Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Chapter 259

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang nakatayo dito sa loob ng banyo. Pilit
kong inaalala kong may nakain ba akong mali pero sa huli sumakit lang ang ulo ko.

Alam kong hindi basta-basta bumibili n g pagkain sila Charlotte sa kung saan -saan
lang. Baka naman nagkataon lang kaya bigla akong nagkaganito. Baka din nasobrahan
lang din ako ng iyak.

"Nagmumumog at naghilamos na lang muna ako bago nagpasyang lumabas ng banyo. Baka
gising na si Rafael at hinahanap ako nito.

"Sunshine..maaga pa ah? Hindi ka ba kumportable dito sa tabi ko?" kaagad na


salubong ni Rafael sa akin pagkalabas ko pa lang ng banyo. Sinipat ko ang orasan na
nasa wall ng kwarto at kaagad kong napansin na 4 halos alas sais pa lang ng umaga
Kaagad akong lumapit kay Rafael at dinama muna ang noo nito bago sunagot.

"Nasanay siguro ako sa mansion na kapag may pasok sa School maaga akong nagigising.
Hindi bat ganitong oras din tayo gumigising noon?" sagot ko sa kanya. Pilit akong
nagpaskil ng ngiti sa labi.

"Are you sure? I mean may masakit ba sa iyo? Bakit parang may kakaiba sa mukha mo
ngayun?" sagot nito habang titig na titig sa akin. Kaagad ko naman nahawakan ang
pisngi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Ha? Ah Eh, wala..baka kulang lang ako sa tulog. Teka, nagugutom ka na ba? Gusto mo
ibili kita ng makakain?" wika ko sa kanya. Hinawakan muna ako sa kamay nito bago
sumagot.

"Ayos lang ako. Ang sarili mong kalusugan ang dapat mong intindihin. Huwag mo ng
stressin ang sarili mo dahil sa nangyari sa akin...Promise, magiging maayos din ang
lahat. Babalik din ulit tayo sa dati." sagot nito. Kaagad naman akong napangiti.

"Siyempre naman! Alam kong kaya mo ang lahat ng ito Rafael. Nandito lang ako sa
tabi mo....of course, pati ang buo mong pamilya...... ." sagot ko

"At pamilya mo na din. Halika nga dito Sunshine.. Yakapin mo nga ako, gusto kong
madama ang init ng katawan mo ngayung umga!" paglalambing na wika nito. Mabilis
kong hinalikan ito sa labi sabay magaan na niyakap. Natatakot kasi ako na baka
masagi ko ang sugat niya.

"I love you Sunshine ko!" narinig ko pang bulong nito sa akin. Awtomatiko na
napangiti naman ako.

"I love you too Rafael!" sagot ko pa habang nakapikit.

Halos nanatili din kami ng ilang sa ganoong posisyon bago ko naisipang kumalas mula
sa pagkakayakap sa kanya. Hinaplos pa nito ang pisngi ko bago nagsalita.

"Nagugutom ka na ba? Mag-order ka na lang ng makakain online hangat wala pa sila


Mommy....and dont worry, magrerequest din ako mamaya ng isa pang bed dito sa loob
ng kwarto para naman kahit papaano makatulog ka ng maayos habang binabantayan mo
ako dito sa hospital." malumanay na wika nito.

"Hmmm parang gusto ko lang ng hot drinks. And regarding naman sa bed, Bakit ayaw mo
na ba akong katabi sa pagtulog? Huwag mo akong isipin Rafael, ayos lang talaga ako.

Nagkataon lang siguro na naninibago ako sa environment or dahil late na din ako
nakatulog kagabi kaya medyo hindi maayos ang pakiramdam ko ngayun." pag-amin kong
sagot sa kanya. Tumitig muna ito sa akin bago tumango.

"Mamaya pagdating nila Mommy, pwede ka na umuwi muna ng mansion para makapagpahinga
ka ng maayos. Ayaw ko naman na pati ikaw magkasakit dahil palagi kang napupuyat sa
pagbabantay sa akin dito. "bakas sa tono ng boses nito ang pag- aalala. Kaagad
akong umiling.

