Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

(Batay sa Kto12 Kurikulum)


Gurong Nagsasanay Lauren Joy Solomon Antas 10
Gurong Tagapagsanay Gng. Julie M. Montemayor Seksiyon Aphrodite/ Apollo
Asignatura Filipino Oras
Petsa ng Implementasyon April , 2024 Markahan Ikaapat

Ikaapat na Markahan
I. Mga Layunin:
A. Pamantayang naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga
Pangnilalaman sa El Filibusterismo
B. Pamantayang Naisasalaysay muli ang mga pangyayari sa Kabanata 10 ng El
Pagganap Filibusterismo: Kayamanan at Karalitaan.

Mga Tiyak na Layunin:


A. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa Kabanata 10:
Karangyaan at Karalitaan;
B. Nakapagbabahagi ng sariling saloobin tungkol sa paksang Karangyaan
at Karalitaan; at
C. Naisasalaysay muli ang mga pangyayari sa Kabanata 10 ng
El Filibusterismo: Kayamanan at Karalitaan.

II. Paksang-aralin.
Paksa: Kabanata 10: Karangyaan at Karalitaan
Pagpapahalaga Pagpapahalaga o paggalang sa damdamin at
estado ng buhay ng iba; Kooperasyon at Disiplina

III. Mga Kagamitang Pampagtuturo

A. Sanggunian Ginintuang Pamana El Filibusterismo pahina. 46-51

B. Iba Pang Kagamitang Panturo laptop, t.v, mga larawan, videoclip presentation,
powerpoint presentation,
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
(Pipili ang guro ng isang kinatawan sa klase upang Mag-aaral 1: Tayo ay tumayo at manalangin.
pangunahan ang panalangin.)

2. Pagbati
Magandang umaga, Grade 10 (pangalan ng seksiyon). Magandang umaga rin po, Ma’am!

Bago kayo umupo, pakitingnan kung maayos ang


inyong mga upuan at kagamitan. Opo, Ma’am!

Maraming salamat! Maaari na kayong umupo.


Salamat po, Ma’am!

3. Pagtatala ng Lumiban
Bago natin simulan ang talakayan, hinihingi ko ang
atensiyon ng ating kalihim upang ipaalam kung sino
ang mga lumiban sa klase. Kalihim: Wala pong lumiban sa klase, Ma’am.

4. Pagbabalik-Aral

Ano nga ba ang tinalakay natin sa nakaraan nating Ang tinalakay natin noong nakaraang
pagkikita, Jeromy? pagkikita ay tungkol sa Kabanata 9: Mga Pilato.

Ang mga tinutukoy po roon na mga pilato ay


Magaling at sino ang tinutukoy roon na mga pilato sa ang mga Prayle kung saan tulad ni
kabanata? Pontio Pilato ay ginamit ang
kanyang kapangyarihan upang
pagbintangang makasalanan si Hesus o
Mahusay at ano ang natutuhan mo sa tinalakay natin si Kabesang Tales naman sa kabanatang ito.
kahapon?

Natutuhan ko po na kailangan ng mga Pilipino


Mahusay. Bigyan natin siya ng ang “Galing mo Clap” na matutuhan ang salitang pagkakaisa,
tulad halimbawa kapag may kababayan
B. Paglinang ng Gawain tayong nahihirapan ay nararapat natin
silang tulungan kaysa magwalang- bahala
1.Pagganyak lamang.
Kan-Tanong !
Bago tayo tumungo sa ating paksa ay pakinggan muna
natin ang isang awitin na pinamagatang “Tatsulok” at
mamaya ay aalamin natin kung bakit nga ba tatsulok
ang pamagat ng awiting ito Ipapanood na ng guro ang Manonood ang mga mag-aaral.
isang maikling bidyu ng awitin.

Okey, tapos na ang awitin, at dahil tatsulok ang


pamagat ng ating pinakinggang awitin ay anong likas
na yaman ang pinakakilala niyo na hugis tatsulok? Ang pinakakilala pong likas na yaman
sa ating bansa o sa bicol ay ang
Okey, Mahusay. Bulkan Mayon. Bulkang Mayon na matatagpuan sa Albay,

Ngayo’y sukatin natin ang inyong naunawaan sa


awiting tatsulok sa pamamagitan ng mga katanungan Inihalintulad ito sa mahirap at mayaman
(nasa loob ng Bulkan mayon). sa ating lipunan na ang
ibabang bahagi ng tatsulok ay
Sino ang makakapagbigay kung bakit Tatsulok ang tinutukoy nito ang mga
pamagat ng awiting napakinggan? mahihirap at ang nasa itaas naman
Tumpak! Ang Tatsulok nga ay ginamit na simbolismo na bahagi ay tumutukoy sa mga mayayaman.
para sa mga mahihirap at mayayaman sa ating
lipunan.
Ang nilalaman po ng awitin ay ang di matapos-
Ano naman ang nilalaman ng awitin? Mahusay. tapos na gulo dahilan sa diskriminasyon sa
At sino kaya ang totoy na nasa awitin? lipunan sa pagitan ng mahihirap at
Brendalin? mayayamanIto po ay tumutukoy sa mga
mahihirap.
Magaling.
Ano ang sinabing solusyon sa awitin?

