EPP ICT G5 w5

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Learning Area EPP-ICT/ENTREPRENEUR Grade Level 5

W5 Quarter Third Date Week 5

I. LESSON TITLE Pamamahagi ng mga dokumento at media file


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat.
COMPETENCIES (MELCs) EPP5IE0c-8
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ang kaalaman at kasanayan ng ligtas at responsible sa
pamamahagi ng mga dokumento at media file at pagsali sa discussion group
at chat.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction DAY 1 Sa larangan ng pagnenegosyo, napakahalaga ng pakikipag-usap sa mga
Panimula tao, mamimili, at tagapagtustos ng mga paninda. Ngunit hindi mo ito
magagawa sa lahat ng oras. Ang mga taong kailangan mo ay maaaring
mahirap hagilapin. Sa pamamagitan ng ICT, maaari mong makausap ang
mga taong kailangan mo na hindi na kailangang maghintay o mag-abang
sa buong maghapon. Maaari mo silang padalhan ng email kungmay
mensahe kang nais ipabatid. Maaari kang makipag-chat kung pareho
kayong libre sa oras na iyon ngunit magkalayo kayo sa isa’t isa. Maaaring
ang isa sa inyo ay nasa ibang siyudad, rehiyon, o bansa.

Higit pa rito, maaari mong gamitin ang ICT sa pamamahagi ng dokumento


o media file para ipakilala at ipromote ang isang produkto o serbisyo. Sa
pamamagitan ng email, chat, o online discussion forum, maaari mong
sagutin ang mga tanong ng mga tumatangkilik ng iyong produkto o serbisyo.
Dahil ito ay isang negosyo, anuman tanong ay nararapat sagutin agad kahit
na simpleng pagpapahatid ng pasasalamat o pagsasaalang-alang sa
kanilang mga mungkahi o puna. Ang pagsagot ay nangngahulugan lamang
na tinatanggap, kinikilala, o nauunawaan ang mensahe. Malaking tulong din
ang ICT sa mga file sharing sa kasamahan mo sa negosyo.

Mga Panganib sa Pamamahagi ng Dokumento o Media File sa Internet

Ang pakikipag-chat ay maaaring maging isang kapaki-pakinabang na


kagamitan sa pagnenegosyo, edukasyon, pamilya, at mga kaibigan. Subalit
ito rin ay maaaring makapagdulot ng mapanganib na sitwasyon. Kaya nga
may mga alintuntunin (netiquette, chat etiquette) dapat na isaalang alang
at sundin upang matiyak ang kaligtasan ng bawat indibidwal. Sa mga
magulang o guardian, nararapat na sinusubaybayan nila ang mga bata
habang nakikipagchat. May mga taong madalas maglog-in sa mga chat
room gumagamit ng ibang pangalan upang kunin ang atensyon ng mga
mas batang gumagamit ng internet. Ang iba sa mga ito ay may masamang
intension tulad ng paggawa pornograpiya gamit ang mga bata. Kung hindi
ginagamit ng maayos, ang pakikipagchat ay maaaring humantong sa
pangingindnap, pagnanakaw, at iba pa. Gayundin, magkaroon ng
kamalayan sa ibang mga kachat na sumusubok na mag-download o
magpadala ng hindi nababasang mga file na maaaring may nilalaman na
computer virus. Maaaring masira nito ang computer units.

Ibayong pag-iingat ang kailangan sa pagbibigay ng mga personal na


impormasyon. Hangga’t maaari ay huwag ilagay ang lahat ng detalye
tungkol sa sa sarili. Ang mga taong may masamang intensiyon sa kapuwa ay
lagi nang nakaabang sa kanilang mabibiktima sa pamamagitan ng online
chat.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
B. Development Day 2 Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Gumawa ng slogan tungkol sa pagpapalawig
Pagpapaunlad ng kamalayan sa tamang pamamaraan ng ligtas at responsableng pagsali
sa discussion forum o chat. Ilagay ito sa 1/8 na sukat ng kartolina.

C. Engagement Day 3 Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Sa tulong at gabay ng magulang o


Pakikipagpalihan nakatatandang kapatid, makilahok sa online chat kung saan makikipag-
ugnayan sa mga kamag-aral tungkol sa proyekto. Siguraduhing susundin ang
mga panuntunan ukol sa maingat at maayos na paggamit nito.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gamit ang graphic organizer sa ibaba.


Sagutin ang katanungan isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Ano ang kahalagahan ng pamamahagi ng dokumento at media


file?

D. Assimilation Day 4 Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Punan ang graphic organizer. Sagutin ang
Paglalapat tanong. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

Bakit kailangang matutuhan ang kasanayan sa


pagbabahagi ng dokumento o media file?

V. ASSESSMENT Day 5 Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin ang bawat aytem. Piliin ang tamang
(Learning Activity Sheets for sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks
1. Ang netiquette ay makatutulong sa iyo upang___________.
3 and 6) a. maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pag-uugali(online)
b. maging mas mahusay sa iyong mga kaibigan
c. maging mas mahusay sa mga pagsusulit
d. gumaling sa paggamit ng internet.

2. Dapat sumagot sa lahat ng email________.


a. nang mabilis hangga’t maari.
b. pagkatapos ng tamang agwat
c. kapag may nakuhang pagkakataon
d. pagkatapos maghintay ng pitong araw

3. Ang pag-type ng isang mensaheng email na lahat ng nasa malaking titik


ay nangangahulugang ___________.
a. wala
b. ikaw ay naninigaw
c. ang mensaheng ito ay napakahalaga
d. Okay na ipasa ang mensaheng ito sa iba

4. Ang paggamit ng smiley-faces sa isang mensahe ay___________.


a. ganap na katanggap-tanggap
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
b. pampalibang sa makatatanggap ng email.
c. parang bata at hindi kailanman dapat gawin.
d. gumamit lang nito kung kailangan o angkop sa pinag-usapan.

5. Sa kasalukuyan, maari ka lang magpadala ng file na hanggang ____MB


ang laki gamit ang email.
a. 40
b. 30
c. 25
d. 50
VI. REFLECTION • The learner communicates the explanation of their personal
assessment as indicated in the Learner’s Assessment Card.
• The learner, in their notebook, will write their personal insights about
the lesson using the prompts below.
I understand that ___________________.
I realize that ________________________.
I need to learn more about __________.
Prepared by: VIEN LESTER L. FLORES Checked by: Carolina T. Zaracena
SDO-QUEZON EPS-SDO Quezon

You might also like