Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

May Plano ang Diyos.

ni Wilbelle Xavier Siao

Tauhan:

Jerome- Grade 8, isang pasaway na bata at laging nakatutok sa kanyang cellphone.

Melanie- Ina ni Jerome. Malambot ang puso. Mahal na mahal niya ang kaniyang anak.

-Biyernes, 7:34, sa bahay ng mag-ina, kwarto ni Jerome-

Melanie- Jerome anak!

Jerome- Bakit nay? (sigaw ni Jerome na parang naiirita)

Melanie- Balita ko may individual na proyekto daw kayo sa Science?

Jerome- Oo nay meron, bakit ba?

Melanie- Umpisahan mona sa pag-gawa nak habang maaga pa.

Jerome- Bukas na nay, martes pa naman yung deadline. Malayo pa.

Melanie- Nak, baka di mo mapapasa sa saktong oras yan. Gusto mo bang

Bumaba ang grades mo?

Jerome- Ano ba nay! Sabing bukas na eh, ang kulit-kulit mo bwesit!! (sigaw ni Jerome, siya

ay
(iritang-irita)

(Nanghina si Melanie nang sinigawan siya ni Jerome, ngunit nag-aalala parin siya sa project

ni Jerome kasi baka mas bumaba ang grades niya. Kaya naman siya na lang ang gumawa ng

proyekto pero hindi niya muna ito sinabi kay Jerome.)

(Habang naglalakad si Jerome sa kanilang bahay, nakita niya ang kaniyang nanay na

gumagawa ng proyekto niya kaya hindi na siya nag-abalang gumawa pa at umasa lang siya sa

kanyang nanay.)

Jerome- Sabi ko na nanga ba. Hahahahaha. (masayang tawa ni Jerome.)

-Martes, 6:57 am, sa sala ng bahay ng mag-ina-

Melanie- Jerome anak! Pumasok kana, baka ma-late kapa. Nagawa mo na ba yung proyekto

mo?

Jerome- Hindi po nay.

Melanie- Jusko! Puro ka kasi selpon. Wala kanang ibang ginawa kundi mag selpon. (ang sabi

ni

Melanie habang namumula na ang kanyang mukha sag galit.)

Jerome- Pfft..

Melanie- Wag mo ‘kong ma pfft-pfft jan. Hay nako, teka lang.


(Kinuha ni Melanie ang projeyekto na ginawa niya para sakanyang anak. Hindi mayaman ang

mag-ina kaya mga lumang papel at materyales lang ang ginamit ni Melanie sa pag-gawa.)

Melanie- Oh ito, buti naisipan kong mag-gawa neto. (masayang sabi ni Melanie)

(Nang makita ni Jerome ang proyektong ginawa ng nanay niya, nandiri siya. Hindi niya

nagustohan ang proyekto dahil luma nanga ang mga materyales na ginamit ni Melanie sa pag-

gawa.)

Jerome: Ano bayan nay! Ang dumi-dumi.

Melanie- Alam mo naming gipit tayo sa pera anak. Wala tayong pera pambili ng mga

bagong

materyales.

Jerome- Ayoko n’yan nay! Hindi ko yan dadalhin sa paaralan. Nakakahiya! Sasabihin ko

nalang kay ma’am na naiwan ko ang proyekto ko dito sa bahay.

Melanie- Pero anak, lalong ba-baba ang grades mo.

Jerome- WALA AKONG PAKE! HINDI KO YAN DADALHIN (malakas na sigaw ni

Jerome.)

Melanie- Oh siya sige wag na. Pumasok kana.


(Tinignan ni Jerome ang oras ay 8:12 na. Sobrang late na siya.)

Jerome- WAG NA! hindi nako pa-papasukin ng guard sa ganitong sa oras. YOU’RE THE

WORST NAY!

(Tumakbo si Jerome sa kanyang kwarto at ni-lock ang pinto, sinundan naman ito ng nanay

niya.)

Melanie- Jerome, anak, gagawan ko ‘to ng paraan. Please lumabas kana dyan. (Ang sabi ni

inay habang tumutulo ang kanyang mga luha.)

