Ismael Final-Lp-For-Grand-Demo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF MANILA
VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL

PANGALAN NG Maureen Arabela O. Ismael PETSA: Marso 19, 2024


GURO:
BILANG NG Ika-apat IKAAPAT Pagsasabuhay ng Pagkatuto
LINGGO: NA BAHAGI:
PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa pangangalaga sa kalikasan.
PANGNILALAMAN:
PAMANTAYANG Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa kalikasan.
SA PAGGANAP:
INTEGRASYON NG Science at Araling Panlipunan
MGA
ASIGNATURA:
MELC: EsP10PB-IIIh-12.3
IKATLONG 12.4 Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at
MARKAHAN: pangangalaga sa kalikasan ayon sa moral na batayan
I. LAYUNIN: A. Nauunawaan ang kahalagahan ng pangangalaga ng kalikasan sa mga isyung kinahaharap nito;
B. naisasakabalikat ang mga tungkulin sa pagpapahalaga sa kalikasan bilang tagapangalaga nito; at
C. nakabubuo ng mga hakbang at gawain na sumasalamin sa kanilang posisyon sa isyu tungkol sa
paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan.
II.NILALAMAN A. PAKSA: Ang Pangangalaga sa Kalikasan
B. BATAYANG KONSEPTO: “Ang tao ay biniyayaan ng Diyos ng kapangyarihan at pananagutan bilang
tagapangalaga ng Kalikasan”
C. SANGGUNIAN: Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul 4: Pangangalaga sa Kalikasan pahina 209-
234
D. MGA KAGAMITAN: Laptop, Speaker, Projector, Mga Brilyante (Para sa Pangkatang Gawain),
Panulat, Pambura, Pangkatang Gawain Brochure, Liriko ng Awit para sa Kalikasan, Puno ng
Mahalagang Konsepto, Mga Dahon, at LIKAS BINGO Card
III. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin (Ang mag-aaral ang mangunguna sa panalangin)

2. Pagbati sa guro “Magandang umaga po, Bb. Ismael, ikinagagalak


po naming kayong makita. Mabuhay!”

3. Pagtala ng bilang ng mag-aaral (Ang bawat grupo ay mag-uulat ng bilang ng liban


sa klase)
“Ikinagagalak ko pong sabihin na walang liban sa
aming pangkat” o “Ikinalulungkot ko pong sabihin
na may (bilang ng liban) sa aming pangkat at ito
ay sina (pangalan ng mga liban). Kayo naman
Pangkat 2”

“Ikinagagalak ko pong sabihin na walang liban sa


aming pangkat” o “Ikinalulungkot ko pong sabihin
na may (bilang ng liban) sa aming pangkat at ito
ay sina (pangalan ng mga liban). Kayo naman
Pangkat 3”

“Ikinagagalak ko pong sabihin na walang liban sa


aming pangkat” o “Ikinalulungkot ko pong sabihin
na may (bilang ng liban) sa aming pangkat at ito
ay sina (pangalan ng mga liban).”

VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL


300 San Rafael St., San Miguel, Manila
(02) 8647-38-56
vmapajhs@gmail.com
https://www.facebook.com/vmapahs?mibextid=ZbWKwL
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF MANILA
VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL

4. Pamantayan sa Klase (Babasahin ng mga mag-aaral ang Pamantayan


sa Klase)
“M- Magiliw na pumapasok sa klase.

A- Aktibong nakikilahok sa talakayan.

B- Buong puso at isip na nakatuon sa sinasabi ng


guro at sa gawain.

U- Umiiwas sa pakikipag-usap at paggawa ng mga


bagay na walang koneksyon sa klase.

T- Tapat at iniiwasan ang pandaraya o


pangongopya sa mga gawaing ibinigay.

I – Iginagalang ang guro, kaklase, at ang mga


pagkakaiba ng bawat isa.”