"No, Gusto ko dito lang ako sa tabi mo palagi. Huwag mo na akong isipin pa
Rafael...ayos lang talaga ako. Ayaw kitang iiwan. Maliit lang na bagay ito kumpara
sa laki ng pasasalamat ko dahil sa pagkakaligtas mo sa aksidente. 11 sagot ko.
Pinisil muna ang palad ko bago ito tumango.

"Are you sure?" nanantiya nitong sagot. Kaagad akong tumango.

"Yes... Lalong hindi din ako makapagpahinga ng maayos sa mansion. Lalo lang akong
hindi mapalagay doon. Iba pa rin na palagi akong nasa tabi mo." nakangiti kong
sagot sa kanya. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang kislap ng tuwa sa mga
mata nito.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Katulad ng pangako ko kay Rafael hindi ko talaga
ito iniwan dito sa hospital. Kahit na anong pilit nila Tita Carissa at Tito Gabriel
na umuwi muna ako ng mansion para makapagpahinga pero magalang kong tinanggihan
lahat iyun. Ewan ko ba, pakiramdam ko nakakabit na ang buhay ko sa buhay ni Rafael.

Ganoon talaga siguro kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Kaya mong gawin lahat
makapiling lang siya palagi.

Tuluyan na din akong hindi nakapasok ng School pero sinabi nila Tita Carissa na
gagawan na lang daw nila ng paraan para makapag-aral pa rin ako once na tulyan ng
gumaling ang mahal ko. Ayos lang naman sa akin kung huminto muna ako ngayung taon
dahil mas matimbang pa rin sa akin si Rafael.

Gusto ko na ako mismo ang personal na mag-aalaga sa kanya. Pag-uusapan na lang daw
namin lahat ng ito once na tuluyan ng makalabas ng hospital si Rafael.

Nagpapasalamat na din ako dahil mabilis lang din nakarecover si Rafael sa mga
nangyari. Halos pagaling na din lahat ng sugat nito sa katawan. Maliban na lang
siguro sa kanyang binti na napuruhan talaga. Pero sinigurado naman ng Doctor nito
na magagawan naman daw ng paraan para makalakad ulit si Rafael ng maayos. Aabot nga
lang ng ilang buwan kaya lang kapag pursigido talaga ang pasyente na tulungan ang
sarili wala namang imposible doon.

"Sa wakas makakauwi na din tayo Sunshine! Tapos na din ang staycation natin dito sa
hospital. Nakakasawa na din ang environment dito. Promise hindi na talaga ako
babalik pa sa lugar na ito." pagbibiro na wika sa akin ni Rafael. Nakaupo na ito sa
wheelchair at hinihintay na lang namin sila Mommy na nakikipag-usap sa Doctor para
tuluyan na kaming makalabas.

Halos mahigit isang linggo din kami dito sa hospital. Sobrang na-miss ko na ang
mansion at mahiga sa malambot na kama. Mabuti na lang at sa buong pananatili namin
dito sa hospital hindi na ulit sumama ang pakiramdam ko. Hindi na nasundan ang
pagsusuka ko.

Pakiramdam ko talaga nakakain lang ako ng sirang pagkain eh. Oh baka naman
nalipasan ako ng gutom kaya nasira ang aking tiyan kinaumgahan

"So ayos na....pwede na tayong umuwi?. "nakangiting wika ni Tita Gabriel habang
papasok dito sa loob ng kwarto. Nakangiting nakasunod sa kanya si Tita Carissa.
"Anong sabi ng Doctor Mom, Dad?" kaagad na tanong ni Rafael sa mga ito. Nilapitan
ni Tita Carissa ang anak bago sinagot.

"Puro possitive. Huwag kang mag- alala. Ilang buwan lang ang bibilangin balik sa
dati ang lahat." nakangiting sagot ni Tita. Kaagad kong napansin ang excitement sa
mga mata ni Rafael habang hawak nito ang kamay ko.

"Naku, SAlamat naman po kung ganoon. At least wala ng dahilan para palaging uminit
ang ulo niya." nakangiti kong sagot. Kaagad naman nagkatawanan sila Tita at Tito
samantalang si Rafael naman ay hinapit nito ang baywang ko.

Oh diba, nakaupo pa iyan sa Wheelchair pero may paganyan pa siya. Walang pagsidlan
ang tuwa na nararamdaman ng puso ko dahil sa wakas muli naming nalagpasan ang isang
malaking dagok na nangyari sa aming buhay.

