AP GR 10 Q2 REVIEWER

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

AP Q2 REVIEWER

Human Migration - pag-alis o paglipat ng tao o pangkat ng tao mula sa kinagisnang lugar
patungo sa ibang pook, sa loob o labas man ng bansa, sanhi ng iba't ibang salik na pampolitika,
panlipunan, at pangkabuhayan.

Nomad - tawag sa mga sinaunang taong pagala- gala o palipat-lipat ng tirahan para matugunan
ang kaniyang mga pangangailangan.

ANGAT KAALAMAN AT KASANAYAN


Migrasyon o Pandarayuhan
- Ang migrasyon o pandarayuhan ay tumutukoy sa proseso
paglisan o paglipat ng mga nilalang mula sa isang lugar patung sa ibang pook para matugunan
ang natatanging layunin

Sa araling ito, bibigyang-diin ang human migration o ang paglisan, paglipat, at paninirahan ng
mga tao (partikular ng mga Pilipino), sa iba't ibang lugar sa loob at labas ng bansa.

Migrasyon (Maaaring tingnan o ituring):


● Pampolitika
● isyung panlipunan - tulad polisiya, pambansang seguridad, alyansa, kapayapaan, at
marami pang iba. Malaki rin ang implikasyon ng migrasyon sa pagbuo ng mga patakaran
(policy-making)..
● Pang-ekonomiya

Samakatwid, naniniwala ang mga bansa na nakasalalay sa mga patakaran o polisiya kung
paano maiibsan ang mga negatibong epekto ng migrasyon o kung paano rin mapakikinabangan
ang mga positibong epekto nito (pag-aralan ang kaugnayan ng migrayon sa apektong
panlipunan at pan-eknomiya sa susunod na talakayan).

European Expansion o Age of Exploration


- Ang paglalakbay ng mga nomad ay isang halimbawa nito at naganap din ang pandarayuhan
dito.

Pull factor - mga bagay na nag-uudyok para puntahan ang isang lugar.
Halimbawa: Karaniwang hinahanap ang mga lugar na katatagpuan ng mas maraming
pagkain o likas na yaman, mas ligtas na lugar o kaya ay kaaya-aya ang klima.

Push Factor - Samantala, may mga bagay ring nagtutulak para lisanin ang tinitirahan o
nakagisnang lugar. Ang tawag sa mga ito ay push factor. Halimbawa: Ang kawalan ng
seguridad o pagkakaroon ng magulong pamayanan .


Sino ang mga Nandarayuhan?


Migrante (migrant)
- ang karaniwang tawag sa mga taong nandarayuhan. Ang pandarayuhan ay maaaring
mangyari sa loob at labas ng bansa.
- taong umalis sa sariling lugar, pansamantala o permanente, dahil sa iba't ibang dahilan.

Konsepto ng:
1. panloob na migrasyon (internal o domestic migration) - panandarayuhan sa loob ng
bansa
2. panlabas na migrasyon (external o international migration) - pandarayuhan sa labas o sa
pagitan ng dalawa o higit pang bansa.

Migrant worker or migrant laborer


- Kadalasang nandarayuhan ang tao para maghanap ng trabaho. Ito ang tawag sa mga
migranteng may ganitong layunin.
International Labour Organization (ILO)
- Ayon sa pagpapakahulugan nito, ang pangunahing layunin ng mga migranteng
manggagawa ay upang kumita ng salapi at magkaroon ng maayos na pamumuhay.

Refugee
- Sa konseptong nakalahad sa Statute of the Office of the United Nations High
Commissioner for Refugees (UNHCR Statute).
- taong lumikas o puwersahang pinaalis sa pinananahanang bansa dahil sa digmaan,
kaguluhan, karahasang politikal, terorismo, diskriminasyon, kalamidad, at iba pang
dahilan.

MGA SANHI NG MIGRASYON


*Pampolitika - The age of Migration nina Stephen Castles, Hein de Haas, at Mark J. Miller
(2019)
a. Pagmamalupit at pag-aapi ng pamahalaan (hindi pagkilala sa karapatang pantao.)
b. Kawalan ng Kalayaan at Katatagang Politikal
c. Digmaan at Hidwaan

*Panlipunan - (Diskrimininasyon….)

*Pangkabuhayan - Kadalasang nangangailangan ang mga bansa ng karagdagang migrant


laborer.

MIGRASYON NG MGA PILIPINO SA LOOB NG BANSA


Dahilan ng migrasyon:
1) Kalamidad na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao Ang Pilipinas ay isang tropikal
na bansa. Kapag nagkaroon ng matinding tagtuyot o pagbaha, apektado ang mga
pananim. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit naghahanap ng alternatibong
mapagkakakitaan ang ilang mamamayan.

2) Digmaan o rebelyon - Mas pinipiling iwanan ng mga mamamayan ang sinilangang lugar
para humanap ng mas matiwasay na pamayanan. Dahil sa patakarang homestead, nag
bunga ito ng rebelyon sa mindanao.

Homestead - ilang na panahanan; pampublikong lupaing ipinagkakaloob sa mga nangangailan


para sakahin at pagmulan ng kabuhayan.

Rural Areas - mga pook pangheograpiya na nasa labas ng mga


siyudad o lungsod. Karaniwang ginagawa sa mga lupaing sakop nito ang pagsasaka at
paghahayupan.

Urban Areas - mga lugar na matao, industriyalisado, Mayroon ding mga nandarayuhang
Pilipino dahil sa kagustuhang makaiwas sa hidwaan o digmaan.
MIGRASYON NG MGA PILIPINO SA LABAS NG BANSA
* Noong 1970, nagsimulang magpadala ang Pilipinas ng lakas- paggawa (labor force) sa
Kanlurang Asya o Middle East at sa mga bansa sa Europe at America.

Dahilan ng migrasyon:
1) Hindi sapat ang bilang ng trabahong mapapasukan sa bansa
2) Mababa ang pasahod sa mga manggagawa.
3) Mabagal na paglago ng ekonomiya
4) Mabilis na paglaki ng populasyon sa mga nagdaang taon.

Overseas Contract Workers (OCWs) - mga Pilipinong nagtatrabaho sa Ibang bansa na may
aktibong kontrata sa pagtatrabaho (active employment contract) Sila ay overseas Filipino
workers (DFW) din.

Mga Kategorya ng mga Migranteng Pilipino

Ayon sa Commission on Filipinos Overseas (CFO), may tatlong uri ng mga nandarayuhang
Pilipino.

1) Permanent migrants - mga nagdesisyong manirahan nang permanente sa ibang bansa.


Nagpalit sila ng pagkamamamayan batay sa proseso ng naturalization. Sila ay tinatawag
ding "emigrants" ng Pilipinas (pinanggalingang bansa) o "immigrants" ng bansang
nilipatan. Ito ay nakabatay sa mga proseso ng emigration at immigration. Ang una ay
tumutukoy sa pag-alis o paglabas sa pinanggalingang bansa. Ang ikalawa naman ay sa
pagpasok sa lilipatang bansa upang doon ay manirahan nang permanente.

2) Temporary migrants - mga pansamantalang naninirahan at nagtatrabaho sa ibang


bansa. Ibig sabihin, nais pa rin nilang bumalik sa bansang sinilangan. Kabilang sa uring
ito ang mga manggagawang may kontrata, manggagawang inilipat ng
pinagtatrabahuhang kompanya, mag-aaral, nagsasanay nagpapakadalubhasa,
entrepreneur at mga kauri, at mga taong may pahintulot na tumigil sa bansa ng anim na
buwan

You might also like