Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Name: Audrey T.

Berroya

BEED- 1A

ANG PILIPINAS SA PANAHON NG BATAS MILITAR

INTRODUKSYON

“Those who cannot remember the past are condemned to repeat it.”, ayon kay
George Santayana, The Life of Reason, 1905. Sa henerasyon kung saan ang
impormasyon ay malawakan ang pamamahagi, laganap rin ang mga maling naratibo at
iba’t-ibang bersyon ng kwento tungkol sa panahon ng batas militar. Ang tanging sandata
natin laban sa tuluyang rebisyon ng kasaysayan ay ang patuloy na pagsasalaysay ng
mga tunay na pangyayari at ulat ukol dito.

PAGPAPATUNAY

Ang pagdeklara ng martial law sa Pilipinas

Madalas tayong makakarinig ng iba’t-ibang bersyon tungkol sa dahilan ng pag proklama


ng batas militar ngunit ang kasaysayan ay mananatili at hindi magbabago.

Noong gabi ng Setyembre 23, 1972, kinausap ni Ferdinand Marcos ang mga Pilipino
gamit ang telebisyon at radyo para ipaalam sa buong bansa na nagdeklara na siya ng
batas militar. Ginawang dahilan ni Marcos ang paglakas ng mga Komunista sa bansa.
Ayon sa kanya, nakakuha sila ng armas mula sa Tsina na siyang gagamitin upang
pabagsakin ang pamahalaan at guluhin ang mapayapang buhay ng mga ordinaryong
Pilipino. Ikinumpara ni Marcos ang estado ng bansa sa isang digmaan na plano niyang
itigil.
Bilang sagot sa nagbabantang lakas ng mga Komunista, idineklara ni Marcos na
isasailalim niya sa batas militar ang Pilipinas alinsunod sa kanyang kapangyarihan bilang
Presidente na nakasaad sa 1935 Philippine Constitution. Kasama dito ay ang
kapangyarihan ng Presidente na pangasiwaan ang Armed Forces ng Pilipinas para
panatilihin ang batas at kaayusan, pati ang eksklusibong kapangyarihan para magpasya
kung mananatiling nakakulong ang isang tao para sa kanyang mga krimen.

Ipinangako din ni Marcos na gagamitin niya ang mga special powers ng Batas Militar para
mapalaganap ng kapayapaan at kaunlaran sa bansa. Makikita daw ng mga susunod kay
Marcos ang bungang ito; ngunit, ang mga tututol sa kanya ay magdudusa tulad ng mga
rebelde.

Kahit na Setyembre 23 ipinahayag ang pagdedeklara ng batas militar, pinirmahan ni


Marcos ang dokumentong nagpapatupad nito noong Setyembre 21, 1972 dahil sa mga
pamahiin niya tungkol sa mga numero.

KONKLUSYON

Ang Martial Law o Batas Militar ay isang bastas na kung saan ang ibang karapatan
ay nawawala, gaya na lamang ng karapatan mag salita ng kung ano man tungkol sa
gobyerno, at karapatan na gumala ano man oras. Ang siguridad ay mas hinigpitan. Ang
pagka wala ng tiwala ay na buo nuong panahon ng na mamayapang dating pangulong
Marcos. Ang mga kasanayan na ito at ang kawalan ng tiwala sa gobyerno pagdating sa
marshal law ang nag bigay hudyat ng masamang epekto nito sa Pilipinas. Ang araw araw
nating pamumuhay ay may halong pangamba, na kahit anong oras, tayo o ating mga
kamag anak na naman ang maging biktima ng abuso.

Sanggunian:

November 3, 2022, from https://martiallawmuseum.ph/fl/magaral/declaration-of-martial-


law/ Worksofheart. (n.d.). Ang Pagdeklara ng Martial law. Martial Law Museum.
Retrieved

You might also like