si Lorna upang umabot sa bangko bago ito magsara. Hangos na
hangos siya nang makarating. Nahuli siya ng ilang minuto.

A. pagod na pagod C. hingal na hingal


B. durug na durog D. inis na inis

22.Sa awit ng Asin na “At Tayo’y Dahon”, ano ang kahulugan ng salitang dahon?
“Tayo'y mga dahon lamang, Ng isang matatag na puno
Iisa ang ating pinanggalingan, Hindi pareho sa pagtubo
Maaaring ika'y isang dahong masigla, Ako nama'y dahong nalalanta na
Pareho tayong mahuhulog sa lupaKaibigan, 'wag ikabahala”

A. Mga puno B. Hayop sa kagubatan


C. Tao na may pagkakaiba-iba D. Luntian na parte ng halaman

23. Ipinapakita sa pangungusap na ito na ang salitangdaga ay nangangahulugang kaba o nerbiyos.

A. Ang pangalan niya’y Daga


B. Ang daga ay kaaway ng pusa.
C. May nakitang daga sa ilalim ng aparador.
D. Dinadaga ang kalahok sa husay ng sinundang katunggali

24. Madalas magkaroon ng mga nakahihindik na panagimpan si Albert. Ano ang kahulugan ng
salitang may salungguhit?

A. mga pangarap sa buhay C. bungang-tulog


B.malapit ng manganak D. ala-ala

25. Nandiri si Ate Babes sa bilasa na mga isda na ibinebenta pa rin sa palengke. Siguradong wala
nang bibili ng mga iyon. Alin ang kasalungat ng salitang may salungguhit.

A. sariwa B. bulok C. bago D. Luma

26. Alam kaya ng pangulo ang mga responsibilidad na inaasahan sa kanya ng taumbayan? Batid ba
niya kung gaano kabigat ang pananagutan niya sa atin? Ano ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit.

A. Alam B. Responsibilidad C. Inaasahan D. Pananagutan

27.Alin sa sumusunod ng mga hiram na salita ang hindi wasto ang baybay?

A.lowsyon B. malnutrisiyon C. Emosyonal D. tension

3|P a g e
B.Panuto: Basahin ang talata sa ibaba at sagutin ang mga tanong.

Si Melba at Ang Kanyang Nanay


Maagang gumising si Melba. Tinulungan siyang magbihis ng kanyang ina. Inayos nito ang kanyang
uniporme. Iniabot nito ang pares ng malinis na medyas saka lumabas ng silid upang maghanda ng almusal.
Habang kumakain si Melba, ipinaghanda siya ng kanyang Nanay ng baon. Binalot sa plastic at
inilagay sa kanyang bag.
Mayamaya handa na si Melba. Humalik siya sa kamay ng kanyang ina at nagpaalam na. “Nagdidilim
ang langit, Melba. Dalhin mo ang iyong payong,”ang sabi ng Nanay.

28. Saan pupunta si Melba?


A. sa paaralan B. sa simbahan C. sa isang salu-salo D. sa parke
29. Anong uri ng ina ang Nanay ni Melba?
A. pakialamera B.masungit C. mapagmahal D. maarte
30. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari sa kuwento. Ayusin ang mga ito ayon sa wastong
pagkasunod-sunod.

1. Tinulungan siya ng kanyang nanay na magsuot ng kanyang uniporme.


2. Habang kumakain si Melba, ipinaghanda siya ng kanyang nanay ng babaunin sa pagpasok.
3. Maagang gumising si Melba.
4. Ipinadala ng kanyang nanay ang payong dahil parang uulan.
5. Handa na si Melba sa pagpasok at nagpaalam na sa kanyang nanay.
A. 3-1-5-4-2 B. 3-4-1-5-2 C. 3-2-5-1-4 D. 3-1-2-5-4