Mabilis lang naman kaming nakauwi ng mansion. Kita ko ang saya sa mukha ni Rafael
habang inililibot nito ang tingin sa paligid. Kumpleto ang buong pamilya at mukhang
magkakaroon pa yata ng family day celebration kahit hindi naman weekend. Pagkababa
pa lang namin ng kotse kaagad ng sumalubong si Jeann at Charlotte sa amin pati na
din ang iba pang mga pamangkin ni Rafael.

Kanya-kanya silang bigay ng pagbati sa kanilang Uncle. Nagwish din sila na sana
tuloy-tuloy na ang pagaling ni Rafael na siyang lalo kong ikinatuwa. At least
ramdam ko na iisa lang ang hangarin namin lahat ngayun. Ang tuluyang maka-recover
ang mahal ko mula sa aksdenteng iyun.

"Uncle, pasensya na, hindi ako nakadalaw sa iyo sa hospital. Pinagbawalan kasi ako
ni Mommy eh." wika ni Jeann ng isa-isang nagsipag- alisan na ang mga pinsan nito.
Hinalikan pa nito sa pisngi ang kanyang Uncle kaya naman kaagad itong inasikan ni
Rafael.

"Its Okay!" matipid na sagot ni Rafael. Pasimple pa nitong pinunasan ang kanyang
mukha. Tingnan mo nga naman, ang arte talaga nito. Pamangkin lang naman ang humalik
sa kanya.

"Paanong hindi kita pagbabawalan. Halos mamatay ka na sa morning sickness mo.


Napakahirap mo din pakainin dahil lahat ng kinakain mo isinusuka mo." sagot naman
ni Ate Arabella. Kaagad naman napasimangot si Jeann.

""Tsk! Tsk! Kaya pala ganyan ang hitsura mo. Para ka ng buhay na bangkay! Buti
napagtatiyagaan ka pa ni Drake!" sagot naman ni Rafael. Bakas sa boses nito ang
pang-aasar para sa pamangkin. Hindi naman namin maiwasan ni Charlotte ang matawa.

"Uncle naman! Normal lang sa nagliliihi ang gantiong hitsura at hindi mangyayaring
pagsawaan ako ni Drake! Mahal ako noon!" inis naman na sagot ni Jeann. Inirapan pa
nito ang kanyang Uncle bago nag-walk out. Napapailing na lang si Ate Arabella na
nasundan ng tingin ang anak.

"Pagpasensyahan niyo na ang malditang iyun. Hindi ko na nga malaman ang gagawin ko
sa batang iyun. Habang tumatagal lalong pumapangit ang ugali. Siguro dala lang sa
hirap na nararanasan niya sa kanyang paglilihi ngayun." hinging paumanhin ni Ate
Arabella. Nakakaunawa naman akong tumango.

"Ayos lang po Ate. Ito din kasing si Rafael walang preno kung mang-inis eh." sagot
ko.

"So ayos ka na Bro? Kaunti na lang at balik na sa dati ang lahat." wika naman ni
Ate Miracle. Naglalakad ito palapit sa amin at kaagad hinalikan sa pisngi si
Rafael. Nakangiti din ako nitong binalingan ng tingin at nakipagbeso pa sa akin.
"Salamat nga pala NIca at napagtyagaan mo ang ugali nitong kapatid ko." pahabol na
wika nito.

"Ayos lang po Ate. Wala naman po tayong ibang hangad sa ngayun kundi tulungan na
gumaling kaagad si Rafael. " nakangiti kong sagot.

"Ano nga pala ang sabi ng Doctor niya?

'tanong naman ni Ate Miracle.

"Kailangan daw po sumailalim sa therapy si Rafael para bumalik sa dati ang paglakad
niya. Pero kailangan munang hintayin maghilom lahat ng sugat niya bago gawin iyun."
sagot ko. Kaagad na napatango si Ate Miracle bago sumagot.

"Mabuti naman kung ganoon. At least inassure ng Doctor na magagamit niya pa rin ng
maayos ang na-injured nyang binti." nakangiti nitong sagot.