5. Kumustahan (Ipapakita ng mag-aaral ang kanilang


nararamdaman sa araw na ito sa pamamagitan ng
pagpapakita ng kanilang reaksiyon sa kanilang
mga mukha)

6.Mabuting Balita (Good News = Good Vibes) (May mag-aaral na magbabahagi ng isang
mabuting balita o Good News na kanyang
nabalitaan, para bigyang Good Vibes ang
pagsisimula ng klase)

7. Paglalahad ng Layunin (Babasahin ng mga mag-aaral ang Layunin)


Sa pagtatapos ng modyul, inaasahan na ang mga
mag-aaral ay:
A. “Nauunawaan ang kahalagahan ng
pangangalaga ng kalikasan sa mga
isyung kinahaharap nito;
B. naisasakabalikat ang mga tungkulin sa
pagpapahalaga sa kalikasan bilang
tagapangalaga nito;
C. at nakabubuo ng mga hakbang at gawain
na sumasalamin sa kanilang posisyon sa
isyu tungkol sa paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa
kalikasan.”

8. Balik-Aral: “Mula sa ating mga nagdaang gawain at “Ang mga natutunan ko po patungkol sa
talakayan, maari bang may magbahagi ng inyong mga pangangalaga sa kalikasan ay dapat itong ingatan
natutunan patungkol sa Pangangalaga sa Kalikasan?” at pahalagahan dahil ito ang bumubuhay sa atin at
nagbibigay ng pangangailangan, tayo rin po ay
binigyan ng Diyos ng kapangyarihan para
pangalagaan at pahalagahan ito.”
B. Pagganyak: Family Feud
Panuto: Magbigay ng hinahanap na kasagutan sa tanong
na lalabas sa screen. Sa hudyat na ‘Go!’ itaas lamang

VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL


300 San Rafael St., San Miguel, Manila
(02) 8647-38-56
vmapajhs@gmail.com
https://www.facebook.com/vmapahs?mibextid=ZbWKwL
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF MANILA
VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL
ang inyong kamay kung nais sumagot, hindi kailangang
eksakto ang sagot, basta may koneksyon sa mga sagot
na nasa screen ay tatanggapin. Hanggang 3 maling
kasagutan lamang, bago ipakita ng guro ang mga tamang
sagot na hindi nakuha.

(Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga


masamang epekto ng maling pagtrato sa
Kalikasan)

Gabay na tanong:
1. Ano ang naramdaman ninyo matapos malaman 1. “Nalulungkot po dahil ipinapakita po nito
ang mga masamang epekto ng maling pagtrato kung gaano kalala ang epekto ng mga
sa kalikasan? Bakit? isyu tungkol sa kalikasan hindi lamang sa
2. Sa kasalukuyan ba ay nararamdaman niyo na ating paligid, pero sa mga may buhay
ang lala ng epekto ng mga maling pagtrato sa tulad nating mga tao, sa mga hayop, at
kalikasan? Sa paanong paraan? halaman.”
2. “Opo, dumadalas na po ang pagbaha,
duamrami na rin po ang mga
nagkakasakit dahil sa polusyon, at
sobrang init nap o ng panahon.”
C. Pagsasabuhay:
1.Pagganap
Gawain: Pangkatang Gawain
Panuto:

1. Hahatiin ang klase sa 3 pangkat na itinatalaga


bilang:

 Pangkat 1- Tagapangalaga ng Brilyante ng (Gagawa ang bawat pangkat sa loob ng 10


Lupa minuto)
 Pangkat 2- Tagapangalaga ng Brilyante ng
Hangin (Mag-uulat ang bawat pangkat sa loob ng 2
 Pangkat 3- Tagapangalaga ng Brilyante ng minuto)
Tubig
(Pagkatapos mag-ulat ang lahat, ay papalakpak
ng Clap-Check-Ganern!)
2. Ang klase ay may panonooring mga balita na
tumatalakay sa mga isyung pangkalikasan sa
Tubig, Lupa, at Hangin. At ang bawat pangkat ay
susubukang bigyang solusyon ang balita
patungkol sa kanilang pinangangalagaan sa
pamamagitan ng pagpapakita nila ng kanilang:

