Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KABANATA 12: PLACIDO PENITENTE

(explanation)

Ayan dito po natin nakilala ang magaaral na si Placido Penitente na kung saan ang ‘Placido’ ay
nangngahulugang po na Kalmante o Mapayapa samantalang ang ‘Penitente’ ay Penitensiya o
paghihirap. Dito pong magaaral na ito ay halos wala nang ganang pumasok sapagkat sa apat
na taon na pag-aaral niya ay wala po siyang natututuhan, dalawang beses na po siyang
nagsulat sa kaniyang ina na nais na niyang bumalik sa Tanawan, Batangas upang doon na
lamang magaral.
Lahat po ay ginagawa ng kaniyang ina, makapag-aral lamang at makapag-tapos si Placido
Penitente dito sa paaralan ng maynila sapagkat siya ay pinagmamalaki ng Tanawan Batangas
at magaaral ni Padre Valerio na pinakamahusay po sa kanilang lalawigan na siya rin po ang
kayang sumagot kahit ang pinakamahirap na katanungan sa kanilang bayan kaya lang dahil sa
mga kadahilanan ay nawalan po ng gana si Placido sa Pagaaral.
Isa na nga po rito ay ang sobrang daming magaaral nila sa isang klase kung kaya’t hindi po
nakikilala ng guro. Dito rin po ay nakilala natin si Juanito Pelaez ang isa pang magaaral at
napagusapan po nila ang bakasyon na kung saan ay napagusapan nila si Juli ang kasintahan ni
Basilio na sinasabi ni Juanito Pelaez na napakagandang dalaga kaya lang naaawa siya
sapagkat ito daw po ay dumanas ng maraming paghihirap sa panahon ngayon at sinasabi rin ni
Juanito Pelaez na mukhang may pinaplanong hindi maganda si Padre Camorra sa dalaga.
Habang sila ay naguusap ay dumating naman ang isang karwahe sakay nito si Paulita gomez
ang kasintahan ni Isagani at ang kanyang tiyahin na si Donya Victorina ang lahat po ay
napatingin dahil sa nagniningning na kagandahan ni Paulita Gomez.

Dito po natin nakilala si Placido Penitente. Ito pong magaaral na ito ay wala na po siyang
natutuhan, dalawang beses na po siyang sumulat sa kanyang ina na nais na niyang bumalik sa
Tanawan Batangas para doon na lang siya mag-aral. Lahat naman po ay ginagawa ng kaniyang
ina, makapag-aral lamang at makapag-tapos si Placido Penitente dito sa paaralan ng Maynila,
dahil siya ay pinagmamalaki ng Tanawan Batangas at mag-aaral ni Padre Valerio na
pinakamagaling sa kanilang lalawigan, at siya rin po ang kayang sumagot ng pinakamahirap na
katanungan sa kanilang bayan kaya nga lang nawalan na po ng gana si Placido sa Pagaaral
dahil sa mga kadahilanan. Isa na nga po rito ay ang sobrang daming mag-aaral nila sa iisang
klase na kung kaya’t hindi po nakikilala ng guro.

You might also like