Pagpigil Sa Cold War Matapos Ang World War II Essay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Aking paraan sa Pagpigil sa Cold War matapos ang World War II

Matapos ang matinding pinsala at pagkasira na dulot ng World War II, kinailangan ng mga
komunidad na magsagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang paglaganap ng bagong
digmaang naging kilala bilang Cold War. Ang Cold War ay ang politikal at ideolohikal na
tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at ng kanilang mga kaalyado sa kanlurang bloke at
ang Unyong Sobyet at ang kanilang mga kaalyado sa silangang bloke mula sa 1947
hanggang 1991.

Upang mapigilan ito ang mga bansa ay maaaring magtulungan upang hanapan ng solusyon
ang mga problema nang hindi gumagamit ng lakas,at ang pagsasagawa ng mga
negosasyon at kasunduan tulad ng Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons
naglalayong pigilan ang pagkalat ng nuclear weapons at magtakda ng mga mekanismo
para sa pagtatanggol sa mga bansa mula sa posibleng pag-atake. Upang panatilihin ang
kapayapaan at seguridad sa buong mundo ang pagsasagawa ng mga summit meetings o
pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansa tulad ng United States at Unyong Sobyet ay
nagbibigay ng pagkakataon para sa mga direktang usapan at pagtugon sa mga alitan. Sa
pamamagitan ng personal na ugnayan at komunikasyon, maaaring maresolba ang mga
isyu nang mas mabilis at mas epektibo.At panghuli, pagpapalakas ng mga institusyon ng
ekonomiya tulad ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank ay nagbibigay ng
suporta sa mga bansa na nais magpatibay ng kanilang ekonomiya at maabot ang pag-
unlad sa pamamagitan ng tulong pinansyal at ekonomiko. Sa pamamagitan ng
pagpapalakas ng mga ekonomiya ng mga bansa, mas mababa ang posibilidad na
magkaroon ng kaguluhan at tensyon sa pandaigdigan antas.

At ito ang mga hakbang sa aking palagay na makakapigil ng Cold War sa pamamagitan ng
paggamit ng diplomasya, negosasyon, ekonomiya, at iba pang mga internasyonal na
mekanismo,at sa pamamagitan ng pagtutulungan at pangunahing layunin ng pagpapanatili
ng kapayapaan at seguridad, nagtagumpay ang pandaigdigang komunidad sa pagpigil ng
paglala ng tensyon at paglalagay sa panganib ng bagong digmaan matapos ang World War
II.

You might also like