Ilang bagay pa ang napag-usapan bago nagyaya si Rafael na pumasok muna ng kanyang
kwarto. Gusto daw muna nitong magpahinga. Kaagad ko naman itong sinamahan.

Mabuti na lang at may mga bodyguard ito at sila na ang bumuhat kay Rafael habang
nakaupo sa wheelchair paakayat ng second floor. Kung hindi baka mahirapan talaga
kami. Ang bigat pa naman nitong mahal ko.

Chapter 260

VERONICA POV

Sa tulong ng mga bodyguards na nagbuhat kay Rafael maayos itong nakaakyat ng


kanyang kwarto. Mula sa wheelchair kaagad na din itong nagpalipat ng kanyang kama.
Mukhang katulad ko na-miss din yata nito ang kanyang sariling higaan kaya hindi ko
mapigilan ang makaramdam ng tuwa habang pinagmamasdan ito.

Laking pasasalamat ko sa Diyos dahil tuluyan ng natanggal ang halos lahat ng benda
sa katawan nito. Maliban na lang sa kaliwang binti na napuruh talaga dahil sa sa
aksidente.

Gayunpaman masaya ako dahil alam kong babalik din sa dati ang lahat.

Matapang si Rafael at alam kong walang pagsubok ang hindi nito kayang malagpasan.

"Ano nga pala ang gusto mo? Gusto mo bang ikuha kita ng makakain sa kusina para
naman malamnan ang sikmura mo bago ka matulog?" malambing kong tanong sa kanya nang
kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa kanyang kwarto.

Abala ang halos lahat ng miymebro ng pamilya sa ibaba. Gustong ipagdiwang nila Tita
Carissa at Tito Gabriel pati na din ng mga kapatid ni Rafael ang kanyang agarang
paglabas sa hospital. Mas mabuti nga iyun para naman magkaroon pa lalo ng
motivation si Rafael na magpagaling.

"Nope! Busog pa ako. How about you? Gusto mo bang kumain? Parang kakaunti lang yata
ang nakain mo kanina sa hospital." sagot nito sa akin. Umiling din ako. Ganito
naman talaga ito palagi, marami or kaunti ang kakainin ko palaging bukang bibig
nito na kaunti lang daw ang kinakain ko. Nasanay na ako sa kanya.

"Kung ganoon siguro kailangan mo ng magprepare para matulog para makapagpahinga ka


bago tayo ulit bababa mamaya. Hinihintay ka din ng mga kapatid mo.. Teka lang,
punasan muna siguro kita at palitan ng damit pantulog. Para naman magiging
kumportable ka." nakangiti kong sagot kanya.

"Kung ayos lang sa iyo why not! Of course, masaya ako na maramdaman ang pag-aalaga
mo sa akin Sunshine ko. Iyun nga lang, hindi ko muna masusuklian ang ginagawa mong
pag aalaga sa akin ngayun. Hindi pa kas. ako makakilos na maayos eh." sagot nito.
Nakakaunawa ko naman itong nginitian.

"Ayos lang iyun. Huwag kang mag- alala, ililista ko lahat ng utang mo sa akin para
masingil kita pagaling mo." pabiro kong sagot habang nakangiti. Kaagad naman itong
tumawa. Hindi ko tuloy maiwasan na titigan ito sa kanyang mukha.

Kahit siguro maghapon kong titigan ang mukha nito hindi ako magsasawa. Lalo kasi
itong gumwapo sa paningin ko. Pakiramdam ko nga napaka-swerte ko sa kanya. Kahit na
nasa ganitong itong sitawasyon hindi pa rin ito nagkulang para iparamdam sa akin
kung gaano ako kahalaga sa kanya.

Lalong naging istrikto sa ibang tao si Rafael pero kapag ako ang kaharap nito
palagi itong nakangiti. Lalo tuloy naramdaman ng puso ko kung gaano ako ka-special
sa kanya. Kaya naman susuklian ko ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin ng
higit pa. Aalagaan ko ito sa abot na aking makakaya.

"Ohhh Sunshine..natulala ka na diyan ah? Matagal ko ng alam na pogi ako kaya huwag
mo akong titigan ng ganyan " tatawa-tawa nitong wika

Mahina pa nitong pinisil ang ilong ko kaya naman hindi ko maiwasan na mapakurap.
Hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala ako nakatulala. Nakakahiya tuloy sa
kanya.