(Hindi pinansin ni Jerome ang kanyang nanay. Limang araw nang nagkukulong si Jerome sa

kanyang kwarto, at palagi siyang sinusuyo ng kanyang nanay pero ayaw niya parin itong

pansinin. Lumalabas lamang si Jerome tuwing hating gabi upang kumuha ng makakain o

maiinom. Dalawang araw na ang lumipas at hindi na nagpaparamdam ang nanay ni Jerome

sakanya. Wala na ding pagkaing nakukuha si Jerome dahil palagi nang walang handa.

Nakakapansin din si Jerome ng mabahong amoy sa tuwing lumalabas siya. Nag-alala na si

Jerome at hinanap na niya ang nanay niya.)

Jerome- Nay? Nayyy? Asan po kayo nayyy?

(Habang unti-unting lumalapit si Jerome sa kwarto ng kanyang nanay ay unti-unti ‘ring

lumalakas yung mabahong amoy. Natakot at mas nag-alala si Jerome)

(Sinubukan niyang buksan ang kwarto ng kanyang nanay ngunit lock ito, kumuha siya ng

martilyo at hinampas niya ito sa pinto ng ilang beses. Nang masira na niya ang lock ay agad

niyang binuksan ang pinto. Nagulat siya sa kaniyang nakita.)


Jerome- Jusko! Daga lang pala.

Melanie- Ahaahahahaha. (masayang tawa ni Melanie)

Jerome- AHHH! Nay namann! Alam mobang sobrang nag-alala ako?

Melanie- Hehe, sorry anak, wala na kasi akong maisip na paraan, nag-aalala nako sayo eh.

Alam kong lumalabas ka ng kwarto tuwing hating gabi para kumain at uminom ng

tubig ngunit alam kong hindi ‘yon sapat para sayo.

Jerome- Ikaw talaga nay. Nga pala nay, sorry ah. Masyado akong nagging pasaway. Inaaway

kasi aho palagi ng kaklase ko dahil madumi daw ang mga gamit at suot ko. Sorry

talaga

nay.

Melanie- Talaga ba anak? Nakuuuu! Bakit hindi mo sinabi sakin?

Jerome- Ayoko po kasing dag-dagan ang mga problema mo.

Melanie- Hayaan mo sila nak. Lagi mong tatandaan na, may plano ang Diyos. Basta magpa-

katatag kalang hm? Wag kana ding umabsent para di magalit ang iyong guro.

Jerome- Opo nay. (Sagot ni Jerome habang nakangiti.)

-Huwebes, 9:26 am, sa bahay ng mag-ina-


(Habang nasa paaralan si Jerome ay nagwawalis si Melanie sa kanilay sala. Biglang may

nakitang maliit na parang karton si Melanie.)

“E scratch mo ito at kung makakuha ka ng walong magka-parehong numero, e-send ito sa

aming MukhaLibro page @MukhaLibro.com/ScratchEight/profile.php upang manalo ng 100

million pesos.”

Milanie- Hala! Masubukan nga.

(Kumuha si Melanie ng toothpick at kiniskis ito. Nagulat si Melanie sa mga numerong

kiniskis niya.)

Melanie: Walong “5”! SALAMAT LORD! (Masayang sigaw ni Melanie.)

(Agad-agad niyang kinuha ang kanyang selpon at sinned na niya ang kanyang nakuha sa

MukhaLibro ng ScratchItEight.)

-5:08 pm-

(Dumating na si Jerome.)

Jerome- Nanay, andito napo ako.

Melanie- Ay Jerome, anak! Buti andito kana. May sasabihin ako sayo!

Jerome- Ano po ‘yon nay?


Melanie- Nanalo tayo ng 100 million.. (Mahinang sabi ni Melanie)

Jerome- TALAGA P-

Melanie- Shhh! Wag kang maingay.

Jerome- Ay sorry nay, hehe.

Melanie- Millionaryo na tayo anak! Mabibili na natin ang lahat ng gusto mo!

Jerome- Yeyyyy!

Melanie- Diba sabi ko sayo, may plano ang Diyos.

Jerome- Oo nga po nay. Mahal na mahal kita nay!

Melanie- Mahal na mahal din kita anak!

Wakas….

You might also like