Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Edukasyon

Sa ating bansa, libre ang edukasyon sa mga pampublikong paaralan. Binibigyan ng pagkakataon ang bawat
kabataan sa ating pamayanan na makapag-aral at linangin ang kanilang kaalaman. Sa lumalaking populasyon natin,
dumarami ang mga batang nangangailangang pumasok sa paaralan. Ngunit, wala sa proporsyon ang bilang ng mga
estudyante sa bilang ng mga pampublikong paaralan at mga gurong nagtuturo dito. Sa kakulangan ng mga titser,
naaapektuhan ang kalidad ng edukasyon na naibibigay sa mga estudyante. Sa kuwento ni Matute,
animnapung bata ang tinuturuan ni Bb. de la Rosa. Ito ay isang malaking bilang kung iisipin. Sa isang maliit na silid-
aralan ay halos doble ng normal na kapasidad ang ipinagsisiksikan sa isang kuwarto. Idagdag pa dito ang morning
at afternoon classes sa iilang unang taon ng mababang paaralan. Ito ay isang katotohanang hindi natin maitatanggi.

Sa dami ng estudyanteng hinahawakan ng isang guro at sa kaunting bilang ng mga nagtuturo ay hindi na naaatupag
ng titser ang bawat isa sa kanyang mga estudyante. Dahan-dahang nawawala ang personal touch ng guro sa
kanyang mga anak sa paaralan. Mabibilang nalang ang mga titser na may dalisay na malasakit sa kanilang mga
estudyante. Hindi naman natin sila masisisi sa sitwasyong ito sapagka’t ang sistema na mismo ang nagdudulot ng
pangyayaring ito. Kung mas mababa ang bilang ng mga batang hinahawakan ng isang guro, mas magkakaroon
siguro siya ng oras para sa bawat isa.

Gayunpaman, dapat din nating bigyang halaga ang pagsisikap ng mga estudyanteng pumunta ng paaralan para
matuto. Hindi man kagaya noon ang sitwasyon na hindi sila nagsisiksikan sa isang silid, pinili pa rin nilang mag-aral
sa halip na nakatamabay lang sa kani-kanilang mga tahanan. Ganoon din ang pagpapahalaga natin sa mga gurong
tunay na mga bayani. Hindi madali ang pagtuturo lalo pa kung marami ang dapat pagpasahan ng kaalaman.
Matiyaga pa rin silang nagtuturo kahit anupamang sitwasyon ang ikinahaharap nila.

Narito ang isang bideyong nagpapakita ng epekto ng kahirapan sa edukasyon:

You might also like