Tumpak. at sa palagay ninyo sa papaanong Nakasaad doon na baliktarin daw ang tatsulok.
paraan kaya natin magagawa iyon? Ang mga mahihirap na ang ilagay sa tuktok.

Mahusay. At ngayon ay tungkol kaya saan ang


araling tatalakin natin ngayon?
Sa pamamagitan po ng pag-aaral ng mabuti
Magaling. Tama, ang ating paksa ngayong umaga upang makatapos at maiahon ang pamilya sa
ay tungkol sa karangyaan at karalitaan. kahirapan.

Tungkol po sa mahihirap at mayayaman


2. Paglinang ng Talasalitaan
BAUL NG TALASALITAAN !
Ngayon ay bigyan muna natin ng
pagpapakahulugan ang mga di-pamilyar na salita
sa ating aralin.

Bakit kaya Baul ng Talasalitaan ? Ano ang nakikita Baul maam at susi po maam.
niyo sa pisara

Tama, at ano ang napapansin niyo sa mga baul at Sa loob po ng baul maam mga kahulugan at sa
susi na iyan? mga susi naman po ay mga salita.
Mahusay! Ang gagawin niyo lamang ay Ilalagay
niyo ang mga diyamanteng salita sa tamang baul
na naglalaman ng tamang kahulugan ng mga salita
ito. Maliwanag po Ma’am !
Maliwanag ba Grade 10?

Viceroy- representatib ng president o kaya ay


pangalawang pangulo.
Tenant- Nangungupahan
Agnus- Kuwintas
Revolver- maikling baril
Reliko- Larawan
Pagtalakay

Ngayon ay ating panuorin muna ang isang


maikling bidyu tungkol sa Kabanata 10: Ang
Karangyaan at Karalitaan.
Ipapanood ng guro ang inihandang bidyu sa mga
mag-aaral.

Upang suriin ang nilalaman ng bidyu ay


magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.

Makinig na sa panuto ang lahat.

Ang bawat pangkat ay bubunot sa loob ng kahon


ng gawain na ito ng kanilang gagawin.

Okey, narito na ang gagawin ng bawat pangkat:

Sa Unang Pangkat :
ay nabunot nila ang “SPOKEN POETRY”
Gagawa kayo ng isang maikling spoken poetry
tungkol sa kahirapang nararanasan ni Kabesang Bubunot na ang bawat pangkat.
Tales.
Ikalawang Pangkat:
CONCEPT MAP:
Gamit ang Concept Map ay ipapakita ninyo kung
ano nga ba ang isinisimbolo ng kayaman ni
Simoun sa Kabanata.

Ikatlong Pangkat:
BATAS
Kung kayo ay bibigyan ng pagkakataon na
gumawa ng isang batas para sa mga mahihirap,
ano iyon at bakit?

May katanungan ba ang bawat pangkat?


Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto para
gawin iyan.

Maliwanag ba?
Wala na po
Bago niyo simulan ay narito muna ang magiging
Pamantayan sa Pagmamarka. Maaari mo bang
basahin Vince?

Maraming Salamat Vince. Maliwanag po.

Ang inyong limang minuto ay magsisimula na.


Pamantayan sa Pagmamarka
Mahusay. Bigyan natin sila ng “Hanep Clap”
Nilalaman- 50%
Mahusay. Pangalawang Pangkat. Bigyan natin sila Presentasyon- 30%
ng “Wow Clap” Kooperasyon ng- 20%
Okey! Mahusay. Bigyan natin ng “Firework Clap” Pangkat
ang pangatlong pangkat. Kabuuan: 100%
Paglalapat
Unang Pangkat:
Ngayon ay gamit ang ating mahiwagang libro ay
Isang nilalang na nakakaranas ng kapighatian
ikukuwento ninyong muli ang mga pangyayari sa
bawat kabanata batay sa mga larawang ibibigay Ng di-pagkakapantay sa lipunan
ko. Inaabuso’t sa halip na tulungan
Ngunit patuloy na nagpapakatatag sa kabila ng
Maliwanag ba?
kahirapan.
Ikalawang Pangkat:

Pangatlong Pangkat:
Para po sa amin ang batas na iyon ay ang pagbabawal
ng diskriminasyon sa mga mahihirap ang batas na
magtatanggol sa kanilang karapatan na mamuhay ng
payak at tahimik .