 Posisyon sa Isyu
 Paliwanag
 Mga Suhestiyong Kaparaanan at
Gawain

VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL


300 San Rafael St., San Miguel, Manila
(02) 8647-38-56
vmapajhs@gmail.com
https://www.facebook.com/vmapahs?mibextid=ZbWKwL
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF MANILA
VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL
 Inaasahang Epekto

3. Ito ay gagawin nila sa ibibigay na kagamitan ng


guro.
4. Ito ay tatapusin lamang sa loob ng 10 minuto, at
ang bawat pangkat ay mayroon lamang 2 minuto
para sa presentasyon.

Mga Paksa ng Balita:


 Lupa: Isang Resort itinayo sa paanan ng
Chocolate Hills sa Bohol.
 Hangin: Isang eksperto mula sa Manila
Observatory sinasabing 100 o higit pa sa kada
100,000 namamatay na mga Pilipino kada taon
ay dulot ng polusyon sa hangin.
 Tubig: Tubig sa El Nido, kontaminado pa rin ng
mataas na lebel ng tinatawag na Fecal Coliform.

Rubrik:
MGA Napakahusay Mahusay Katamtamang
BATAYAN Husay
5 4 3
Ang nilalaman
Ang nilalaman na
Ang nilalaman na na posisyon,
posisyon,
posisyon, paliwanag dito,
paliwanag dito,
paliwanag dito, mga
mga suhestiyong
mga suhestiyong suhestiyong
kaparaanan at
kaparaanan at kaparaanan at
gawain, at
gawain, at gawain, at
inaasahang
inaasahang inaasahang
Nilalaman epekto nito ay
epekto nito ay epekto nito ay
nagpapakita ng
nagpapakita ng nagpapakita ng
malinaw at
malinaw na solusyon sa
direktang
solusyon sa mga mga balita
solusyon sa mga
balita tungkol sa tungkol sa
balita tungkol sa
pinangangalagaa pinangangalaga
pinangangalagaa
n nilang brilyante. an nilang
n nilang brilyante.
brilyante.
Ang
Ang
Ang presentasyon ay
presentasyon ay
presentasyon ay ipinakita at
ipinakita at
ipinakita at ipinaliwanag sa
ipinaliwanag
ipinaliwanag klase, ngunit
Presentasyon nang buong
nang may husay nangangailanga
husay at nang
at nang may n pa ng
may lakas at
sapat na lakas at pagpapahusay
kalinawan ng
linaw ng boses. sa paraan ng
boses.
presentasyon.
Ang bawat
miyembro ay May mga
Ang bawat
nagpakita nang miyembrong
miyembro ay
buong husay at hindi nakikitaan
nagpakita nang
epektibo sa ng kusang
Organisasyon may husay sa
pagtulong sa pagtulong sa
at pagtulong sa
pangkatang pangkatang
Kooperasyon pangkatang
gawain. Ang gawain.
gawain. May iilan
grupo ay Marami-rami sa
sa grupo ang
gumagawa nang grupo ang
napapahiwalay.
organisado at napapahiwalay.
sama-sama.
Ang pangkat ay
Ang pangkat ay
Ang pangkat ay huling natapos
natapos sa
huling natapos sa sa gawain at/o
gawain sa
Tinakdang gawain at/o presentasyon
itinakdang oras
Oras presentasyon ng ng 30 o higit
na 10 minuto at
15 segundo sa pang segundo
ipineresenta sa
itinakdang oras. sa itinakdang
loob ng 2 minuto.
oras.

