Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kahirapan

Isang malaking isyu ang kahirapan sa ating bansa. Marami sa ating mga kababayan ang hindi
nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Maraming mga bata ang nanlilimos sa daan.
Ipinakita sa kuwento ang isa sa mga pinakasensitibong isyung kinahaharap ng Pilipinas.
Malalim ang nais iparating nito. Sa paggamit ng isang walong taong gulang upang irepresenta
ang naaapekutuhan ng karalitaan, makikita natin ang isa na namang katotohanang hindi natin
maitatangging nangyayari sa ating lipunan. Sa murang edad ay nararanasan na ng iilang
kabataan ang mamuhay sa kakulangan. Ang ilan, kung hindi palabuy-laboy sa daan, ay
pinagtatrabaho ng kanilang mga magulang. Bumababa ang tingin nila sa kanilang mga sarili
dahil sa estado nila sa buhay. Kagaya ni Leoncio Santos na palaging mapag-isa, lumalayo sila
sa karamihan. Imbis na maging pag-asa at kinabukasan ng bayan ang kabataan, sa murang
edad pa lamang ay nawawalan na sila ng ideya ng magandang umaga.

You might also like