ARALIN 4 - GAMIT ANG SANHI AT BUNGA SA PANGYAYARI (PAGTATAYA) Week 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGTATAYA

A.Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Bilugan kung sanhi at Salungguhitan naman ang
Bunga sa bahagi ng mga pangungusap. (2puntos)

1. Naging maayos ang kanilang buhay dahil nagsumikap sa ibang bansa ang kaniyang mga
magulang.
2. Araw-araw ay nag-aaral ng aralin si Liza kaya naman lagi siyang nakakapasa sa pagsusulit.
3. Mahilig mag-ensayo sa pagkanta si Mina lagi siyang napipiling kalahok sa paligsahan ng
pagkanta.
4. Marami ang nahawaan ng Covid-19 dahil sa hindi pagsunod ng mga tao sa protocols.
5. Sapagkat masama ang pakiramdam ni Marco hindi siya nakapasok sa paaralan.

B.Ibigay ang maaaring maging bunga ng mga sumusunod na pangyayari.Piliin lamang ang titik ng
wastong sagot.

1.Sapagkat lubos ang kabutihan ni Bantugan nagbunga ito ng:

a.pananakop ng mga dayuhan b.pagkagusto ng marami sa kanya

c.pag-aaway ng nasasakupan d.pagkagalit ni Haring Madali

2.Dahil sa kakulangan ng tiwala sa sarili ni Prinsipe Madali nagbunga ito ng:

a.pagtatakwil sa kapatid b.pag-ibig sa babae

c.pagpanig sa kapatid d.magandang pakikitungo sa kapatid

3.Dahil sa katapangang taglay ni Bantugan,nagbunga ito ng:

a.pagkainggit ng marami b.pagkaubos ng kanyang kalaban

c.pagkatakot ng marami d.pagkapanalo sa labanan

4.Sapagkat taglay ni Bantugan ang tapang at kakisigan ito ay nagbunga ng:

a.pagdami lalo ng mga kalaban b.pagsuko ng ibang bayan

c.pagsikat sa buong bayan d.pagkagusto ng maraming babae

5.Dahil sa panghihina pa ng katawan ni Bantugan nagbunga ito ng:

a.pagkabihag sa kanya ni Miskoyaw b.pagbuti ng kapatid

c.kamatayan ni Bantugan d.paglusob ni Muscoyaw sa Bumbaran

You might also like