Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Reviewer AP 2

Pangunahing pangagailangan ng tao sa Komunidad


1. Pagkain
- Bigas, Prutas, gulay, isda, karne at iba pa.
2. Tubig
- Kailangan ito sa inumin, pagluluto at paglilinis ng gamit sa bahay.
3. Tahanan
- dito naninirahan ang mga tao at nagpaphinga.
- sa loob ay ligtas ang mga tao sa init at lamug ng panahon.
- nagmumula sa likas na yaman ang gamit sa paggawa ng bahay.
4. Damit
- Kailangan ito upang maprotektahan ang katawan sa init at lamig.
5. Gamot
- Mahalaga ito upang ang may sakit ay gumaling.
6. Alahas at Palamuti
- nagagamit ito sa ibat – ibang okasyon.
7. Elektrisidad o Kuryente
- kailangan ito upang magamit ang ibat ibang kasangkapan sa bahay.
- TV, refrigerator, Aircon, Computer

TRY THIS!
Isulat kung anong klaseng pangangailangan ang mga sumusunod.
1. Isda –
2. Kahoy –
3. Ginto –
4. Tela-
5. Lagundi-
6. Petrolyo-
7. Ampalaya-
8. Bakya/Sapatos-
9. Semento-
10. Sambong-

TRY THIS!
Isulat kung tama o mali.
_____1. Kailangan ng tao ng malinis na tubig bilang inumin.
_____2. May mga namiminang pilak sa pilipinas.
_____3. Pinagagana ng kuryente ang telebisyon.
_____4. Nagmumula sa likas na yamanb ang mga materyales sa paggawa ng
bahay.
_____5. Ang bigas ay niluluto upang maging kanin .
_____6. Ang tubig na ginagamit sa siyudad ay galing sa ibang bansa.
_____7. Kailangan ng mga taong may sakit ang gamot.
_____8. Walang makukuhang pagkain sa yamang tubig.

Kahalagahan ng mabuting pamumuno sa komunidad


Pamumuno
- Sining ng pagkukumbinsi sa isang grupo ng mga tao upang sila ay kumilos o
gumawa ng mabuting layunin.
Pinuno
- Lider o tagapanguna.
Pamahalaan
- Binubuo ng mga taong inihalal o pinili sa posisyon ng gobyerno
- Sila ang gumagawa at nagpapatupad ng batas.

4 na klase ng pamahalaan
a. Pambansang Pamahalaan
- namumuno sa buong bansa
- binubuo ng PANGULO, PANGALAWANG PANGULO, at SENADOR
PANGULO: namumuno at namamahala sa buong bansa
PANGALAWANG PANGULO: pangalawang pinakamataas na pinuno ng bansa
SENADOR: binubuo ng 24 na senador. Bumubuo ng batas.

b. Panlalawigang Pamahalaan
- namumuno sa lalawigan/ probinsya
- binubuo ng GOBERNADOR, BISE GOBERNADOR, at SANGGUNIANG
PANLALAWIGAN
GOBERNADOR: pinakamataas na pinuno sa lalawigan at tagapagpatupad ng batas
BISE GOBERNADOR: pangalawang pinakamataas sa lalawigan
SANGGUNIANG PANLALAWIGAN: binubuo ng board member at bumubuo ng
batas sa lalawigan.

c.Pamahalaang Pambayan at Panglungsod


- namumuno sa bayan o siyudad.
-binubuo ng MAYOR/ALKALDE, PANGALAWANG ALKALDE, at SANGGUNIANG
BAYAN O PANGLUNGSOD
MAYOR/ALKALDE: pinakamataas na namumuno sa isang bayan o siyudad.
PANGALAWANG ALKALDE: pangalawang pinakamataas na pinuno
SANGGUNIANG BAYAN O PANGLUNGSOD: binubo ng mga konsehal. Gumagawa
ng batas para sa bayan o siyudad.

d. Pamahalaang Barangay
- pinakamaliit na uri o lebel ng pamamahala sa bansa.
- binubo ng PUNONG BARANGAY, SANGGUNIANG BARANGAY, at SANGGUNIANG
KABATAAN
PUNONG BARANGAY: Kapitan at may pinakamataas na pamumuno sa barangay
SANGGUNIANG BARANGAY: binubo ng 7 kagawad at bumubo ng batas sa
barangay
SANGGUNIANG KABATAAN: binubo ng SK chairman at 7 kagawad. Kumakatawan
sa mga Kabataang may edad na 15-21 sa barangay.
TRY THIS!
Isulat kung sino-sino ang mga sumusunod at ikabisado.

PANGULO:

PANGALAWANG PANGULO:

SENADOR(1):

GOBERNADOR:

BISE GOBERNADOR:

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN(1):

MAYOR/ALKALDE:

PANGALAWANG ALKALDE:

SANGGUNIANG BAYAN O PANGLUNGSOD(1):

PUNONG BARANGAY:

SANGGUNIANG BARANGAY:

SANGGUNIANG KABATAAN:

You might also like