Professional Documents
Culture Documents
Pagsulat Sa Filipino Sa Piling Larang Akademik
Pagsulat Sa Filipino Sa Piling Larang Akademik
Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larang Akademik
Kuwarter 1 - Modyul 2:
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom
Alamin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1.Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin.CS_FAPU-0d-f-93
Tuklasin
Pagsulat ng Abstrak
Isa sa mga dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang
bumuo ng isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon
ng isang sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang
kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda .Bukod sa
nahuhubog ang mga kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang
teksto ay marami pang ibang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag-aaral habang
nagsasagawa ng paglalagom, Una,natutuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang
nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang kaisipang
nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na kaisipan.Tandaan na sa pagsulat ng
lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o teksto.
Pangalawa,natutuhan niyang magsuri ng nilalaman ng kanyang binabasa. Natutukoy niya
kung alin ang mga kaisipan o mga detalye ang dapat bigyan ng malalim na pansin ng
pagsusulat ng lagom at kung alin naman ang hindi gaanong importante. Pangatlo,
nahuhubog, ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ng partikular ang tamang paghabi
ng mga pangungusap sa talata sapagkat sa pagsulat ng lagom,mahalagang ito ay
mailahad nang malinaw,hindi maligoy o paulit-ulit. Pang-apat,ito rin ay nakatutulong sa
pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa pagsulat nito ay
importanteng makagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ngtekstong binubuod.
Bukod sa ang kasanayang ito ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral,,ito rin ay
nakatutulong nang malaki sa larangan ng edukasyon,negosyo, at propesyon. Dahil
samabilis na takbo ng buhay sa kasalukuyan,at ang marami ay parang nagmamadali sa
mga gawaing dapat tapusin o puntahan, nakatutulong nang makali ang pagbabasa ng
maiikling sulatin na kalimitang naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang
babasahin,teksto,o pag-aaral.Bilang paghahanda sa totoong buhay ng propesyon at
pagtatrabaho,mahalagang matutuhan mo ang paggawa ng iba;t ibang uri ng lagom na
madalas gamitin sa mga pag-aaral,Negosyo, at sa iba’t ibang uri ng propesyon. Kaya
naman, sa arling ito , ay lubos mong matutuhan ang pagsulat ng ilang uri ng lagom o buod
– ang abstrak , synopsis o buod at bionote.
Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal,lektyur,at mga report. Ito ay
kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik
pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng
akdang akademiko o ulat.
Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract( 1997), bagamat
ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng
sulating akademiko tulad ng Rasyunali / Introduksyon, metodolohiya, saklaw at
delimitasyon, resulta at konklusyon. Naiiba nito ang kongklusyon sapagkat ito ay
naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.
1. Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.
2. Introduksyon o Panimula - nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin at
mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa mambabasa at
sa manunulat.
3. Kaugnay na literatura - Batayan upang makapagbibigay ng malinaw na
kasagutan o tugon sa para sa mga mambabasa.
4. Metodolohiya - Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain.
5. Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.
6. Konklusyon.- Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-
iiwan ng pala-isipan kaugnay sa paksa.
Suriin
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa ,sagutin ang mga
katanungan ukol dito.
1.Ano ang kahulugan ng lagom?
______________________________________________________________________
2.Ano-ano ang kasanayang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng
paglalagom?
____________________________________________________________
3.Paano nakatutulong sa iba’t ibang larangan ang kasanayan sa paglalagom?
____________________________________________________________
4.Sa paggawa ng isang pananaliksik , bakit kailangang pinakahuling isulat ang isang
Abstrak?
________________________________________________________________
5.Ano kaya ang bunga ng iyong gagawing Abstrak kung hindi ka sumunod sa mga
paraan sa
pagsulat nito?
_______________________________________________________________
Pagyamanin
Panuto : ELEMENTO NG ABSTRAK :Basahin ang halimbawa ng abstrak at
suriin nat
ang elemento nito.
KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK
Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia BS in Psychology
Abstrak
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental,
pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative
method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga
respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga
respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa
hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na
resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas
ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan;
kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa
mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2
September 2015
Narito ang mga elemento ng abstrak batay sa nakatalagang kulay
Luntian: Rasyunal
Asul : Metodolohiya
Itim : Saklaw at Delimitasyon
Pula : Resulta ng Pananaliksik
Isaisip
Panuto: PAGBUBUOD SA NATUTUNAN .Sumulat ng isang talatang may 5 o higit pang
pangungusap na magbubuod sa pangkalahatang natutunan mo sa aralin. Salungguhitan
ang pangunahing kaisipan.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_
___________________________________________________.
Isagawa
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-
abstrak.html
1.Introduksyon/ 2.Saklaw At
Rasyunal Delimitasyon
Kasanayan sa
Pagsasalita ng mga
Mag-aaral sa Ikaapat na
Taon
3.Metodolohiya 4.Resulta
Tayahin
Panuto :PAGTUKOY SA KATANGIAN NG ABSTRAK: Suriin ang
kahulugan, kalikasan , mga katangian , layunin , gamit , anyo (porma) ng
Abstrak . Isulat ito sa tasrt.
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin – Abstrak ayon sa:
a. Layunin b. Gamit c.Katangian d. Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90
Abstrak
Kahulugan
Kalikasan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo(porma)