Filipino Reviewer LT 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGSASALING-WIKA

WIKA
● Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.
● Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog at mga kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
● Instrumentong maituturing upang magkaunawaan ang bawat isa.
PAGSASALING-WIKA
- ito ay ang mga pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa
at estilong nasa wikang isinalin.
- Ang isinasalin ay ang diwa talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito

Kahalagahan ng Pagsasaling-Wika
1. Malaki ang papel na ginampanan ng pagsasaling- wika sa paglaganap ng
Kristiyanismo sa ating bansa
2. Pagtatamo ng kalayaan ng ating bansa
3. Sinalin ang mga bantog na dula sa daigdig upang makapangaliw sa mga
Pilipino noong panahon ng digmaan.
4. Ang pakikibaka sa larangan ng agham at teknolohiya

MGA PAMANTAYAN SA PAGSASALING-WIKA


a. Alamin ang paksa ng isasalin
b. Basahin ng ilang beses ang tekstong isasalin
c. Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga
salita
d. Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa.
e. Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong
nagsasalita ng wika ang iyong isinalin
f. Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinang sa pagdaan ng panahon
at napagbubuti ng karanasan

PROSESO NG PAGSASALING-WIKA
1. Pagtutumbas
● Direktang isinasalin ang salita mula sa orihinal na wika, tungo sa
wikang pagsasalinan.
● Epektibo ito kung payak lamang
➢ Halimbawa:
Peace – Kapayapaan
For the welfare of all – para sa kapakanan ng lahat
2. Panghihiram
● Panghihiram ng salitang banyaga ngunit itinuturing din nating sariling
atin o bahagi ng ating kultura
➢ Halimbawa:
Table – mesa (la mesa, Spanish)
Design – disenyo (diseño, Spanish
3. Adapsyon
● Mga banyagang salita na hindi na kailangang baguhin ang baybay o
isalin. Maaaring dagdagan lamang ng panlapi
● Gamit ang parehong baybay
➢ Halimbawa:
Ayon sa senador wala umanong legal na basehan ang panukalang
pagsususpindi ng writ of habeas corpus
● Gamit ang parehong baybay na may panlapi, at agham
➢ NaCI, “pinag”
4. Pagsasaling Idyomatika
● Hindi nakabase sa kahulugan lamang ng salita, kung hindi maging sa
pakahulugan na dinadala ng idyomang ginamit.
➢ Halimbawa:
Josh’s dad visits once in a blue moon.
Ang tatay ni Josh ay napaka bihira ng bumisita.
5. Pagsasaling Pampanitikan
● Malikhaing pagsasalin ng akda kung saan kailangan ng ikonsidera ang
maraming elemento

MITOLOHIYA
MITOLOHIYA
● Galing sa dalawang salitang Griyego
“mythos”- salaysay ng tao
“logos”- pag-aaral
● Tungkol sa pamumuhay, gawi at pag-uugali.
● Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng mga
tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan.

DEBATE
● Tinatawag ding PAKIKIPAGTALO na may estruktura.
● Isinasagawa ng dalawang grupo o indibidwal na may magkaibang opinyon
tungkol sa particular na paksa
ELEMENTO NG DEBATE
● Proposisyon (Sumasang-ayon)
● Oposisyon (Sumasalungat)
● Tagapamagitan (Moderator)
● Hurado
● Pagpapabulaan (Rebuttal)
● “Timekeeper”
● Paksa/Isyung Pinagtatalunan
Katangian ng Mahusay na Debate
Nilalaman - Dapat ay may sapat na kaalaman tungkol sa paksa.
Estilo - Paraan ng pagsasalita ng mga debater.
Estratehiya - Kahusayan sa pagsalo at pagsagot patungkol sa argumento o paksa.

Mga Uri o Pormat ng Debate


1. Debateng Oxford
- Ang bawat kalahok ay magsasalita lamang nang minsan, maliban na
lang sa unang tagapagsalita na wala pang sasalaging mosyon kaya’t
mabibigyan ng pagkakataong magbigay ng rebuttal.
2. Debateng Cambridge
- Ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang magsalita. Una,
upang ipahayag ang kanyang patotoo (constructive remark) at
pangalawa ay upang ilahad ang pagpapabulaan (rebuttal).
3. Mock Trial
- Pagpapanggap ng mga kalahok bilang mga manananggol (attorney)
sa isang paglilitis. Mauuri rin ito sa isang dula-dulaan.
4. Impromptu
- Masasabing ma impormal kumpara sa ibang uri ng debate sapagkat
binibigay ang paksa 15 minuto bago magsimula ang pagtatalo at
bawat miyembro ng dalawang panig ay may 5 minuto para magsalita.
5. Turncoat
- Kakaiba sa lahat ng debate dahil ito ay isinasagawa ng isnag tao
lamang. Ang kalahok ay magsasalita ng proposisyon sa loob ng
dalawang minuto at sumunod ang oposisyon

ANEKDOTA

Anekdota
● Isang kuwentong nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang
tao. Layon nitong makapagpabatid ng isang magandang karanasan na
kapupulutan ng aral.
● Pag kwento ng panyayari sa ibang tao
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ANEKDOTA
● Alamin ang paksa
● Alalahanin ang detalye
● Pag lalahad ay wag muna sabihin ang kasukdulan
● Pagwawakas ay isaalang alang ang kakintalan
Apat na Komponent o Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo

1. Gramatikal
- Ang nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang epektibong
makipagtalastasan gamit ang angkop na tuntuning panggramatika
2. Sosyo-lingguwistik
- Nagbibigay kakayahan sa nagsasalita upang magamit ang salitang
naaangkop sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan
ginagamit ang wika.
- Anong salita ang angkop sa partikular na lugar at sitwasyon?
- Halimbawa
- Sandra (taga-Cebu): Naku Sally! Umalis ka diyan sa upuan mo kasi
maraming ibon!
- Sally (taga-Maynila): Anong ibon ang sinasabi mo? Eh wala naman
akong nakikitang lumilipad.
- Kaibigan – Tol! Tara na sabay na tayong kumain!
- Guro – Magandang araw po, Bb./Mam/Sir, kain po tayo.
3. Diskorsal
- Nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang binibigkas at wikang
ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid
ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe.
- Halimbawa
- Nelson Mandela, mahusay, pinuno hinahangaan ng maraming tao.
- Si Nelson Mandela ay isang mahusay na pinuno kaya’t hinahangaan
siya ng maraming tao.
4. Strategic
- Nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na mga
hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe upang
maiwasan ang di-pagkakaintindihan.
- Halimbawa
- Edna: Magandang umaga po! Saan po ba ang bahay ni Kara?
Tindera: (Itinuro ang kinaroroonan ng bahay gamit ang daliri)

You might also like