"ha? Ahhh! Ehhh! Hehehe! Sorry, ano nga uli iyun Mahal kong Rafael?" nakangiti kong
tanong kahit na ang totoo nakaramdam ako ng kaunting hiya sa kanya. Baka kong anong
isipin nito sa akin. Mabuti na lang at hindi tumulo ang laway ko habang nakatitig
sa kanya kanina.

"Sabi ko, akala ko ba balak mo akong punasan? Bakit ka nakatulala diyan?' nakangiti
nitong tanong. Bakas ang panunudyo sa mga mata nito kaya naman kaagad akong
napaiwas ng tingin. Nagmamadali akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang tabi
dito sa kama at nagmamadaling naglakad patungo sa banyo para kumuha ng basang bimpo
at gamitin para pagpunas sa katawan nito.

"ahhh oo nga pala...hehehe! Sorry po... wait lang at kukuha lang ako ng gamit. "
sagot ko at nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo. Sobrang lakas ng kabog na
dibdib ko. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit ako nagkakaganito ngayun. Sanay
naman na ako na palaging katabi si Rafael pero iba ang epekto niya sa akin ngayun.
Siguro dahil hindi na kami halos naghihiwalay kaya ganoon.

Mabuti na lang at kumpleto sa mga gamit itong banyo ni Rafael. Lahat yata ng mga
kailangan nito nandito na sa loob kaya naman kaagad akong kumuha ng bimpo at
itinapat sa gripo para basain. Kung may planggana sana mas mabuti pero dahil wala
magtatiyaga na lang ako na magpabalik balik ngayun dito sa banyo.

Pagkalabas ko ng banyo kaagad kong napansin na nakapikit na si Rafael.

Mukhang natagalan yata ang paglabas ko mula banyo at nakatulog na ito. Gayunpaman
nagpasya na muna akong pumunta sa kanyang walk in closet para kumuha ng pantulog na
pwedeng ipamalit sa suot niya ngayun. Pipilitin kong mapunasan ang buo nitong
kaawan para naman makaramdam din siya ng kaginhawaan at makapagpahinga ng maayos.

"Rafael? Tulog ka na ba?" mahina ko pang tawag dito ng muli akong makalapit ng
kama. Unti-unti naman itong dumilat sabay tango.

"Yah...so pupunasan mo na ba ako?" nakangiti nitong tanong. Kaagad akong tumango.

"Oo, pero kailangan muna nating hubarin ang tshirt mo. Papalitan na din kita ng
kasuotan para mas lalo kang maging kumportable." nakangiti kong sagot, sabay kuha
ng remote ng aircon at hininaan ito. Ayaw kong lamigin ito habang giagawa ko ang
proseso ng pagpupunas sa kanyang katawan. Akma naman na babangon ito ng kama pero
kaagad ko itong sinaway.

"Huwag na! ako na ang bahala sa iyo. Relax ka lang at sinabi ng Doctor na hind
dapat mapwersa iyang binti mo. Kailangan gumaling kaagad ang sugat para maumpisahan
na ang therapy mo.: "nakangiti kong awat sa kanya. Hinawakan ako nito sa aking
kamay sabay tango.

"Thank you! Napaka-maalalahanin mo talaga! Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng


nangyari sa akin nandito ka pa rin sa tabi ko. Ginagawa mo ang lahat para maalagaan
mo ako ng maayos. Thank you Sunshine ko! Sa totoo lang, takot na takot ako sa
nangyaring ito sa akin. Mabuti na lang at nandito ka palagi sa tabi ko. Palagi mong
ipinaparamdam sa akin na ayos lang kaya naman lalo akong naging matapang para
tulungan ang sarili ko na gumaling kaagad." madamdamin nitong sagot sa akin. Pigil
ko naman ang sarili ko na maluha dahil sa sinabi nito sa akin ngayun.

"Ano ka ba...hindi mo na kailangan pang magpasalamat sa akin Rafael. Masaya ako na


pagsilbihan ka! Kahit na anong mangyari, hindi ako aalis sa tabi mo dahil kahit na
injured ka ngayun ramdam na ramdam ko pa rin ang pag- aalaga mo sa akin." sagot ko.
Kaagad lumamlam ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. Hindi ko na napigila
ang sarili ko, kaagad ko siyang niyakap at mabilis na hinalikan sa labi.

