Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO 5

KWARTER 4 – IKATLONG LINGGO- ARALIN 1

Pangalan:__________________________________ Petsa:________________________
Asignatura/Antas: Filipino 5

I. PANIMULANG KONSEPTO

Magandang araw saiyo!

Ngayong araw ay matutuhan natin kung paano gamitin


ang mga uri ng pangungusap sa isang usapan.

Handa ka na bang matuto?

Ano nga ba ang kahulugan ng


pangungusap at mga uri nito?

Ang pangungusap ay isang grupo ng mga salita na nagsasaad ng isang buong diwa.
May apat na uri ito na ginagamit sa usapan.
1. Pasalaysay – pangungusap na nagsasalaysay o naglalahad ng pangyayari.
Nagtatapos sa tuldok (.)
Halimbawa: Ginugunita ngayon ang anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Naga
City.
2. Patanong – pangungusap na nagtatanong. Nagtatapos sa tandang pananong (?)
Halimbawa: Bakit kailangan nating maghanda tuwing pista?
3. Pautos at Pakiusap – pangungusap na nag-uutos, ito ay nagtatapos sa tuldok. Ang
pakiusap ay pangungusap na nakiki-usap, gumagamit ito ng mga salitang
magagalang tulad ng maari, puwede, at iba pa. Ito ay nagtatapos din sa tandang
pananong (?)
Halimbawa: Kuya, maaari bang hiramin ang upuan mo? (pakiusap)
Kunin mo nga ang aking baso. (pautos)
4. Padamdam – ang pangungusap na ito ay nagsasaad ng masidhing damdamin tulad
ng galit, pagkabigla, tuwa at iba pa. Nagtatapos ito sa tandang padamdam.
Halimbawa: O, nariyan na pala kayo!

1
Magaling!

Narito ang halimbawa ng usapan na gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap.

Maaari bang tulungan ninyo akong


mag tanim ng mga gulay bukas? Isama Aba, Oo naman!
mo na rin si Lito sa ating gagawin.
Saan tayo magtatanim ng mga gulay?

Sa bakuran namin, marami


kasing nasira dahil sa Sige, pagsasabihan ko na rin si Lito
nakaraang bagyo. na magdala ng mga gagamitin
natin bukas.

Basahin natin ang mga pangungusap na ginamit sa usapan sa itaas.


1. Maaari bang tulungan ninyo akong magtanim ng mga gulay bukas?
2. Aba, Oo naman!
3. Saan tayo magtatanim ng mga gulay?
4. Sa bakuran namin, marami kasing nasira dahil sa nakaraang bagyo.
5. Sige, pagsasabihan ko na rin si Lito na magdala ng mga gagamitin natin bukas.

Ngayon, aalamin natin kung anong uri ng pangungusap ang


ginamit sa bawat usapan.

Ang unang pangungusap ay halimbawa ng pangungusap na Pakiusap.


Ang pangalawang pangungusap ay halimbawa ng pangungusap na Padamdam.
Ang pangatlong pangungusap ay halimbawa ng pangungusap na Patanong.
Ang pang-apat na pangungusap ay halimbawa ng pangungusap na Pasalaysay.
Ang pang-lima na pangungusap ay halimbawa ng pangungusap na Pautos.

Mahusay! Handa ka na sa mga susunod na gawain.

2
II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO (MELC)
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa usapan (chat).
(F5WG-IVf-j-13.6)

III. MGA GAWAIN:


GAWAIN 1
Panuto:
Basahin ang usapan nang may damdamin. Tukuyin kung anong uri ng
pangungusap ang ginamit sa pagpapahayag ng naiisip at nadarama ng nag-
uusap. Isulat sa patlang kung ito ay Pasalaysay, Patanong,
Pautos/Pakiusap o Padamdam.

