Professional Documents
Culture Documents
Quiz Module 6789
Quiz Module 6789
Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na mga pahayag at isulat ang titik ng
tamang sagot sa inyong sagutang papel. (1/2 length wise) Ipasa sa Huwebes May
2,20224.
____1.Ito ay isa mga .uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksyon na pagsasanay,
ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat.
a.Lakbay-sanaysay b.Replektibong Sanaysay c.Bionote d.Abstrak
____2. Ito ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
a.Sanaysay b.Abstrak c.Posisyong-papel d.Lagom
____3.Maaaring lamanin ng personal na sanaysay ang mga kalakasan at kahinaan ng
manunulat.Alin sa mga salita sa pangungusap ang nagpapahayag ng MALI?
a.Personal na sanaysay c. Kahinaan ng manunulat
b.Kalakasan ng manunulat d.Maaaring lamanin ng personal na sanaysay
____4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA na may kaugnayan sa sanysay?
a.Parehong may introduksyon, katawan at wakas ang replektibong sanaysay at lakbay
sanaysay?
b.Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga
nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan ng manunulat.
c. Ang lakbay sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol sa mga
naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan.
d.Seryoso at personal ang paksa ng pormal na sanaysay.
____5.Isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinuri
ang nagiging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat.
a. Lakbay sanaysay c.akademikong sanaysay
b. b.replektibong sanaysay d.personal nasanysay
____6.Isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan ng
isang manunulat kaugnay ng kanyag nakikita o naoobserbahan.
a.talambuhay b.posisyong papel c.sanaysay d. editoryal
____7.Tukuyin kung anong bahagi ng replektibong sanaysay ang mga sumusunod na
pangungusap o talata.
Hindi ba’t problema rin ang kawalan ng prpblema? Sapagkat nakakapag-isip ang isang tao ng
mapagkakaabalahan niya nang hindi nakakapagnilay ng mga kalalabasan ng piniling aksyon.
Napansin kong pinipili at nangyayari ito sa mga taong maraming biyayang natanggap at hindi
nagamit nang wasto.
a.panimula b.katawan c. konklusyon d. lagom
____8. Inilalahad ang mga paliwanag sa mga natamong aral at mga pagbabago.
a. wakas b.katawan c.Konklusyon d. bionote
____9.Paglalahad ng mga saloobin, pananaw, kuru-kuro, opinion o anumang nais palitawin na
ideya.
a.wakas b. katawan c. sanaysay d. simula
____!0.Isulat ito gamit ang ___panauhan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang mga
panghalip na ako, ko at akin sapagkat ito ay kadalasang nakatuon sa personal na karanasan.
a. Unang panauhan c. Ikatlong Panauhan
b. Ikalawang panauhan d.panauhan
II.Panuto: Basahing Mabuti ang mga sumusunod na pahayag o pangungusap.Nakatala sa ibaba ang
limang pangunahing bahagi ng panukalang proyekto.
A — Pambungad/ Background/ Mga Dahilan ng Panukala
B — Pahayag ng Suliranin at Layunin ng Panukala
C — Mga Planong Pagkilos at Iskedyul ng mga Gagawin
D — Badyet Para sa Proyekto
E — Kahalagahan ng Panukala
III. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Isulat ang titik nang tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Ito ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay
sa isang partikular na paksa __________. a. sanaysay b. talumpati c. debate d. pagpapahayag
2. Isang uri ng talumpati na kung saan ang layunin ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang
paksa, isyu o pangyayari. a. pagbibigay-galang b. panlibang c. panghikayat d. kabatiran
3. Ito ay isang uri ng talumpati na ang pangunahing layunin ay hikayatin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pammaagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay.
a. panghikayat b. pampasigla c. papuri pagbibigay- d. galang.
4. Ang layunin ng talumpating ito ay na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan
___________. a. pampasigla b.papuri c. panghikayat d. panl ibang
5. Ito ang uri ng talumpati na magbibigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. A. pagbibigay-galang
b. kabatiran c. pampasigla d. papuri
6. Ang layunin ng talumpating ito ay tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon.
a. pampasigla b.panghikayat c. kabatiran d. pagbibigay-galang
7. Isang uri ng talumpati na kung saan ay isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda nagbibigay ng
ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan __________.
A.maluwag na talumpati c.biglaang talumpati
b. manuskrito na talumpati d.isinaulong talumpati
8. Ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
A. biglaang talumpati c. manuskrito na talumpati
b. isinaulong talumpati d.maluwag na talumpati
9. Ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag- aralan itong
mabuti at dapat na nakasulat___.
a.maluwag na talumpati c. biglaang talumpati
b. manuskrito na talumpati d.isinaulong talumpati
10. Isang uri ng talumpati na kung saan ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda na kaagad
ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita __________.
a.biglaang talumpati c. manuskrito na talumpati
b. isinaulong talumpati d.maluwag na talumpati