Gabay na tanong:

VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL


300 San Rafael St., San Miguel, Manila
(02) 8647-38-56
vmapajhs@gmail.com
https://www.facebook.com/vmapahs?mibextid=ZbWKwL
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF MANILA
VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL
1. Katulad sa inyong napanood, may mga isyu din 1. “Opo, katulad po ng pagbaha na
ba kayong nararanasan sa inyong pamayanan nararanasan naming tuwing lumalakas
patungkol sa kalikasan? Ibahagi sa klase. ang ulan dahil sa mga baradong kanal
2. Bilang kabataan, bakit mahalagang malaman dulot ng basura.”
ang mga ganitong uri ng balita? 2. “Bilang kabataan mahalaga pong
3. Matapos marinig ang mga presentasyon, malaman ang mga ganitong uri ng balita
naisakatuparan ba ninyo ang inyong upang maiwasan na ang paglala nito at
kapangyarihan sa kalikasan nang tama? Bakit? bigyan ng karampatang aksyon para
tuluyan nang matigil ang mga katulad
nitong suliraning pangkalikasan”
3. “Opo, naisakatuparan po namin ang
2. Pagninilay aming kapangyarihan sa kalikasan nang
Gawain: Pagninilay sa Awitin tama dahil sinasalamin po ng aming
Panuto: Pakinggan at pagnilayan ang awiting presentasyon ang kapangyarihang
pinamagatang “Awit para sa Kalikasan” at suriin ang pangalagaan po an gating kalikasan.”
liriko nito sa ibinigay na kopya ng guro.

1. Ano ang mensahe ng awitin sa lahat ng tao 1. “Para sa akin, ang mensahe ng awitin sa
bilang may kapangyarihan sa kalikasan? lahat ng tao bilang may kapangyarihan sa
2. Bilang isang mag-aaral na Pilipino, paano mo kalikasan ay huwag ito gamitin sa pang-
maisasakatuparan ang mensahe ng awiting ito? aabuso at paninirang ating kapaligiran at
kalikasan bagkus gamitin ito sa pag-iingat
at pangangalaga sa kalikasan sapagkat
ito ang sumusuporta sa ating buhay.”
2. Bilang isang mag-aaral na Pilipino,
maisasakatuparan ko ang mensahe ng
awiting ito sa pamamagitan ng pagtapon
ng basura sa tamang tapunan at paraan,
pag-iwas sa mga gawaing hindi
nakatutulong sa kalikasan, at
pagsasabuhay nito sa pang-araw-araw.
Bukod pa rito ay maisasakatuparan ko ito
sa pamamagitan ng pagbabahagi nito sa
iba.”

VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL


300 San Rafael St., San Miguel, Manila
(02) 8647-38-56
vmapajhs@gmail.com
https://www.facebook.com/vmapahs?mibextid=ZbWKwL
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF MANILA
VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL
3. Pagsasabuhay
Gawain: LIKAS BINGO
Panuto:
1. Pumili ng isa sa mga isyung pangkalikasan sa
ibaba na nais mong wakasan o bawasan.
2. Ilista sa bawat kahon ng LIKAS BINGO Card
ang mga ipinapangako mong kaparaanan na
kaya mong isakatuparan para makatulong sa
pagbabawas o pagwawakas ng napili mong
isyung pangkalikasan. Mayroon lamang kayong
5 minuto para gawin ito.

a. Malawakang Paggamit ng Plastik ng mga Tao


b. Palagiang Paggamit ng mga Tao ng Disposable
na Gamit
c. Pagtaas ng Lebel ng Polusyon
d. Patuloy na Pagdami ng Basura

Gabay na tanong: 1. “Natuklasan ko po na maaari po pala


1. Ano ang natuklasan ninyo sa inyong sarili akong makapag-ambag para maiwasan o
matapos ang gawain? mabawasan ang mga isyung kinakaharap
2. Sa iyong palagay, kaya mo bang isakatuparan at ng kalikasan sa pamamagitan ng
isabuhay nang tuloy-tuloy ang iyong mga pagsasakilos ng mga simpleng bagay na
naisulat? Sa paanong paraan? pwedeng gawin sa araw-araw.”
2. “Opo, kaya ko pong isakatuparan at
isabuhay nang tuloy-tuloy ang mga ito
basta po ay sanayin lamang at laging
paalalahanan ang aking sarili sa kung
ano po ba ang dapat gawin para
mapangalagaan ang kalikasan.”

