Educ108lesson Plan

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Detalyadong banghay aralin sa Filipino IV

|.Layunin:

a.Naibibigay Ang kahulugan Ng pabula.

Natutukoy Ang mga tauhan sa pabula.

b.Nasusuri Ang sunod-sunod na pangyayari batay sa pabula.

c.Nakikilahok Ang mga mag-aaral sa paksang tinalakay .

||.Paksang Aralin

a.Paksa: Pabula (Ang Langgam at Ang Tipaklong)

b.Sanggunian: Panitikang Asyano 3 pp.108-113, Filipino 3 pp.16-18

c.Kagamitan: Vedio clip,laptop, Cartolina,Pen

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain:

1.Panalangin

2.Pagbati

Magandang Hapon mga Bata!

Bago kayo magsi-upo,pakipulot Muna Ng mga kalat sa ilalim Ng inyung upuan.

3.Pagtala Ng mga lumiban


4.Balik-Aral

Bago natin simulan Ang panibagong Aralin sa hapong ito,Nais ko munang malaman kung Inyo pang
natandaan Ang ating tinalakay noong nakaraang Araw.

B.Talasalitaan

Bubuo Ng apat na Pangkat Ang guro

Panuto: Ayusin Ang mga letra upang makabuo Ng salita.Hanapin Ang Kasingkahulugan at gamitin ito sa
pangungusap Handa na ba kayo mga Bata?

(Uumpisahin na Ang Gawain)

*Opsiman. (Masinop)

*Kasimap. (Masikap)

*Paagam. (Maagap)

*Gamkmopi. (Mag-impok)

Alin Dito Ang Kasingkahulugan Ng mga salitang nabuo? Gamitin ito sa pangungusap

*Masinop(matipid)

*Masikap(matiyaga

*Maagap(alerto)

*Mag-impok( mag ipon)


Magaling mga Bata.magagamit natin Ang mga salitang iyan sa ating tatalakayin ngayong hapon.

C.Pagganyak

Papangkatin sa tatlo Ang klase.ituturo ang gagawing tunog Ng hayop at aksyon sa bawat Pangkat.

Pangkat 2—Aso-"Aw-aw",dalawang talon

pangkat2—Pusa-"Meow-meow",kembot

pangkat3—Kambing-"Meow-Meow"iikot

Babasahin ko Ang maikling talata.

Gagawin ninyo Ang tunog at aksyon kapag marinig ninyo Ang Pangalan Ng hayop na naka assign sa
inyung Pangkat.Maliwanag ba mga Bata?

"Naglalakad si Aso Ng makasalubong Niya si Pusa.Saan ka pupunta pusa? Ang tanong ni


aso.papasyalan ko si baboy,Ang Sagot Naman ni pusa.Nais mo bang sumama? Tanong ni pusa Kay aso.
Oo Ang Sagot ni Aso.Sabay na nag lakad si pusa at aso upang pumunta kay Baboy."

Natuwa ba kayo mga Bata?

Bigyan niyo Ng malakasang palakpak Ang inyung mga sarili.

Napakagaling niyo namang lahat!

Ano Ang ginamit natin na bida sa. Gawain na ito?

Tama!

D.Paglalahad

Isa sa mga napakahalagang elemento Ng pabula ay Ang mga tauhan class,ano Ang

kahulugan Ng tauhan?

Mahusay!

Ang vedio clip na ating panoorin sa hapon na ito ay tungkol sa pinamagatang "Ang Langgam at
Tipaklong"

Excited naba kayo manood mga Bata?


Sabay-sabay nating panoorin Ang kwento Nina Langgam at tipaklong

Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?

Mahusay !

Naunawaan niyo ba Ang inyung napanood mga Bata?

E.Paglalahat

Tungkol saan Ang inyung napanood?

Ano Naman Ang ginawa ni Langgam?

Ano naman Ang ginawa ni Tipaklong?

Ano Ang nangyari sa sumunod na Araw?

Magaling mga Bata!

Ano Naman ginawa ni Langgam sa sitwasyon

ni tipaklong?

Mahusay mga Bata!

Ano Naman Ang aral na natutunan Niyo mula sa kwento na Ang "Tipaklong at Langgam"?
F.Paglalapat

Panuto:Mag bibigay Ng mga katangian Ng mga tauhan sa pabula Ng Tipaklong at Langgam.

(Isa-isang ipapakita Ng bawat Pangkat Ang Sagot at isulat sa pisara)

IV.Pagtataya

Kumuha Ng papel at sumulat Ng repleksyon sa aral na natutunan sa pabula na Langgam at


Tipaklong.

V.Takdang Aralin

Gumupit Ng larawan Ng hayop.Ipaliwanag sa klase kung paano mo maihahalintulad sa iyong sarili Ang
katangian Ng hayop na iyong Napili.

You might also like