Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

LAKBAY-SANAYSAY

- Ito ay isang uri ng pagsulat na ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa
paglalakbay.

- Ito ay tinatawag ding travel essay o travelogue.

- Ayon kay Nonon Carandang, ang tawag niya rito’y sanaylakbay (sanaysay, sanay, lakbay).

- Naniniwala si Nonon Carandang na ang uri ng sanaysay na ito ang pinaka-epektibong gamitin upang
itala ang mga naranasan sa paglalakbay.

Mga Dahilan Kung Bakit Mahalaga ang Pagsulat ng Lakbay-sanaysay

1. Itaguyod ang isang lugar at kumita


2. Patnubay para sa ibang manlalakbay
3. Pagtatala ng pansariling kasaysayan sa paglalakbay
4. Pagdodokumento

Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-sanaysay

1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista


- Mahalagang malinaw sa kanyang isip ang pakay o layunin hindi katulad ng isang turista na ang layunin
ay maglibang lamang.

2. Sumulat sa unang panauhang punto de bista


- Ang karamihan sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita, narinig, naramdaman, at naranasan ng
manunulat.

3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay


- Pokus batay sa Human Interest
(hal.) katauhan, magagandang landmark, gusali/establisyemento, pagkain, libangan, atbp.

4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan habang naglalakbay


- Dokumentasyon gamit ang kwaderno o device. Mahalagang ilista ang mahahalagang lugar, gusali,
restoran, kalye, at iba pang napuntahan para sa kredibilidad ng sanaysay.

5. Ilahad ang mga realisasyon o natutuhan sa ginawang paglalakbay


- Ito ang magsisilbing pinakapuso ng sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mga mambabasa ang mga
gintong-aral na nakuha bunga ng epekto ng ginawang paglalakbay.

6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay


- Sikaping ang susulating sanaysay ay maging malinaw, organisado, lohikal, at malaman.

You might also like