Fil 9 Q4, W2 - LAYOUT

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

9

Filipino 9
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
DAPAT O DI DAPAT GINAMIT
NI JOSE RIZAL ANG PANULAT
PARA SA KAPAKANAN NG BANSA
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: DAPAT O DI DAPAT GINAMIT NI JOSE
RIZAL ANG PANULAT PARA SA KAPAKANAN NG BANSA
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anu mang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Evalyn M. Kitane
Editor: Venicar P. Eltanal
Tagasuri: Roshelle G. Abella, Lucille T. Folio, Janeth A. Celin, Vincent Gee R.
Abrasado, Crispina P. David
Tagalapat: Jerry Mar B. Vadil
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla, Ed.D. Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis, JD, Ed. D. Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D.
Renante A. Juanillo, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling DAPAT O DI DAPAT GINAMIT NI JOSE RIZAL
ANG PANULAT PARA SA KAPAKANAN NG BANSA.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa DAPAT O DI DAPAT GINAMIT NI JOSE RIZAL ANG PANULAT PARA
SA KAPAKANAN NG BANSA.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pareho ng ideya ang lahat ng tao.


Kung minsan, ang pagkakaiba ng opinyon ng mga tao ang nagiging sanhi ng di
pagkakasundo-sundo at pagtatalo.
Ngayon, tuklasin natin ang paraan ng pagpapahayag ng opinyon na di
reresulta sa gulo. Gusto mo bang malaman? Halika ka na’t ihanda ang iyong
sarili sa bago na namang mga gawain
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili
at sa nakararami.
(F9PS-IVa-b-58)

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:


1. Nakapaglalahad ng mga patunay at nakagagamit ng mga angkop na
salita sa pagpapahayag ng opinyon;
2. Nakapagbabahagi ng sariling opinyon, reaksyon, at pananaw sa
paksang pagtatalunan; at
3. Nakapagpapahayag nang malaya ng sariling opinyon ukol sa isang
paksa.
SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat aytem at isulat ang
iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Naglalayon itong manghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa


pamamagitan ng pangangatwiran.
A. salitaan C. tulaan
B. debate D. dula

Para sa bilang 2-4. Piliin ang titik ng tamang sagot sa ibaba.


A. Necessity C. Practicability
B. Beneficiality D. Compatibility
2. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga benepisyong
makukuha sa proposisyong pinagtatalunan.
3. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita kung bakit posible o praktikal na
maisakatuparan ang hinihingi.
4. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon bilang
kailangan at tunay na solusyon.
5. Alin sa mga sumusunod ang dapat tandaan kung nagtatanong sa pagtatalo?
A. Ang tanong ay dapat hindi nasasagot ng oo o hindi.
B. Ang mga tanong ay nauukol sa iba’t ibang mga paksa.
C. Huwag hayaang magamit ng kalaban ang oras ng iyong pagtatanong.
D. Ibigay ang sariling opinyon sa hinihingi ng tanong.
Para sa bilang 6-9. Piliin ang titik ng tamang sagot sa ibaba.
A. Debateng Oregon C. Debateng Oregon-Oxford
B. Debateng Oxford D. Debateng Orford
6. Ito ay madalas na paraang ginagamit sa pagtatalo.
7. Binubuo ng dalawang koponan na may 2-3 kasapi ang debateng ito.
8. May tatlong tagapagsalita bawat pangkat ang debateng ito kung saan ang
bawat unang tagapagsalita ay maghaharap ng pagmamatwid ng kani-
kanilang panig.
9. Ang debateng ito ay naglalahad ng proposisyon.
10. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan sa talumpating pagtuligsa
maliban sa _______________________.
A. Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban
B. Ipaliwanag ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban.
C. Mahinahon at maliwanag na ilahad ang mga kamalian sa katuwiran ng
kalaban.
D. Ipaalam sa kalaban at mga tagapakinig kung may paglabag sa mga
alituntunin sa pagtuligsa
11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig ng kahalagahan ng pagtatalo?
A. Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag-iisip.
B. Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran.
C. Malinaw na naipapakita ng tagapagsalita ang kanyang emosyon.
D. Malinaw na naipapakita ang maling pagmamatuwid.
12. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga dapat tandaan ng tagapagsalita sa
pagtatanong MALIBAN sa _____________.
A. Huwag hayaang magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong
pagtatanong.
B. Ang tanong ay dapat hindi lamang nasasagot ng Oo o Hindi.
C. Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong.
D. Ang mga tanong ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan.
13. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga kahulugan ng pagtatalo MALIBAN
sa ______.
A. Ang pagtatalo ay isang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang
pananaw o opinyon sa isang paksa.
B. Ang pagtatalo ay isang uri ng pahigitan sa bawat grupo.
C. Ang pagtatalo ay pagtatalo ng maraming paksa.
D. Ang pagtatalo ay isang sining ng gantihan ng katwiran ng magkasalungat
na panig.
14-15. Magbigay ng dalawang kahalagahan ng pagtatalo.
A. ____________________________________
B. ____________________________________

TUKLASIN

Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga tanong na kasunod.

http://clipartmag.com/images/fighting-clipart-5.gif
http://clipartmag.com/images/fighting-clipart-23.jpg

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kalimitang sanhi ng pagsisigawan at kaguluhan? _________________
__________________________________________________________________
2. Mayroon kayang paraan para maiwasan ito? Paano? _____________________
__________________________________________________________________

SURIIN

Ang debate o pagtatalo ay isang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang


pananaw o opinyon sa isang paksa. Masasabi rin natin na ito ay isang uri ng
pahigitan sa bawat kampo.

