Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LECTURE 5

Hindi maikakaila na minsan sa buhay ng isang tao pagdating sa pagdedesisyon ay


nagkakaroon ng pagkakamali sa pagpili kung ano ba ang mahalaga at mabuti para sa kaniya at
sa kung ano naman ang hindi. Sa pagdedesisyon, maaari itong magdala ng kalituhan kung ano
ang dapat piliin. Kung kaya’t sa pagnanais natin na gabayan ang mga nalilitong pumili ay
nakapagbibigay tayo ng mga pahayag na mas nararapat upang sila ay mahikayat.

Ang pagnanais na makakumbinsi at makahikayat ng iyong tagapakinig o kausap sa iyong


pananaw o paninindigan ay isang hamon. Nakatutulong ang paggamit ng wasto at tamang
salitang nanghihikayat.

Ilan sa mga salitang nanghihikayat ay:


 kung ako sa iyo…
 mas makabubuti kung…
 mas nararapat…
 naniniwala akong…
 kaya mong maging… at marami pang iba.

Gamit ang mga salitang naghihikayat magagawa natin ang mga sumusunod:
 mapapaniwala ang tagapakinig
 mapagtibay ang isang katotohanang pinaniniwalaan
 mapakilos ang tagapakinig o tagabasa.
 sumang-ayon sa pananaw tungkol sa isang isyu o pangyayari

Layunin din ng mga salitang nanghihikayat na maglahad ng isang opinyon na kailangang


mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang
mapaniwala o makumbinsi ang mga mambabasa o tagapakinig.
Isa sa pinakamainam na paraan upang makapanghikayat at magamit ang mga salitang
naghihikayat ay ang talumpati.

Ang talumpati ayon sa wikepedia ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na
ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao.
Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala. Ayon naman kay Mangahis et.al (2008), masusukat sa sining na
ito ang katatasan, husay, at dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at katatagan ng
kaniyang paninindigan.

Ang pagtatalumpati ay maituturing na isang uri ng sining. Makikita rito ang katatasan at
kahusayan sa paghihikayat. Layunin din nitong makapagpahayag ng pangangatwiran sa
paksang tinatalakay. Iba ito sa ginagawa nating pakikipag-usap at pagpapahayag sa araw –
araw at sa iba pang anyo ng panitikan. Ang pagtatalumpati ay pinaghahandaan bago bigkasin
sa harap ng madla. Kung kaya’t narito ang ilan sa mga hakbangin sa paggawa ng talumpati.

1. Pagpili ng paksa -kailangang saklaw ito ng iyong sariling kaalaman, karanasan at interes.
2. Pagtitipon ng mga materyales –kung sigurado na sa paksang napili, kailangan naming
humanap ng materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon sa talumpati.
Maaaring kumuha ng mga impormasyon sa iyong dating kaalaman, mga karanasan, mga
babasahing may kaugnayan sa paksa.
3. Pagbabalangkas ng mga ideya- kailangang nahahati ito sa tatlong bahagi panimula, katawan
at pangwakas.
4. Paglinang ng mga kaisipan- kailangang nakapaloob dito ang mahalagang impormasyon na
susuporta sa pangunahing kaisipan na inilahad sa iyong balangkas.

LECTURE 6
Pagtukoy sa Damdamin ng Tauhan
Maaaring makilala ang tono o damdamin ng manunulat sa kaniyang pananalita kung siya ba ay
may positibo o negatibong pananaw o perspektiba sa paksa. Sa pamamagitan din ng tono ay
natutukoy mo ang damdaming namamayani sa awtor sa paksa ng kaniyang teksto.
Makikilala ang mga ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga tiyak na salitang ginagamit ng
manunulat.
Halimbawa:
masaya malungkot
seryoso mapagbiro
mapangutya nanghihinayang
nagmamakaawa

Ang damdamin (emotion) ay tumutukoy sa saloobing nililikha ng mambabasa sa teksto. Ito ay


maaaring tuwa, lungkot, galit, poot, takot, paghanga, pag-ibig o humaling, pagnanais,
pagkagulat, pagtataka, pag-asa, kawalang pag-asa, katapangan, pangamba, pagkainis,
pagkayamot, at iba pang emosyon o damdamin.
Gawain

You might also like