B. Basahin ang anekdota sa ibaba at sagutin ang sumusunod na mga tanong.

Ang Tala ng Baler

Si Manuel L. Quezon ang unang Pangulo ng ng Komonwelt ng Pilipinas. Siya ay pinanganak


noong Agosto 19, 1878 sa Baler, Tayabas na ngayon ay lalawigan na ng Aurora.
Ang kanyang ama ay si G. Lucio Quezon at ang kanyang ina ay si Gng. Maria
Molina.
Matalino si Manuel. Lagi siya sa kanyang klase. Nagsimula siyang mag-
aral sa paaralan ng mga pari sa Baler. Ipinagpapatuloy ang kanyang pag-aaral sa
mataas na paaralan at sa kolehiyo sa Maynila. Nag-aral siya at nakatapos ng
abogasya.
Nagsimulang maglingkod sa Bayan si Manuel L. Quezon bilang isang piskal. Nahalal syang
senador at siya ang kauna-unahang Pilipino na naging pangulo ng senado. Malaki ang kanyang
nagawa para mapagtibay ang batas Tydings-McDuffie sa Kongreso ng Amerika. Ang batas na ito ay
nagtakda ng pagtatatag ng Komonwelt ng Pilipinas. Ito ang nagbigay ng katiyakan ng kalayaan ng
Pilipinas sa pamahalaan ng mga Amerikano. Nahalal na pangulo ng Komonwelt si Manuel L. Quezon
noong 1935.

*Isulat sa buong pangungusap ang sagot sa mga tanong.

31. Sino si Manuel L. Quezon? _______________________________________________

32. Ano ang kabutihang naidudulot ng batas ng batas Tydings-McDuffie sa bansa?

33-34. Panuto: Buuin ang balangkas batay sa anekdotang binasa. (3 puntos)

I. Kapanganakan:
A.Lugar: ________________________________________
B. Petsa: _______________________________________

II. Mga Magulang:


A. Nanay: _______________________________________
B. Tatay: _______________________________________

III. Pag-aaral:
A. Elementarya: _____________________
B. Sekondarya: ______________________
C. Kolehiyo:__________________________
IV.Mga Tungkulin sa Bayan:
A. _________________________
B. . __________________________
4|P a g e C. ___________________________
D. ___________________________
35. Basahin ng tahimik ang talata sa loob ng kahon. Ibigay ang angkop na pamagat nito.

__________________________________________________________

1996 ay ang taon upang simulan ang Coconut festival ng San Pablo City, isang paraan ng kanilang
mga positibong paraan sa kanilang mga kultura para alam nito ang pagpapahayag ng kalayaan ng
paniniwala at pagpapahayag. Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito isang kaalaman ng kanilang
lugar ay nalaman, kung saan ang kanilang mga paniniwala at mga halaga ay naipapakita.

36. Basahin ang talatang nasa ibaba at ibigay ang paksa nito.

________________________________________________________________

Paboritong luto ng Lola ang pinakbet. Ito ang karaniwan niyang niluluto tuwing dadalaw kami sa kanila.
Pumipitas siya ng mga sariwang talong, sitaw, kamatis, at kalabasa sa kanilang likod-bahay. Iginigisa
niya ito sa hipon at baboy. Lalong sumasarap ang pinakbet kapag hinahaluan ng kaunting bagoong.
Palaging nagluluto nito si Lola sapagkat alam niyang gustong-gusto naming ang ulam na ito.

Estratehiya sa pag-aaral.

Bar Graph

Bilang ng Mag-aaral sa Mababang Paaralan ng


San Jose

650
450
250
50
2013-2014 2014-2015 2015-2016
bilang ng mag-aaral 502 592 610

37. Ilang bilang ng mag-aaral ang itinaas sa mababang paaralan ng San Jose noong taong
panuruan 2013-2014 hanngang 2015-2016?
A. 109 B. 107 C. 108 D. 110

Pie graph

Budget ng mga pangangailangan ng Pamilya ni Mang Tomas


tubig at kuryente, 5% tirahan; 10%

pananamit; 10%

pag-iimpok; 10%
pagkain, 45%

pag-aaral; 20%

38. Ilang bahagdan sa kita ng mag-anak ang para sa pagkain?


A. 45% B. 5% C. 20% D. 10%

5|P a g e
39. Noong buwan ng Hunyo ay nagbigay ng mga donasyong libro si Kgg. Atty. Karen Agapay. Nakita
mon a magaganda ang mga pampanitikang libro. Gustong-gusto mo siyang basahin pero nakita mon a
inilagay ng school librarian sa laibrary ang mga libro. Ano ang gagawin mo?