Naglalayon itong makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa


pamamagitan ng pangangatuwiran. Maaari itong nakasulat o binibigkas. Ayon kay
Arrogante, ang pagtatalo ay isang sining ng gantihan ng katwiran o matuwid ng
dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersyal na
paksa.

Kahalagahan ng Pagtatalo

• Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag-iisip.


• Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran.
• Malinang ang kasanayan sa pag-uuri ng tama at maling pagmamatuwid.
• Nabibigyang kahalagahan ang magandang asal tulad ng paggalang, pagtitimpi,
pagpipigil ng sarili.
• Magkakaroon ng pag-uunawa sa mga katwirang inilahad ng iba at pagtanggap
• sa nararapat na kapasyahan.

Dapat Tandaan sa Pagtatalo

• Kailangang magkaroon ng isang kapasyahan o proposisyon na nakasaad sa


isang positibong pahayag.
• Isaalang-alang ang antas ng pang-unawa ng mga nakikinig.
• Kailangan may katumbas na katibayan ang lahat ng katwiran at ito ay nakahalad
sa isang maayos na pagpapahayag.
• Ilahad nang maayos at mahinahon ang mga mali sa katwiran ng kalaban.
• Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya o patunay na inilahad ng
kalaban.

Dapat Tandaan sa Pagtatanong

• Huwag hayaang magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanong.


• Ang tanong ay dapat nasasagot lamang sa OO o HINDI.
• Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong.
• Ipaalam sa tagapamahala ng pagtatalo kung lumabag sa itinakdang pamantayan
ng pagtatanong ang isa sa kanila.
• Ang mga tanong ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan.
Dapat Tandaan sa Talumpating Pagtuligsa (Rebuttal)

• Mahinahon at maliwanag na ilahad ang mga kamalian sa katuwiran ng kalaban.


• Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban.
• Ipaliwanag ang kahinaan at kamalian ng mga argumento ng kalaban.
• Ipaalam sa kalaban na walang kaugnayan ang mga binanggit na katwiran sa
paksang pinagtatalunan.
• Ipaalam sa kalaban at mga tagapamahala kung may paglabag sa mga alituntunin
sa pagtuligsa.
• Tapusin ang talumpati sa pamamagitan ng paglalagom sa mga inilahad na
katuwiran at katibayan.

Mga Tagapagsalita o Speaker


1. Beneficiallity – ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay kung anong
mga benipisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan.
2. Practicability – ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita kung bakit
posible o praktikal na maisakatuparan ang hinihingi.
3. Necessity – ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay hinihingi ng
sitwasyon bilang kailangan at tunay na solusyon.

Uri ng mga Pagtatalo


➢ Debateng Oregon-Oxford
• Madalas gamiting paraan ng pagtatalo
• Binubuo ng dalawang koponan na May 2-3 kasapi
• May mga huradong susuri sa mga argumento na may sapat na kaalaman sa
paksa
➢ Debateng Oxford (Rufino Alejandro)
• Pagpapakilala ng bawat koponan (pagtukoy sa mga tuntunin) o Paglalahad
ng proposisyon o Pagbibigay ng katuturan
• Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran
• Pagtatalo
➢ Debateng Oregon
• Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng pagmamatuwid ng
kani-kanilang panig
• Pangalawang Tagapagsalita - magtatanong upang maipakilala ang karupukan
ng mga matuwid na panig ng katalo.
• Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng pagpapabulaan bago lalagumin
ang mga matuwid ng kani-kanilang panig.
PAGYAMANIN

Panuto: Ibigay ang iyong panig (Sang-ayon o Tutol) sa sumusunod na isyu.

______________1. Pagbibigay ng kongreso sa pangulo ng special powers para


matugunan ang CoVid 19 Pandemic.

______________2. Pagpapalawig ng termino sa mga opisyal ng barangay.

______________3. Pagsasabatas ng Anti-terror Bill.

______________4. Pagsuspende ng face-to-face learning sa lahat ng paaralan


hangga’t wala pang bakuna.

______________5. Pag-okupa ng puwersang militar ng Tsina sa mga islang


sakop ng Pilipinas.

ISAISIP

Laging isaisip na ang debate o pagtatalo ay


hindi lamang pagpapahayag ng sariling
opinyon o ideya ukol sa isang paksa, kundi ito
rin ay nagbibigay lakas ng loob sa mga mag-
aaral na ipahayag ang makatwiran nilang
opinyon.
ISAGAWA

Ipahayag ang sariling saloobin o opinyon ukol sa paksang nasa kahon. Isulat ang
iyong opinyon sa sagutang papel.