D. Mahalagang Konsepto
Panuto: Basahin at sagutin ang katanungan. Isulat ito sa
ibinigay ng guro na dahon. Pagkatapos, ay ipapasa ito
sa naatasang mag-aaral mula sa bawat linya at sa hudyat

VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL


300 San Rafael St., San Miguel, Manila
(02) 8647-38-56
vmapajhs@gmail.com
https://www.facebook.com/vmapahs?mibextid=ZbWKwL
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF MANILA
VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL
ng guro, ilalagay ito sa Puno ng Mahalagang Konsepto sa
harapan . Mayroon lamang kayong dalawang minuto para
sagutan ito.

(Magsasagot ng mga mag-aaral sa dahon na


“Sa pangkabuuan, ano ang mahalagang konsepto ang ibinigay ng guro)
natutunan mo sa Modyul 4: Ang Pangangalaga sa
Kalikasan?” (Ipapasa ito sa naatasang mag-aaral na mula sa
bawat linya at ilalagay sa Puno ng Mahalagang
Konsepto sa harapan)

(Ibabahagi ng ilang mag-aaral ang kanilang sagot


sa klase)
E. Pagpapatibay
Panuto: Basahin, intindihin, at pagnilayan ang pahayag
sa ibaba at ikonekta ito sa inyong pinag-aralan sa Modyul
4. Ibahagi ito sa klase.

“Dapat po nating pangalagaan ang ating


kalikasan sapagkat ito po ang sumusuporta
sa ating buhay at nagbibigay ng ating mga
pangangailangan at kung tuluyan po itong
masira ay wala na tayong matitirhan.”
IV. TAKDA Panuto:
1. Balikan ang LIKAS BINGO Card at i-scan ang QR Code o puntahan ang Link sa ibaba. Mapupunta
kayo sa Digital LIKAS BINGO Card na may mga frame ang bawat kahon.
2. Dito ninyo ilalagay ang mga larawan bilang ebidensyang naisabuhay ninyo ang inyong pinangakong
gawin na isinulat ninyo sa inyong LIKAS BINGO Card.
3. I-post ang inyong Digital LIKAS BINGO Card at ang larawan ng inyong LIKAS BINGO Card sa inyong
social media account para ibahagi at iengganyo ang iba.
4. Gamitin ang hashtag na: #KapangyarihanKoIsinasabuhayKo #TagapangalagaAkoNgKalikasan
#Baitang-at-Pangkat (hal. #10-5) para ma-monitor ng guro ang inyong mga gawa.

VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL


300 San Rafael St., San Miguel, Manila
(02) 8647-38-56
vmapajhs@gmail.com
https://www.facebook.com/vmapahs?mibextid=ZbWKwL
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF MANILA
VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL

Inihanda ni: Iniwasto ni:

BB. MAUREEN ARABELA O. ISMAEL GNG. CHARRY MAY L. CACATIAN


Gurong Nagsasanay, PNU Gurong Tagapagsanay, Teacher II

Binigyang pansin ni:

GNG. ROWENA R. VIAR


Puno ng Kagawaran, ESP

Namasid ni:

DR. VICTORIA DELOS SANTOS


Tagapangasiwa, PNU

VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL


300 San Rafael St., San Miguel, Manila
(02) 8647-38-56
vmapajhs@gmail.com
https://www.facebook.com/vmapahs?mibextid=ZbWKwL

You might also like