A. Hahayaan ko na lang
B. Magpapabili na lang ako sa nanay ko ng mga ganong aklat.
C. Kapag walang tao sa library ay kukunin ko na lang ang mga libro
D. Magpapaalam ako sa aming school librarian na hihiramin ko ang mga libro at magbabasa sa
bakanteng oras.

40.. Isang araw, habang nagbabasa ka sa school library may nabasa kang isang napakagandang
teksto na makakatulong sa isang mag-aaral na kagaya mo. Ano ang gagawin mo?

A. Babalewalain ko ang aking nabasa.


B. Itatago ko ang mga libro para di nila mabasa.
C. Ililihim ko sa mga kamag-aaral ko ang aking nabasa.
D. Sasabihin ko sa mga kamag-aaral ko na may nabasa akong napakahalagang teksto

III. PAGSULAT

Panuto: Pumili ng isang pamagat at sumulat ng talata tungkol dito. Isulat ito ng patalata. (41-42)
1. Ang Karanasang Hindi Ko Malilimutan
2. Ang Aming Bakasyon Noong Pasko
3. Ang Aming Bakasyon Noong Tag-araw

PAGSULAT
Panuto: Punan ang hinihinging datos ng form sa ibaba.(43-44)

Pangalan: Edad:
Kapanganakan: Tirahan:
Baitang: Pangkat:
Guro:
Magulang
Nanay: Tatay:

45-47. Sumulat ng liham pangkaibigan mula sa impormasyon sa ibaba. Lagyan ng angkop na


bantas, malaking titk , palugit at gitling.

Mahal kong Liza


Brgy. San Jose
San Pablo City
Ika-10 ng Hulyo, 2016
Anna
Ang iyong kaibigan
Kumusta ka na? Sana nasa mabuti kang kalagayan. Kami naman dito ay mabuting lahat. Sana
ay makapamasyal ka ditto kapag may pagkakataon. Name-miss ka na ng mga kaibigan natin
ditto.
Hanggang sa muli at mag-iingat ka palagi diyan.

6|P a g e
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V
DIVISION OF ALBAY
MORERA ELEMENTARY SCHOOL
Guinobatan West District

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
Unang Panahunang Pagsusulit sa FILIPINO V

Bilang Kinalalagy
Mga Kasanayan ng an ng
Aytem Aytem
F5PN-Ia-4 -Naiuugnay ang sariling karanasang sa
napakinggang teksto 1 4
F5PN-Ic-g-7 -Naibibigay ang paksa ng napakinggang
1 1
kuwento/usapan
F5PN-Ie-3.1 -Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
1 5
napakinggang sawikain
F5PN-Ih-17 Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa
1 2
tekstong napakinggan
F5PN-Ij-1.1 -Nakasusunod sa 2 – 3 hakbang na panuto 1 3
Wikang Binibigkas

F5TA-0a-j-2 -Naipahahayag ang


2 6-7
ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong
tono, diin, bilis, antala at intonasyon
F5PS-Ig-12.18 -Nagagamit ang magagalang na
2 8-9
pananalita sa pagsasabi ng hinaing o reklamo
F5PS-Ih-8 -Nakapagbibigay ng panuto 2 10-11
Gramatika
(Kayarian ng Wika)
F5WG-Ia-e-2 -Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan
at panghalip sa pagtalakay tungkol sa sarili,sa mga
5 12-16
tao,hayop, lugar,bagay at pangyayari sa paligid