Aling Cely: Nakagawian na nating mga Pilipino ang paghahanda kung


pista para sa ating patron. (1)________________
Tony: Bakit po ang ibang pamilya kung maghanda ay sobra-sobra?
(2)________________
Aling Cely: Iyon nga ang ugaling dapat nating baguhin. Ang
paghahanda ay dapat iayon sa makakaya ng mag-anak.
Kahit simple lang ang handa, taos puso naman ang ating
pasasalamat at pag-aanyaya sa mga tao.
(3)________________
Celia: Naku, nasusunog na yata ang sinaing mo sa kusina inay!
(4)_______________
Tony: Naku ang nanay! (5)_____________ Nalimutan na ang
niluluto niya dahil sa pista.

GAWAIN 2
Panuto:
Buuin ang usapan gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap. Isulat ito sa
patlang.

1. Ramon : Tayo na sa plasa. Manood tayo ng eksibit. (Pasalaysay)


Tony : ___________________________________________
2. Celia : Aba! Kaarawan mo nga pala bukas. (Padamdam)
Nora : _______________________________________
3. Mr. Cruz : Magkakaroon tayo ng pagsusulit bukas. (Pasalaysay)
Mag-aaral : __________________________________________

3
4. Aling Susan : Marami ka na bang benta? (Patanong)
Aling Rusing : ______________________________
5. Nestor : Kuya, maari bang hiramin ang tsinelas mo? (Pakiusap)
Kuya Lito : ___________________________________________

GAWAIN 3
Panuto:
Bumuo ng usapan gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap. Pumili ng
isang sitwasyong makikita sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa malinis na
papel.

1. Ibinalita mo sa nanay mo na nanalo ang inyong klase sa


paligsahan sa sabayang pagbigkas.
2. Mag-uusap kayong magkakaibigan tungkol sa darating na field trip
na sasamahan ninyo.
3. Nagbibilin ka sa tiya mo na pupunta sa Manila na may ipabibili
kang pagkain sa kanya.
4. Inutusan ka ng kuya mo na bumili ng makakain sa tindahan.
5. Ibinalita mo sa mga magulang mo na nakapasa ka sa pag susulit.

IV. RUBRIKS

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos


5 Malinaw, maayos at tama ang pagkakagamit ng iba’t ibang uri ng
pangungusap sa usapan.
4 Hindi gaanong maayos at may kaunting mali sa paggamit ng iba’t ibang
uri ng pangungusap sa usapan.
3 Malabo at hindi maintindihan ang ginawang usapan. Hindi gumamit
ng iba’t ibang uri ng pangungusap.
2 Hindi natapos ang gawain.
1 Walang nagawang sagot

4
V. SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN 1 GAWAIN 2
1. Pasalaysay Depende sa sagot ng mag-aaral.
2. Patanong
3. Pasalaysay
4. Padamdam
5. Padamdam
GAWAIN 3
Depende sa sagot ng mag-aaral. Gamit ang rubriks sa pagpupuntos.

V. SANGGUNIAN
DepEd (2020) K to 12 Most Essential Learning Competencies, F5WG-IVf-j-13.6 pp. 18
FILIPINO 5, p.172 Patricia Jo C. Agarrado, Maricar L. Francia, Perfecto R. Guerrero III and Genaro
R. Gojo Cruz. Alab Filipino.

Inihanda ni:

JONALYN P. SALAZAR
Guro I
Paaralang Elementarya ng Mabiton
Purok Timog Claveria

Isinaayos ni: Tagalapat:

IMELDA B. RADAN GEORGE O. BABASA


Dalubguro I Guro III
Paaralang Elementarya ng Taguilid Paaralang Elementarya ng Buyo

BRENDA B. BABASA
Guro II
Paaralang Elementary ng Buyo

Sinuri nina:

GODOFREDO L. ALMOGUERRA JR HEDELIZA M. BOLANTE


Punong Guro I Punong Guro II
Paaralang Elementarya ng Mabiton Tagamasid Pampurok
Purok Timog Claveria

Sa Pamamatnubay ni:

RUDYARD C. BALACANO
EPS-Filipino

You might also like