“Dapat o di dapat ginamit ni Jose Rizal ang panulat para sa


kapakanan ng bansa”

RUBRIK SA PAGSULAT NG OPINYON


Nilalaman 5 4 3 2 1
• Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi
• Lawak at lalim ng pagtalakay
Balarila
• Wastong gamit ng wika
• Paglimita sa paggamit ng mga
salitang hiram
Hikayat
• Paraan ng pagtalakay sa paksa
• Pagsunod sa tiyak na panutong
ibinigay ng guro kaugnay sa gawain

TAYAHIN

I. Hanapin sa loob ng kahon ang sagot sa bawat aytem. Titik lamang ang isulat sa
iyong sagutang papel.

A. Debate E. Compatibility
B. Beneficiality F. Debateng Oregon-Oxford
C. Practicability G. Debateng Oregon
D. Necessity H. Debateng Oxford

____1. Naglalayon itong manghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa


pamamagitan ng pangangatwiran.
____2. May tatlong tagapagsalita bawat pangkat ang debateng ito kung saan ang
bawat unang tagapagsalita ay maghaharap ng pagmamatwid ng kani-
kanilang panig.
____3. Ito ay madalas na paraang ginagamit sa pagtatalo.
____4. Binubuo ng dalawang koponan na may 2-3 kasapi ang debateng ito.
____5. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita kung bakit posible o praktikal
na maisakatuparan ang hinihingi.
____6. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga
benepisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan.
____7. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon
bilang kailangan at tunay na solusyon.
____8. Ang debateng ito ay naglalahad ng proposisyon.

II. Punan ng tamang impormasyon ang bawat aytem. Isulat lamang ang sagot sa
sagutang papel.

9-10. Magbigay ng dalawang dapat tandaan ng tagapagsalita sa pagtatalo.


11-13. Ibigay ang tatlong uri ng pagtatalo.
14-15. Magbigay ng dalawang dapat tandaan sa talumpating pagtuligsa.

REFLEKSIYON

Natutuhan Mo, Ibunyag Mo!

Kapuri-puri ang ipinakita mong kahusayan sa mga mga gawain sa modyul na


ito. Batid kong marami ka nang natutuhan kaya ibunyag mo ang mga ito sa
pamamagitan ng pagdugtong sa pahayag na nasa ibaba.

Natutuhan Natuklasan Ngayon,


ko na… ko na… masasabi
ko na…

___________________ ___________________ __________________


___________________ ___________________ __________________
___________________ ___________________ __________________
___________________ ___________________ __________________
___________________ ___________________ __________________
___________________ ___________________ __________________
___________________ ___________________ __________________
___________________ ___________________ __________________
___________________ ___________________ __________________
___________________ ___________________ __________________
___________________ ___________________ __________________
___________________ ___________________ __________________
___________________ ___________________ __________________
___________________ ___________________ __________________
___________________ ___________________ __________________
Panimulang Pagtataya
1. b
2. b
3. c
4. a
5. d
6. c
7. c
8. a
9. b
10. d
11. a
12. b
13. c
14. -15. Sumangguni lamang sa pahina 5-7. Maraming salamat.
Gawain 1
*Maaaring magkakaiba ang mga sagot
Ang dalawang larawan ay nagpapakita ng hindi pagkakaunawaan sa isa’t-isa.
Pagsusuri
*Maaaring magkakaiba ang mga sagot
1. Ang makikita sa nakapaskil ay pareho itong naglalarawan ng hindi pagkakaintindihan/pagkakaunawaan.
2. Opo.
3. Nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil iba’t-iba ang mga paniniwala ng bawat indibidwal kung kaya
nagkakaroon ng pagtatalo o pag-aaway ang mga tao.
Mga Gawain
*maaaring magkakaiba ang mga sagot
1. sang-ayon
2. sang-ayon
3. sang-ayon
4. sang-ayon
5. tutol
Paglalapat
*maaaring magkakaiba ang mga sagot
1. Oo sapagkat nauunawaan ko ang importansya ng bawat isyu.
2. Sa tingin ko makatutulong talaga sa ating lipunan na mapakinggan ang ating panig at opinyon sa
bawat isyu dahil ito ay boses ng mamamayang Pilipino. Sa pamamagitan nito matutugunan ang
mga pangangailangan ng nakararami. Maisasakatuparan lamang ito kung may lakas ng loob ang
isang tao upang ipahayag ang totoong hinaing sa bawat isyu.
Pagpapayaman
*Maaaring magkakaiba ang mga sagot
Refleksiyon
*Maaaring magkakaiba ang mga sagot
Pangwakas na Pagtataya
1. a
2. g
3. f
4. h
5. c
6. b
7. d
8. f
Para sa Test II sumangguni sa pahina 5-7
☺☺
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Mula sa Sanayang Aklat


Ikaapat na Markahan, Unang Linggo – Sesyon 5 p. 449-455.
Mula sa Internet
http://clipartmag.com/images/fighting-clipart-5.gif
http://clipartmag.com/images/fighting-clipart-23.jpg
https://www.scribd.com/document/371240753/Rubrik-Sa-Pagsulat-Ng-
Opinyon
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like