Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

ISULAT MO

1. Pamagat ng Pelikula

Sa unang reaksiyon ayon sa pamagat ng pelikula na “MAGNIFICO”, hindi ko agad maisip


na ito pala ay tumutukoy sa mismong pangalan ng bidang bata dahil ang pelikula ay tagalog
at ang salita na MAGNIFICO ay salita mula sa Italya. Masasabi ko na may pang hatak ang
pamagat na ito sa mga manonood dahil halos lahat ay magiging mausisa, nakakadagdag ng
interes sa kung ano nga ba ang kwento ng pelikulang ito.

2. Tema ng Pelikula

Ang diwa ng palabas ay tumutukoy sa istorya ng isang batang musmos na namulat sa


kahirapan. Ipinapakita ng palabas ang katotohanan na umiiral sa ating lipunan gaya ng
kahirapan, kalungkutan, kawalan ng pag-asa, pangungulila, pangarap gayundin ang
kamatayan.

3. Tauhan

Jiro Maño – Siya si Magnifico (Pikoy) ang pangunahing tauhan sa kwento na namulat
sa kahirapan sa murang edad. Isang mabuting bata, magalang, masunurin ngunit
mahina sa klase.

Albert Martinez – Ang tatay na si Gerry na isang kontraktwal (construction worker) na


pilit gustong tapusin ang isang rubics cube.

Lorna Tolentino – Siya si Edna ang ina ng pangunahing tauhan na isang may-bahay na
mareklamo ngunit ginagampanan naman ang kanyang pagiging ina.

Danilo Barrios – Siya si Miong ang matalinong nakakatandang kapatid ni Pikoy na


natanggalan ng scholarship dahil sa barkada.

Gloria Romero – Si Lola Magda, ang lola ni Pikoy na may stomach cancer.

Isabella De Leon – Ang bunso sa magkakapatid na may kapansanan (cerebral palsy).

4. Nilalaman

Malinaw na ipinakita sa kwento ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa. Wala ito sa


estado ng edad, katayuan sa buhay. Ang mahalaga ay ang pagtulong sa kapwa ng bukal sa
puso kahit walang hinihiling na kapalit. Ang karakter ni Magnifico ang simbolo ng isang totoo
at wagas na kabutihan. Kahanga hanga ang kanyang karakter dahil kahit siya ay musmos pa,
siya ang batang nagiisip ng paraan upang mapunan ang gastusin para sa kanyang lola. Alam
niya na sila ay salat sa pera, gumawa na lamang siya ng ‘improvise’ na kabaong kung sakaling
pumanaw ang kanyang lola. Hindi rin siya mareklamo sa pag-alaga sa kanyang kapatid. Siya
pa ang kusang nag-asikaso dito sa kabila ng kakulangan sa kaalaman.
5. Mga Aral

Kapupulutan ng maraming aral ang pelikulang ito. Malinaw ang mensahe, akma ang mga
salitang ginamit upang mas maintindihan ang nais na ipahayag ng palabas. Ang likas na
pagiging matulungin ay hindi lamang nakikita sa katauhan ng isang nakatapos or may-edad
na tao. Wala ito sa edad, antas ng pamumuhay, at kahit mahirap lamang ang estado sa buhay,
hindi ito hadlang upang hindi maipakita ang pagma-malasakit sa kapwa.

6. Pagpapahalagang Pangkatauhan

Likas na pagmamahal, pagiging maparaan at malikhain, kabutihang loob ang ilan sa mga
binigyang pagpapahalaga sa kwento. Naipakita ni Magnifico ang isa sa mga aral sa buhay,
ang pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya. Ang pamilya parin ang magsisilbing nandiyan
sa ating tabi sa panahon na kailangan natin ng karamay.
Tayong mga Pilipino ay may katangian na mapagmatiis lalo na sa hamon ng buhay.
Pagiging malikhain at maparaan sa gitna ng mga kagipitang sitwasyon. Ang mga ito ay
naipakita rin ni Magnifico sa kwento. Kababang loob at realisasyon ng mga pagkakamali at
pagkukulang ang naipakita ng mga pangunahing tauhan sa pagtatapos ng kwento.

7. Tagpuan
Angkop naman ang tagpuan (set o lugar) na pinagkunan para sa pelikula. Makatotohanan
ang mga ‘props’ at kagamitan ganyundin ang pagkakakuha ng anggulo at mga kaganapan sa
kwento.

You might also like