Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN

Bayambang Elementary School


BARANGAY BAYAMBANG, INFANTA, PANGASINAN

IKA-APAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA


PAGPAPAKATAO I

Pangalan: _____________________________________________________ Iskor: _______


Pangkat at Seksyon: ___________________ Guro: _______________________
Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin at isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.
______1. Tinatawag ka ng iyong nanay upang utusan na bumili sa tindahan ngunit may
tinatapos ka pang takdang-aralin. Ano ang isasagot mo?
A. Bahala ka sa buhay mo!
B. Ano ba naman yan! Puro utos na lang!
C. Saglit lang naman! Hindi kasi makapag-antay!
D. Opo nanay, tapusin ko lamang po itong takdang-aralin ko.
______2. Aalis ang iyong nanay papuntang palengke at inuutusan ka na maglinis ng bahay. Ano
ang gagawin mo?
A. Hindi ko siya papansinin
B. Matutulog na lamang ako
C. Maglilinis po ako ng aming bahay
D. Makikipaglaro ako sa aming kapitbahay
______3. Nais ng iyong lola na samahan mo siya sa bilihan ng gamot. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko siya papansinin
B. Sasamahan ko po si lola sa bilihan
C. Magkukunwari ako na may ginagawa
D. Sasamahan ko siya pero magdadabog ako
______4. Dadating ang iyong tita galing sa ibang bansa. Inutusan ka ng iyong nanay na ayusin
ang kwarto na kanyang tutuluyan. Ano ang gagawin mo?
A. Lilinisin at aayusin ko po ang kwarto
B. Hindi ko na lamang siya papansinin
C. Aalis ako ng bahay
D. Makikipaglaro ako sa aking kaibigan
______5. Pinapakuha sa iyo ng iyong ate ang kanyang salamin sa kwarto. Ano ang gagawin
mo?
A. Sisimangutan ko siya
B. Aawayin ko siya
C. Susundin ko po si ate
D. Magdadabog ako
______6. Pinapatulungan sayo ng nanay mo ang iyong nakakabatang kapatid sa kanyang
takdang-aralin. Ano ang dapat mong gawin?
A. Magpapanggap ako na maraming ginagawa
B. Hindi ko po siya papansinin
C. Aawayin at papagalitan ko ang aking kapatid
D. Tutulungan ko ang aking kapatid upang siya matuto
______7. May parating na bisita sa inyong paaralan. Inutusan kayo ng inyong guro na ayusin
ang mga upuan at magwalis ng sahig ng inyo silid-aralan. Ano ang gagawin mo?
A. Tutulong po ako sa paglilinis
B. Hindi na po ko papasok
C. Hahayaan ko na lang ang aking mga kamag-aral
D. Matutulog na lang ako sa aking upuan
______8. Ano ang dapat mong gawin kung ikaw ay inuutusan ng iyong mga magulang o
nakakatanda sayo?
A. Agad na sumunod sa inuutos
B. Hindi po ako magsasalita
C. Hahayaan ko lamang sila
D. Hindi ko po sila susundin
______9. May sakit ang iyong tatay at humihingi siya ng maiinom na tubig. Ano ang iyong
gagawin?
A. Lalabas ako ng aming bahay
B. Hindi ko na lamang po siya papansinin
C. Tatawagin ko ang aking nanay
D. Kukuha po ako ng tubig para sa aking tatay
______10. Mayroon kang kaklse na Muslim na iba sa iyong paniniwalang panreliyon. Ano ang
gagawin mo?
A. Hindi ko po siya kakausapin
B. Aawayin ko po siya
C. Igagalang ko po ang kanyang paniniwala
D. Pagtatawanan ko po siya
______11. Nakita mong pinagtatawanan ng iyong mga kaklase si Rami dahil sa kanyang paraan
ng pagdarasal. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatawanan ko rin siya
B. Sasawayin ko ang aking mga kaklse at sasabihin na hindi maganda ang kanilang ginagawa
C. Hindi ko na lamang sila papansinin
D. Aawayin ko na lang si rami
______12. Naglalaro ang iyong kapatid sa loob ng simbahan. Ano ang iyong gagawin?
A. Pagsasabihan ko siya na umupo lamang at tumahimik
B. Makikipaglaro din ako sa kanya
C. Kukurutin ko siya upang manahimik
D. Hahayaan ko na lamang siya maglaro
______13. Naiwan ng iyong kaklase ang kanyang bibliya. Ano ang gagawin mo?
A. Kukunin ko po ito at ibabalik ko sa kanya
B. Itatapon ko ito sa basurahan
C. Itatago ko ito sa aking bag
D. Pupunitin ko ito
______14. Isinama ka ng iyong tita sa sambahan ng mga Iglesia at nakita mo na iba ang paraan
ng kanilang pagsamba. Ano ang gagawin mo?
A. Aalis ako
B. Mag-iingay na lamang ako
C. Mag-iiyak na lamang ako sa aking tita
D. Uupo ako at makikinig sa kanila
______15. Narinig mo na umaawit ang iyong kapitbahay ng awiting pansamba. Ano ang
gagawin mo?
A. Babatuhin ko ang kanilang bahay
B. Tatawanan ko sila
C. Igagalang ko ang kanilang pamamaraan ng pagsamba
D. Sisigawan ko sila

