Si Celine

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Si Celine

(Anekdota ni Christine Cincollagas)

Naalala ko pa noong unang araw na dinala ang isang tuta sa bahay


naming. Kumpara sa mga nauna, dala ng bugbog ng kolonyalismo,
hindi ko agad matanggap ang isang tuatang ordinary o askal sa mas
tamang kolokyal na pananalita. Ordinaryo ang kulay, ang balahibo pati
ang itsura. Siya Ako ang nagpangalan sa tutang iyon. Kasikatan kasi
ng "Maging Sino Ka Man" noon. Paborito ko ang karakter ni Anne
Curtis. Kaya naman pinangalan ko syang "Celine". Mabait na alagang
aso si Celine at tulad ng pambihirang kakayahan ng mga aso, malakas
ang pang-amoy nila. Kaya naman lahat ng nakatira sa bahay naming,
memoryado niya ang amoy. At kapag hindi sa kanya pamilyar ang
amoy, sa entrada pa lang ng bahay, hindi na ito titigil kakat ahol.
Dalawang taon akong nawala sa Pinas. Naisip ko, dahilan sa
nakahalubilo ako sa isang lahi, mag-iiba na ang amoy ko sa kanya.
Pero gulat ko, pagdating na pagdating ko, sabik na sabik na nagtatalon
si Celine sa akin. Naglambing na tila sinasabi sa akin na "Welcome
back! I miss you!" At sa ilang pagkakataon, nahuli ko ang aking sarili
na nakikipag-usap sa alaga naming aso. Minsan, sinasabi ko sa kanya
ang mga pangarap ko, sama ng loob, at mg masasayang sandal. Para
akong tanga na nagbabakasakaling naiintindihan niya ako. Kapag
tinitingnan ko siya sa kanyang mga mata, may haplos ng pagkilala na
sa mga panahon ng pananatili niya sa aming bahay. Hindi na lang siya
alagang aso sa amin kundi isang parte ng aming pamilya. ay isang
babae kaya pinagdarasal na sana'y mabuntis siya ng isang may lahing
aso. Pero tulad ng mga naunang babaeng tutang nanirahan sa amin.
Hindi hinahayaan nila nanay at tatay na lumabas man lang ang alaga
naming aso.

You might also like