Professional Documents
Culture Documents
Ang Bayan
Ang Bayan
ANG BAYAN
Noli Me Tangere Kabanata 10 – Ang Bayan(San Diego)
Bago mailipat si Padre Damaso sa ibang bayan dahil sa ginawa nito kay Don
Rafael Ibarra ay siya ang tumatayong kura paroko sa simbahan doon.
Kabilang ang mga Kastila at ilang mga mayayamang Pilipino sa mga kinikilala
na may mataas na tungkulin sa bayang iyon.
May isa umanong matandang Kastila ang dumating sa bayan ng San Diego
ayon sa alamat. Ito raw ay matatas magtagalog at malalalim ang mga mata.
Ito diumano ay bumili ng gubat sa pook na iyon kung saan ang kanyang
ipinambayad ay ang kanyang mga ari-arian tulad ng damit, alahas at salapi.
Kinalaunan ay natagpuan ang matanda na nakabitin sa puno ng isang
balete. Ito ay naging sanhi ng pagkatakot ng mga tao doon kaya't sinunog ng
ilan ang mga damit ng matanda at itinapon naman ang kanyang mga alahas
sa ilog.
Nagkaroon sila ng isang supling at ito ay si Don Rafael na siya namang ama
ni Ibarra.
TAUHAN:
Isang Matandang Kastila- Siya ang dumating sa San Diego na noon ay gubat pa
lamang.
Isang Pastol- Ang nakakita ng katawan ng matangdang lalaki na nakabitin sa
puno ng balete.
Mga binata- Sila ang nagsabing nakakaulinig daw sila ng mga daing sa lugar na
pinagkakitaan sa matanda at ibat-ibang kwentong nakakatakot na nga ang
kumalat.
Don Saturnino- Ang anak ng mistisong matandang lalaki, dumating siya sa
bayan ng San Diego upang hanapin ang kanyang ama.
Don Rafael Ibarra- Siya ang naging bunga ng pag iibigan ng kanyang ina at
amang si Don Rafael Ibarra, labis siyang minahal ng mga magulang.
TALASALITAAN
Baybayin- tabi
Kuro Paroko- tinuturing na pinakamataas na pari sa simbahan ng isang
parokya.
Mataas- malinaw o matuwid magsalita
Balete- isang mataas na puno ng halaman
Sinupin- kuhanin o angkinin