______16. Iniimbitahan ka ng iyong ninang na sumama sa kanilang simbahan. Ano ang


gagawin mo?
A. Tatanggi po ako
B. Sasama po ako
C. Hindi ko po siya papansinin
D. Hindi na lang po ako magsasalita
______17. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba?
A. Si Betty ay nakikipaglaro sa loob ng simbahan
B. Inaaway ni Kaloy si Rama dahil ito ay isang batang muslim.
C. Hindi kinakausap ni Mira si Juan dahil magkaiba sila ng relihiyon.
D. Taimtim na nagdadasal si Roma sa loob ng simbahan.
______18. Kung magkaiba ang paniniwala mo at ng iyong kaibigan, ano ang dapat mong
gawin?
A. Hindi ko na po siya kakaibiganin
B. Lagi ko na po siya aawayin
C. Igagalang ko po ang kanyang paniniwala at magiging magkaibigan pa rin kami
D. Iiwasanan ko na siya
______19. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang pagdarasal sa ating Panginoon?
A. Opo, dahil dito po ay naipapakita natin ang ating pananampalataya
B. Hindi po dahil wala naman po itong magagawa
C. Hindi po dahil gawa-gawa lamang po ito
D. Ewan ko po
______20. Paano ipinapakita ng pamilya sa larawan ang kanilang pananampalataya?
A. Sumasayaw
B. Kumakanta
C. Nagdarasal
D. Nagluluto
______21. Ano ang dapat mong gawin kung ikaw ay nasa loob ng simbahan?
A. Maglaro B. Kumanta C. Sumayaw D. Makinig at magdasal
______22. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawi ng batang may pagmamahal sa Diyos?
A. Pagbibigay tulong sa mga nangangailangan B. Paggalang sa kapwa
C. Pagdarasal D. Lahat ng nabanggit
______23. Bilang bata, sa paanong paraan mo maipapakita ang pagmamahal sa Diyos?
A. Pagiging masunurin sa aking mga magulang, guro at sa iba pang nakakatanda.
B. Pagtulong sa aking kapwa
C. Pagdarasal
D. Lahat ng nabanggit
______24. Bilang bata, sa paanong paraan mo maipapakita ang pakikiisa at suporta sa iyong
relihiyon?
A. Dumalo sa mga misa at magdasal
B. Maglaro ng kompyuter
C. Makipaglaro sa ibang mga bata
D. Makinig sa mga chismis
______25. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mabuting bata?
A. Sumusunod sa utos ng mga magulang
B. Iginagalang ang mga tao sa paligid
C. Mabuting kaibigan
D. Lahat ng nabanggit
______26. Alin sa mga larawan ang hindi nagpapakita ng pagsunod sa mabuting aral ng
relihiyon?
A. B. C. D.

______27. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pagsunod sa mabuting aral ng relihiyon?
A. B. C. D.

______28. Paano ang tamang paraan ng pagdarasal?


A. Sumasayaw ng hiphop habang nagdadasal
B. Tahimik na nakapikit at nagdadasal
C. Sumisigaw ng galit
D. Wala sa nabanggit
______29. Sa tuwing kailan ka dapat nagdarasal?
A. Kapag gusto mo lang B. Kapag malungkot ka lang
C. Kapag may natatanggap kang regalo D. Araw-araw
______30. Bakit tayo dapat magdasal?
A. Pagpapasalamat sa lahat ng nangyayari sa ating buhay
B. Pagliligtas sa atin araw-araw
C. Paghingi ng kapatawaran sa mga kasalanan na nagagawa
D. Lahat ng nabanggit
Prepared by:
JOY M. ASPURIA SHEENA M. MOVILLA
Master Teacher I Teacher III

Checked by:
WILSON J. MEJOS
Principal I

Ikaapat na Markahang Pagsusulit Sa ESP


ANSWER KEY

1. D 11.B 21.D
2. C 12.A 22.D
3. B 13.A 23.D
4. A 14.D 24.A
5. C 15.C 25.D
6. D 16.B 26.D
7. A 17.D 27.C
8. A 18.C 28.B
9. D 19.A 29.D
10 C 20.C 30.D

You might also like