Professional Documents
Culture Documents
Check Nyo If Okay Na Sa Inyo
Check Nyo If Okay Na Sa Inyo
Written By:
Directed By:
Characters:
Ann - Celia
Rocel - Celia
Edwen - Roberto
Lyndzhy - Sarah
Haizel - Sarah
Micca - Sonya
Syra - Shane
Abby - Mae
Ara - Police
CJ -Police
Introduction: Ako si Celia, lubhang napaka swerte ko sa mga magulang ko kasi
hindi nila ako pinabayaan...Labis ang kanilang suporta sa aming pag-aaral. Kahit
na hirap kami noon sa gastusin ay hindi nila hinahayaan na magutom kaming mag-
kapatid.
SONYA : Sarah, Celia, Tay kakain na. (sambit ni Sonya habang naghahain ng pagkain sa hapag
kainan)
SARAH : Pariyan na po.
Lumabas na si Sarah upang tumulong sa paghahanda ng pagkain. Lumabas na rin si Celia at
umupo na sa upuan.
SONYA : Pagpasensyahan nyo na ang ulam natin. Tuyo at itlog na naman.
CELIA : Ano ka ba nay. Okay lang yan tsaka paborito kaya namin ang itlog. Diba Sarah??
SARAH : Oo ate kaka-itlog natin, pwede na tayong lumipad.
Habang kumakain ay tinanong ni Roberto ang kaniyang mga anak.
ROBERTO : Oh! mga anak kumusta naman ang pag aaral ninyo pinag bubuti nyo naman ba?
Baka mamaya may katipan/jowa na pala kayo ha?
SONYA: Nako tay parang may nababalitaan akong may katipan/jowa na raw si Celia.
CELIA : Hala si mama. Wala po akong jowa (pangiti nitong sambit)
SONYA: Ee, bakit sabi ni Mareng Jing ay may katipan/jowa ka raw??
SARAH : Ihhh si ate. (pabirong sambit ni Sarah) May jowa ka na pala ha.
CELIA: Hoy wala akong jowa.(depensa nito) Tsaka ayoko naman pong masayang ang
paghihirap nyo mapag aral lang kami. Tsaka ko nalang aatupagin yang jowa jowa na yan pag
pwede na.
ROBERTO : Aba dapat lang, tsaka yang pag-ibig na yan makakapag hintay naman yan. Hindi
naman dapat yan minamadali
SONYA : Naku, naku ehh panay habol ka nga saakin nung araw. Ni hindi ka pumapayag nang
hindi mo ako nakikita. Basta kayo ha, wag muna kayong magkakatipan, magtapos muna kayo sa
pag-aaral.
CELIA : Syempre naman nay. Ang galing-galing ko kaya sa school . Ay nay, tay naalala ko nga
po pala, Latin Honor po ako sa graduation.
SONYA : Aba!!. Proud na proud talaga kami sayo. Pagbutihin mo pa at nangmatupad mo ang
mga pangarap mo.
ROBERTO : Nako, manang mana ka talaga sa akin anak.
SONYA : Aba kapal mo naman. Sa akin ata nagmana yan si Celia.
ROBERTO : Naku mama wag ka nang makipagtalo at ikaw ay natutulog laang sa klase nung
araw.
Nagkatinginan ang dalawang magkapatid sabay ngiti.
SONYA : Aba sinong may sabi?? Best in science ako dati sa school ang hirap hirap kaya nun.
ROBERTO : Nako patulog-tulog ka nga lang dati...Napapagalitan ka pa ng maestra natin....Tapos
minsan ay hindi ka naman pumapasok ng maagap....
SARAH : Heto na naman po tayo. (sambit nito sabay tingin sa kaniyang kapatid)
CELIA : Ayyyssssshhhhhhhhh! Tama na.
Nagkatinginan ang mag-asawa sabay tawanan ang mag-anak.
ROBERTO : Oh ikaw naman Sarah? Kamusta ka naman sa school??
SARAH : Ito Tay maganda parin,(tawanan)
ROBERTO : (Natatawa) Puro ka talaga kalokohan bakit di mo gayahin 'tong ate mo, tutok sa pag
aaral.
SARAH : Maayos naman po ako sa school tay. Hindi man po ako kasing galing ni ate pero kaya
ko naman po. Tsaka gagalingan ko na po sa susunod tay wag ka pong mag-alala.
ROBERTO : Mabuti naman kung ganon. Hala sya kumain na muna tayo.
CELIA/SARAH: Tay alis na po kami.
Roberto : Ingat kayo. (wave ng naka ngiti)
CELIA: Hindi lang sa mga magulang ako swerte. Malaki rin ang pasasalamat ko sa
mga kaibigan ko sa walang sawang suporta nila saakin.
2ndScene (Friends)
Setting: School Hallway
CELIA : Mae, Shane, hali kayong dalawa.. Magpa-picture tayo. (natutuwang banggit ni Celia)
EXTRA (CAMERA MAN) : 1,2,3
(Months later )
Nakatingin si Celia sa salamin habang nag-aayos
CELIA: Nabili ko rin ang pinapangarap kong bahay. Sa dami ng hirap, nakamit ko
ang lahat ng pangap ko sa tulong ng mga magulang at mga kaibigan ko.
(Back transitions between illusion to the past) Nakatingin si Celia sa salamin na nagtataka.
Nahihilo si Celia at babalik ang mga ala-ala nito.
CELIA : Ilusyon lang lahat. Nakangiti akong nakatingin sa salamin pero hindi
naman ako masaya. Hindi lahat ng ating nakikita ay totoo, madalas nating
dinadaya ang ating sarili upang pagtakpan ang masalimuot na nakaraan. Ngunit
may panahon pa para tayo ay magbago.
Hindi lahat ng nakikita Ng ating mga mata ay Ang tunay na sya, karaniwan ito ay balat kayo
lamang upang matabunan ang kakulangan mo, na gusto mong makita sayo ng iba.(Imperfection
to Perfection)
The End.