F5WG-If-j-3-Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa


4 17-20
usapan at paglalahad ng sariling karanasan
Pag-unlad ng Talasalitaan
F5PT-Ia-b-1.14 -Naibibigay ang kahulugan ng salitang 1
pamilyar at di-pamilyar pamamagitan ng gamit sa 21
pangungusap
F5PT-Ic-1.15 -Naibibigay ang kahulugan ng salitang
pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng 1 22
tono o damdamin
F5PT-Ie-1.8 -Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar
1 23
at di-pamilyar ayon sa gamit nito sa iba’t ibang sitwasyon
F5PT-If-1.4 -Naibibigay ang kahulugan ng salita pamilyar at
di-pamilyar na mga salita sa pamamagitan ng 1 24
kasingkahulugan
F5PT-Ih-i- 1.5 -Naibibigay ang kahulugan ng salitang
pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng 1 25
kasalungat
F5PT-Ij-1.14 -Naibibigay ang kahulugan ng salita pamilyar at 1 26
di-pamilyar na mga salita sa pamamagitan ng

7|P a g e
paglalarawan
Pag-unawa sa Binasa
F5PB-Ia-3.1 -Nasasagot ang mga tanong sa binasang
2 28-29
kuwento
F5PB –I b-5.4-Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa
1 30
kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas
F5PB-Id-3.4 -Nasasagot ang mga tanong sa binasang
2 31-32
anekdota
F5PB-Ig-8 -Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa isang
1 35
talata
F5PB-Ij-10-Naibibigay ang paksa ng isang talata 1 36
Estratehiya sa Pag-aaral
F5EP-If-g-2 -Nabibigyang-kahulugan ang bar graph, pie,
2 37-38
talahanayan at iba pa
F5EP-lh-11- Nakasusulat ng balangkas sa anyong
2 33-34
pangungusap o paksa sa binasang teksto.
PAGSULAT
Nababaybay nang wasto ang salitang natutuhan sa
1 27
aralin/hiram
F5PU-If-2.1 -Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay 2 41-42
F5PU-Ii-16-Naibibigay ang datos na hinihingi ng isang form 2 43-44
F5PU-Ij-2.3 -Nakasusulat ng liham pangkaibigan 3 45-47
Panonood
F5PD-Ib-10 -Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
1 48
pinanood
F5PD-Id-g-11 -Nailalarawan ang tagpuan at tauhan ng
2 49-50
napanood na pelikula
Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan:

F4PL-0a-j-4 -Napapahalagahan ang mga tekstong


pampanitikan sa pamamagitan ng pagpapakita ng interes sa 1 39
pagbasa
F4PL-0a-j-5 0Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang
1 40
mahikayat ang iba na magbasa ng iba’t ibang akda
KABUUAN

8|P a g e
SUSI SA PAGWAWASTO

FILIPINO V

1.Pasya ng guro 11.Pasya ng 21.C 31-Pasya ng 41-50-Pagpapasya


guro guro ng guro
2.Pasya ng guro 12. A 22.C 32
3.Pasya ng guro 13. C 23. D 33
4.Pasya ng guro 14. D 24. C 34
5. B 15. A 25. A 35
6.Pasya ng guro 16. C 26. A 36
7.Pasya ng guro 17. siya 27. A 37, C
8.Pasya ng guro 18. sina 28. A 38. A
39.Pasya ng guro 19. lahat 29. C 39. D
10.Pasya ng guro 20. nila 30. D 40. D

Kopya ng Guro:
Para sa bilang 1-3

Noong araw, ang asin ay ginagamit na pamalit ng mga bagay na hindi


mabili ng pera. Inilalagay din ang asin sa pagkain. Ang Isda at karne ay
tumatagal kung inaasinan. Ginagawa rin itong pang ulam ng iba. Ito din ay
ginagamit na pampaputi at panglinis ng mga ngipin. Ito ay nagbibigay din ng
lasa sa mga pagkain.Ito din ay ginagamit din panglunas ng mga sakit at sugat.
Ginagamit ng tao ito sa iba’t-ibang paraan.

Para sa bilang 5.

5. Busilak ang puso.

9|P a g e

You might also like