Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

NOLE ME TANGERE: Kabanata 10:

ANG MAKAPANGYARIHAN
Noli Me Tangere Kabanata 11 – Ang Makapangyarihan

Ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San


Diego ay mabibilang lamang. Ito diumano ay katulad ng Roma at Italya sa
mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan.

Hindi naman kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tiyago, at ilang
namumuno sa pamahalaan.

Kahit na si Don Rafael ang pinakamayaman, iginagalang ng lahat, at


pinagkakautangan ng marami ay hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng
kapangyarihan sa bayang iyon.
Wala itong pinagkaiba sa ibang mga bayan sa Pilipinas na pinamumunuan ng
simbahan kung saan ang pamahalaan ay sunud-sunuran lamang dito.

Bago mailipat si Padre Damaso sa ibang bayan dahil sa ginawa nito kay Don
Rafael Ibarra ay siya ang tumatayong kura paroko sa simbahan doon.

Kabilang ang mga Kastila at ilang mga mayayamang Pilipino sa mga kinikilala
na may mataas na tungkulin sa bayang iyon.

May isa umanong matandang Kastila ang dumating sa bayan ng San Diego
ayon sa alamat. Ito raw ay matatas magtagalog at malalalim ang mga mata.

Ito diumano ay bumili ng gubat sa pook na iyon kung saan ang kanyang
ipinambayad ay ang kanyang mga ari-arian tulad ng damit, alahas at salapi.
Kinalaunan ay natagpuan ang matanda na nakabitin sa puno ng isang
balete. Ito ay naging sanhi ng pagkatakot ng mga tao doon kaya't sinunog ng
ilan ang mga damit ng matanda at itinapon naman ang kanyang mga alahas
sa ilog.

Di nagtagal ay dumating ang anak ng matanda na nagngangalang Saturnino.


Sinikap niyang sinupin ang naiwang ari-arian ng ama. Siya ay nakapag-asawa
ng isang taga-Maynila at nanirahan sila sa San Diego.

Nagkaroon sila ng isang supling at ito ay si Don Rafael na siya namang ama
ni Ibarra.

Kinagiliwan ng mga magsasaka si Don Rafael at dahil sa pagsusumikap nito


ay naging bayan mula sa pagiging nayon ang San Diego.
Ang pamumunong ito ni Don Rafael ang sinasabing naging ugat ng inggit at
galit sa ilan niyang mga kaibigan kalaunan.

TAUHAN:
Isang Matandang Kastila- Siya ang dumating sa San Diego na noon ay gubat pa
lamang.
Isang Pastol- Ang nakakita ng katawan ng matangdang lalaki na nakabitin sa
puno ng balete.
Mga binata- Sila ang nagsabing nakakaulinig daw sila ng mga daing sa lugar na
pinagkakitaan sa matanda at ibat-ibang kwentong nakakatakot na nga ang
kumalat.
Don Saturnino- Ang anak ng mistisong matandang lalaki, dumating siya sa
bayan ng San Diego upang hanapin ang kanyang ama.
Don Rafael Ibarra- Siya ang naging bunga ng pag iibigan ng kanyang ina at
amang si Don Rafael Ibarra, labis siyang minahal ng mga magulang.
TALASALITAAN
Baybayin- tabi
Kuro Paroko- tinuturing na pinakamataas na pari sa simbahan ng isang
parokya.
Mataas- malinaw o matuwid magsalita
Balete- isang mataas na puno ng halaman
Sinupin- kuhanin o angkinin

Pag-uugnay ng mga pangyayari sa kabanata sa Kasalukuyan


Ang ika-sampung kabanata ay nagsasaad na ang kapaligirin ay
isang luntian at bukid samantalang ang panahon ngayun ay
isang sibilisadong siyudad.
SULIRANIN:
Ang pagkakait ng mga kastila sa mga Pilipino ng
kanilang mga karapatang pampulitika at ang
pagpapahirap sa mga nagtatangkang makibaka para
sa kanilang karapatan.
ARAL:
Nagpapakita ito na kung ang tao ay masikap, at may
pagpupursige sa buhay ay di malayong magtatagumpay ito
baling araw, tiyak na aasenso ang mga taong masisipag, katulad
nalang ng ginawa ng lolo ni Crisostomo Ibarra mula sa masukal
at gubat na lupain ay pinagyaman niya ito, hindi niya tinigilan
ang pag papaunlad sa lupaing iyon hanggat hindi niya
nakikitang nagiging prodoktibo, at nagtagumpay naman siya at
nang yumao nga ang lolo ni Crisostomo ay ipinagpatuloy
naman ni Don Rafael ang pagpapayaman sa argrikulturang
nasimulan ng ama, kaya namang naging mas maunlad ito.

You might also like