"Ipangako mo sa akin, kahit na anong pagsubok na dumating huwag ka basta- bastang


sumuko. Kailangan kita! Kailangang kailangan kita Rafael." halos pabulong kong wika
sa kanya. Kaagad kong naramdaman ang mahigpit na pagyakap nito sa akin.

Hinalikan pa ako nito sa noo bago sumagot.

"Kailangan din kita Sunshine. Promise, gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang
sa piling ko." sagot nito

"Presensya mo pa lang masaya na ako eh. Sige na nga, masyadong delayed na ang
pagpupunas kong ito sa iyo. Bitaw na at nang mapalitan na kita ng damit. "malambing
kong wika sa kanya sabay kalas sa pagkakayakap. Masyado pa namang mababaw ang luha
ko nitong mga nakaraang araw at baka maiyak na naman ako. Inabot ko na ang bimpo at
inumpisahan itong punasan sa kanyang mukha.

Nakangiti naman itong hinayaan akong gawin ang trabaho ko. Hindi din ito umaangal
at nagiging cooperative naman hangang sa hubarin ko na ang kanyang suot na tshirt
at inumpisahan ko ng punasan ang kanyang katawan.

"Ohhh I really love it!" narinig ko pang bulong nito. Hindi ko naman maiwasan na
mapangiti.

Patapos ko ng punasan ang katawan nito nang maramdaman ko ang paghawak nito sa
kamay ko. Namumungay ang mga matang tumitig ito sa akin

"Gusto kong punasan mo din ako sa ibaba." wika nito sabay senyas sa ibabang parte
ng katawan. Kaagad naman akong tumango.

Iyun naman talaga ang balak ko. Ang punasan ito mula ulo hangang paa. Kaya lang
masyadong atat itong mahal ko. Tinatantiya ko pa nga kung paano ko gagawin eh.
Kahit naman papaano first time kong gagawin ito sa kanya na hindi siya masasaktan.
Na hindi masasagi ang ilang mga sugat nito na hindi pa masyadong magaling. Sa
hospital kasi hangang mukha, leeg, braso at paa lang ang ginagawa kong pagpunas
dito. Ngayun nagdedemand na sya sa buong katawan.

Kaya ko naman sigurong gawin. Dalawa lang namin kami dito sa kwarto at ilang beses
ko na din naman nasilayan ang hubad nitong katawan.

"Maingat kong hinawakan ang suot nitong cotton shorts at unti-unti iyung ibinababa.
Ramdam ko pa ang panginginig ng aking mga kamay dahil sa ginagawa ko. Kailangan
kong mag- ingat dahil baka masagi ko pa ang kaliwa nitong binti. Hindi pa magaling
iyun at ayaw ko siyang masaktan.

"Hindi ba masakit?" wika ko sa kanya pgkatangal ko ng kanyang shorts. Tumango ito.


Napansin ko pa ang malagkit na pagtitig nito sa akin kaya hindi ko maiwasan na
makaramdam ng pagkailang.

"Hubarin mo din ang brief ko Sunshine. Sobrang sikip na kasi eh.

Hindi na makahinga ang alaga ko." wika nito. Kaagad na dumako ang tingin ko sa
gitnang bahagi ng katawan nito. Partikular sa parte na natatakpan pa ng brief nito
at hindi ko maiwasan na magulat. Kaagad kasing tumampad sa mga mata ko na bumubukol
na iyun. Napalunok pa ako ng makailang ulit bago muling tumingin sa mukha ni
Rafael.

"Ba-bakit ganiyan?" pabulong kong tanong.

"Kanina pa siya ganiyan. Namimmiss ka na talaga siguro eh." sagot nito na may
halong panunudyo ang boses. Hindi ako nakasagot.

"Sige na Sunshine...gusto ko din magpalit ng underware. Ang init na kasi eh."


nakangiti nitong wika. Tumango ako at gamit ang nanginginig kong kamay dahan-dahan
kong hinawakan ang garter ng kanyang brief. Bahala na nga. Maraming beses ko Ng
Makita ang alagaa nitro at hindi ako dapat kabahan Ng ganito.

You might also like