Si Simoun ay nakituloy sa bahay nila Kabesang Tales

Isa-isang nagsidatingan ang mga taong titingin sa mga


alahas ni Simoun.

Bawa’t isa ay pumili ng kanilang naibigang alahas


maliban kay Kabesang Tales

Iminungkahi ni Sinang ang agnus na natitirang alahas


ni Juli kanila Kabesang Tales.

Nagpaalam si Kabesang Tales na ipaalam na muna


niya sa kanyang anak na si Juli

Habang patungong bayan ay nakita ni Kabesang Tales


ang prayleng tagapangasiwa kasama ang lalaking
nagmamay-ari ngayon ng kanyang lupain.

Mahusay! bigyan ng Limang Bagsak ang inyong


mgha sarili !

Kinaumagahan ay wala na si Kabesang Tales at ang


rebolber ni Simoun at naroon na lamang ang agnus ni
Paglalahat Juli at isang sulat mula kay Kabesang Tales na
Ngayon ay sukatin natin ang inyong natutuhan. naglalaman ng kanyang paghingi ng paumanhin at
Gamit ang larawan na ito ay iugnay nga natin ito pagpapa- alala para sa kaligtasan nito.
sa kuwentong tinalakay? Sinabi ni Simoun na natagpuan na niya ang
kanyang hinahanap
Sino ang maaaring makapagpaliwanag sa kuwento
gamit ang larawang ito?

Tumpak! Tulad ng nasa larawan ay habang


nagtatrabaho si Kabesang Tales ay sinasamsam
naman ito ng iba kung kaya’t hindi niya nalalasap
ang bunga ng kanyang pagod.

Ngayon ay tumingin kayo sa inyong paligid at


magbigay ng isang bagay na sumisimbolo sa
inyong natutuhan sa ating aralin ngayon.Saan
ninyo maihahalintulad ang mahirap at mayaman
sa ating lipunan sa mga bagay na nasa ating
paligid?
, Mahusay.
Ngayon ay para sa kabuuan. Ano kaya ang
maaari nating hashtag ngayong araw?

Sa kabanatang ito ay ipinakita kung paano inagawan


Okey ano pa? ang mga mahihirap ng mga mayayaman. Tulad ni
Kabesang Tales na biktima ng pang-aagaw ng mga
prayle.
Okey, mayroon pa bang katanungan?

Maliwanag na ba ang lahat?

Para po sa akin ma’am ay sa isang Ruler po.


Natutuhan ko po na kailangan nating tratuhin
ng pantay-pantay ang lahat ng tao sa ating
lipunan maging ito man ay mahirap o mayaman
sapagkat ang tunay na kapayapaan at pag-
unlad ay nakasalalay sa lahat ng ating mga
kamay, mahirap ka man o mayaman.

#pantay-pantay

# karapatan

Wala na po.

Maliwanag na po.
Pagtataya
PAGTAPAT-TAPATIN: Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasagutang hinahanap sa Hanay A. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa unahan ng bawat bilang.

___1. Nakituloy sa bahay ni Kabesang Tales a. Kapitan Basilio


___2. Kaibigang matalik ni Maria Clara b. Simoun
___3. Panginoon ni Juli c. Kapitana Penchang
___4. Bumili ng kairel para sa alperes d. Sinang
___5. Bumili ng relikaryo e. Kapitana Tika
___6. Ipinalit sa rebolber ni Simoun f. Laket
___7. May suot ng “locket” noong pista sa San Diego g. Maria Clara
___8. Sumama sa mga tulisan h. Pari Salvi
___9. Pumupuri kay Maria Clara i. Kabesang Tales
___10. Kinuha ng mga Guardia Civil j. Tandang Selo
k. Bagong kasama ng pari

Susi sa Pagwawasto

1. b 6. f

2. d 7.g

3. c 8. i

4. a 9. h

5. e 10. J

V. Takdang-aralin

Gamit ang LADDER CHART ay pagsunod-sunurin ang mahahalagang pangyayari sa Kabanata 11: Los
Baños sa isang buong papel.

Sanggunian: Klasikong Pilipino IV: Pagbabalik Tanaw sa El Filibusterismo pahina 96


Inihanda ni:

LAUREN JOY F. SOLOMON__________


Gurong Nagsasanay

Sinuri at inaprubahan ni:

___________________________________
JULIE M. MONTEMAYOR
Gurong Tagapagsanay

Nabatid:

----------------------------------------------------------------
SALOME S. SABANGAN
Ulong-guro III

---------------------------------------------------------------
-
CONFUCIOUS T. CRISTOBAL, PhD
Punong-guro IV

You might also like