Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REVIWER IN ESP

 Ang tao ay may malalim na pangangailangan na magkaroon ng malapit na ugnayan sa kapwa upang
makapagbigay at makatanggap ng pagmamahal sa iba. Umuunlad at nagbabago ang tao dahil sa
pagmamahal na ito.
 Ang isang tao na may seksuwal na integridad ay kumikilos at nagpapasiya nang matapat, etikal, at
mapanagutan. Ang pagiging matapat ay nangangahulugan na hindi siya gagamit ng anumang
panloloko upang pilitin ang isang tao sa isang seksuwal na ugnayan.
 Ang seksuwalidad ay ang pagpapahayag ng pagkababae o pagkalalaki ng isang tao. Ibig sabihin, ito ay
higit pa sa kasarian, sa halip ay kasama na rito ang kilos, saloobin, at kaisipan ng isang tao sa
kaniyang pagiging babae o lalaki.
 Ang pagpapanatili ng iyong seksuwal na integridad ay nangangailangan ng birtud ng pagtitimpi at
pagdidisiplina sa sarili.
 Ang pagiging responsable sa pakikipag-ugnayan sa iba ay hindi lamang tumutukoy sa pagtanggap sa
anumang responsibilidad na kasama sa pakikipag-ugnayan. Tumutukoy rin ito sa pagiging matalino sa
pagpapasiya at pagsusuri sa magiging resulta ng pasiya.
 Ang fraternity o sorority ay nabubuo batay sa iba’t ibang layunin. Maaaring ito ay nabuo para sa
panlipunang layunin kung saan ang mga kasapi ay binubuo lamang ng mga ekslusibong pangkat tulad
ng mga kalalakihan o samahan ng mga kababaihan.
 Sa maraming kabataan, ang sanhi ng kanilang pambubuska ay ang kagustuhan nilang maging sikat,
hangaan, o katakutan. Gusto nilang magkaroon ng imaheng “astig” o matapang.
 Ang pambubuska, o mas kilala sa bullying, ay ugaling dapat iwasan sapagkat ito ay isang uri ng
karahasan na naglalayong maging makapangyarihan sa pamamaraan ng pananakot at pananakit sa
mga mahihina.
 Ang pambubuska ay may negatibong epekto sa biktima nito kung kaya dapat makibahagi ang bawat
isa na pigilan ito.
 Ang pambubuska ay nakasasakit at nagdadala ng takot sa isang tao. Ito ay paglabag sa kaligtasan at
buhay ng kapwa. Ang pakikisangkot sa pagtutol at pagsupil sa pambubuska ay pagpapakita ng
paggalang at pagmamahal sa dignidad at buhay ng sarili at kapwa.
 Ang cyber o Electronic na Pambubuska ay paraan ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya at
media tulad ng Internet, email, text messaging, video gaming, chat rooms, o websites ay nagagawang
takutin, saktan, ipahiya, at siraan ang kapwa.
 Ang pasalitang pambubuska ay maaaring maisalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng mga
masasakit na pananalita. Ilang halimbawa ay ang panunukso, panunuya, pambabansag at pagbabanta.
 Ang pisikal na pambubuska ay ginagawa sa pamamagitan ng pananakit sa katawan. Ito na marahil ang
pinakamarahas na uri sapagkat nakapaloob dito ang panunulak, pandudura, paninipa, panununtok, at
pambubugbog. Kasama rin ang paninira at pagnanakaw ng mga gamit ng biktima.
 Ang seksuwalidad ay pagpapahayag ng pagkababae o pagkalalaki ng isang tao. Ibig sabihin, ito ay
higit pa sa kasarian, sa halip ay kasama na rito ang kilos, saloobin, at kaisipan ng isang tao sa
kaniyang pagiging babae o lalaki.
 Ang agwat-teknolohikal ay tinatawag ding digital divide. Ito ang agwat na nangyayari sa pagitan ng
mayayaman at mahihirap na bansa sa pagkakaroon ng information and communications technology o
ICT.
 Ang teknolohiya ay ang paggawa ng mga bagay na makatutugon sa pangangailangan at
makapagbibigay ng solusyon sa suliranin ng tao. Ginagamit ito ng tao upang higit na maging madali at
maayos ang pagsasagawa ng kaniyang gawain.
 Ang migrasyon ay ang pag-alis ng tao sa isang lugar at paglipat sa panibagong lugar. Intensiyon ng
migrante na manirahan nang mahabang panahon kundi man pirmihan sa piniling bagong lugar.
 Ang panlipunang pambubuska ay ginagawa sa pamamagitan ng pamamahiya at tahasang pagbibintang
sa harap ng maraming tao. Nakapaloob dito ang hindi pamamansin, pag-iwas, at paglayo sa biktima o
pagkokontrol at pagmamanipula ng kapwa.
 Ang pambubuska o bullying ay ugaling dapat iwasan sapagkat ito ay isang uri ng karahasan na
naglalayong maging makapangyarihan sa pamamaraan ng pananakot at pananakit sa mga mahihina.
Maisasalarawan ito bilang palagiang pag-atake o pananakit sa damdamin, katawan, at pangkaisipang
aspekto ng kapwa-tao.
 Ang Fraternities at sororities ay hindi naiiba sa mga makabuluhang mga institusyon o grupo.
Hinihikayat nito ang bawat kasapi na italaga ang kanilang sarili sa mga mabubuting adhikain para sa
kapwa.
 Ilang palatandaan na maaaring gamitin upang malaman kung ikaw o ang iyong kapwa ay biktima ng
pambubuska.
-Depresyon
-Pagkabahala
-Kalungkutan
-Agresiyon
-Pagkaranas ng suliranin hinggil sa pag-aaral
-Pagkawala ng tiwala sa sarili
-Pagkawala ng gana sa pakikisalamuha sa iba
-Pagkabagabag tungkol sa isyu ng kaligtasan
-Pagsubok sa masasamang bisyo

 Limang tunay na layunin ng fraternities at sororities.


Kapatiran
Pakikipagkapwa
Serbisyo sa Pamayanan
Pamumuno
Akademikong Pag-unlad

You might also like